Napabuntong-hininga ako sa aking naalala at dahan-dahan ay tumayo na ako upang harapin ang sinag ng araw. Gusto kong namnamin itong kalayaan na meron ako dahil kailangan kong sumugal.
Kailangan kong gumawa ng paraan upang maisagawa ang mga plano ko.
Sawa na akong ipakitang mahina akong babae. Sawa na akong maging palaasa. Kailangan ko na sigurong bumalik sa dati kong katauhan.
Napangisi ako sa aking naisip. Siguro naman panahon na rin na dahan-dahan ko na ring isagawa ang paghihiganti ko sa loob ng palasyo mismo.
Matagal akong nagtiis bilang isang bayarang babae. At nagpanggap ako ng matagal upang maisakatuparan lamang ang balak ko na patayin ang isa sa mga tauhan ng hari noon na siyang nagmamay-ari ng bar na pinapasukan ko.
Gusto ko rin makakuha ng impormasyon kung saan nagtatago at naninirahan ang mga lobong sumira sa pamilya ko.
Ngunit kataka-taka kung bakit wala man lang akong nakuha. Nauwi lamang sa wala ang lahat ng aking pinaghirapan kung kaya't susugal na naman ako na pasukin ang palasyo ngunit ngayon ay mas kailangan ko nang magpanggap at itago ang kakayahan ng aking dugo. Kailangan ay hindi makatunog ang hari na nasa loob na pala ako ng kaniyang pamamahay.
Ayaw ko rin na malaman nito ang tungkol sa akin. Lalo na ngayon na pinaparusahan akong maipareha sa kaniya.
I hate the fact that he's my mate. Pero wala akong magawa dahil sinumpa akong maipareha sa taong dahilan ng pagkamatay ng aking ama.
Kahit pa alam kong pinatay ni Kaizen ang ama nito makuha lamang ang trono ay hindi ko magawang magsaya. Alam ko kasi na kahit anong gawin nito ay hindi maiaalis ang katotohanan na ito ang pumatay sa aking ama.
He's the reason why I am like this.
Kung bakit ako nasasaktan at kailangan mamuhay na tila isang taong nakabilanggo.
Nakakulong ako sa mga mapapait kong karanasan. At nakakainis sapagkat hindi ko man lang maisaayos itong buhay ko.
Kahapon lamang ay nakatakas akong muli mula sa mga kamay ng hari dahil na rin sa tulong ng isang taong inakala kong trinaydor ako.
Matagal rin akong nagpanggap na wala akong kakayahang makipaglaban lalo na nang pumasok ako sa isang grupo laban sa hari. Ngunit ang hindi nila alam ay kumukuha lang din ako ng impormasyon mula sa kanila na sa wakas ay nagbunga rin ang paghihirap ko. Sa wakas nagawa ko na ring makuha ang isa sa mga impormasyon ng lalaking siyang nanakit sa aking ama.
Nasa palasyo ito at isa sa mga nakabilanggo.
Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng pagkabilanggo nito pero wala na akong pakealam roon ang mahalaga ay mapasok ako ang palasyo at magawa kong kitilin ang buhay ng lalaking may pilat ang gilid ng kanang mata.
Gagawin ko iyon bilang ganti sa pananakit nito sa aking ama at bilang ganti na rin sa sakit na pinadanas nito sa aming pamilya.
Hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin ang sigaw ng aking ama at ang mga daing nito.
Hindi ganoon kadaling kalimutan ang mga pinadanas nila sa aking pamilya.
Inagaw nila ang aking ina na hanggang ngayon ay hindi ko na alam kung nasaan na ito. Basta na lamang nila iniwan na wala nang buhay ang aking ama at umiiyak ang aking ina na inilayo nila mula sa akin.
Gusto ko noon na habulin sila ngunit pinigil ko ang sarili ko dahil simula ng gabing iyon ay bumuo ako ng pangako na hinding-hindi ako papayag na hindi ko maipaghiganti ang aking ama.
Sinunog ko ang bahay namin at hinayaan kong makulong sa apoy ang lahat ng magsisilbing paalala ng masasakit na naganap sa aking buhay.
Kasama sa natupok ng apoy ay ang katawan ng aking ama.
Ngunit kasabay rin ng matinding pagliyab ng apoy ay ang pagliyab ng galit sa aking dibdib.
Hanggang ngayon dala-dala ko ang galit ko para sa mga taong naroon sa mga panahon na iyon.
Kaizen...
Mahinang bulong ko sa isip ko at saka ako napangisi.
Hintayin mo lang na ako mismo ang lalapit sa'yo. Pinapangako ko na nalalapit na iyon sapagkat kailangan ko na ring maplano kung paano kita mapaslang.
Tanda ko pa rin ang mga mata nito noong binigkas nito ang mga salitang sa kaniya lamang ako.
Tila ba bumalik sa aking alaala ang gabi kung saan binigkas rin nito ang parehong mga salita. Ngunit sa panahong iyon ay bata pa ito. At dahil maaga lamang nagising ang lobo nito. Ay maaga rin nito napagtanto na ako ang kaniyang mate.
Pero hindi ko na inisip ang bagay na iyon noon dahil akala ko noon ay wala lang iyon.
Hindi ko naman inasahan na siya talaga ang magiging kapareha ko hanggang ngayon.
Ngunit kahit pa sabihing nakatadhana kaming maging magkapareha ay wala pa rin itong magagawa oras na magawa ko nang maisakatuparan ang matagal ko nang inaasam.
Buti na nga lang at namana ko ang kakayahan ng lobo sa aking ina na isang lobo. Dahil oras na namana ko ang kakayahan lamang ng aking ama ay mas mapapadali kay Kaizen na gawin ang nais nito sa akin.
Napatingin ako sa isang maliit na lamesa kung saan ko inilapag ang maliit kong bag.
Lumapit ako roon at binuksan ko iyon. At mula sa loob ay inilabas ko ang isang maliit na bote na katulad ng boteng binigay ng aking ama.
Sa tagal ng panahon ay naperpekto ko na rin ang ang paggawa ng gamot na siyang magtatago ng aking halimuyak.
Hindi ko pa iyon ginamit noong nasa loob pa ako ng bar dahil gusto kong maulol sa akin ang lahat ng lobo. Hindi ko naman inaasahan na makikilala at magkikita kami ng hari.
Hindi ko rin inaasahan na aangkinin ako nito imbes na tanggihan ang kung anong koneksyong meron kami.
Ngunit ngayon na malaya na muli ako ay kailangan ko nang maitago ang aking amoy. Kailangan ko kasing pumasok ng palasyo.
Humigpit ang hawak ko sa bote at napangisi ako. Akalain mo namang magkikita tayong muli Kaizen...
Memoryadong- memoryado ko ang iyong pangalan. Iyon ang pangalan na tumatak sa akin. Dahil iyon ang pangalan na siyang sumira sa lahat ng meron ako.
I gritted my teeth in anger. Kung bakit kasi sa lahat ng pwedeng maipareha sa akin ay ang lalaki pang iyon!
I would rather die kaysa ang tanggapin na siya ang kailangan kong makapareha.
Nandidiri rin ako sa kaalaman na hahawakan niya ako gamit ang mga kamay na siyang ginamit nito upang paslangin ang aking ama.
Siguro nga ngayon ay nauulol na ito sa kakahanap sa akin.
Ngunit hindi ako tanga para ibigay ang nais nito.
Hindi ako tanga para hayaan ang sarili ko na maging isang laruan ng isang haring mamamatay tao.
Hintayin mo lang ako Kaizen dahil sisiguraduhin kong magagawa kong sirain ang lahat ng meron ka. Pati na ang mga bagay na mahalaga sa'yo.