"Uyy may problema ba? Kanina ka pa tinitingnan ng mga panauhin bakit hindi ka nagsasalita. Isa pa ano ba iyang tinitingnan mo?" Nagising ang aking diwa sa sinabi ng aking kanang kamay at nung akma nitong sisilipin ang tinitingnan ko ay agad na akong nagsalita.
Para kasi akong baliw! Ano ba tong pinaggagawa ko?
"Alam kong nasabi na sainyo kung bakit niyo kailangang pumunta sa mahalagang okasyon na gaganapin sa susunod na araw rito sa palasyo. Ang okasyon ay hindi lamang paraan para mahanap ang aking reyna kundi para magkaroon ng kasiyahan at upang mapalapit ang baway isa. at kung palarin man ako na mahanap ang magiging reyna niyo sa oras ng okasyon. Edi mas maganda dahil gusto kong makibahagi kayo rito to welcome your future queen. At gaya ng pinangako ko sa inyo ako na ang hari niyo ay ibibigay ang lahat ng kinakailangan niyo pati na ang proteksiyon na kailangan niyo. So as what I have said ibibigay ko lahat ng kailangan niyo and all your needs ay nasa kaniya kaniya niyo nang kwarto. And the beta will lead you towards there. Make the palace your home at huwag kayong mahiyang sabihin ang mga bagay na kailangan niyo. Nauunawaan ba?" mahabang pahayag ko na kinasanhi ng pagtango nilang lahat ngunit kita pa rin na may kani kaniyang reaksiyon pa rin ang mga ito. Meron ay naguguluhan ngunit halos lahat ay nagagalak sa nangyayari. Sapagkat sa wakas may pagkakataon ng makita ang reyna nila.
Ang isang reyna kasi ng palasyo ay hindi lamang tatayo bilang asawa ko kundi ito ang magsisilbing ina ng lahat ng mamamayan na nasasakupan ng aking pamamahala.
"Pero mahal na hari paano ninyo siya mahuhuli? At paano niyo po siya makikilala?" curious na tanong ng isang babae na sa tingin ko ay napakabata pa ngunit halata pa rin na matalino ito at gustong malaman ang lahat ng bagay na pwede nitong malaman.
"Makikilala at mahuhuli ko siya huwag kang mag-alala. Alam ko sa sarili ko na oras na makita ko siya ay mararamdaman ko kung siya nga ba talaga ang aking mate." Tumango ang dalaga sa aking sinabi at saka ngumiti ng pagkatamis tamis.
Kita sa mga mata nito na nagagalak ito at parang pati ito ay nais na rin mahanap ang mate nito. Her eyes doesn't lie. Halos lahat ng babae ay iyon ang pangarap pag sumapit na sila sa tamang edad ngunit ang mate ko ay mukhang kabaliktaran ata at ngayon ako itong nahihirapan.
"Beta pakihatid na lang sila at siguraduhin mo na lahat sila ay nasa maayos na kwarto at mabibigyan ng lahat ng pangangailangan nila." Ngumiwi ito saka sinamaan ako ng tingin na kinaismid ko lang. Napabuntong hininga ito saka nagmarchang naglakad habang nakasunod ang mga babae sa likod nito.
Ewan ko ba kung bakit ayaw na ayaw nitong makisalamuha kaya hanggang ngayon hindi rin nito nahahanap ang mate nito.
"Ano ba Brize para kang tanga 'di kita ihuhulog. dalian mo na kasi riyan. Ang bagal mo maglinis may gagawin pa tayong iba eh." Napatiim bagang ako sa narinig kong malakas na tawa mula sa kaniya. I felt greedy about it. Gusto ko ako lang ang makarinig no'n gusto ko sa akin lang siya tatawa o dapat ako ang mahing rason ng kaniyang pagtawa at hindi ang ibang lalaki.
Asar na asar ako at hindi ko napansin na naglalakad na pala ako papalapit sa kanila.At nang nasa malapait na ako ay napahinto sila at napatingin sa akin na puno ng pagtataka.
Kita ko naman ang kakaibang emosyon sa mga mata ni Luisa.
Nakakainis lang na nakakaya niya akong huwag kausapin at pansinin samantalang ang ibang lalaki ay game na game ito kung makipag-usap at nakikipagbiruan pa.
"Magandang umaga mahal na hari ano po ang maipaglilingkod namin?" sabi ng lalaking tagapaglingkod at bumaba muna ito at tinigil ang ginagawang paglilinis pagkatapos ay yumuko sa sila ni Luisa sa harap ko.
"Leave." Madiing pahayag ko. Nagulat sila at umangat na rin ang mukha ni Luisa showing me her face filled with questions. Pero ang nakakainis ay iyong hinawakan nito ang braso ng tagapaglingkod na tila ba aakayin niya palayo ang lalaki.
"I said leave!" galit na sigaw ko. Kaya natatarantang inayos ng lalaki ang kaniyang tindig at nagsimula nang lumakad paalis pero bago iyon ay tumango muna ito da aking gawi.
Akmang susunod na rin sana si Luisa ngunit hinawakan ko siya sa braso. Napatingin ito sa aking kamay kaya binitiwan ko siya agad.
"Maiwan ka Luisa." mahinahong usal ko na kinatango nito. Nang tuluyan ng nakaalis ang lalaki ay hinarap ko na si Luisa. At agad ko itong tinulak sa pader caging her in my arms na siyang naging rason upang magulat ito at umawang ang labi nito, lumarawan rin ang pagtataranta sa mga mata nito. I caress her face and sigh.
Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko ang ganito. She's not my mate. There is no spark when I touch her pero ang hindi ko maunawaan ay kung bakit nagiging selfish ako pagdating sa kaniya.
"Pwede bang huwag mo na iyon gawin muli?" tinaasan ako nitong ng isang kilay kaya napabuntong hininga ako ulit dahil ang hirap para sa akin na lunukin pride ko.
"Ano ba ang ibig niyong sabibin. Wala akong ginagawa kamahalan. Sa katunayan ay hindi ko na kayo maunawaan. 'Yung mga kilos niyo ay hindi niyo dapat ginagawa. Katulad ngayon. Sino ba ang nasa tamang pag-iisip na gagawin ang ganitong bagay sa kaniyang hamak na tagapaglingkod." bintang nito at bakas sa boses nito ang pagkalito tiyaka galit na sa 'di ko malamang dahilan ay nakaramdam ako ng pagkadismaya.
Nadidismaya ako at kung pwede lang ay hihilingin na huwag siyang magalit sa akin ay gagawin ko.
"Oo ako ang may kasalanan pero hindi ko ito ginusto. It's my body moving like they have their own mind. Hindi mo alam kung anong nararamdaman ko nang makita ko kayo kanina na nagtatawanan. Gusto kong magwala. Alam ko nakakalito at hindi kapanipaniwala but I want you close to me. Hindi ko ito naramdaman kanino man sa'yo lang. I can't control my hormones when I am around you. At kapag kapiling kita ay isa lang ang gusto kong laging gawin at 'yon ay..." hinila ko ang batok nito saka inilapit ang aming mga labi. Sinakop ko ang malambot at mainit nitong labi sa marahas na paraan. I nip her lips with urgency.
Licking her lower lip asking for entrance ngunit nanatiling nakasara ang labi nito at naramdaman ko na lang ang pagtulak nito sa akin ng malakas na naging sanhi nang pagkahiwalay namin sa isa't isa.
Umawang ang labi ko habang nakatitig ako sa nanggagalaiting expresyon sa mukha nito. she shook her head in disappointment.
"Hari kang tinuring pero nagagawa mong lapastanganin ang mga taong nasasakupan mo. Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo! Nakikipaghalikan ka sa akin na isang tagapaglingkod?! at alam natin na may babaeng nakatakda sa iyo. So what the hell are you doing my king?! Nasaan na ba ang tama niyong pag-iisip. Kasi imbes na protektahan mo ang mga tao mo ay pinagsasamatalahan mo pa! Pasensiya ka na mahal na hari kung sa iniisip mo ay susunod ako sa mga pinanggagawa mo ay nagkakamali ka. Mas gugustuhin ko pang bumalik muli sa tinitirhan ko kaysa ang makapiling ang bastos na hari na katulad mo. At pwede din ba na huwag kang umasta na ikaw ang nagmamay-ari sa akin dahil hindi ako katulad mo. Pwede akong makipag-usap at makipagtawanan kasama ang iba lalo na kung hindi sila bastos na tulad mo. They are my friends at wala ng hihigit doon. At ikaw naman ay hari at amo ko lang na sinusunod ko pero hindi ko lalampasan ang pagitan natin hanggang doon lang 'yon. Sana ay maunawaan mo. At pakiusap humanap ka ng ibang babaeng mapaglalaruan mo." tumagos lahat ng sinabi nito sa aking isip at pandinig. Doon ko lang naisip ang katangahan na ginawa ko. I made the wrong move. Nagpadala na naman ako sa aking emosyon at pangangailangan. Kahit ako ay nadismaya rin sa aking ginawa. Hindi naman ako ganito noon. I am not attracted with woman like Luisa. Pero kay Luisa ko lang naramdaman na hindi ko mapigilan ang sarili ko.
Para bang bawat galaw nito ay gusto kong malaman.
"I-I'm s-sorry." nanghihinang sabi ko saka umakmang lalapitan ito pero umatras ito at umiling.
"Maaari na ba akong makaalis mahal na hari." Madiin at nakayuko nitong pahayag. Napabuntong hininga ako at napahilamos ng mukha gamit ang aking palad.
Kailangan ko na talagang mahanap ang nakatakdang babae para sa Akin dahil lumalala na talaga ang kabaliwan ko.
"Yes you may." sumusukong sambit ko at pinagmasdan na lamang ang papalayong bulto nito.
Kapag nahuli talaga kitang babae ka. Gagawin ko ang lahat para maparusahan ka. Dahil Sa pagpapahirap sa akin ng ganito.
Piping pahayag ko na tinutukoy ang aking mate na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mahagilap.
Nakakainis man ang mga nangyayari ngayon ay wala rin akong choice kundi ang tanggapin ang kamaliang ginawa ko.
Pinagaan ko ang loob ko sa kaalamang huli na itong gagawin ko. Dapat bukas ay mahanap ko siya. Dapat maikulong ko siya sa aking ng permanente. Dahil ayoko nang mapahiya ng ganito.
Ayaw ko nang dumating sa punto na pagtatawanan ako ng lahat dahil sa pagiging lapastangan ko.