Kanina pa ako hindi mapakali sa paraan ng pakikisalamuha sa akin ni Luisa. Simula kasi noong gabing niyakap niya ako upang iparamdam sa akin na nag-aalala siya ay biglang tila ba estranghero na niya ako kung ituring.
Hindi na niya ako kinakausap kung hindi ako mismo ang magtatanong o sadyang may ipinag-uutos ako rito na wala itong choice kundi gawin. Paminsan-minsan nga'y tanging tango lamang ang aking natatanggap mula rito na hindi ko maunawaan kung bakit. At lubhang nakakadagdag iyon ng inis sa aking dibdib.
I am frustrated asshole na hindi alam ang gagawin dahil hindi man lang ako makausap ng maayos ni Luisa.
Sa bawat tawag ko rito kapag inuutusan ko ito ay lagi itong nakayuko at nakaiwas ang mga mata nito sa'kin. At di ko alam kung bakit nasasaktan ako sa bawat pag-iwas nito sa'kin.
Pakiramdam ko bumabalik ulit ang mga panahon kung saan hindi man lang ako magawang kausapin ng aking ina dahil sa tindi ng galit na nararamdaman nito para sa akin.
Pero sa pagkakaalam ko wala naman akong ginawang masama kay Luisa. Bukod na lamang sa ideyang sapilitan ko itong hinalikan ngunit napag-usapan na namin ang tungkol roon kaya bakit ngayon ay ang lamig ng pakikitungo nito sa akin?
Tiyaka ang hindi ko maunawaan ay ag katotohanan na apektadong apektado ako to the point na hindi ko magawang mag-isip ng tama sa kakaisip kung bakit nagkakaganito ang dalaga.
"Kaizen nandiyan na ang mga bisita kasama ang mga babaeng makikituloy muna sa palasyo para sa nalalapit na kasiyahan. Pero bago namin dalhin ang mga ito sa kaniya kaniya nilang kwarto ay gusto kong itanong kung gusto mo ba silang harapin?" sabi ng aking beta na ngayon ay nakatayo sa harap ng aking lamesa. Napabuntong hininga ako at saka tumango. Wala naman kasi akong choice kundi gawin ang nararapat bilang isang hari.
Isa pa ako na lamang ang inaasahan ng aking mga nasasakupan kung magiging mahina ako ay tiyak ako lang din ang mahihirapan.
"Sige gusto ko silang harapin." Tumayo ako mula sa aking kinauupuan at naglakad palabas habang nakasunod lang sa'kin ang aking kanang kamay na tagasunod. Naglakad kami sa pasilyo ngunit hindi pa man kami nakakapunta sa kalagitnaan ay agad na napahinto kami nang makitang nasa harap ng dadaanan sana namin ang isa sa masunurin at mapagkakatiwalaan na kawal sa palasyo.
"Anong kailangan mo Brize? " malamig kong saad na naging sanhi ng malakas na pagpintig ng puso nito. Rinig na rinig ko rin ang kaba nito ngunit isinawalang bahala ko iyon dahil sanay na ako sa ganitong reaksiyon na binibigay ng mga taong nakakaharap ko.
"Gusto lang po namin i-balita na natapos na namin ang paghahanda para sa inyong napiling okasyon na magaganap bukas. Ngunit mahal na hari gusto din sana namin itanong kung ihahanda na ba namin ang kwarto para sa magiging reyna? Narinig po kasi namin na malapit na siyang mahanap kaya gusto sana namin na---" itinaas ko ang kanang kamay ko para pahintuin ito and I smirk then shook my head hindi ko gusto ang kung anong iniisip nilang gawin dagdag pang ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay 'yung pinapangunahan ako. Dahil hindi kakailanganin ng reyna ko ng kwartong matutuluyan sa oras na makita ko siya.
Isa pa hindi ako tulad ng aking ama na bibigyan ng hiwalay na kwarto ang aking reyna. Bagkus sisiguraduhin ko na sa iisang kwartp lang kami titira at matutulog.
Hindi ko aaksayahin ang kahit konting oras na malayo ito sa akin. Kinakailangan na sulitin namin ang bawat segundo.
Isa pa I need to tame my queen. She's a wild cat for running away from me.
"Ang kwarto para sa isang reyna ay kailanman ay hindi gagamitin. Dahil ang reyna ng kahariang ito ay kasama ko matutulog kaya Brize gusto ko na ihanda mo lang yung kwartong 'yun at iwang bakante. May naisip na akong gagawin roon." tumango ito saka nagpaalam na. Pero bago 'yon Narinig ko pang parang may binubulong ito na hindi makapaniwala na ang tradisyon nang kahariang ito na magkaibang kwarto dapat ang hari at reyna ay hindi ko susundin. Paano ba naman kasi I am excited to have my queen beside me. Kung pwede lang nga ay hilahin ko na ang araw para dumating na ang araw na hinihintay ko, ang makita ang baabeng nakatakda para sa akin ay gagawin ko. Gusto ko na rin kasi matapos ang kahibangan na ito. Ayaw ko nang magpatuloy 'tong kahihiyan lo na pati si Luisa ay pinapatulan ko sapagkat 'di ko makuha ang release na kailangan ko maabot. And I know that this problem. Will be cured by that woman which is my mate.
Hindi pwedeng habang buhay ako magkakaganito dahil lang sa wala ang babaeng nais ko.
"Hindi talagang halata na excited ka noh?" Taas kilay na sambit ng aking beta na kinailing ko lang saka nagsimula ulit maglakad. Nang marating na namin ang isang malaking pinto ay binuksan ito ng isang kawal at pumasok kami at sumalubong sa akin ang iba't ibang uri ng amoy at iba't ibang pagbati na mula sa mga babae. Naglakad pa rin kami ng aking kanang kamay at pumunta sa harap nila. They all look beautiful but I don't find myself being attracted to them at 'yon ang nakakagulat dahil kung gusto ko ang atensiyon ng babae edi sana kanina pa ako tinigasan but my manhood is stiff and lifeless.
Iyon ang kinakataka ko dahil kapag si Luisa ang nasa harap ko ay iba ang epekto nito sa akin pero pag ibang babae naman ay hindi man lang ako naaapektuhan kung hindi ko pipilitin ang sarili ko.
Bakit kay Luisa lang ako nagkakaganito?
Pero teka asan na ba siya ngayon?
Ni hindi ko ito mahagilap simula pa kanina.
Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid at hindi ko nagustuhan ang nakita ko dahil ang isa sa mga tagapaglingkod na lalaki ay sinusubukan na linisin ang mataas na parte ng isang malaking metal na kawal na dekorasyon habang si Luisa ay inaalalayan ito sa pamamagitanng paghawak ng binti nito na nakatungtong sa isang silya bilang suporta para hindi ito mahulog. Bigla tuloy akong nagsisi kung bakit lahat ng tagapaglingkod sa mga ganitong gawain ay lalaki.
Bwisit paanong pumunta rito si Luisa? Hindi ba't dapat lagi lang siya nasa tabi ko? Gagawin niya ba talaga ang lahat para iwasan ako? Akala ko ba okay na kami? Tiyaka bakit pangiti ngiti ito sa lalaki? Samantalang sa akin ay hindi man lang niya ako mangitian kahit saglit lang.
Ano bang meron diyan sa lalaking iyan at mas gusto niyan ngitian---w-wait? Ano ba 'tong iniisip ko? Nagseselos ba ako?
Of course not! Bakit naman ako magseseĺos! Hindi ba't isa akong hari? Isa pa may mate ako kaya bakit ganito na lang ang nararamdaman ko.
Hindi normal ang ganitong kinikilos.
Kahit ang aking lobo ay parang hindi mapakali. Ngunit dapat ay hindi ganito ang reaksyon nito sapagkat hindi naman namin mate si Luisa. Isa lamang itong tagapaglingkod. Kung tutuusin ay kapareho lamang nito ang mga normal na babaeng nasa harap ko pero oras na titigan ko si Luisa ay mas lalo akong nakakaramdam ng kakaiba sa aking dibdib para bang umaahon ang kagustuhan ko na itago ang dalaga sa aking bisig at ilayo sa lalaking nagpapangiti rito.