4.1 Kinm's POV FLASHBACK

1408 Words
Hindi ko narinig ang pagsigaw ng aking ama bagkus ay nakita ko lamang ang pag-igting ng panga nito at kung paano ito napatingala sa sakit. "Sa lahat ng ayaw ko ay 'yung pinagsasalitaan ako ng mga salitang hindi ko gusto at 'yung hindi ako nirerespeto." The king said in monotone habang naiwan naman akong nagngingitngit ang kalooban dahil sa galit ko para rito. Hindi ko magawang tanggapin na hindi man lang ito nagkaroon ng konsensya o awa bagkus ay mas pinapakita lamang nito kung gaano ito kasama. "Napakasama mo! Bitiwan mo ang asawa ko! Halimaw ka!" Sigaw ng aking ina at patuloy ang pagpupumiglas nito mula sa pagkakahawak ng dalawang tauhan ng hari pero kahit anong gawin nito ay hindi ito makaalis. Samantalang bumuga naman ng hangin ang hari at walang ano-ano'y binunot nito ang kukong nakabaon sa balikat ng aking ama na siyang naging rason upang mas makita ko kung paano dumaloy ang masaganang dugo mula sa malalalim na sugat na nilikha ng demonyong hari. "Your blood stinks, hindi ko gusto ang amoy nito." Sambit ng hari na tila nandidiri sa dugo ng aking ama at kumuha pa talaga ito ng maliit na panyo sa bulsa ng suot nitong pang-ibaba at iyon ang ginamit nito upang punasan ang dugo sa mga daliri nito. "Mas mabaho ang pagkatao mo! Dahil demonyo ka! Wala kang awa! Ang maganda sa'yo ay 'yung masunog ka sa impyerno!" Nanggagalaiting pahayag ng aking ama na siyang naging rason upang kumunot ang noo ng hari at walang emosyong tinapon lamang nito ang piraso ng madugong panyo sa isang gilid. "Just call me whatever you want pero hindi mo maikakaila ang katotohanan na ako ang mas malakas sa iyo. Ako ang nagmamay-ari ng mga taong mahalaga sa'yo. And you will do nothing but to say hello to your lovely friend, death." Napatulala ako sa narinig ko habang ang aking ina ay ganoon din ang naging reaksyon. "You can't kill me, your wolf will die seeing his people die in his hands!" Sagot ng aking ama na siyang naging rason upang tumawa ng malakas ang hari. Mula doon ay nakita ko ang pagdagsa ng takot at kaba sa mukha ng aking ama. Mukhang may napagtanto itong isang bagay dahil na rin sa pagtawa ng hari. "Don't tell me...." "Yes Ramil, hindi naman ako ang pumapatay kundi pwede ko naman iutos sa iba ang pagpatay sa'yo. I don't need to kill you with my bare hands dahil alam kong makakaapekto iyon sa aking lobo. Ang tanging magagawa ko na lamang ay ang i-enjoy ang panonood kung paano ka mamatay sa kamay ng iba. Mas masarap na makinig kung paano ka sisigaw sa sakit at kung paano ka maubusan ng hininga. Don't you think it's a beautiful sight?" Nanlamig ako sa aking narinig at nakita kong sinensyasan ng hari ang anak nito. Nakita ko kung paano tila estatwang naglakad ang anak nito papalapit sa kaniyang amang hari. Tila isang puppet ito na sunod-sunuran sa ama nito. Ni wala akong makitang emosyon sa mukha ng bata na sa murang edad ay pansin kong basag na ang kaluluwa at pagkatao. Ni hindi ko makita ang bakas ng pagiging bata nito. Ang nakikita ko lamang ay ang kalamigan at ang pagiging masunurin nito sa lahat ng utos ng hari. "My flesh and blood and my son. Siya ang gagawa ng mga bagay na hindi ko magawa." Nakangising usal ng hari at napatulala ang aking ama. "How can you do that! Bakit mo pinilit na maagang magpalit ng anyo ang iyong anak! Look what you've done! Hindi mo ba nakikita na basag ang pagkatao ng iyon anak? Maaga mo rin siyang iminulat sa karahasan! Are you even a father?" Ewan ko ba kung ano ang nag-udyok sa akin upang mas titigan ang batang lalaki na ngayon ay nakatitig lamang sa aking ama. Ang mga mata ng bata ay naninilaw at isa lamang ang rason no'n kontralado ito ng lobo nito. Kaya pala wala itong imik dahil oras na maagang pinilit na magpalit anyo ang isang batang lobo. Magiging marahas ang lobong nasa loob nito. Kokontrolin nito ang katawan ng bata at wala itong magawa kundi hayaan ang lobo na gawin ang lahat ng gusto nito dahil hindi pa nito magawang kalabanin ang lakas na meron ito. The wolf won't see the child as his master because his body is still weak at ang tanging nakikitang pinuno ng lobo ay ang sarili nitong ama na mas malakas kaysa sa bata. "Bakit ko ginawa? Simple lang, dahil lakas nito ang habol ko. Oras na makontrol ko ang lobo nito na siyang nanggaling rin sa aking dugo ay sabay naming makukuha ang mga gusto namin—" hindi pinatapos ng aking ama ang mga sasabihin sana ng hari dahil agad na sumabat ito. "Mali ka! Ang nais mo lamang ay ang makuha ang nais mo! Hindi mo ba nakikita na nasasaktan ang iyong anak! Napakademonyo mo talaga! Wala kang awa!" Umigting ang panga ng hari at nakita kong umawang ang labi ng bata na tila ba sa ilang segundo lamang ay may nakita akong emosyon sa mga mata nito. Hindi ko alam kung guni-guni ko lamang iyon pero nakita ko ang lungkot sa mga mata nito kasama na ang galit. "Tumahimik ka! Wala kang karapatan na husgahan ang pamamaraan ko sa pagpapalaki ng aking mga anak! You are not his father! Ako ang nagmamay-ari sa pagkatao nito! At ako lang din ang may kakayahang magkaroon ng malalakas na supling na siyang magiging malakas kong sandata. Hindi mo ba nakikita ang posibleng mangyayari oras na makabuo ako ng malalakas na supling? Lahat ng mga ito ay susunod sa lahat ng gusto ko at dahil roon ay makukuha ko ang lahat ng bagay na nais ko. Gaya ngayon, makukuha ko ang iyong asawa, at magagawa kitang patayin nang hindi man lang nadudungisan ng dugo ang aking mga kamay." Para bang nawawala sa sarili nitong katinuan ang hari at napahawak pa ito sa balikat ng anak nito. "You should protect him! And you should protect your people pero anong ginagawa mo sa amin? You are killing us! Sinasaktan mo kami sa paraan na hindi namin inaasahan. Inilalayo mo rin kami sa sarili naming pamilya!" Sigaw ng aking ina at tuluyan na itong yumuko. Kahit ang aking ama ay nakita kong tuluyan ng lumuha. Mukhang alam at tanggap na nito ang mga susunod pang mangyayari. Pero ako bilang isang anak ay hindi tanggap ang mga nakikita ko. Hindi ko matanggap ang katotohanan na nauubusan na ng pag-asa ang aking mga magulang. "I can do all the bad things you have in mind pero ang hindi ko lang magawa ay 'yung pumatay, hindi matatanggap ng aking lobo kapag may nakita itong mamamayan nito na nag-aagaw buhay dahil sa kaniya. 'Yun ang isang kahinaan ng pagkakaroon ng lobo na may pag-iisip ng hari. Ngunit ang kagandahan naman ay magagawa kong utusan ang iba na gawin ang bagay na iyon para sa akin. Kaya kung titingnan hindi ako ang masama, dahil hindi ako ang pumapatay. Do you get my point?" Magiliw na sambit ng hari na para bang masayang-masaya ito sa katotohanan na malaya itong gawin ang nais nito. "Nababaliw ka na..." Nanghihinang usal ng aking ama na siyang nagpakunot ng noo ng hari. "Am I?" Sa una ay kita kong na-offend ito pero ilang segundo lamang iyon dahil agad na napalitan ng pagkamangha ang emosyon sa mukha nito. "I love the sound of it! Maybe your right, nababaliw na nga ako." Ngumisi ito at may gumuhit na masamang intensyon sa mga mata nito. "Kaizen, my little prince..." Mahinang bulong ng hari sa anak nito habang hinahaplos-haplos ang buhok nito. Kaizen.... Hindi ko alam kung bakit kusang binigkas ng aking isip ang pangalan na iyon. "Kill this man for me, can you do it?" Nanlumo ako sa aking narinig at parang mauubos ang hangin sa aking baga habang hinihintay ang sasabihin ng batang lalaki na ngayon ay malamig na titingnan ang aking ama. No.... Kaizen... "Yes, father." Para akong nauupos na kandila sa aking naring. Ang sama niya! Napakasama nila! Paano nila nagagawa ito! Hindi ko matanggap ang aking nakikita. Samantalang ang batang lalaki ay nagsimula nang humakbang papalapit sa aking ama na ngayon ay handa nang tanggapin ang kaniyang tadhana. "No! Please... Don't do this!" Sigaw ng aking ina pero parang walang naririnig ang bata. Patuloy ito sa paghakbang hanggang sa narating nito ang aking ama na ngayon ay nakayuko lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD