4 Kinm's POV FLASHBACK

1123 Words
Nanlamig ako nang makita kong mas nilapit ng hari ang mukha niya sa mukha ng aking ina. Ni hindi man lang ito nakaramdam ng pagkailang kahit pa nakikita nitong ayaw ng aking ina sa ginagawa niya. Wala rin itong pakealam kung inilalayo ng aking ina ang mukha nito dahil ang mahalaga lamang sa hari ay ang maisagawa ang nais nito. Ang ama ko naman ay mas pinilit na makawala sa pagkakahawak ng mga tauhan ng hari. Nakikita kong nadedesperado na ito at nais na nitong makalapit sa nanay ko upang mailigtas ito sa panganib na dala ng hari. Kahit man ako ay gusto ko na lamang ay lumabas upang pigilan sila sa mga ginagawa nila. Gusto kong magmakaawa na lamang na huwag na nilang gawin ang lahat ng ito sa pamilya ko pero naduduwag ako. Hindi ko ata kayang iligtas ang aking ama at ina kung napakahina ko. Tumulo ang luha mula sa aking mga mata nang mapagtanto ko na hindi ko rin pala matutupad ang pinangako ko sa aking mga magulang. Nangako akong proprotektahan ko sila pero nakakahiya lang dahil ni hindi ko man lang magalaw ang aking mga paa ngayon dahil sa takot na nararamdaman ko. Nanghihina rin ako at hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko alam kung tama ba itong ginawa ng aking mga magulang. Sinigurado nilang mailigtas ako samantalang isa naman akong duwag na hindi dapat mailigtas. "Lumayo ka sa akin! Dahil hinding-hindi ako papayag na dumihan mo ang pagkatao ko. And don't consider yourself a king because your nothing but a bastard!" Sigaw ng ina ko at nakita ko na lamang na tumaas ang kamay ng aking ina upang sampalin sana ang hari na napigilan naman ng hari. Nahawakan nito ang kamay ng aking ina at nakita kong humaba ang mga kuko nito na halos bumaon na iyon sa balat ng aking ina. "Before I make you my concubine mukhang kailangan na ayusin ko muna ang iyong pag-uugali. Hindi pwedeng matulis ang tabas ng iyong dila. Hindi rin pwedeng nanlalaban ka sa mga nais ko." Napatanga ako nang pati ang mga kuko ng aking ina ay humaba na rin. I heard my mother snarled pero ngumisi lamang ang hari. "Ganitong klaseng babae ang nais ko. I would love to tame you little by little. 'Yung bang tatanggalin ko ang tapang mo ng dahan-dahan. Pero bago iyon hindi ba't mas maganda kung tanggalin ko muna ang pinakasagabal sa pag-angkin ko sa'yo?" Nanlalaki ang mga mata ng aking ina na para bang may napagtanto ito samantalang hindi ko maunawaan ang mga sinabi ng hari. "Don't touch him! He's my mate! I'm begging you!" Napaatras ako sa aking narinig mula sa aking ina. Puno ng sakit ang boses nito pero ngumisi lamang ang hari at hinaplos ang pisnge ng aking ina at sinenyasan ang dalawa pang tauhan upang hawakan ang aking ina na ngayon ay nagsisimula nang pumiglas Mabilis naman na ginawa ng mga ito ang pinag-uutos ng hari. At ngayon ay hawak na nila aking ina. Samantalang ang hari naman ay lumapit sa aking ama na ngayon ay nakaluhod na sahig. Inilagay ng hari ang kaniyang kamay sa buhok ng aking ama at walang pakundangan na pinatingala niya ito. "Hmm... Hindi ka naman siguro magagalit kung mapunta sa akin si Elaine hindi ba? Tiyaka pwede ko naman bitawan ang mate mo pero kapalit no'n ibibigay mo sa akin ang lokasyon ng pinakamamahal niyong anak. I bet she's more young and powerful." Nanlaki ang mga mata ng aking ama samantalang ang aking ina ay patuloy sa pag-iling. Hindi nito gusto ang sinasabi ng hari. Mukhang mas gusto ng aking ina na siya na lamang ang mahirapan kaysa ako. At naninikip ang dibdib ko dahil alam kong ako ang dahilan kung bakit napunta kami sa ganitong sitwasyon. Kung sana naging normal na lamang ako. Kung sana hindi ako nabiyayaan ng kakayahan edi sana hindi kami hahabulin ng hari. Kung sana hindi ako nagtiwala. Mas maayos sana ang lahat. Napatingin ako sa anak ng hari na tanging kalamigan lamang ang nakabakas sa mukha nito. Kumuyom ang aking mga kamay dahil napupuot ako. One day, makakaganti ako sa lahat ng ginawa nila sa akin. Hinding-hindi ako papayag na hindi nila mababayaran ang mga kasalanan nila sa aking pamilya. "Ramil! Huwag mong hayaan na saktan niya ang ating anak. Nagmamakaawa ako sa'yo!" Napakagat ako sa aking palad dahil gusto kong sumigaw, gusto kong magwala. Hindi ko matanggap na nakikita kong nagkakaganito ang aking mga magulang. Hindi ko rin matanggap na nagpapakaduwag ako habang ang aking ama at ina ay nahihirapan. "Now choose! Mas gugustuhin mo bang mawalan ng asawa? O mawalan ng anak? Hmm... Mahirap na tanong hindi ba? Pero alam kong nasa sa'yo ang sagot. Alam kong hindi mo ako biniguin Ramil." Umigting ang panga ng aking ama ngunit hinila pa lalo ng hari ang buhok nito na siyang nagpaigik at naging rason upang lumarawan ang sakit sa mukha ng aking ama. "Sabihin mo na lamang ang sagot at huwag na huwag mo akong titigan gamit ang ganiyang mga mata dahil hindi ako natutuwa." Umiling ako at saka ako napakapit sa kahoy na siyang tumatakip sa lagusan. No! Hindi pwedeng masaktan ang aking mga magulang. Pero ano ba ang kaya kong gawin bukod sa manood lamang? Ano ba ang kaya kong gawin bukod sa maging duwag? Ni hindi ko man lang nakukuha ang lakas ko para itulak ang kahoy na siyang tumatakip sa maliit na kwartong kinalalagyan ko. "Bakit kailangan ba kitang sambahin? Isang hari na walang ibang ginawa kundi magpakalat lamang ng lahi! Haring sinasaktan at inaabuso ang kaniyang nasasakupan. Hari na isang sakim sa kapangyarihan at isang hari na duwag at mas nanaising umasa sa kakayahan ng kaniyang mga anak!" Nanginginig ang nga balikat ng hari dahil sa narinig nito mula sa aking ama. Napupuno na ito ng galit at nakikita kong nagsisilabasan na rin ang mga mumunting buhok sa mga braso nito na nagsasabing ano mang oras ay magpapalit na ito ng anyo. "Damn you!" Sigaw ng hari at walang babalang ibinaon nito ang matulis nitong kuko sa balikat ng aking ama na siyang naging rason upang suminghap ako ng mahina at napangiwi ako sa aking nakita. Nakita ko lang naman kung paano umapaw ang dugo mula sa sugat ng aking ama. No... "Ramil!" Nanlalanta ang aking pakiramdam. Rinig ko rin ang sigaw ng aking ina pero naiwan akong tulala. How can he do that? Paano niya nagagawang saktan ang aking ama na isang inosenteng mamamayan? Lahat ba ng hari ay ganito? Imbes na pamunuan ang kaniyang nasasakupan gamit ang maayos at makatarungan na pamamaraan ay mas ginusto nitong mamuno gamit ang dahas at karahasan. Hindi ko mapigilan na magalit at makaramdam ng poot. I hate them! Ang sama-sama nila!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD