3.5 Kinm's POV FLASHBACK

1413 Words
"Nandito na sila!" Natatarantang pahayag ng aking ina at tila nagising ang diwa ng aking ama at mabilis itong gumalaw. Nagmamadaling tinanggal nito ang isang kahoy sa sahig at nang matanggal niya iyon ay doon ko lamang nakita ang isang maliit na butas kung saan ay kakasya lamang ang katawan ko, nagsisilbi iyon na maliit na lagusan kung saan ay nakita ko ang maliit na kwarto o sekretong basement na pinasadya pa ng ama ko. Ni hindi ko nga alam noon kung bakit lagi siyang gumagawa ng ganitong maliit na kwarto sa lahat ng bahay na natirhan namin. Ang akala ko ay rito siya nagtatago ng mga importanteng impormasyon o mga materyales pero nang titigan ko ng mabuti ngayon ang kwarto ay nakikita kong may maliit na kama sa loob no'n pagkatapos ay may mga pagkaing nakalatag o nakaimbak sa may gilid ng pader, meron din mga iba pang gamit na sa tingin ko ay sinadyang ilagay ng ama ko upang magamit ng sino mang titira sa loob. "Pumasok ka sa loob anak," mahinang sabi ni itay kaya napatingin ako sa aking ina kung saan ay nginitian lamang niya ako na tila ba sinasabing wala akong dapat ikatakot. "Sige na Kinm, at susunod kami ng ama mo mamaya-maya lang." Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang sundin ang mga sinasabi nila ngayon. Para bang natulos ang aking mga paa sa aking kinatatayuan at wala akong balak na umalis at iwan sila. "Kinm! Bumaba ka na ngayon na!" Madiing sambit ng ama ko na siyang nagpasinghap sa akin. Hindi ko kasi akalain na maririnig ko ang ganoong boses mula sa ama ko. Hindi ko rin akalain na makikita ko ang kakaibang emosyon sa mga mata nito. Andon ang pagkadesperado at andoon ang lungkot na naghahalo-halo. "Sumunod ka na Kinm..." Nagmamakaawang usal ng aking ina kaya kuyom ang mga kamay ko at wala akong nagawa kundi bumaba sa maliit na hagdanan. Nang tuluyang makababa ako ay tumingala ako sa aking ama at ina na ngayon ay nakatingin sa akin ng puno ng pagmamahal. "Mahal na mahal ka namin anak at kahit anong mangyari ay huwag na huwag kang lalabas hangga't hindi pa ligtas na lumabas. At kahit may marinig kang mga ingay ay pilitin mo pa rin huwag lumabas. Kahit anong mangyari ay pilitin mong protektahan ang sarili mo." Puno ng damdamin na saad ng aking ina samantalang ang aking ama ay dahan-dahan nang sinara muli ang lagusan. Ewan ko ba pero habang sinasara ng aking ama ang lagusan ay hindi ko maialis ang tingin ko sa mga mukha nila na mas lalong nabasa dahil sa kanilang mga luha. Kahit man ako ay hindi ko rin alam kung bakit nagsimula na ring dumaloy ang luha mula sa aking mga mata. Para bang ramdam ko na may mangyayaring hindi maganda. Alam ko rin sa sarili ko na posible ngang may panganib. Pero pinipilit kong sabihan ang sarili ko na mamaya ay baba rin sila inay at itay upang kunin ako mula dito sa kwartong ito at aalis kami ng sabay. "Mahal na mahal ko rin po kayo at hihintayin ko po kayo." Bulong ko na alam kong narinig nila pero hindi na sila sumagot at tuluyan na ngang naisara ng aking ama ang lagusan. Ngunit kahit ganoon man ay nakikita ko pa rin mula sa maliit na siwang ang nangyayari sa loob ng kwarto ko. Inilapit ko ang mata ko sa butas at nakita kong niyakap ng aking ama ang aking ina. Sa loob ng bisig ng aking ama ay humagulgol ang aking ina kung saan ay kitang-kita ko ang pagyugyog ng mga balikat nito. Habang patuloy sa paghaplos ng likod nito ang aking ama upang pahupain ang lungkot na nararamdaman nito. Hindi nagtagal ay nakarinig na ako ng mga pagkabasag ng mga salamin. At narinig ko rin ang mga yabag sa buong bahay kung saan ay tila ba may mga taong naghahalughog at naninira ng mga gamit. Ngunit kahit may mga naririnig akong ganoong mga ingay ay para bang walang naririnig ang aking ama at ina at patuloy lamang nilang niyayakap ang bawat isa na para bang sa ganoong paraan nila nahanap ang kasiyahan. Hanggang sa biglaan ko na lamang narinig ang isang malakas na ingay ng pagkawasak ng pinto. Nanlalaki ang mga mata ko nang makita kong may pumasok na mga lalaki sa loob ng kwarto. "Where is she?" Mahinahong sambit ng isang lalaki na nasa pinakagitna ng mga lalaking kakarating pa lamang. Sa tabi nito ay nakita ko rin ang isang lalaki na sa tingin ko ay nasa labing tatlo pa lamang na edad. "Hindi namin alam ang sinasabi niyo kamahalan. Tanging kami lang ng aking asawa ang nakatira sa bahay na ito." Usal ng aking ina at doon ko lamang napagtanto na hindi pala mga simpleng tao ang nasa harap ng aking magulang kundi ang hari mismo kasama ang anak nito at mga tauhan nito. Ngunit pansin ko rin na kung kanina ay nanginginig ang boses ng aking ina ngayon ay kita ko ang pekeng tapang na ginagamit nito na siyang nagpalunok sa akin. "Tama ang asawa ko mahal na hari. Tanging kami lamang ng aking asawa ang nakatira sa pamamahay na it—" hindi natapos ng aking ama ang sasabihin sana nito nang bigla na lamang ay naging mabilis ang galaw ng dalawang tauhan ng hari at nagawa nilang hawakan sa magkabilang braso ang aking ama. Sinubukan pumiglas ng aking ama pero nawalan ng saysay iyon dahil dalawang tao ang nakahawak sa kaniya. The king snarled and showed his elongated fangs na para bang naiinis na ito at gusto na lamang nitong saktan ang aking ama. "I can still smell the scent of your daughter in this room. So don't lie witch!" Nilapit ng dalawang lalaki ang aking ama sa hari at walang pagdadalawang isip na hinawakan ng hari ang panga ng aking ama. "Idadahilan mo na wala kayong kasama sa bahay na ito pero lahat ng gamit ay nagsasabing may tinatago kayo mula sa akin." Binitiwan ng hari ang aking ama at dahan-dahan ay naglakad ito papalapit sa pinakagilid ng kwarto ko kung saan ay may maliit na drawer doon at mula roon ay kinuha nito isa sa mga damit ko at walang ano-ano'y inamoy nito iyon. "She smell sweet, very innocent and very powerful. I can sense that she'll be a perfect concubine for me." Hindi lahat ng sinabi ng hari ay nauunawaan ko. Mas madami pa rin akong hindi maintindihan. "She's just a child my king!" Sigaw ng aking ina kung kaya't napahawak ako sa laylayan ng aking damit dahil hindi pa man nagtatagal ay mabilis na nalapitan ng hari ang aking ina at hinawakan nito ang aking ina sa dalawang balikat nito at walang babalang inamoy ng hari ang leeg ng aking ina na siyang naging rason upang magwala ang aking ama. Pilit na pumiglas ang aking ama pero wala itong lakas laban sa mga lalaking may hawak rito. "You smell delicious woman. Hindi ko alam kung bakit pinili mo ang isang mahinang manggagamot. He's a witch but I don't smell magic in his blood. Kaya I'm sure wala itong ibang kakayahan at ang mga tulad nito ay panggagamot lamang ang alam gawin." Natatawang sambit ng hari at hinaplos ang buhok ng aking ina. "You're a wolf woman, and you look gorgeous. I can make you my concubine but before that sabihin mo muna sa akin kung nasaan ang anak niyo." Napayuko ang ina ko at kahit man ako ay parang biglang nanghina na lamang dahil sa tinatakbo ng pangyayari. "Elaine! Stop touching my wife you bastard!" Sigaw ng ama ko at nagulat na lamang ako nang agad na nasuntok ng isang tauhan ang sikmura ng aking ama na siyang naging dahilan upang mapaluhod ito sa sakit. "Hindi!" Sigaw ng ina ko at akmang lalapitan ang aking ama pero pinigilan siya ng hari. "Huwag mong lapitan ang isang mahinang nilalang Elaine gaya ng sabi ko kanina pwedeng ako na lamang ang piliin mo. And with that I can make you my concubine, kasama na rin ang iyong anak. With your bloodline. We can have a child na mas malakas pa sa malakas." Nakangising sambit ng hari na siyang naging rason para mapasinghap ang aking ina. Nanlulumo ang aking buong pagkatao sa aking nakikita pero pigil rin ang aking hininga habang hinihintay ang sagot ng aking ina. Parang gusto ko na lamang lumabas mula sa pinagtataguan ko pero masyado akong natatakot at nanghihina upang gumalaw. No...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD