7.4 Kaizen's POV

2469 Words
Flashback “Selfish... You're selfish! Hindi mo ba nakikita? Hirap na hirap na ako!” My mother shoves her body against me, pero hinawakan ko ito ng mahigpit. Kahit anong piglas nito ay hindi ko ito binitiwan dahil ayaw kong gawin iyon. Oo makasarili na kung makasarili pero hindi ko talaga kakayanin na bitiwan ang isang tao na malapit sa akin at naging buhay ko na. “Alam mo ilang taon akong nagtiis sa ganitong buhay! Tiniis ko ang lahat ng ginawa ng iyong ama. Tiniis ko Kaizen pero bakit mo ito ginagawa ngayon sa akin? Bakit pati ikaw ay gaganituhin rin ako?” napahikbi ito ng malakas at kinalmot nito ang aking mga braso at kahit dumudugo na iyon ay wala akong pakealam. Wala na akong makapang kahit anong emosyon kundi matinding sakit. “Please pakinggan mo ako nay.” my hands tighten around her arms so harshly that I know I must be hurting her. Sobrang higpit na talaga ng hawak ko rito dahil na rin sa nararamdaman kong pagkadesperado. “You. Are. My. Mother!” I want to make her understand. I just want her to be normal, Gusto kong maibalik ulit 'yung dating pagkatao nito. 'Yung dating ngiti at 'yung dating ina ko. Pero alam kong hindi ganoon kadali iyon—she can never be normal. Hindi na ito babalik sa dati dahil tuluyan na itong nawasak dahil sa akin at dahil sa aking ama. “Don’t do this to me again,” I say through an anguished voice, though I don’t know what I am saying kusa na lamang lumalabas ang mga salita na para bang nagpapabingi sa akin—it’s my heart talking, not my rational mind. Pero 'yun naman talaga ang gusto kong gawin. Ang masabi rito at maiparamdam rito na kailangan ko ito. Pero nanghihina rin ako. Hindi ko makayanan ang kaisipan na kahit gustuhin ko itong magstay sa buhay ko ay ito naman ang nagpupumilit na pumiglas mula sa aking pagkakahawak. She breaks away from me and runs toward the bedroom door, but I grab her around the waist before she gets too far away. Niyakap ko itong muli at pinilit kong maramdaman ang init ng katawan nito. Ayaw kong lumabas ito sa ganitong ayos dahil ayaw kong maulit uli ang mga pinanggagawa ng aking ama rito. Ayaw ko na magahasa muli ito samantalang wala man lang akong magawa para mailigtas ito. Ayaw kong makita muli kung paano ito saktan ng aking ama. “Let go of me!” she screams. “No. Not until you understand what I want.” I hold her close with her back pressed into my chest, mu arms tight around her naked form, my lips near her ear. Gusto kong ibulong ang nararamdaman ko pero kahit anong lapit ko rito ay alam kong hindi na nito magagawang pakinggan ang gusto kong sabihin. I want to cry. At hindi naman naging mahirap iyon dahil kusang dumaloy ang aking luha mula sa aking mga mata. “You know what I want but you're selfish Kaizen! Gaya mo rin ang halimaw na iyon! You're just like him! Now let me go!” napatulala ako sa narinig ko. Nanginginig ang buo kong katawan sa kaalaman na halos pandirihan ako ng aking sariling ina. Hindi ko akalain na pag-iisipan nitong isa akong halimaw. Lalo na't wala akong ibang hangad kundi ang matulungan lamang ito. At ang makasama pa ito ng matagal. “Please tell me your lying.” I can’t open my eyes. I just want to savor this moment with her. I just want to savor it. Hindi ba pwedeng maging okay na lang ang lahat? Bakit kailangan ko pang maranasan ang ganitong sakit? Ito na ba ang kabayaran sa lahat ng ginawa kong kasamaan? My hands are shaking. Samantalang ang bilis bilis ng t***k ng aking puso na tila sinasabi na buhay na buhay ang puso ko pero alam ko rin na hindi iyon magtatagal dahil pakiramdam ko malapit nang mamatay ang pusong iyon dahil sa tindi ng sakit na aking nararamdaman. Natatakot ako. Natatakot ako sa kung ano mang pwedeng mangyari. I am Afraid of what’s going to happen to my heart when it knows my mother is gone forever, when every part of her is gone forever. Makakayanan ko ba ang nakakapunit na sakit oras na mangyari iyon? Makakaya ko bang isipin ang katotohanan na walang gustong manatili sa tabi kahit pa ang sarili kong ina ay kinamumuhian na rin ako.  No one will stay with me inside this darkness. Ako na lang ang mag-isa. Pero pwede pa rin ba akong humiling? Pwede bang huwag na lamang niya akong iwan? Anak naman niya ako hindi ba? Kaya bakit hindi niya maramdaman na kailangan ko siya? Bakit kailangan kong maglimos ngayon at bakit kailangan kong magmakaawa na huwag niya akong iwan? Hindi ba't dapat alam niyang kailangan ko siya? Hindi ba't dapat mas pinipili niya ako? Ganoon na ba kalala ang sakit na binibigay ko? Sinubukan ko naman na iligtas ito hindi ba? Sinubukan kong gawin ang lahat maprotektahan lamang ito. Pero bakit kulang pa? Bakit hindi niya magawang piliin na magstay sa buhay ko? Kahit anong utos ng aking ama ay handa kong gawin. Handa kong maging sunod-sunuran huwag lamang mawala ang aking ina. I squeeze her tighter, clutching her naked body against mine as if it’s the last time I would ever going to see her again. Pakiramdam ko kasi ay dahan-dahan nang nawawala ang aking ina. Pakiramdam ko kapag hindi ko ito hinawakan ng mahigpit ay hindi ko na mararamdaman ang kapanatagan oras na nasa bisig niya ako. The tears are burning. F*cking burning! Inaapuyan no'n at sinusunog ang puso ko. “I hate you! You are not my son! Now tell me where's Kaizen! Where's my little son! He won't let me stay cold like this! He won't let me cry! He always embrace me like this! But you are not him! Now I know why. My son will always understand me! He loves me. Hindi niya hahayaan na maramdaman ko ang ganitong sakit! Kapag alam niyang pagod na ako ay hahayaan na niya akong magpahinga! Pero hindi ikaw iyon! Kaya kailangan kong hanapin si Kaizen.” "Kaizen! Kaizen anak ko! Asan ka na ba? Kailangan ka ni mama! Asan ka na ba kaizen!" Umiiling ako at mas niyakap ko pa ito lalo. "Nandito lang ako... hindi kita iniwan.." bulong ko at sana nga ay narinig nito iyon. Sana nga naramdaman nito ang pilit at gusto kong iparamdam dito. Tears roll through her body and her struggling begins to subside. Dahan-dahan ay nagpatianod ito sa akin. Hindi na naman ito pumiglas at nanatiling tulala ito. “Please….” Suddenly she melts into me, surrendering not only to him but to the pain his words have caused. The weight of her body begins to drop as she slides down. Dahan-dahan ay napaupo ito sa sahig kasama ako. Napahikbi ako na parang isang bata habang hawak ng nanginginig kong kamay ang mga palad ng aking ina na puno ng pasa at mga marka na hindi dapat nandoon. Hindi niya dapat maranasan ang iba't ibang klaseng sakit! Kung tutuusin dapat ay ako ang mayroong mga sugat, peklat, pasa at mga marka dahil hindi dapat siya ang nagdadala ng ganoong paghihirap. “Why would you do this to me?” she says through uncontrollable tears, “of all the people in this world, why is it you?” Bakit nga ba? Iyon din ang tanong ko... Bakit ko nga ba hinahayaan na mangyari ang ganitong bagay sa aking ina. I hold her tight and they’re both sitting against the floor, kung kanina ay gusto nitong umalis. Ngayon ay nanatili lamang ito sa aking yakap. I stroke her hair and kiss her temple and still the f*cking tears are burning. “Because I love you, ginagawa ko ito hindi para parusahan ka kundi ang mahalin ka.” I say softly into the side of her face. “And because you are her. You are the mother that I want to be with. I can help you if you’ll let me, but you have to let go the pain. Please you have to let it go mother... sana hayaan mong ako naman ang aako ng lahat ng sakit. Sana hayaan mo naman na ako ang proprotekta sa'yo. Huwag mo sanang ipagdamot sa akin ang ganoong oprtunidad dahil responsilidad ko iyon bilang isang anak. Responsibilidad kong akuin ang ibang sakit. Hindi mo na ako kailangan protektahan... ako naman ngayon please...” Please mother… “I killed a man in the basement when you are not here,” she says and even though I was shocked upon knowing this, it’s still difficult to hear her admit it. Hindi ko akalain ang ang ina ko ay magagawa ang bagay na iyon lalo na't napakainosente nito. Ni hindi nga ito makapaglaban at hinahayaan lamang na saktan siya ng iba dahil ayaw nitong makapanakit. Pero ngayon habang nagkwekwento ito ay may ngiti sa labi nito. “I killed him because he wouldn’t set me free. Ayaw nitong pakawalan ako dahil iyon ang inutos ng isang halimaw. Takot na takot ako na baka saktan niya ako nang lapitan niya ako. Kaya ginawa ko ang isang bagay na hindi ko akalain na magagawa ko.” She sniffles back her tears. Nawala na ang ngiti sa labi nito at tuluyan na muling niyakap ng takot ang mga mata nito. “Sinakal ko ito gamit ang kadenang nakayakap sa aking mga palapulsuhan. And then I took the key from his pocket to unlock myself. Kaya wala rin akong takas sa parusa... kung hindi mo ako papatayin tiyak ang halimaw na iyon ang gagawa. Dahil mas importante rito ang bawat isang miyembro ng mga kawal nito. Hindi nito gugustuhing malaman na nakapatay ako ng isa.” “You didn’t have to kill him,” I said calmly, but I am not calm inside. Dapat ay ako ang pumatay sa lalaking iyon. Hindi dapat nalason ang pagkatao ng aking ina! Okay lang na ako ang malason at mabahidan ng dugo ang mga kamay kaysa ang aking ina na walang ibang gustong gawin kundi ang lumaya sa sakit. I continue to stroke her hair. “Yes I did.” “Why? Why did you have to kill him?” She turns around, her fingers clutching the sleeves of my shirt. Andoon ang panginginig at takot sa mga mata nito. “Because he kept touching me. Hindi ko nagugustuhan ang ginagawa nito sa akin. Nandidiri ako sa sarili ko. Para akong pinapatay sa nararamdaman ko.” ang boses nito ay may halo na ring panginginig at agad na tumulo ang luha ko sa aking narinig. “And because he wouldn’t set me free. Ginawa ko ang bagay na ayaw ko. Hindi ko maialis sa isip ko kung ano ang huling nakita ko sa mukha nito. Hindi ko magawang kalimutan ang ginawa ko. Natatakot ako at nagagalit Kaizen. Kaya please ilayo mo ako rito. Palayain mo na ako anak.” She looks up into my eyes and it takes everything in me not to break down in front of her. Gusto kong magwala ngayon at puntahan ang taong gumawa nito sa aking ina. Gusto kong patayin ang sino mang taong iyon upang tuluyan nang mabura ang sakit na nararamdaman nga aking ina. “I love you, son. I always have. You’re the only person in this world that I’ve ever loved.” I choke back my tears and crush her against me. She cries into the side of my neck. I picture the years that we were together, the years that felt like forever. How she helped me and molded me and made me a better man by loving me. Pero ano ang binigay kong sukli? Wala akong ibang binigay kundi sakit at pagpapahirap rito. “Tell me you'll stay,” I said once more, hoping that this will be it, that she’ll understand. Na baka may pag-asa pa para magbago ang isip nito. Na baka papakinggan pa nito ang mga sinasabi ko. At baka may pagkakataon pa o rason pa para hindi nito gustuhin na iwan ako. “Just tell me you'll stay and everything will be OK. I promise he won't hurt you anymore.” Para akong bumalik sa pagkabata. Kulang na nga lang ay magwala ako ngayon makita lamang nito na hindi ko gustong mawala ito. Pero kahit anong gawin ko alam kong hindi iyon sapat. Mas gugustuhin ko pang hawakan na lamang ito sa bisig ko dahil pakiramdam ko ay ano mang oras ay mawawala na ito. The silence between them seems like an eternity as I wait for her answer. My heart has stopped beating. My breath is caught in my lungs. Gusto kong basagin ang kung ano mang katahimikan sa pagitan namin. Gusto kong marinig sa bibig nito na mahal niya rin ako. At hindi na niya hahangarin pang umalis sa tabi ko. Please stay.… “I can’t, I really can't...” she says and my heart fades to black and my breath releases in a long, drawn-out breath of anguish and sorrow. Napakuyom ang aking mga palad at ramdam ko ang pagbaon ng mahahaba kong kuko roon na siyang naging rason upang umagos ang dugo mula sa aking sugat. Reaching for the knife just inches away underneath my bed, and with a heavy black heart, I move it between us. Para akong namanhid sa lahat ng sakit. Nakatitig ngayon sa akin ang aking ina. At nang bumaba ang mga mata nito sa kutsilyong hawak ko ay napangiti ito. At napakasakit! Sobrang sakit para sa akin na makitang desperada na itong mawala. Napakasakit isipin na handa itong yakapin ang kamatayan nito kaysa ang piliin na makasama ako. Pero siguro nga kailangan na nitong lumaya. Siguro nga hindi ko siya deserve na maging ina. Siguro nga hindi ako ang karapatdapat na maging anak nito. I bury the blade in her chest. The burning tears finally burst through to the surface, and I let out a cry I never knew I could make. pero wala akong narinig na kahit anong ingay mula sa aking ina. Bagkus tinanggap lang nito ang pagbaon ng punyal sa dibdib nito at naramdaman ko pa ang pagyakap nito sa akin at mas lalo pa itong lumapit sa akin na naging dahilan upang lalong bumaon ang punyal sa dibdib nito. Napasinghap ako dahil hindi ko akalain na ganito ang mangayayari. The warmth of her blood flowing onto my hand and onto my chest, I can feel it but I am afraid to look at it. For the first time in my adult life as an interrogator, hunter and torturer, I don’t want to see the blood because it hurts too much. napakasakit isipin na ang dugong dumadaloy ngayon ay ang dugo ng aking ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD