Flashback
My mother's head falls back, habang ang ulo nito'y tila hirap na rin nitong buhatin pero patuloy pa rin ito sa pagtitig sa akin. A tiny trickle of blood seeps from one corner of her mouth.
Sobrang sakit panoorin ang mga nangyayari sa aking ina. Pero wala akong magawa kundi ibigay ang nais nito dahil iyon na lamang ang magagawa ko bilang anak. I lean in and kiss her forehead as sobs roll through my chest.
Tanging hikbi na lamang ang lumalabas sa bibig ko kahit na madami sana akong gustong sabihin rito.
I haven’t cried like this since I was a boy. Hindi ko ginustong umiyak dahil mismong ang ina ko ang siyang nagsabi sa akin na okay lang na siya ang magmukhang mahina kaysa naman pati ako ay makikitaan ng kahinaan.
Ang gusto niya lang ay ang maging matapang ako at magawa ko ang mga bagay at aksyon na sa tingin ko ay tama.
“I’m so sorry…I’m so sorry it had to be this way, h-hindi ko gustong mawala ka pero bakit? Bakit kailangan mangyari ito! Bakit?” I say through troubled breaths and a burning throat.
Ni hindi ko nga alam kung nauunawaan pa rin nito ang mga sinasabi ko pero ang maliit na ngiting sumilay sa labi nito ang tanging katibayan na masaya ito.
Pero paano naman ako?
Kung nagawa kong palayain ang aking ina paano ko naman papalayain ang sarili ko mula sa sakit na nararamdaman ko?
“You’re the only death I’ll truly regret until the day I join you.” mahinang bulong ko at nakita kong tila naunawaan nito ang sinabi ko
She reaches up her hand weakly and touches the side of my face. Doon ay naramdaman ko ang panlalamig ng mga daliri nito na siyang patunay na tuluyan na ngang dahan-dahang umaalis ang init sa katawan nito bagkus napalitan na iyon ng lamig dahil unti-unti nang nawawala ang buhay nito.
Ginawa ko rin ang ginawa nito, binitiwan ko ang punyal at dahan-dahang itinaas ko ang kamay ko upang haplusin ang pinsge nito na ngayon ay may bahid pa ring luha na hindi ko man lang napunasan kanina.
Hinaplos ko ang pisnge nito upang maramdaman sa huling pagkakataon ang aking ina...
Sa totoo lang wala dapat akong karapatan na hawakan ito o kahit tawagin itong ina.
Dahil sa lahat ng aspeto ay nabigo ko ito.
Blood smears across her face from my fingertips. Dugo na nanggaling mismo rito.
Ngayon ko lang natitigan ang dugong iyon at parang may bumaon rin na punyal sa aking dibdib dahil hindi ko magawang matanggap na ako pa mismo ang mananakit sa aking ina.
Tama nga siya! Halimaw ako gaya ng aking ama.
Kaya nga hindi nararapat para sa akin ang magkaroon ng inang tulad nito na handang ibigay ang lahat dahil sa totoo lang ako na anak ay hindi rin kayang gawin ang bagay na iyon.
She chokes and coughs up more blood. At natataranta ako sa kung ano ang gagawin ko.
Nanlalabo ang mga mata ko at gusto kong bawiin ang ginawa ko.
Gusto kong patigilin sa pagdaloy ang dugo nito pero kahit anong hawak ko sa tapat ng dibdib nito ay wala akong magawa para pigilan ang dugo.
“Don’t regret,” she says, at nagulat ako sa mga salitang sinabi nito. because I can't do that. Hindi madaling sabihan ang sarili ko na huwag magsisi.
Dahil masakit sa akin ang mga nangyayari!
Ina ko ito na sobra kong mahal pero ako pa mismo ang babawi at magiging rason para hindi ko ito makasama ng tuluyan.
“You saved me, y-you gave me freedom and I'm glad that it's you. H-hindi ko kakayanin tanggapin kapag sa ibang bisig ako mamamatay. A-ayaw kong mawala tapos ay parang basurang iiwanan sa malamig na sahig Kaizen... ang gusto ko ay ang maramdaman ang init ng bisig mo bago ako mawala.”
Biglang nanginig ang aking mga kamay at panibog hikbi ang lumabas sa aking bibig.
“Mother?” I can’t see through the tears in my eyes.
Lumalabo ang mukha ng aking ina at naiinis ako dahil pakiramdan ko'y unti unti na ngang nawawala ito.
Kaya agad na pinunasan ko ang mga luha ko at tinitigan ko muli ito.
She smiles faintly and strokes my bottom lip with her fingers and I know that my mother is back.
Ngayon ay kilalang kilala na niya ako at bumalik na ang dating pagkatao nito. Ganitong ganito kasi ang ngiti nito oras na tinitingnan niya ako noong bata pa ako.
Pero bakit ngayon pa?
Bakit ngayon lang?
I kiss her bloody cheeks and embrace her tighter, feeling the handle of the knife pressing against me. Kung pwede nga lang bawiin ang mga ginawa ko ay babawiin ko.
Pero huli na ang lahat dahil ngayon ay pinapanood ko kung paano dahan-dahang manghina ito.
Her eyes are getting heavier, her body weaker, her arms limper. I push her wet hair over her forehead where more blood stains her face, but I can’t stop touching her, caressing her, being here with her in her last moment. Our last moment.
Pagkatapos ng mga oras na ito alam kong hindi ko na magagawang hawakan uli ito o maramdaman muli ang init nito.
“I will not forget you,” I whisper onto her her forehead. “Everything about you, and I will always love you.” pinapangako ko na gagawin ko ang lahat maisakatuparan lang ang mga bagay na pinangako ko rito.
Her hand falls away from my face and her head falls back limply on her neck. Tila ba tumigil ako sa paghinga habang pinapanood ang pagbagsak at pagbigat ng ulo nito sa aking bisig.
Tanda na wala na ito.
Tanda na wala na ang kaisa-isang taong pinapahalagahan ko.
And when I see her dead eyes staring up at the ceiling ay mas lalong nanikip ang dibdib ko dahil kita ko pa rin ang ngiti sa labi na tila ba nakikita na nito ang langit at kalayaan nito.
I choke on my burning tears and crush her body against me, wailing until my chest hurts.
Isinigaw ko ang lahat ng sakit at wala akong pakealam kung nagiging mahina ako ngayon. Dahil ang tanging nasa isip ko ngayon ay ang matinding sakit na humihiwa sa aking dibdib.
.
.
.
.
.
.
.
Every last bit of furniture, I destroy, flinging chairs and shattering tables against the walls as if rejecting its right to exist if my mother can’t exist. If my only family can’t exist. Then dapat pati ang iba pang bagay ay hindi rin nararapat na nandito. I move everything violent, resentful force.
Alam kong kinokontrol din ng aking lobo ang kalahati sa aking katawan kung kayat lahat ng nahahawakan ko ay nawawasak at nasisira.
I scream at the top of my lungs before grabbing the last standing chair and hurling it through the den and into the glass window. Rinig na rinig ko ang mga ingay ng mga bagay na nasisira ko pero wala na akong pakealam roon.
The glass shatters and what’s left of the frame falls over onto the floor sending pieces of glass scattered across the hardwood. Hinihingal na napatitig ako sa kalat na aking ginawa at natatawa ako dahil kahit anong gawin ko ay hindi ko na maibabalik pa ang aking ina na siyang aking pinaslang.
Kahit paslangin ko ang sarili ko o kahit saktan ko ay wala na akong magawa pa dahil kasalanan ko rin naman ang lahat.
Ang tanga tanga at ang hina hina ko.
Nanghihina ang mga tuhod ko na napaupo ako sa sahig dahil hindi ko na mabalanse ang aking mga paa. Samantalang ramdam ko naman ang pagbaon ng piraso ng bubog sa aking palad pero namanhid na ako at imbes tanggalin iyon ay hinayaan ko lamang iyon doon.
Gusto ko kasing maramdaman rin ang naramdaman ng aking ina.
Kung tutuusin ay kulang pa ang lahat ng ito. Wala pa sa kalahati ng lahat ng naranasan ng aking ina sa kamay ng mga halimaw sa buhay nito.
Right now I am surrounded by destruction—destruction of objects, but also the destruction of what was left of me.
Sitting helplessly with my legs bent at the knees, I did the only thing fate will allow me to do in this moment—I cried into the palms of my hands, letting the pain do whatever it wants to me.
The same way I did when I was just a boy, after I had been beaten and broken. Only this time, the pain I feel inside is a hundred times more unbearable.
Hindi ko maikokompara ang sakit na nararamdaman ko ngayon sa sakit ng mga physical na pasa at sugat na nakukuha ko.
Para bang tuluyan na nang nabubuwal ang lahat ng pader at tatag na meron ako sa loob ng dibdib ko.
Kumuyom ang mga kamay ko at ang bubog kanina na bumaon sa palad ko ay mas lalo pang bumaon at natagis ang panga ko dahil kulang pa ang sakit!
Kulang na kulang pa!
Blackness. All I see is blackness though my eyes are wide open as I look downward at the floor ay hindi ko mapigilan ang magtanong sa sarili ko kahit pa alam kong wala akong maibigay na sagot roon.
Why?
Why did she leave me?
Kung hindi ba nito naramdaman ang matinding sakit sa kamay ng aking ama ay hindi ba nito babalaking mawala?
Kung naging normal lang ba ang lahat...
Kung sana naging mabuting anak ako...
Kung sana nanatili ako sa tabi nito...
Kung sana ay prinotektahan ko ito at pinaramdam ko rito ang pagmamahal na meron ako para sa kaniya...
Edi sana buhay pa ito ngayon.
Sana ay nakikita ko pa ang mga ngiti sa labi nito.
Pero ano pa ba ang magagawa ko? Ano pang magagawa ng isang mahinang tulad ko kung tuluyan na ngang nawala ang aking ina.
"Kaizen! Where are you! I need blood! My son where are you!" Umigting ang aking panga sa narinig kong boses ng aking ama.
Isa itong halimaw na kinamumuhian ko.
Wala itong pakealam kung mawala ang ina ko dahil napakamakasarili nito.
Bumangon ang matinding galit sa aking dibdib.
Hinding hindi ako makakapayag na hindi ko magawang maipaghiganti ang aking ina.
Sisiguraduhin ko na pagbabayaran ng aking ama at ng mga taong nanakit sa aking ina ang lahat ng ginawa nila.
I will kill them all.
My fangs elongated at gusto ko nang maramdaman ang pagdaloy ng dugo nila sa mismong mga kamay ko.
Pinapangako ko na lahat ng ginawa nila ay pagsisisihan nila.