7.6 KAIZEN'S POV Present time

2056 Words
My wolf howled in the middle of the forest at dahil doon ay tila nagising ako mula sa malalim na pag-iisip. Hindi ko akalain na babalik sa isip ko ang masasakit na ala-alang ayaw ko na sanang alalahanin. Pero talagang ginagambala ako no'n dahil hanggang ngayon malaki pa rin ang epekto ng ala-alang iyon sa aking pagkatao. Patuloy pa rin sa pagtakbo ang aking lobo samantalang ramdam ko pa rin ang sakit sa aking dibdib. Hindi ko alam kung ramdam rin ba nito ang aking nararamdaman dahil pansin ko rin sa paraan ng pagtakbo nito ang galit. Hanggang sa binigay na nito sa akin ang kontrol kung kaya't mas ramdam ko na ang hangin na dumadampi sa aking balahibo. Kahit ang pagbaon ng aking mga paa sa lupa pati na rin sa basa o tuyong dahon ay ramdam ko at masarap sa pakiramdam. Everything became blur and at ang tanging ginawa ko lang ay ang tumakbo ng tumakbo without looking at my back. Ngunit sa pagtakbo ko hindi ko inasahan ang sunod na nangyari. I just saw a silver thing cross in front of me and because I am running so fast. Hindi ko inaasahan at hindi ko napigilan ang pagsalpukan namin sa isa't isa. Napaatras ako habang ang nabangga ko ay tumilapon ng kaonti. I shook my head and stare at the facinating thing in front of me. Humahanga ako sa ganda nito. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan habang ang lobong nabangga ko ay dahan-dahang tumayo noong una ay nakatalikod pa ito sa akin pero sa huli nang magtama ang aming mga mata ay nakita ko agad ang pag-iba ng emosyon nakaguhit sa mga mata nito. Nakita ko ang galit sa mga mata nito and she snarled. Oo alam kong babae ito dahil na rin sa kulay ng balahibo nito. Because light colors symbolize female wolf pero ngayon lang ako nakakita ng ganitong klaseng kulay ng balahibo. Kung titingnan ay napakalambot no'n at tila ba kay sarap no'n hawakan. Pati na ang kulay ng mga mata ng lobo ay lubhang nakakalunod dahil asul iyon na may kaonting pilak. Bumaba ang mga mata nito upang obserbahan ang kabuuang anyo ko. Samantalang tila naestatwa pa rin ako sa angking kagandahan ng lobong nasa harap ko. I know that dark color is for man ngunit nakakagulat lang dahil sa kauna unahang pagkakataon ngayon lang ako nakakita ng lobo na may pilak na kulay ng balahibo. Alam kong paulit ulit na ako pero hindi talaga ako makapaniwala. Because all I have seen is blonde and light brown but this wolf is rare. Ulit ay nagtama ang aming mga mata at parang may maliliit na kuryenteng tumulay sa aking katawan. Her blue eyes are shining with something I can't name. I look on her right front paw looking for a mark dahil sa pagkakaalam ko ang mga babaeng nasa kaharian ay minamarkahan. Sapagkat kinakailangan silang protektahan. Lalo na't noong naghahari pa ang aking ama ay wala itong ginawa kundi abusuhin ang mga babae kaya napag-isip isip ko na kailangan bawat isa sa mga dalagang nasa kaharian ko ay may markha na nagsasabing bawal hawakan ang mga ito hangga't hindi kusang binibigay ng dalaga ang permiso. O hindi kaya kapag mate mo ito ay pwede mo itong hawakan. Samantalang ang alam ko ay ang mga hindi lang namarkahan ay ang mga babaeng nagtratrabaho sa bahay aliwan. Ito ang mga babaeng piniling huwag magkaroon ng proteksyon at hinahayaan ang ibang mga lalaking lobo na hawakan sila at gawin ang mga gusto nila sa mga ito. Ngunit itong lobong nasa harap ko ay walang marka. So ibig sabihin ba ay nagtratrabaho ito sa bahay aliwan? Ngunit kung nagtratrabaho ito roon paanong nakatakas ito? Sa pagkakaalam ko ay mahirap makatakas sa mga lugar na iyon at bawala silang gumala sa ibang lugar. At ang nakakapagtaka pa ay nandito ito ngayon malapit sa aking palasyo. So how come? Did we fail to mark this woman o baka isa ito sa mga tumakas lang sa bahay aliw? Damn! Alin man doon ang rason ay naiinis ako. Pero nakita kong ginalaw ng lobong babae ang kaniyang katawan at nanlaki ang mga mata ko nang mahulog ang mga kulay abo sa buhok nito at napalitan ng puti. T-teka... Isang lobo lang ang alam kong may puting kulay ang balahibo. Hindi ako nagkakamali, dahil noon ay nagulat rin ako sa nakita kong kulay nito. M-mate? Pero bakit hindi pamilyar sa akin ang amoy nito? Bakit wala akong maamoy na kahit ano? Nababaliw na ba ako? I growled lowly sending signal to the wolf to shift and change in human form at sa ginawa ko ay tila doon lang nito napagtanto na ako ang hari dahil na rin sa kakayahan kong utusan ang kahit sino na magpalit ng anyo. Akala ko nga ay susunod ito sa pinapagawa ko. Pero nagulat na lang ako na hindi man lang ito gumalaw So I growl again louder and walk towards her but she ran away. Nanlalaki ang mga mata ko na pinanood ang pagtakbo nito palayo sa akin. I howl and ran after but like the snow in the forest, the wolf fades away. Hindi makapaniwalang nagbalik anyo ako bilang tao. Habang tinatanong sa sarili ko kung saan pumunta ang dalaga? At ang tanong bakit ito tumatakbo palayo? Saka bakit kakulay nito ang aking mate samantalang wala man lang akong maamoy na kahit ano kanina. Kung siya ang mate ko ay maaamoy ko agad ang bango nito pero hindi nangyari. Kaya baka nga hindi siya ang mate ko. Pero nakakabahala lang ang kaalaman na wala itong marka at ang katotohanan na pareho ang kulay ng balahibo nito sa aking mate. Maaari kasing kapamilya nito ang mate ko o maaaring may mahalagang tinatago ang lobong iyon. Dahil kung wala itong tinatago ay hindi ito tatakbo papalayo sa akin. Paano nga kung meron pang paraan para mahanap ko ang mate ko? Shit I felt hope rises within my heart. Ang lobong 'yon ang nagpabalik ng pag-asa sa puso ko. Tila agad kasing may sumilip sa isip ko na isang paraan para magkita kaming muli ng aking mate. Tama lang din na maisakatuparan ko ang mga planong naisip ko noong isang araw. Napabalik ako sa aking anyong tao at pinagmasdan ang daang tinahak kanina ng puting lobo. 'Makikita rin kitang muli at aalamin ko kung bakit ka tumakbo at lumayo sakin and I'll make sure na malalaman ko ang dahilan kung bakit nabahiran ng galit ang mga mata nito kanina para sa akin.' "Y-Your highness." I almost gasp when I heard that sweet and husky voice again. I turn around not minding my nakedness and saw the new servant. Nakayuko ito. Kung noong unang dating nito ay halos lumantad ang katawan nito ngayon ay may maayos na itong kasuotan dahil sinigurado kong maipapadala rito ang mga damit na pinaayos ko para rito. Hindi lang kasi ako mapakali na ganoon ang suot nito sa harap ko. ut I felt my forehead knotted when I saw her clothes look so crumpled para bang minadali ang pagsuot nito. Napailing ako teka ano ba ang ginagawa nito rito? Sinundan niya ba ako? Pero akala ko ba galit ito sa akin? Hindi naman maikakaila na may kasalanan akong ginawa sa kaniya. I shouldn't kiss her pero hindi ko lang napigilan ang sarili ko lalo na’t nakakaakit ang pagkapula ng mga labi nito. Hanggang ngayon ay nakaukit pa rin sa aking ala-ala ang pakiramdam na mahalikan ito. Kung gaano kalambot ang mga labi nito ay kung gaano kasarap ang lasa no'n. "Raise your head servant." I said in monotone ngunit parang nagdadalawang isip ito at nanatiling nakayuko lamang tumikhim ako kaya agad na inangat nito ang kaniyang mukha pero halata pa rin rito ang pagkailang and I caught the redness in her cheeks when her eyes landed on my naked body. Mas lumalim ang pagkakunot ng aking noo dahil sa kakaiba nitong galaw. Is there something wrong o baka may sakit ito? Pero sabagay hindi pa ito sanay na makita akong nasa ganitong ayos. Lalo na't isa itong tao. Ang mga lobo kasi ay sanay na makakita ng hubad na katawan dahil oras na nagpapalit kami ng anyo ay nasisira ang aming mga kasuotan kung kaya't wala kaming choice kundi lumakad nang nakahubad. Bumuntong hininga ako. Pero siguro naman pag nagtagal kaming magkasama ay masasanay rin ito. "Bakit ka andito?" Umiwas ito ng tingin and bite her lower lip. Making me look at it longingly. Shit! Why is she affecting me so much like I want to claim her in a way I shouldn't do. Dapat nga ay matiis ko itong nararamdaman ko dahil hindi nararapat na mangyari ang ganito. Nababaliw na ba ako? May kakaiba talaga sa babaeng ito! Hindi ko alam kung ano iyon sa ngayon pero there is something wrong with this woman. At hindi ko pa rin nakakalimutan ang nangyari sa mata nito kagabi. Kitang kita ko kung paano nagbago ang kulay ng mga mata nito kaya baka hindi simpleng tao lamang ang nasa harap ko. Baka nga may tinatago ito sa akin. Pero ano naman iyon? Sino ka ba talaga Luisa? Lumapit ako rito at nahuli ko itong napaatras napaisip ako kung hindi ito amoy lobo. Then bakit kakaiba ang nangyari sa mata nito kagabi? Ewan ko kung ano 'tong naiisip ko pero pinagpatuloy ko ang paglalakad at nang nasa harap na ako nito na ilang dangkal na lang ang layo ng aming mga mukha, her scent quickly caught by my nose a strange scent na hindi ko mapangalanan. Pero kahit ganoon iyon ay hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko na amoyin ito lalo. Para bang may kakaibang nakahalong amoy sa katawan nito na hindi ko rin alam kung ano. Pero nang mapatitig ako sa mukha nito ay walang dudang baliw na nga ako. Ang mukha nito ay isang mukha na hindi gugustuhin titigan ng isang normal na binata. Pero ewan ko ba, kahit ganito ang anyo niya she can still seduce me. Napatikhim ako at napaatras muli f**k bakit ko ba 'to ginagawa? Syempre tagapaglingkod ko itong nasa harap ko kaya imposibleng nababaliw ako rito. Baka nga dahil lang sa pangungulila ko sa aking mate kaya nararamdaman ko ang ganito. Isa pa baka niloloko lang ako ng imahinasyon ko. Maybe many years without a cùnt wrap on my c*ck makes it starve like a c*ck of a caveman. Nakonsensiya ako nang makita ko ang pagkabahala sa mukha ng babae. I smile and raise my hands and takes away the little twigs stuck on her hair. "May dumi lang sa buhok mo pero ano nga ba ang rason mo at andito ka?" Napalunok ito at tipid na ngumiti. "Hinahanap na po kayo sa palasyo." Tumango ako hmm kaya pala baka may problema na naman. "Okay let's shift para mapadali." Nanlalaki ang mga mata nito at umiling. I raise my left eyebrow because of his action. Bakit parang takot itong magpalit ng anyo. Mas mapapadali naman kasi ang pagbalik namin kung nasa anyo kami ng lobo dahil mabilis ang takbo namin. Ay s**t! Nakalimutan kong tao pala ito kaya napabuntong hininga na lang ako. "Maglalakad na lang po ako mahal na hari kaya mauna na po kayo." Kumunot ang noo ko sa sinabi nito kaya napasuklay ako sa aking buhok gamit ang aking mga daliri. "You need to go with me. Delikado ka rito sa labas." "Pero p-paano naman po ako—" Napabuntong- hininga ako at sinenyasan ko ito para patigilin sa pagsasalita. "Stop Luisa, Sumampa ka na lang sa likod ko at para mapadali tayo. Ngayon lang naman at sa susunod please lang huwag ka na pumunta ng gubat ng ikaw lang mag-isa. Nagkakaintindihan ba tayo?" Tumango ito kahit na may konting pag-aalangan sa mukha nito. "Just do what I say Luisa." Huling sambit ko at agad na hinayaan kong yakapin ako ng pagbabago hanggang sa naging isang itim na lobo akong muli. I signal her to do what I say na ginawa naman nito. Sumampa ito sa likod ko pressing her soft body on my wolf form making me purred and growl lowly at how her scent wrap on me deliciously and how her petite body makes my body scream in pleasure. Damn! Bakit ganito na lamang ang epekto niya sa akin? I am really in deep hell if this will continue.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD