The other guy

1379 Words
"Buti pa sila.. kahit matanda na, magkasama pa. Hay!" Lunch break ni Nhia sa mall na pinagtatrabahuhan niya at dahil may raket si Jeremy ay mag isa lanv siyang kumakain. At kanina pa siya nakatingin sa lolo at lola na nagsusubuan pa ng fries sa isang gilid. It still amazes her to see old couple and still Inlove. Minsan iniisip niya how they manage to make the relationship last. Nagkaroon ba ng time na may nagsawa sa kanila? Did they fight? If so.. sino sa kanila yung brave enough to take someone back? Kase para sa akin, Hindi kahinaan yung pag retreat at paghingi ng sorry kahit hindi nila kasalanan. Para sa kanya, Saying sorry and admitting the mistake doesn't always mean that you're wrong and the other is right. It only means that you love a person that much that you're willing to swallow your pride. Iyon ang isang bagay na hindi nangyari sa kanila ni Toby. They never really had the chance to talk about what happened in their relationship. Siguro nga may kasalanan siya sa lalaki, siguro nga hindi hindi siya nagkaroon ng lakas ng loob na kausapin at tanungin ito, magpaliwanag. But it wasn't entirely Nhia's fault. He's also to blame. If things weren't the same.. Kung.. Kung nakapag usap kaya sila noon, Sila parin kaya ngayon? Kung sila pa rin ngayon.. May mga susubok pa kaya sa relasyon nila? Kung may mga susubok man.. Magiging matatag kaya sila? There's just so many questions that's been running inside her head. Funny how all of a sudden, bigla niya na lang naaalala ang lalaki. "Tulala ka na naman Klareng!" Biglang naupo sa tapat niya si Dion driving her away from her thoughts. Si Dion ang anak ng may ari nitong mall na pinapasukan niya, which technically made him her boss. They were friends since high school until college. Ipinagtataka lang ni Nhia kung bakit mas pinili ni Dion na mag aral sa Sta. Catalina gayong pwede naman itong mag aral kahit saan niya gusto. 'Kagaya ni Toby na iniwan ako.' Ipinilig niya ang kanyang ulo. 'Hay, Klareng, stop torturing yourself!' "Sir Dion! Lunch ko yan!" Kinuha niya nito yung fries na kinakain niya at isinubo lahat sa bibig niya. "Lunch ba yang fries?! Eto ang lunch oh!" Tumawag siya ng isang service crew sa fastfood chain kung saan siya kumakain. Self service ang patakaran sa fastfood chain na 'yon pero dahil boss ang nag utos, sino sila para hindi sumunod? "Saka diba? Sinabi ko na sayong Dion lang?! Ang tigas talaga ng panga mo!" Nginitian lang siya ni Nhia. Ayaw niyang sundin ang sinasabi ng lalaki dahil ayaw niyang isipin ng iba na may special treatment pagdating sa kanya ang lalaki. Mabilis na dumating ang mga inorder ni Dion at nagulat si Nhia sa dami non, "Baka naman hindi na ako makatayo ng maayos sa dami niyan! Tao po ako sir Dion.. Di patabaing baboy!" Natatawang sabi niya. How can she describe her relationships with Dion? When Toby left her broken, That's when Dion entered the picture. Ilang beses nitong binalak na ligawan si Nhia at ilang beses niya din itong binasted. Nanatili pa rin silang magkaibigan dahil iyon lang ang kaya niyang ibigay sa lalaki. . Although nararamdam niya pa rin na may special treatment sa kanya si Dion kumpara sa ibang empleyado. "Kahit naman umubos ka pa ng sangkaterbang extra rice.. Ikaw parin si Klareng sa paningin ko." Kinurot nito ang pisngi niya. "Stop calling me Klareng Sir Dion!" "Stop calling me Sir, and I'll stop with the Klareng." Nakangising sabi nito.. May dalawang kabataan na lumapit sa table nila at nahihiyang nagtanong kung pwedeng magpa picture kay Dion. At dahil mabait si Nhia, siya na ang nagprisinta na kuhanan sila ng litrato. Dion is well known, aside from being rich, bokalista at front man siya ng isang sikat na banda. "Wala ba kayong bagong gig?" Tanong niya dito habang nginunguya yung burger. "Next week start na ng Provincial tour namin.. After nun, Asian Tour naman." Nalaglag ang panga ni Nhia sa sinabi nito. "Bigtime ka na talaga Sir este Dion! Pa tour tour nalang!" Nginitian siya ng lalaki. "Dapat kasama ka namin sa mga tour eh. Ikaw naman kase yung dahilan kung bakit kami sumikat e. Yumuko na lang siya. Hindi ba sumasama siya kay Jeremy sa pagmo modelo? Isa sa mga naging proyekto niya ay ang music video ng kantang pinasikat ng banda ni Dion. "Maganda ang boses mo and maganda yung kanta kaya sumikat yun, ano namang kinalaman nung slow motion kong paglalakad at pag ngiti-ngiti sa harapan ng kamera?" "Hahaha! Malaki Nhia.. Nainspire akong gumawa ng kanta dahil sa mga ngiti mo." Nakangiti pa ring sabi nito. Dahilan para mabilaukan si Nhia. "Ah, Dion, Isang oras na akong naka lunch break, mapapagalitan na ako ng bisor ko!" Nagmamadali siyang tumayo at kinuha yung plastic bag ng pina take out niya. "Klairinhia.." Pinigilan siya nito. Hinawakan nito ang kamay niya pero hindi siya lumingon sa lalaki. Hinintay niya lang itong magsalita. "Pagkatapos ng tour namin, Babalik ako.. Babalikan kita.. Sana.. sana lang Oo na yung sagot mo sa tanong ko." Nanlambot agad yung mga tuhod niya dahil sa sinabi ng lalaki. Lutang siya maghapon dahil sa sinabi ni Dion. Looks like she can't take him for granted anymore. Sooner or later he'll need her answer. Kung tutuusin naman, wala na siyang hahanapin pa kay Dion. Mabaitang lalaki, mayaman at higit sa lahat, mahal siya. Si Nhia lang naman kase talagaang problema.She still hasn't moved on from her past. That feeling that no matter what she do, or who ever she's with, they will end up leaving her because she's boring. Just like how things with him ended. Sabagay, hindi niya na din naman makikita ulit si Dion. Last day na niya bilang saleslady dahil sa Lunes, mag uumpisa na siyang magtrabaho sa mga Pedroza. Bumili siya ng balot sa daan. Tutal wala naman si Jeremy sa bahay at tinatamad rin siyang kumain. Nagulat na lang siya nang maabutan bukas ang mga ilaw sa bahay. "Hoy Bading! Anong ginagawa mo dito?!" Naabutan niya si Jeremy na sumasayaw sa harapan ng salamin. May hairband pa ito na nakalagay lang sa noo habang naka pink fitted blouse. "Maaga natapos yung shooting eh. Saka tatamad akong gumora kung saan-saan. Feeling ko rereglahin ako Mami!" Hinawakan pa nito ang matres niya. Naupo si Nhia sa mahabang sofa habang inaalis yung heels niya. Nakalimutan niya kaseng magdala ng tsinelas kaya ayun. Tiis ganda. "Nagfile na ako ng resignation kanina." Nanlaki ang mga mata ni Jeremy sa narinig niya. Tumigil ito sa pagsasayaw at agad itong naupo sa tabi niya. "Talaga Klareng?! So hindi mo na tatanungin ang mga tao kung anong hanap nila?" Pumapalakpak pa ito habang nang aasar. "Eh teka, Anong naging reaction ni Fafa Dion na aalis ka na?" Sumandal siya sa sofa. "Edi wala. Hindi naman ako nagpaalam sa kanya eh. Atsaka hindi din naman kase niya nararamdaman na wala na ako dun, may tour na sila next week saka wala na siya bukas sa Sta. Catalina para maghanda." Bigla siyang umayos ng upo nung maalala niya ang pinag usapan nilang dalawa kanina. "Bading!! May sinabi sakin si Dion. Pagkatapos daw nung tour nila babalik siya! Babalikan niya daw ako, at sana daw Oo na yung sagot ko! Bading anong gagawin ko?!" "Klareng one plus one?!" Tanong nito jabang nakataas ang isang kilay. "Edi two!" "Eh hindi ka naman pala tanga eh, bakit hindi mo alam ang gagawin mo?" inirapan niya ang lalaki. "Alam mo naman na hindi ang sagot ko sa tanong na yan 'diba? It's always a no. Ayoko namang masaktan si Dion kaya hindi ko masabi ng diretso." "Hoy babae! Wag ka ngang paasa!" "Hindi ko naman siya pinapaasa ah!" depensa niya. "Hindi pinapaasa? Anong tawag mo sa ginagawa mo? Playing hard to get? Eh ganun din yun eh." Bumuntong hininga si Jeremy. "Gets ko naman yang pinagdadaanan mo eh. Pero Klairinhia, masyado nang matagal na panahon yang pagluluksa ng puso mo. Subukan mo namang iopen para sa ibang tao yan. Kinakalawang na eh.. Gamitin mo pag may time. Ang tagal tagal na nag-iintay sayo ni Dion bakit hindi mo siya bigyan ng pagkakataon?" ---------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD