"Ang love parang soccer. Sisipain mo palayo saka mo hahabulin. arang tanga lang. Nasayo na, binitawan mo pa. Nung nakuha na ng iba saka ka makikipag laban para makuha agad.
----
Limang taon na simula ng pinangako ni Nhia sa sarili niya na tatanggalin ang lahat ng bagay na may kaugnayan sa kanya.
Pero heto siya ngayon sa tapat ng Pedroza Engineer Firm. Dahil kailangan niyang harapin ang utang na itinago sa kanya ng mga magulang sa napakaraming taon..
Twenty five million pesos?
'Saang kamay ng diyos ko naman kukunin yung ganun kalaking halaga?'
"Miss Aquino, Hinihintay ka na ni Mr. Pedroza sa opisina niya." Nakangiti siyang tumango sa sekretadyang tumawag sa kanya at dahan-dahang naglakad papasok sa opisina.
"Good Morning Mr. Pedroza.." Nahihiyang bati niya. Naupo si Nhia sa bangkuan na katapat ng lamesa nito.
"Nhia naman.. Limang taon lang tayong hindi nagkita Mr. Pedroza na agad?" Nahihiya siyang ngumiti dito.
"T-tito Khillua.." Nginitian siya nito pabalik bago bumuntong hininga.
"It's much better than Mr. Pedroza but Nhia, I really appreciate it if you still calls me Papa."
She smiled. An awkward smile. When Nhia and him were still together, she used to call the man infront of her and his father, "Papa." They were like her second father.
"Uhmm.." She doesn't know what to say. Doesn't know how to react either. Its been what? Six-Seven years but they still treat her nicely.
"Don't worry iha, pinapangiti lang naman kita pero mukhang hindi effective kaya wag na lang." Kiming ngiti lang ang isinagot niya dito.
"Uhmm T-tito Khillua, tungkol po dun sa lupa namin.." Tumungo siya. Satotoo lang nahihiya siya ngayon pero kailangan niya itong harapin. If she needs to beg, she will. Afterall, that's the only thing her parents left her.
"Ah, Nhia iha, wag mo ng isipin yon.." Nagulat siya sa sinabi nito pero hindi niyappinahalata.
"Pero Tito, Napaka laking halaga po nun para balewalain niyo nalang. Kung gusto niyo po, magta-trabaho nalang po ako sa mansyon." Nahihiyang sabi niya pa.
"Iha.. Alam ko kung gaano kaimportante sayo yung lupang yon. Yun na lang ang naiwan sayo ng mga magulang mo at hindi ako ganun kasama to take that away from you." Nakangiting sabi nito sakkanya.
"Isa pa.. kung nabubuhay lang si Kuya Tiburcio, I'm sure hindi niya rin hahayaang mawala sayo yun."
"Pero..."
"Kung gusto mo talagang mabayaran ng paunti-unti yung utang niyo, fine. But I won't allow you to work in the mansion. You're going to work here. Tutal magre-resign na yung secretary ko.If you like, I can give you that position. "
****
"So ano tinanggap mo ba yung offer ni Don Khillua?" Malanding tanong sakanya ni Jeremy. Her best friend since high school.
"Sabi ko pag iisipan ko muna." Dumukot siya dun sa chips na kinakain nito.
"Ano pa bang pag iisipan mo girl? Sure win na yung binibigay sayo ni Don! Hay nako! Kahit ipasok kita sa raket ko ng sampung taon hindi maco-cover nun yung twenty five million pesosesoses na jutangs ng mudra at pudrabells mo sa mga Pedroza!"
Napasimangot na lang si Nhia. Kung bakit ba naman kase nagawang itago ng mga magulang niya sa kanya na nakasanglanang lupa nila sa mga Pedroza hanggang sa umabot na ito sa ganun kalaking halaga.
"Paano naman kase kung magkita kame ni Toby?"
"Gaga! As if naman pag nagkita kayo ulit nun may 'Back in each other's arms' ang drama nyo noh! Eh, 'diba halos isumpa niya na nga ang Sta. Catalina ng dahil sa nangyari nun?!"
"Atsaka, ano naman kung magkita kayo? May kasalanan ka ba sa kanya? Wala naman di ba? Siya nga itong nahuli mong may kachu---"
Hindi na naituloy ni Jeremy ang sinasabi sapagkat sinubuan siya ni Nhia ng napakaraming chichirya.
"Pwede wag mo nang ipaalala?"
"Edi 'wag," Taas kilay na sagot nito. "Pero if i were you, tatanggapin ko na 'yang offer na yan, girl. Biruin mo, hindi mo na poproblemahin yung lupa nyo, hindi ka pa magkaka varicose veins sa maghapong pagtayo sa mall!
"Baka sales lady ang trabaho ko kaya kailangan kong laging nakatayo?" Mahaderang baklang to. Napakadaldal.
"Yun nga yun e, college graduate ka naman kung bakit nagtya-tyaga ka maging sales lady."
"Bakit ba ang dami kong tanong? Saka anong ginagawa mo dito? Wala ka bang event?" Modelo ang kaibigan niyang si Jeremy. Madalas din siya nitong isama sa mga raket niya lalo na kung sa labas ng Sta. Catalina.
"Waley girl! Major major beauty rest ang drama ko ngayon." Heto at inaayos niito ang facemask na ilalagay sa mukha niya.
Magkasama sila ni Jeremy sa bahay simula nang mamatay ang mga magulang niya. Dati ay nagbabayad pa siya ng upa dito pero kalaunan ay naghati na lang sila sa mga expenses.
"Ano ba yan Jeremy! Bakit ang baho?!" Muntik na siyang masuka nung bigla itong magpakawala ng masamang hangin sa katawan.
"Ang arte mo Girl! Para utot lang eh! Hmp! diyan ka na nga!" Umalis ito ngunit maya-maya ay bumalik din naman.
"HOY BADING! ANO YAN?!" Pasalampak itong naupo sa tabi nya.
"Eto? LALA."
"BAKIT MERON KA NIYAN?!" Tinignan ni Nhia yung hawak nito saka ngumiwi.
"Hindi naman ako nawalan nito eh." Dinilaan siya nito.
"Traydor ka Jeremy! I hate you!"
"For your information, Miss Aquino, ikaw lang naman ang may problema sa chocolate na to, kaya wag mo kong idamay. Kung isinumpa mo ang Lala, ako hindi. Kairita ka girl, dyan ka na nga!" Pakendeng-kendeng pa itong naglakad sa kwarto at iniwan siyang magisa sa sala.
'Nakakainis!'
She said when she's all alone.
Why is it that all of a sudden, the things that reminded her of him suddenly shows up?
First, his uncle, now their favorite brand of chocolate.
FLASHBACK.
"Nhia.. may isusuot ka na sa js natin?" Tanung nung classmate niya.
"Kadate nga sa JS wala pa ako, Isusuot pa kaya? Saka hindi ko pinoproblema yan noh." Hindi niya alam kung bakit issue sa third year ang JS PROM eh, may next year pa naman.
"Hindi ka pa ba inaaya ni-- HMPPPP--" Tinakpan nung isa niyang kaklase yung bibig nung isa pang nagsalita.
"Inaaya nino?" Tanong niya sa kanila.
"Ah.. eh.. haha! wala!! sige Nhia.. una ka na sa room! May gagawin pa kameng assignment! Bye!" At iniwan siya nitong nakanganga.
'Anong assignment ang gagawin nila eh, Wala ngang klase ngayon dahil sa JS prom sa friday.'
Naglalakad siyang mag isa sa may hallway. Wondering kung nasaan yung mga estudyante dahil para talagang ghost town yung school. Wala talagang tao.
"Calling the attention of Miss Klairinhia Aquino.. Miss Klairinhia Aquino please proceed to the AVR now."
"Anong ginawa mo Nhia?" Tanong niya sa sarili habang naglalakad papunta sa AVR.
Kinakabahan siyang binuksan yung pintuan sa AVR. Madilim dun at yung spotlight lang sa may stage ang ilaw. May nakalagay pa dun na isang silya. Feeling niya nasa interrogation room siya.. Yung tipong tinotorture para mapaamin sa ginawang kasalanan.
"AAAAAAHHHHH!" Nagulat siya nung biglang nagsarado yung pintuan na AVR. She tried pulling the knob pero nakalock ata sa labas yun. Iniisip niya na baka may nagpa prank lang sa kanya dito.
"HEY! PALABASIN NIYO AKO DITO!!" Kinakalabog at sumisigaw siya na as if may makakarinig sa kanya eh, Sound proof ang AVR. May naka konekta lang na Speaker sa ibat ibang part ng school just in case may mga announcement. May live feed din sa Stage para sa mga estudyanteng hindi kayang I accommodate dito. Public school lang yung school namin, pero dahil nag iisa lang ang Sta. Catalina High school na ito sa Sta. Catalina, yung anak nung mga mayayaman dito din nag aaral kaya ayun, kung ano anong idinodonate para lang maging maayos yung pag aaral ng mga anak nila.
"ANO BA?! HINDI NA NAKAKATAWA HA?!" Tapang tapangan niyang sabi kahit sa totoo lang ay natatakot na siya. Sabi kase nila may white lady daw sa AVR kaya madalang lang gamitin.
Biglang tumugtog yung HARANA ng Parokya ni Edgar. One of her favorite songs. Lumingon siya just to see her bestfriend, sitting on the chair with his guitar on his Lap.
"Toby.." Dahan dahan siyang naglakad papunta sa tapat niya. Sa gitna ng stage.
'Anong ginagawa mo?'
Tumayo ito at naglakad papunta sa kanya. He offer his hand which she gladly accepted at nagpunta sila dun sa may stage. Sa tapat ng spotlight.
"Klairinhia Aquino, pwede ko bang hilingin ang mga kamay mo para maging kapareha ko sa biyernes?"
'Ang gwapo-gwapo talaga nitong bestfriend ko. Heartrob yan eh. Mayaman pa.'
"Wala naman akong choice eh.. Sayo naman talaga ang bagsak ko. Takot lang sayo ng ibang magyayaya sakin." Tinapik niya ang balikat nito.
"Expected ko na naman na papayag ka eh." Nakangiting sabi niya.
"Hah! Ang yabang lang po ni Senyorito Toby!" Dun nangunot yung noo niya. Ayaw na ayaw kase nitong tinatawag siyang senyorito eh. "Uy Joke lang best! Ang sensitive mo naman."
"Anong joke Nhia? Walang joke joke sakin. You're a bad girl and you deserve to be punished." Nakasmirk na sabi nito. Punishment daw.. Eh magpapa linis lang naman yun ng kuko sa paa.
"Gagamitan ko ng steel brush yang sakong mo para matanggal yung kalyo. Hehehe! "
"Wow Nhia! Hiyang hiya ako sa paa mong pang magsasaka.. Atleast yung akin puro kalyo lang, yung sayo kalyong tinubuan ng paa." Sinamaan siya ng tingin ni Nhia dahil sa sinabi nito. "Pero eto seryoso na." Lumuhod ito sa harapan ni Nhia sabay kuha nung mga kamay nita
"Hoy Toby! Anong ginagawa mo?! Tumayo ka nga diyan!"
"Wag kang magulo Nhia, Kinakabahan ako." He took a deep breath bago ito tumingin sa mga mata niya.
"Klairinhia Aquino you've been my bestfriend since womb days and isa ka sa mga taong pinapahalagahan ako at hindi ako itinuring na kaiba because of my family name. You're very important to me and you're always will pero ayoko ng maging kaibigan mo."
Kusang nalaglag ang mga luha galing sa mga mata niya. Ayaw na ba nitong maging kaibigan ang dalaga?
"Ayoko ng maging kaibigan mo kase I've decided that we end this friendship and start a new one. Ayaw na kitang maging bestfriend Nhia.. Gusto na kitang maging girlfriend. Nhia Aquino pwede ba kitang ligawan?"
'Ano daw yung sabi ni Toby? Parang nabingi kase ako eh.' She asks herself
"Ha?!" Umalis ito sa pagkakaluhod kaya para na naman siyang nakatingala sa kapre.
"Ang haba haba nung speech ko tapos 'hah?!' lang ang sagot mo?"
"Eh baka kase nabingi lang ako eh.." Naka yukong sagot ng babae.
"Ano ba yung narinig mong sabi ko?" Napaisip si Nhia kung sasabihin niya kay Toby kung ano yung narinig niya. Baka kase nagkamali lamang siya ng dinig at mapahiya lang siya.
"Sabi mo.. 'Pwede ba kitang ligawan?"
"Oo naman! Pwedeng pwede mo kong ligawan, best!" Sabi nito sabay yakap sa kanya. Gulong-gulo si Nhia sa mga pangyayari.
Maya maya lang ay pumasok ang pinsan ni Toby na si Kathleen na may dalang isang three stemmed white roses saka isang basket ng LALA chocolate. After niya magpasalamat sa babae at i-congratulate siya, Lumabas na sila ng AVR para lang makita na naka live feed pala at napanood ng buong STA. Catalina High yung nangayari kanina.
Nagpalakpakan ang mga ito kaya pilit niyang isiniksik ang mukha niya sa uniporme ni Toby.
"Toby bakit may live feed?" Bulong niya sa lalaki.
"Because i want everyone to know that you're mine." Hinawakan nito ang kamay niya saka pinisil.
Lahat naman masaya sa nangyari sa kanila, maliban lang sa isa.
------
Rhean