------
Bukas na yung flight niya papuntang Sta. Catalina at hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman. May gusto siyang makita, gusto niyang iparamdam sa kanya yung galit niya.
"Hanggang kailan ka dun Toby?" Tanong sa kanya ni Mikay. His silent business partner sa Square One. Hindi siya kilala ng mga kaibigan ni Toby pero sa St. Celestine graduate ang babae at kababata siya ni Toby sa Sta. Catalina. She's his pretty little secret. Bukod kase sa ayaw ng babae na makilala siya ng mga kaibigan ni Toby. May "phobia" din ito sa lalaki.
"One month lang naman ako dun Mikay." Inilapat ni Toby ang kamay niya sa balikat ng babae pero agad din naman niya iyong tinaggal when he felt her shiver. He took a deep breath at lumayo siya ng kaunti sa dalaga.
"Wag mo kong masyadong mami-miss ha!" Pagbibiro niya pa.
"Psh! Gagu! As if naman mamimiss kita! Kahit isang taon ka pang mawala okay na okay! Pabor pa sakin yun!" Ganting asar naman ng dalaga. Biglang nagbago ang mukha nito na parang biglang may naalala.
"Hmmm.. Toby? Paano pag nagkita kayo ni Nhia dun?" Tanong ng dalaga.
He clenched his jaw. Kumuyom din ang kamay niya. He walked away from Mikay. Ayaw niyang matakot ang dalaga sa reaksyon niya ngayon.
"Pag nagkita kami dun, edi nagkita.. it's not as if masaya akong magkita kaming dalawa. If it happens, then it happens." Sabi nalang niya sa dalaga. Hindi niya aaminin ditong plano niyang sirain ang buhay ni Nhia. Mikay's a nice woman, ayaw na ayaw nitong makakakita o makakarinig ng kahit anong may kinalaman sa violence.
Napansin ni Toby ang saglit na pagtaas ng kilay ni Mikay pero hindi niya nalang yun pinagtuunan ng pansin.
"Basta Mikay ha.. iwasan mo yung mga kaibigan ko, mga siraulo yun. Ayaw ko lang mapahamak ka." Seryosong sabi niya.
"Alam mo Toby, kahit wag mo ng sabihin sakin, hindi talaga ako magpapakita diyan sa mga kaibigan mong playboy!" She stick her tounge out.
"Grabe ka Miks! Sila Brad at Stephen lang naman ang babaero sa barkada. Sila Louie at Iñigo may pamilya na tapos si Liam, good boy yun!"
"Whatever.. wala padin akong tiwala sa mga yun. Magtatago nalang ako sa opisina." Natatawang sabi ni Mikay. "Pero eto seryoso.. Mag iingat ka dun ha? Pag kailangan mo ng kausap, tawagan mo lang ako."
"Alam ko naman yun Miks eh. Kaya nga, ngayon pa lang nagpapasalamat na ako eh."
"Wala 'yon. Saka pwede bang walang drama ngayon?" Humarap sa kanya si Toby at nagsalute.
"Yes ma'am! "
***
"Toby.." inakap siya ng Tito Khillua niya paglabas niya sa Sta. Catalina Airport. Huminga siya ng malalim saka pinagmasdan ang paligid.
"Ang dami ng nabago dito, Tito ah.." Pagpansin ni Toby. Ilang taon na din kase siyang hindi nakakabalik ng Sta. Catalina, Wala pa yung mga naglalakihang building na ddati ay puro malawak na palayan palang.
"Gov. Cervantes did all of this. Maswerte ang Sta. Catalina sa kanya." Tumahimik lang si Toby. Hell he doesn't know who Governor Cervantes is.
"Gusto mo bang umuwi muna para magpahinga?"
"No Tito. Gusto kong magpunta sa firm." Matigas na sabi niya. Akala ng Tiyuhin niya, interesado lang talaga si Toby sa firm, ang hindi niya lang alam gusto ng binatang makita si Nhia.. At ipamukha dito na magkakasama na ulit sila.
"Okay. Let's have lunch first. I'll let my secretary know we'll go to the after lunch."
****
"Bilisan niyo girls! Baka biglang dumating si Sir Khillua!" Excited na sabi ng babaeng narinig ni Nhia sa cr.
"Balita ko kasama niya yung papalit sa kanya sa firm. Inig sabihin may chance na tayong magpa cute sa mas batang Pedroza!"
Muntik ng mabitawan ni Nhia yung bag niya. Bigla siyang kinabahan sa narinig! Dalawa lang naman ang alam niyang batang Pedroza, Si Khael at si Toby.
'Oh god! Wag sanang si Toby..' Bulong ni Nhia. Hindi pa siya handang makita ang dating nobyo.
"Anong oras ba sila dadating?"
"After lunch daw eh.. Kaya malamang papunta na yun dito!"
'Lord wag po sanang si Toby yun! ' Nhia took a deep breath bago siya lumabas ng cr. Bakit ba naman kase after lunch niya pa nalaman na may darating edi sana nakapag out siya ng maaga.
'Wag kang praning diyan Nhia. Ayaw niyang bumalik ng Sta Catalina kaya wag kang paranoid!'
Dalawang linggo palang naman kase siyang nagta trabaho sa Pedroza Engineering Firm bilang assistant nung H.R director dun, gusto nga sana ni Mr. Pedroza na gawin siyang secretary nito ngunit tinanggihan niya dahil ayaw niyang mapag usapan.
Malayo pa siya sa table niya ay hinila na siya ng kasamahang si Lizbeth.
"Nasa may lobby na daw si Sir Khillua! Bilis Nhia! Gusto kong makita yung gwapong pamangkin niya!"
Parang naubusan ng lakas si Nhia sa narinig. Si Toby! Si Toby ang bagong mag mamanage sa Firm!
Mabigat ang mga paa niyang tumakbo-nagpahatak kay Lizbeth papunta sa may lobby. Binitiwan na siya ni Lizbeth nun at nakipagsiksikan ang mga babae sa iba pang nandun kaya napag desisyunan ni Nhia na magtago nalang sa may bandang likuran.
Kinakabahan siya. Bumibilis ang t***k ng puso niya at para siyang mahihimatay. Sana lang wag nang magpakilala isa isa yung nga empleyado at hindi na naman siguro siya mapapansin ni Toby.
She look at him. Ilang taon ba silang hindi nagkita ni Toby? Ganun parin naman ang itsura ni Toby sa pagkakaalala ni Nhia. He still has this square jaw, pointed nose, a deep set of eyes na tumatagos sa pagkatao ni Nhia pag tinitignan siya nito. Maging ang manipis nitong mga labi na malinaw na malinaw pa din sa alaala niya. May malapad na itong balikat at dibdib na humahakab sa kulay navy blue na t shirt na suot nito. And he looks with authority. Yung tipong tingin palang, mapapasunod ka na.
Nhia shook her head.
'Nhia alalahanin mo kung anong ginawa sayo ng Toby na yan!' Kastigo sa kanya ng sarili.
"Miss Aquino!"
"H-huh?!" Napakurap kurap si Nhia nung siniko siya nung babaeng katabi.
"Nhia tawag ka ni Sir Khillua." Bulong pa nito sa kanya.
"Ba-bakit daw?!" Hindi mapigilang hindi mautal ni Nhia. Mas dumoble yung tambol sa dibdib niya.
"Klairinhia come here." Nakangiting sabi ng matandang Pedroza. Kung hindi lang malaki ang utang na loob niya sa matanda ay baka nagresign na siya at nanakbo na palabas.
Humugot muna siya ng malalim na bintong hininga bago siya naglakad papalapit. Hirap na hirap siyang ihakbang ang mga paa niya at ayaw makisama ng dibdib niya. It keeps on beating erratically.
"Sir Khillua.." napalunok ang dalaga nung magtama ang mga mata nila ni Toby pero nauna siyang nag iwas ng tingin.There's fire in his eyes. Naka straight face man siya at formal ang tingin pero alam ni Nhia, kilalang kilala niya ang dating kasintahan. Alam niyang behind those calm facade, he's furious inside.
"Since kilala mo naman si Toby, Iam assigning you to be his personal assistant."
"P-po?!" Halos pasigaw na sabi niya. God! Kung pwede nga lang na hindi sila magkita, hihilingin ni Nhia pero gagawin pa siyang assistant ng dating kasintahan?
"As you all know, ngayon lang ulit nakabalik ng Sta. Catalina si Toby kaya kailangan niya ng isang taong makakatulong sa kanya magg adjust, someone who knows him. Someone like you."
"Pero Sir.. I'm not qualified for the secretariat position.. Isa pa, bago palang ho ako dito.. Why not ask Lizbeth instead?"
'Sige lang Nhia.. Magdahilan ka..'
"You're not qualified Nhia, you're over qualified. Dapat nga pang managerial position ka but since hindi mo tinanggap yung offer ko kaya yan. Pero iha, kailangan ni Toby ng mga taong mapagkakatiwalaan niya inside and outside the company and I choose you."
"But sir--"
"No buts Nhia. It's not a request. It's an order." Napabuntong hininga nalang ulit siya. Sinilip niya si Toby who was intently looking at her.
"Okay Sir." Wala namang magagawa ang dalaga kundi ang sumunod nalang sa gusto ng matanda eh pero yung sitwasyon nila ni Toby magagawan niya pa ng paraan.
'Just ignore him Nhia.'
"Good. Toby, sasamahan na kita sa magiging oposina mo." Humarap siya kay Nhia- "Miss Aquino, follow us."
Sumunod lang ang dalaga sa mag tiyuhing masayang nagkwe kwentuhan kasama yung ibang executives ng firm papunta sa opisina-dating opisina ni Khillua Pedroza.
Tinitigan ulit ng dalaga si Toby, his broad shoulders. Lean back..
'Parang ang sarap pagapangin ng mga kamay ko sa parteng yun ng katawan ni--'
"Ay gapang!" Natigil ang kanyang pag iimagine nung biglang tumigil si Toby na nasa harapan niya kaya nabangga siya sa likod nito. Humarap sa kanya ang binata ng naka smirk. Naglean ito sa kanya na ikinatigil ng pagtibok ng puso niya saka bumulong.
"Wag mo akong masyadong titigan.. Baka matunaw ako."
He had this mischievous grin on his face pero yung mata niya says something else. Dangerous.
"Di kita tinititigan SIR. May iniisip ako." Nag iwas ng tingin ang dalaga sa kanya saka niya nilagpasan si Toby.
'Ang stupid lang Nhia! ' kung bakit ba naman kase nagdo drool ka diyan sa Toby na yan. Nahuli pa tuloy siya!
Ang bagal ng takbo ng oras para kay Nhia. Wala kase siyang ibang ginawa kundi ang makiramdam kay Toby. Nakahinga lang siya ng maluwag nung mag o-out na siya at sinurpresa pa siya ni Jeremy.
Tinext siya nito na nasa lobby siya at nag iintay dito.
"Bheb!" Sigaw nito sa kanya. May dala pa itong isang bouquet na bulaklak.
Nakangiti naman ang dalaga habang naglalakad siya palapit sa kaibigan. Napansin niya yung malalapad na ngiti ng mga kasamahan niya sa trabaho. Alam kase nila na boyfriend niya ang model na si Jeremy Dee.
"Kamusta?" Tanong agad ng kaibigan.
"Urgh! You won't believe how tragic this day went! " naiinis na sabi ng dalaga. Finally she had a breath of fresh air.
"Maka-tragic ka naman bheb! Wagas.."
"Totoo naman kase eh." Nagpout pa si Nhia.
"Sige nga.. Spill.." sabi nito habang naglalakad sila palabas.
"Alam mo bang--"
"Miss Aquino.." Pareho silang napalingon ni Jeremy sa nagsalita. She heard Jeremy gasped.
"Tragic diba?" Kinuha lang ni Jeremy yung kamay niya at bahagya yung pinisil bilang sagot.
Hindi naman nakaligtas kay Toby yung ginawa ng dalawang nasa harapan niya.
'So sila pa rin pala?'
Nandun yung urge na sugurin niya yung binata at sapakin pero pinigilan niya ang sarili niya. He have to keep his cool.
"May kailangan ka pa po sir?" Tanong sa kanya ng dalaga.
"Report to me tomorrow morning immediately." Yun lang at iniwan niya na ang mga ito.
'Don't look back Toby.'
---