Her decision

1187 Words
------ "f**k!" Ang sabi niya kanina sa sarili, 'Toby, wag lilingon' But he just found himself stalking Nhia and Jeremy. Sinundan niya ang dalawa hanggang makapasok ang mga ito sa isang bahay. "At mukha magka live in pa talaga sila. Huh?! " Para siyang tangang kinakausap ang sarili. 'Isang pagsasamang bunga ng kataksilan ni Nhia.' Hanggang ngayon, malinaw pa rin kay Toby ang kataksilang ginawa ng dating kasintahan. Isang sulyap pa ang ginawa niya bago siya tuluyang umalis sa tapat nung bahay pinasukan ng dalawa. Hindi niya na kabisado ang Sta. Catalina pero may mga lugar pa din siyang nadadaanan na nagpapabalik sa mga alaala niya. Lalong lalo na ang dagat ng Sta. Catalina. Nhia was his first love, first everything except s*x. Iginalang niya ng husto ang dalaga pero hindi niya inakalang ganun ganun lang siya ipagpapalit ng babae. Lalo tuloy nadagdagan ang galit niya sa mga babae ng dahil sa nangyari. "I love you Pangga." "I love you too, Pangga." Ipinilig ni Toby yung ulo niya to erase the thoughts. 'Nandito ka para maghiganti Toby. Not to rekindle old flame.' Pilit niyang ipinapasok sa sarili niya yun. He'll make her life a living hell. ****** "AAAAAAHHHHHH!" Hindi mapigilan ni Jeremy ang mapatili habang kinukwento ni Nhia yung mga nangyari kanina. "Jeremy! Tumigil ka nga! Napaka eskandalosa mo talaga!" Naiiling na sabi niya. "Ay nako Klairinhia Aquino! Kinikilig ako kaya pabayaan mo ako noh! Babaeng 'to.. Lumalove life ka na! Aaahhhhh!" "Kung may hawak lang akong kamera ngayon, kanina pa kita na-videohan tapos ibebenta ko sa mga tv networks, edi may datung pa ako!" "Sira ka!" Umayos ito ng upo sabay batok sa dalaga. "Eh Anong plano mo?" She sighed. "Kung pwede na nga lang akong magresign, kahapon ko pa ginawa eh. Alam mo namang tumatanaw ako ng napaka laking utang na loob kay Sir Khillua diba? Tapos ngayon ginawa niya pa akong assistant ni Toby. Hindi na ako nakatanggi." Nakangusong saad nito. "Eh anong naramdaman mo nung nagkita kayo ulit?" "Hmmm.. Kinabahan?" "So mahal mo pa?" She looked at him as if Jeremy grown extra head. "Pag kinabahan, mahal agad? Hindi ba pwedeng baka hindi kaba yun? Baka galit yung nararamdaman ko?" "Alam mo kase Klareng, dapat wala na ng naramdaman nung nakita mo siya, pero the mere fact na may naramdaman ka pa, 'ke galit man yun, o kaba. Ibig sabihin lang nun may naramdaman ka pa para sa kanya." "Wala na Jeremy." Nakatulalang sagot ni Nhia. "Oh-kay." Taas kilay na sabi nito. "Wala na.." She's convincing herself more than Jeremy. *** "Mr. Pedroza eto na yung report na pinapakuha niyo." Inabot kay Toby nung abogado nila yung mga papeles na hiningi niya. "Twenty-five million? San dinispose ni Tito yung ganyang kalaking halaga?!" Wala siyang alam sa mga transactions ng Tito Khillua niya. It's not that, pinagdududahan niya ito, gusto niya lang na updated siya sa mga accounts nila. If he wanted to start anew. "Isinanla kase ni Mr. Aquino yung lupa nila sa lolo mo--" "Mr. Aquino?" Takang tanong niya. "Yes.. Mr. Gerardo Aquino. Anyway, lumaki na ng husto yung interes and kinamatayan na ng lolo mo at ni Mr. Aquino yung kasunduan nila at lumaki na ng ganyan, lately nalang nalaman ni Ms. Nhia Aquino yung pagkakautang nila sa lolo mo but you're Tito Khillua insisted na wag nalang bayaran ni Miss Aquino yung lupa." Seryosong sagot nung family attorney nila. "Twenty five million itinapon lang ni Tito?" Hindi makapaniwalang sabi ni Toby. "Exactly what I told your uncle. Pero sabi niya maliit na halaga lang daw yun. 'It's better to give than to receive' daw." Umiiling pang sabi nito. "So cleared na 'to?" "Yes. Na I file na yan." "Alam na ni Nhi-- I mean Miss Aquino?" Dumiretso ng upo yung attorney, nag cross legs at tinignan siya ng maige. "Hindi pa Mr. Pedroza pero ipapadala ko na sa kanya yung mga papeles within three--" "No attorney, wag mo munang ipaalam sa kanya. I'll deal with her." Sabi ni Toby habang hinihimas yung baba niya. *** "Sir?" Kinakabahan si Nhia ng pumasok siya sa opisina ni Toby kinabukasan. "Ahh.. Miss Aquino, come in.. have a sit." Nanginginig si Nhia pero nilakasan niya ang loob niya. Naaalala niya padin yung napag usapan nila ni Jeremy. "May kailangan po ba kayo Sir?" Tanong ni Nhia pagka upong pagkaupo niya. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. You owe me twenty-five million pesos, Miss Aquino and I'm giving you two options. Una you have to pay atleast half of the amount by the end of the month or marry me and save your land." Natulala si Nhia. Akala niya okay na yung twenty-five million na utang niya? "Pe-pero Sir.. nag-nagkausap na kami ni Tito- Mr. Pedroza tungkol dito--" "Alam ko Miss Aquino, kaya nga hinarang ko yan. You'll never get away from this." "You're such an asshole! Inconsiderate jerk!" He leaned down and face her. His lips almost touching hers. She sucked her breath and he smirked. "Oh no, Miss Aquino, i'm the most considerate jerk you'll ever met." He gave her a peck on her cheeks and gently slapped it. "I need your answer by the end of the week. As for now, you may leave." She's furious and she wanted to kick the bastards ass but then she realize that it wasn't such a great idea so she kept her hands on both sides and marched her way out. "Oh and Miss Aquino, you changed a lot but i'm glad I still have that effect on you." She can almost imagine the grin plastered on his face. She face him with fiery eyes and put her hands on her waist. "Gago ka po sir!" She raised her middle finger to him and walk away. *** "Urgh!! Nakakainis!! Haaah!" Gigil na gigil si Nhia habang kinukwento kay Jeremy yung napag usapan nila ni Toby. "Oh... Eh anong plano mo?" Tanong ni Jeremy habang naglalagay ng pipino sa mata. "Magkamatayan na pero hindi ako papakasal sa hudas na 'yon!" Nanggagalaiti talaga si Nhia. Kulang na lang mabutas yung unan na hawak niya sa sobrang gigil. "Okay.. May twelve point five million ka ba bago matapos ang buwan na 'to?" Pang asar na tanong ni Jeremy na ikinatigil ni Nhia. Isa pa yun sa problema niya eh, san siya kukuha ng twelve point five million na ipangbabayad kay Toby? "Tignan mo Klareng, baka chance mo na 'to para magkapamilya. Ayaw mo din naman kay Dion edi kay Toby nalang. Remember, twenty six ka na.. Sayang naman yang--" "Diyosme Jeremy! 'Di mo naman kailangan ipaalala sakin na tinutubuan na ng bahay ng gagamba yung matres ko!" "Oh, edi magpakasal ka nalang sa kanya.. As if naman kase may choice ka pang iba." Napabuntong hininga nalang si Nhia. May ibang choice pa nga ba siya? Ginigipit siya ng lalaki. No matter whag she choose, it'll always be in his favor. Napaka demonyito naman kase ng lalaking 'yon. Walang konsiderasyon, he's acting like she did him wrong when in fact he's the one who started the mess they were in to. --------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD