Her submission

996 Words
----- Kinakabahan na naman si Nhia habang naglalakad siya papasok sa opisina ni Toby. Mag iisang linggo ng ganito ang pakiramdam niya kapag makaka encounter niya si Toby. Ilang araw niya na din pina iisipan yung alok na kasal ni Toby. 'Kung hindi mo na talaga mahal si Toby, edi walang problema.. isipin mo nalang nasa isang teleserye ka wherein yung bidang babae was forced to marry someone she doesn't love. Oh diba? Ang bongga.' Natatawa nalang siya kapag naiisip niya yung pangungumbinse ni Jeremy na pakasalan niya si Toby. She took a deep sigh and knocked on his door. Inintay niya munang magsalita ang lalaki bago siya pumasok. "Ahh, Miss Aquino.. Fancy seeing you here. I was about to call you." Nakangising sabi nito. Alam ni Nhia na alam na ni Toby ang pakay niya kaya hindi na siya nagpaligoy ligoy pa. "Pumapayag na ako sa gusto mo." Napansin ng dalaga ang dagling pag ngisi nito. Inangat ni Toby yung phone niya at may kinausap sa kabilang linya. "Prepare everything. We'll be there in ten minutes." Binaba niya yung phone niya saka inangat yung intercom. "Lizbeth, cancel all my appointments for today." 'Teka.. diba dapat ako yung gumagawa nun?' "No.. Miss Aquino will be with me. Yes.." yun lang ang sinabi niya at ibinaba na nito yung phone. "Come with me." Tumayo siya sa swivel chair niya, kinuha yung coat na nakasabit sa likod ng swivel chair saka hinila si Nhia. "San tayo-- Teka!" Wala ng nagawa si Nhia kundi ang magpadala sa panghihila ni Toby. Parang nakuryente si Nhia sa muling pagkaka daop ng palad nila ni Toby. His big hands wrapped around hers. Napakatagal na nun pero napaka pamilyar parin sa kanya. Nakatingin sa kanila lahat ng empleyadong nakakasalubong nila. Hindi naman lingid sa mga ito ang nakaraan nilang dalawa ni Toby kaya ipinagkibit balikat nalang nila ito. ****** Lahat ng bagay ay nangyayari according sa plano niya. Alam ni Toby na walang choice si Nhia kundi ang pumayag sa gusto niyang mangyari. Alam niyang mahalaga sa babae ang lupang 'yon at hindi niya hahayaang mawala yun sa kanya ng basta. Dumiretso sila sa kinausap niyang judge bago pa magbago ang isip ng dalaga. "Teka.. Ngayon na?" Natatarantang tanong sa kanya ni Nhia. "Oo. Why? Do you want a church wedding full of sweet nothings?" Pang uuyam nito sa dalaga. Natahimik naman si Nhia sa inasal ni Toby. Of course she wanted to get married, her dream wedding. minsan lang naman sa buhay ng isang babae siya ikakasal kaya gusto niya yung maging special. "Toby? Handa na ba ang lahat?" Napalingon si Nhia sa nagsalita. Napasinghap siya nung nakilala niya kung sino yun. It was Judge Lumibao. Ninong ni Toby. "Okay na Ninong." "Nhia pumunta ka ba dito ng bukal sa kalooban mo?" Pinisil ni Toby ang balikat niya. "Ah.. Uhmm.. Opo." Nakayukong sabi niya. "Kung ganun simulan na natin ang kasal." Lutang ang isip ni Nhia. Wala siyang maintindihan sa mga pangyayari. Kanina lang pumayag siya sa gustong mangyari ni Toby, ngayon heto na siya't kinakasal. "Maaari mo nang halikan si Mrs. Pedroza, congratulations." Iniharap siya ni Toby sa kanya. 'Tapos na? Did I say yes?' Parang walang maalala si Nhia na sumagot siya. Nakita niya nalang yung singsing sa kamay niya. She look into Toby's eyes. Matiim ang pagkakatitig niya sa babae na ngayon ay asawa niya na. 'Wala ka ng kawala ngayon Nhia. Umpisa palang 'to. I will take away your everything.. Starting from your freedom.' Hinalikan niya ang bagong asawa ng punong puno ng poot. Maparusa at marahas. Nakagat niya pa ang labi ng babae at nalasahan niya ang dugo nito. "Let's go." Sabi sa kanya ni Toby. Hindi mabasa ni Nhia ang reaksyon ng asawa. Madilim ang itsura nito. "Thank you Ninong." Hinila siya ni Toby palabas ng munisipyo. Tahimik lang sila hanggang makarating sila sa bahay ng mga Pedroza sa Sta. Catalina. Alam na alam niya pasikot sikot sa bahay ng mga Pedroza. Walang tao nung dumating sila dun. Yung guard lang na nagbukas sa kanila ng gate ang nakita niya. Kapit kapit ni Toby ang kamay niya hanggang makapasok sila sa kwarto nito. "Toby paan--hmmmmppp!" Agad siniil ng halik ni Toby ang asawa. Hinawakan pa nito yung dalawang kamay niya habang umuurong sila pasandal sa pader. Toby pinned her hands above her head. Idinikit din niya ng husto ang kanyang katawan sa asawa. "Toby tama na please." Napasinghap siya nung biglang kagat kagatin ni Toby ang leeg ni Nhia habang minamasahe nito ng matiin ang dibdib niya. "Toby please..." pagmamakaawa niya pero parang walang naririnig ang lalaki. Bagkus hinila pa nito yung suot niyang blouse kaya napunit yun at tumambad sa lalaki ang malulusog niyang dibdib. Nanghihina na ang mga tuhod ni Nhia. Gusto ng katawan niya ang ginagawa ni Toby pero ayaw ng utak niya. Hindi na nga natupad yung pangarap niyang kasal, pati ba naman yung first time niya biglaan na din? "Toby ano ba?!" Buong lakas niyang tinulak ang asawa palayo. Toby was stunned. Natapakan ang ego niya, sa kanya na nga ang babae pero ayaw naman nitong isuko ang katawan sa kanya. Tinulak siya ulit ni Toby pasandal sa pader saka nito sinuntok yung pader malapit sa mukha niya. Pinisil niya gamit yung isang kamay niya yung pisngi ni Nhia. "Asawa mo na ako Nhia. May karapatan na ako sa katawan mo. Sa katawang inalagaan at kulang nalang sambahin ko nuon. 'Ni dulo ng daliri mo nun, Nhia.. Ni dulo ng daliri mo ingat na ingat akong salingin pero ipinamigay mo lang sa iba! Nakakadiri ka Nhia. Nakakadiri!" Pabalya niyang binitawan ang mukha ng babae saka nagmamadali itong lumabas ng kwarto. Narinig pa ni Nhia ang pagsigaw ni Toby habang nakaupo siya lugar na kinatatayuan niya kanina. Malakas yung kabog ng dibdib niya. Madiin yung pagkakahawak niya sa blouse na nasira para takpan ang kahubdan niya. Ngayon palang pinagsisisihan na niya ang pagsang ayon sa kagustuhan ni Toby na magpakasal sila. ------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD