CHAPTER 3

1811 Words
Matulin na lumipas ang mga araw. Tulad sa naipangako ni Lucas sa kanyang mga magulang ay nag-umpisa na siyang pumasok sa Olvidares Manufacturing Corporation. Isang buwan na lamang ay ipagdiriwang na nila ang anibersaryo ng kanyang ama at ina. At ang ibig sabihin lamang niyon ay ang napipintong pag-reretiro ng kanyang ama na si Jake. At kapag nangyari iyon ay iisa lamang ang magiging resulta--- siya na ang hahawak at mamamahala sa kanilang kompanya. Somehow, Lucas accepted it. Isang malaking responsibilidad ang hindi niya mahihindian. Gusto na lamang niyang isipin na gagawin niya ito para sa kanyang ama at ina. Sa paglipas ng mga araw ay nariyan ang kanyang ama na si Jake upang alalayan siya sa kanyang pagsisimula. Jake explained to him everything. Masusi siya nitong sinasanay sa kung paano patatakbuhin ang isang malaking kompanya na gaya ng OMC. Bago ito tuluyang mag-retiro ay ipinaliwanag na nito sa kanya ang mga pasikot-sikot sa kanilang negosyo. At dahil sa pagiging abala niya sa mga gawain sa OMC ay tuluyan nang isinantabi muna ni Lucas ang kanyang pagguhit. Ang art exhibit na dinaluhan nila ni Ariella kamakailan ay hindi na nasundan pa. Though, there were times that Ariella would still ask him to join some other exhibits, Lucas just can't say yes. Hindi na ganoon kadaling takasan ang mga responsibilidad niya sa kanilang kompanya. "Narito ang report na hinihingi mo, Lucas," wika sa kanya ng sekretarya ng kanyang ama, isang umaga habang nasa kompanya na siya. Kasalukuyan siyang nasa loob ng pansamantala niyang opisina. Pansamantala lamang sapagkat kapag pumalit na siya sa posisyon ni Jake ay siya na ang ookupa sa opisina nito. He was sitting on his swivel chair and just tapping his ballpen on the table. Pasado alas-dies na ng umaga ngunit sa totoo lang ay wala pa siyang nagagawang trabaho. Nasa loob lamang siya ng apat na sulok ng kanyang opisina at tahimik na nakaupo. "Lucas?" pukaw sa kanya ni Regina, ang matagal nang sekretarya ng kanyang ama. He looked momentarily at her. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa kolehiyo pa lamang siya nang pumasok itong sekretarya ng kanyang ama. Naging malapit na rin ito sa kanilang pamilya sapagkat laging ito ang punong-abala sa tuwing may mahahalagang okasyon sa kanilang kompanya, maging sa kanilang pamilya na rin. Hindi na iba sa kanila si Regina. Katunayan ay malapit ito sa kanya at sa pinsan niyang si Gael. Hindi rin ito nasanay na tawagin siyang sir, bagay na siya ang nag-udyok dito. Kaya naman kahit alam nitong anak siya ng presidente ng OMC ay Lucas lamang ang tawag nito sa kanya. "What?" saad niya dito sa nagtatakang tinig. Mulagat na tumitig pa siya sa mukha nito. "Nasaan ka ba? Parang hindi kita kaharap," wika nito sa kanya sa naninitang tono. "Narinig mo ba ang mga sinabi ko?" Ito ang isa sa mga nagustuhan niya kay Regina. Hindi ito kailanman nangingimi na pagsabihan siya kahit pa kung tutuusin ay amo pa rin siya nito. She would always say what she wants to say. Kung kinakailangan siya nitong sawayin at pagsabihan ay talagang ginagawa nito. Katulad na lamang nitong mga nakaraan na araw. Mula nang pagbigyan niya ang kanyang ama na tanggapin na ang pagtatrabaho sa OMC ay isa din si Regina sa mga sumasanay sa kanya. Dahil sa maalam din ito sa mga gawain sa kanilang kompanya ay isa rin ito sa mga nagpaliwanag ng kanyang mga gagawin. And she would really scold him kung talagang hindi niya makuha-kuha ang mga kailangang gawin. Nababagot na napabuntong-hininga na lamang si Lucas sabay sandal sa kanyang kinauupuan. Tinapunan niya rin ng tingin ang ilang folder na inilapag nito sa ibabaw ng kanyang mesa. "What would I do with that?" tanong niya dito sa tinatamad na tinig. Regina heaved out a deep sigh. Itinukod nito ang dalawang kamay sa kanyang mesa bago siya mataman na tinitigan sa kanyang mukha. "You need to study them," tukoy nito sa mga ibinigay sa kanya. "Iyan ang mga kliyente ng OMC sa mga nakalipas na taon. You should be familiar to them bago ka maupo bilang presidente ng inyong kompanya." "Do I really need to do that, Reg?" reklamo niya pa dito. "Hindi ko naman sila makakasalamuha araw-araw." Tipid na ngumiti sa kanya ang dalaga bago muling nagsalita. "Dapat ba kitang kaawaan dahil sa nakikita kong pagkabagot diyan sa mukha mo?" He chuckled because of what she said. "Kaawaan? My ass!" "Hey, your dirty mouth!" eksaherada nitong saad sa kanya. Tumayo na ito nang tuwid at makaraan ng ilang saglit ay sumeryoso na ang mukha. "You need to do that, Lucas. Kailangan mong matutunan ang mga iyan bago man lang ako umalis." "Bakit kasi isinabay mo pa ang pag-alis mo sa pag-reretiro ni papa?" "Itanong mo sa mapapangasawa ko," nakangiti nitong saad sa kanya. Pinag-krus din nito ang mga kamay sa may dibdib habang nanatiling nakatunghay sa kanya. Katulad ni Jake ay paalis na rin ng Olvidares Manufacturing Corporation si Regina. Matapos ng ilang taon nitong pamamasukan sa kanilang kompanya ay nag-file na rin ito ng resignation letter, bagay na tinanggap naman ng kanyang ama. Isang pabor lamang ang hiniling ni Jake dito at iyon ay ang tulungan muna itong ihanda siya sa pagiging presidente ng kanilang kompanya. Kaya naman bago tuluyang umalis si Regina ay ibinibigay nito sa kanya ang lahat ng impormasyon na kailangan niyang malaman. She is leaving the company because she is getting married. Nakatakda itong ikasal sa matagal na nitong kasintahan tatlong buwan mula ngayon. After their wedding, Regina and her soon-to-be-husband will fly to Copenhagen. Isang banyaga ang mapapangasawa nito. Nang hindi siya nakasagot ay malalim na napabuntong-hininga muli ang kanyang kaharap. "Come on, Lucas. Alam ko na malaking responsibilidad itong aakuin mo. But you do not have a choice. Kailangan mong matutunan lahat." "Why don't you stay for how many more months, Reg?" giit niya pa dito. "Maaari ka pa naman siguro magtrabaho dito pagkatapos ng kasal niyo. O kahit hanggang makabisado ko lang ang pamamalakad ng OMC." "I am thirty-six years old now, Lucas," wika nito sa kanya. Mula sa pagkakatayo ay naupo ito sa visitor's chair na nasa kanyang harapan. "Gusto ko na rin mag-umpisa ng sarili kong pamilya. Ayaw mo ba akong maging masaya?" Ang huling sinabi nito ay hinaluan pa nito ng pekeng tampo. Alam niya na nagbibiro lamang ito. "So, hindi ka masaya sa kompanyang ito?" bwelta niya sa kanyang kausap. Pumuno sa loob ng kanyang opisina ang marahang tawa nito. She got amused by what he has said. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Alam mo iyan," sabi nito. "Besides, nakapag-hire na ng kapalit ko, Lucas. She is actually reporting on Monday. Isang buwan ko din muna siyang sasanayin bago ako tuluyang umalis." "She?" tanong niya dito. "Yeah. She," ulit nito sa sinabi kanina. "And I am warning you, huwag mong pahirapan si Janel. She is still---" "Wait... Wait..." natatawang putol niya sa mga sinasabi nito. "Pahirapan? Seriously, Regina?" "Bata pa ang kapalit ko, Lucas. Fresh graduate actually," imporma nito sa kanya. "At kilala kita. Alam ko na labag sa loob mo ang palitan si Sir Jake kaya ang mga empleyado mo ang pinapahirapan mo." Hindi siya nakakontra sa mga sinabi nito. What she said was true. Alam nito na hindi niya pa nais na hawakan ang posisyon ng kanyang ama, hindi dahil sa wala siyang malasakit sa kanilang kompanya. Masasabi niyang hindi pa lang siguro siya handa na tanggapin ang malaking responsibilidad na iyon. Idagdag pa na iba talaga ang nais niyang gawin at iyon ay ang pagpipinta. At dahil sa nababagot siya sa mga gawain sa OMC ay madalas na ang mga empleyado ang kanyang napagbabalingan. Katulad ng sinabi ni Regina, subconsciously ay napapahirapan niya ang ibang empleyado sapagkat hindi niya sineseryoso ang mga gawain sa opisina. "So, this Janel is starting on Monday?" aniya dito. "Yes. Ako muna ang makakasama niya sa loob ng isang buwan para mai-train ko siya bilang sekretarya mo." "Is she beautiful?" "Lucas!" nananaway na bulalas nito sa kanya. Sa pagkakataon na iyon ay si Lucas naman ang napahalakhak. Regina is only thirty-six years old. Pero kung kumilos ito minsan ay wari itong matandang-dalaga na madaling maeskandalo. "Pakiusap, Lucas, huwag mo nang isama ang magiging sekretarya mo sa mga kalokohan mo. She is not your type." "At paano mo naman nasabi iyan?" "Your new secretary is petite, Lucas. And I know you prefer your woman to be voluptuous, don't you?" "God, Regina," natatawa niya pa rin na saad dito. "Para mo namang sinabi na katawan lang ang habol ko sa mga babae." "Hindi nga ba?" bwelta naman nito sa kanya sa pabirong paraan. Regina knew his past relationships. Alam din nito na walang tumatagal na relasyon sa kanya. "Anyway, babalik na ako sa aking mesa," wika na nito kasabay ng muling pagtayo. Iniusog pa nito palapit sa kanya ang mga dala nitong folders kanina. "Pag-aralan mo na ito. Then, after this, ang mga kontrata naman ng OMC with each client ang kailangan mong malaman." May mga ilang bagay pa itong sinabi at ipinaalala sa kanya bago tuluyang lumabas mula sa kanyang opisina. Ang mesang inookupa ni Regina ay malapit lamang sa opisina ng kanyang ama na siyang katabi naman ng opisinang kinaroroonan niya. Iiling-iling na lamang na sinundan ni Lucas ng tanaw ang paglabas ni Regina. Nababagot na kinuha niya ang isa sa mga folder na dala nito at binuklat iyon. He was reading its first page, pero wari ay wala namang pumapasok sa kanyang isipan. He was left thinking about his soon-to-be-secretary. Kilala niya si Regina. Oo at alam nito ang tungkol sa mga kalokohan niya pagdating sa mga babae at pakikipagrelasyon. Pero ni minsan ay hindi pa siya nito binalaan tungkol sa isang babae. Hindi ito nakikialam sa kung sinong babae ang lalapitan niya. Most of the time ay tungkol lamang sa trabaho ang mga isinasangguni nito sa kanya. Ngayon lang. Ngayon lang ito naglabas ng opinyon tungkol sa bagay na iyon. Ngayon lang ito nagsabi na huwag niyang lapitan ang isang babae. Somehow, his curiosity was killing him. Gusto niyang makilala at makaharap ang bago niyang sekretarya. Gusto niyang malaman kung paanong nasabi ni Regina na hindi niya ito magugustuhan. Yes, Regina was right. He preferred voluptuous women. Those women with large breasts and hips, full-figured and curvy. Pero sa hindi malamang dahilan, pakiramdam niya ay hindi lang iyon ang rason ni Regina kung bakit nasabi nito ang ganoon. Nararamdaman niya na may dahilan pa kung bakit ayaw ni Regina na isama niya ang bagong sekretarya niya sa kanyang mga "kalokohan". It seemed that there is something on his new secretary. At dahil doon ay bahagyang nakadama ng kuryosidad si Lucas. Muli niyang isinara ang hawak niyang folder at ibinalik iyon sa ibabaw ng kanyang mesa. Sumandal din siya sa kanyang swivel chair at marahan iyong inikot-ikot. "Janel..." bigkas niya sa pangalan ng kanyang bagong sekretarya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD