CHAPTER 4

1523 Words
Kanina pa nakatingala si Janel sa gusaling nasa kanyang harapan--- ang Olvidares Manufacturing Corporation. Ito ang kompanyang papasukan niya sa mga susunod na araw. Ngayon ang unang araw niya sa trabaho. Nang nakaraang linggo lamang nang makatanggap siya ng tawag mula sa isa sa mga pinakamalaking pharmaceutical companies sa bansa. Ayon sa nakausap niya ay qualified siya para sa posisyon na kanyang in-apply-an at maaari na siyang mag-umpisa ngayong Lunes. Ang sabi pa sa kanya ay isang buwan muna siyang isasailalim sa isang training upang lubos niyang maunawaan ang lahat ng kailangan niyang gawin. Ang totoo ay hindi na niya inaasahan na matatanggap pa siya. Alam niya na marami pang mas kwalipikadong aplikante kaysa sa kanya. But surprisingly, Janel received a call last week, telling her that she got accepted on a job. Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan bago hinamig ang kanyang sarili. Lakas-loob na siyang humakbang papasok sa gusali. Sa may entrada pa lang ay isang security guard na ang kanyang dinaanan. Inalam nito ang kanyang pakay at nang sabihin niya ay agad na siya nitong itinuro sa may direksyon ng reception area. May ngiti sa mga labi na nagpasalamat siya dito bago tuloy-tuloy nang naglakad sa kinaroroonan ng receptionist. "Hi, good morning," bati niya dito kasabay ng isang ngiti. "I am Janel Valdez, newly hired employee of this company." Iniabot niya sa receptionist ang kanyang ID at kopya ng e-mail na natanggap niya rin nang nakaraang araw. The receptionist smiled at her. Ayon dito ay inaasahan na ang kanyang pagdating ni Miss Regina. Binigyan na siya nito ng pahintulot na umakyat sa ikalimang palapag kung saan matatagpuan ang taong siyang kailangan niyang kausapin. Nasa dibdib ni Janel ang kaba dahil sa kaisipan na ito ang unang trabahong papasukin niya matapos ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo. She wanted so much to find a job... a real job. Yaong kikita siya dahil sa pinaghirapan niya ang trabaho. Maliban pa roon ay gusto niya rin na gamitin ang kanyang tinapos. Janel heaved out a deep sigh. Iyon ang mga rason niya kung bakit narito siya ngayon sa Olvidares Manufacturing Corporation. Pero sa kabila niyon ay alam niya na may ibang dahilan kung bakit siya nasa loob ng kompanyang ito ngayon--- isang rason iyon na kung siya lang ang papipiliin ay hindi niya maiisipan na gawin. But does she have a choice? Definitely none! ***** LUNES ng umaga at kasalukuyan nang nasa opisina niya si Lucas. May ilang dokumento na inihatid sa kanya kanina si Regina. Ayon dito ay kailangan niyang pasadahan ng basa ang mga iyon upang maging pamilyar siya. Iyon ang mga produktong inilalabas nila sa merkado. He knew he needed to do that. Hindi niya magagawang pamahalaan ang isang kompanya na ni hindi niya alam kung ano ang mga produkto. Ngunit sa halip na pagkaabalahan na umpisahang basahin ang mga iyon ay naroon lamang si Lucas sa kanyang swivel chair at nakaupo. He was browsing the internet. Ilang araw na lang ay anibersaryo na ng kanyang mga magulang. At hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin siya makahanap ng ipangreregalo sa mga ito. He wanted it to be special since it is their twenty-fifth wedding anniversary. Though, they deserved a big celebration, his parents decided to just celebrate it in a simple way. Ang totoo ay ideya iyon ng kanyang ina. Simpleng tao lamang si Francheska. Hindi ito sanay sa malalaking pagtitipon. Hangga't maaari ay nais nitong gawing simple lamang ang pagdiriwang ng anibersaryo ng mga ito. Hindi niya alam kung ilang minuto na siyang nakatutok sa kanyang laptop. Pilit siyang naghahanap ng kakaibang pangregalo sa mga online shops. Ngunit dahil sa walang alam pagdating sa ganoong bagay si Lucas ay nababagot na lamang niyang isinara ang online shop na tinitingnan niya. He was not an expert on giving gifts. Kahit sa mga babaeng nakarelasyon niya ay hindi niya ugaling magbigay ng regalo. Hindi dahil sa kuripot siya at ayaw niyang gastusan ang mga ito. Being an Olvidares, Lucas can buy any thing that a woman would love. Pero naroon sa kanyang dibdib ang pakiramdam na hindi niya gustong personal na pagkaabalahan ang ganoong mga bagay. Ang totoo niyan ay si Ariella ang madalas niyang hingan ng pabor kapag magpapabili siya ng panregalo para sa isang babae. At buong-puso naman na sinusunod iyon ng kanyang kinakapatid dahil sa isang rason--- sa boutique lamang na pag-aari ng kanyang Ninang Aria, Ariella's mother, namimili ang dalaga. Pero siya? Kailanman ay hindi pa siya naglaan ng oras at panahon para personal na gawin ang bagay na iyon para sa isang babae. He found it so disgusting. Nakakabagot, sa totoo lang. O baka sadyang hindi niya pa nakikita ang babaeng gagawan niya ng ganoong bagay? Tinatamad na napatayo na lamang si Lucas mula sa kanyang swivel chair. Hindi niya alam kung ano ang dapat ibigay sa kanyang ama at ina gayung wari naman ay nasa kanila na ang lahat. Though, hindi materialistic ang mga ito, lalong-lalo na ang kanyang ina, ay kompleto naman na ang lahat ng bagay na kailangan ng mga ito. He stood up from his swivel chair. Dahil sa wala siyang makitang pwedeng bilhin ay naisipan niyang puntahan na lamang si Regina. For sure, she can suggest something to him. Magaling sa bagay na iyon ang dalaga dahil madalas ay ito ang nag-aasikaso sa iba't ibang pagdiriwang sa kanilang kompanya. He walked towards the door and went out of his office. Dire-diretso siyang naglakad patungo sa mesa ni Regina. Alam niya na sa ganoong oras ay abala na ito sa mga gawain sa kanilang kompanya. Ngunit agad na nagdikit ang mga kilay ni Lucas nang makita niyang bakante ang mesa ng sekretarya ng kanyang ama. "Where is Regina?" tanong niya sa isa nilang empleyado na saktong dumaan sa harap ng mesa ng dalaga. "Nasa conference room po, Sir Lucas. Kausap niya po si Miss Valdez," magalang na tugon nito sa kanya. Nag-isang linya ang kanyang mga kilay dahil sa binanggit nitong pangalan. "Sinong Miss Valdez?" Kahit sabihin na inaalam niya pa ang lahat tungkol sa OMC ay masasabi din naman niya na kilala na niya ang ibang empleyado ng kanilang kompanya. At ni minsan ay hindi niya pa narinig ang Valdez na apelyido sa OMC. O baka sadyang may ilan pa talaga siyang hindi nakikilalang empleyado sa kanilang gusali? He was not sure. "Siya po ang papalit sa posisyon ni Ma'am Regina. Kanina pa po siya kausap ni Ma'am Reg para ipakita ang ilan sa mga dapat niyang gawin." Tumatangong nagpasalamat na lamang siya dito. Agad naman itong nagpaalam sa kanya bago nagtuloy na sa mesang inookupa. Ngayon niya lang naalala na sa araw na ito nga pala mag-uumpisa ang bagong sekretarya ng kanyang papa... o mas tamang sabihin na magiging sekretarya niya sapagkat siya din naman ang papalit sa posisyon ng kanyang ama. Curiously, Lucas headed to the conference room. Ayon sa nakausap niya ay naroon si Regina at kausap ang bago nilang empleyado. Hindi niya alam kung bakit nais niyang makita kung sino ang magiging sekretarya niya. Nang huli silang magkausap ni Regina ay napukaw na nito ang kanyang interes at wari ba ngayon ay nais niyang makita ang tinutukoy nitong babaeng "huwag niyang isali sa kanyang mga kalokohan". He never bothered to knock on the door. Agad na niyang hinawakan ang doorknob niyon at tuloy-tuloy na binuksan ang pinto. Dahil sa ginawa niya ay agad na nabaling sa kanyang direksyon ang paningin ng dalawang nilalang na nasa loob ng conference room. Isang biluhabang mesa ang nasa loob ng silid. Napapaikutan ito ng labing-dalawang swivel chairs. At doon ay magkatabing nakaupo ang dalawang babaeng naabutan niya sa loob. Umarko ang isang kilay ni Regina nang makita siya nito. Mistula ba ay hindi nito inaasahan na papasok siya sa silid na iyon. "Do you need something, Lucas?" baling nito sa kanya. Ibinaba pa nito ang mga hawak na papel sa ibabaw ng mesa. Kung pagbabasehan ay waring ipinapaliwanag nito sa kausap ang kung ano man ang nakasulat sa mga hawak nito. Ngunit wala na dito ang pansin ni Lucas. Ang kanyang mga mata ay natuon na sa babaeng kausap at katabi ni Regina. Katulad ng sekretarya ng kanyang ama ay sa kanya din nakatutok ang mga mata nito. She wore a white blouse paired with a pencil cut skirt. Ang buhok nito ay simpleng nakapusod lamang. She did not have any makeup except for a light red lipstick. Simple lamang ang gayak ng babae at kung susuriin ay mukha itong labing-limang taong gulang lamang sa suot niyo. Why, the woman looked so young! Marahil ay dahil sa maliit nitong pangangatawan kaya ganoon. Hanggang sa mayamaya ay nadagdagan ang mga gatla sa noo ni Lucas nang matitigan niya ang mga mata ng dalaga. Those eyes... Alam niya na nakita na niya ang mga iyon. At alam niya na natitigan na rin siya ng mga mata nito. Isang alaala ang bumalik sa kanyang isipan. Agad na pumasok sa kanyang balintataw ang eksena kung saan niya unang nakita ang mga mata ng dalaga. "I know you... Nakita na kita," saad niya dito kasabay ng marahan na paghakbang palapit sa mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD