"Cheers!" masiglang sigaw ni Ariella sabay taas ng kani-kanilang mga kopita.
Bahagyang nagtama ang mga hawak nilang kopita bago sila kanya-kanyang uminom mula roon. Kasaluluyan silang nasa loob ng restobar na pag-aari ng pamilya ng kanyang Auntie Ysabella, asawa ito ng tiyuhin niyang si Vincent.
Sa isang pabilog na mesa ay kasama niya si Ariella, ang pinsan niyang si Gael at isa sa malalapit niyang kaibigan na si Gio. Gio also worked for their company as a chemist. Dahil sa isang pharmaceutical company ang pag-aari nilang negosyo ay karamihan sa kanilang mga empleyado ay chemist o 'di kaya naman ay may koneksyon sa medisina.
Mula sa hotel na pinanggalingan nila ni Ariella kanina kung saan ginanap ang art exhibit na kanilang sinalihan ay sadyang tinawagan niya sina Gael at Gio. Inaya nila ang dalawa para ilibre nang gabing iyon.
Lucas and Ariella felt so happy because their paintings were sold out. Bagay iyon na halos hindi naman nila inaasahan sapagkat unang sabak nila sa ganoong okasyon. At dahil sa labis na galak ay nag-aya si Ariella na lumabas sila nang gabing iyon na hindi niya na rin tinanggihan.
Kung tutuusin ay kapwa nila hindi kailangan ang perang kinita nila mula sa exhibit. He and Ariella came from a well-off family. Ngunit ang saya na kanilang nadarama dahil sa kaisipan na may mga taong nakagusto sa kanilang mga gawa ay hindi mapapantayan ng ano pa man.
Inisang lagok ni Lucas ang alak na nasa kanyang kopita. Nakita niya pa na ganoon din ang ginawa ng kanyang kinakapatid na si Ariella. Alam niya na hindi ito sanay uminom at ano mang oras ay eepekto na dito ng alak na kanilang iniinom.
"You two should do it again, Lucas," narinig niyang wika ni Gio sa kanya. Dahilan iyon para mapalingon siya sa kanyang kaibigan. "Malay niyo dumating ang araw na magkaroon kayo ng sarili niyong exhibit. I am sure a lot of people would love your work."
Isang ngiti ang sumilay mula sa kanyang mga labi. Iyon din ang gusto niyang mangyari. Iyon din ang kanyang pangarap. He wanted to excel in painting. Nais niyang makilala bilang isang magaling na pintor. He wanted to have a one-man exhibit. O kaya,tulad ng sinabi ni Gio, exhibit na sila ni Ariella ang mangunguna.
But Lucas knew very well that it is so impossible to happen. Kung realidad lang ang pag-uusapan ay hinding-hindi siya magkakaroon ng pagkakataon na matupad ang kanyang mga pangarap.
A bigger responsibility is waiting for him. Isa iyong responsibilidad na hindi niya matatanggihan. Bilang isang Olvidares ay hindi niya maiiwasan ang mga tungkulin sa kanilang negosyo. Lalo pa ngayon na pinipilit na siya ng kanyang ama na harapin na ang mga responsibilidad na iyon.
Hindi na niya nagawa pang sagutin ang mga sinabi ni Gio nang marinig na nila ang masigabong palakpakan na nagmumula sa kanilang paligid. Natuon na ang kanyang pansin sa center stage nang matapos nang kumanta si Aleya. Pinsan niya ito at anak ng kanyang Uncle Vincent at Auntie Ysabella.
Nakangiti ito habang bitbit ang sariling gitara. Kasalukuyan na itong pababa ng stage. Alam niya na mamaya lamang ay sasamahan na sila nito sa mesang kanilang inookupa. Alam ni Aleya na naroon sila ngayon sa restobar na kinakantahan nito.
Somehow, Lucas envied his cousin. Kahit papaano ay nagagawa ni Aleya ang gusto nito--- ang pagkanta. Idagdag pa na alam niyang suportado ito ng mga magulang nito tungkol sa bagay na iyon. While him, nagagawa niya lamang ang pagguhit kapag kasama niya si Ariella o kaya naman ay sa mga bakanteng oras niya.
Though, sometimes he wanted to blame himself about it. Ni minsan ay hindi naman niya nabanggit ang tungkol sa kanyang hilig sa mga magulang niya kaya naman hindi niya alam kung susuportahan ba siya ng mga ito o hindi.
Mayamaya ay isa pang regular na singer sa restobar na iyon ang umakyat sa stage upang palitan si Aleya sa pagkanta. Nagpaalam muna si Lucas sa kanyang mga kasama sa mesang iyon para magtungo ng comfort room.
Nang tumango ang mga ito ay agad na siyang tumayo at tinalunton ang pasilyo na patungo sa comfort room ng establisimiyento. Papaliko na sana siya upang tuluyang pumasok sa banyo ng mga lalaki nang marinig niya ang pagtawag sa kanyang pangalan.
Napalingon siya sa babaeng sakto namang palabas mula sa comfort room ng mga babae. Isang matamis na ngiti ang nasa mga labi nito nang makita siya.
Si Sylvia, isa sa mga babaeng nakarelasyon niya, kung relasyon man nga na matatawag ang namagitan sa kanilang dalawa. They had a mutual understanding. They had been dating for months before. Pero alam niya na hindi iyon eksklusibo. Lucas knew she was seeing other man than him. Sa panig niya ay ganoon din. Though he would admit that he really enjoyed her companion, lalo na ang pagdating sa kama.
Agad itong lumapit sa kanya at ikinawit ang mga kamay sa isa niyang braso. "It has been a while, Lucas. Parang ngayon lang kita ulit nakita dito," malambing nitong saad sa kanya.
"I have been busy, Sylvia," wika niya dito. Sa bagay na iyon ay hindi siya nagsisinungaling. Totoong naging abala siya nang mga nagdaang araw dahilan para maging madalang ang pagpunta niya sa restobar na iyon. Naging abala siya sa pagtapos ng mga paintings na isinali niya kanina sa art exhibit na dinaluhan nila ni Ariella.
"I see," malambing pang saad ng dalaga. "Do you want to hang out with us? I am with my friends."
"I am also with my cousins and friends, Sylvia," pagtanggi niya dito.
"Just for a while, Lucas," saad pa nito habang bahagya siyang iginigiya pasandal sa sementadong dingding ng comfort room.
Napasandal doon si Lucas habang nakatayo sa kanyang harapan ang dalaga. She moved her body closer to him. Halos naaamoy niya pa ang alak na nainom na rin nito na sadyang humahalo ang amoy sa mamahaling pabango ng dalaga.
"I missed you, you know," she said seductively. Pinagapang din nito ang mga daliri sa kanyang dibdib hanggang sa umabot iyon sa collar ng suot niyang polo shirt.
"Sylvia---"
Hindi na niya naituloy ang kanyang mga sasabihin nang agad nang tumingkayad ang dalaga upang magpantay ang kanilang mga mukha. Bago pa man niya mahulaan kung ano ang gagawin nito ay agad nang dumaiti ang mga labi ng dalaga sa kanya.
Uncaring if someone would see them, Sylvia kissed him on his lips. Hindi niya mapigilan ang pagtugon ng sariling katawan. Marahil ay dahil na rin sa ilang kopita ng alak na kanyang nainom na kanina kaya natagpuan niya ang kanyang sarili na tumugon agad sa mga halik nito.
Hindi niya alam kung ilang minuto na siyang nakikipaghalikan sa dalaga. Pero agad na huminto si Lucas nang maramdaman niya na mistulang may nagmamasid sa kanila. Hinawakan niya si Sylvia sa magkabila nitong balikat at bahagya pang inilayo mula sa kanyang katawan.
He even heard her groaned as a protest. Alam niya na umepekto na ang alak na nainom nito, halata iyon sa mga kilos nito.
Pero hindi na iyon napagtuunan pa ng pansin ni Lucas. Out of instinct ay bigla siyang napalingon sa pasilyo na kanyang pinanggalingan. Naroon sa kanyang dibdib ang pakiramdam na may nakatingin sa kanya.
And he was not mistaken. Ilang hakbang mula sa kinaroroonan nila ay nakatayo ang isang babaeng ang mga mata ay nakatutok sa kanila, o mas partikular sa kanya. Malamang ay patungo ito sa banyo na naawat dahil sa nakitang ginagawa nila ni Sylvia.
Agad na nagtama ang kanilang mga paningin. Kahit sabihin pa na malamlam lamang ang liwanag sa loob ng establisimiyento na kinaroroonan nila ay hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang ekspresyon na binabadya ng mukha nito.
Shock was written all over her face. Marahil ay hindi nito inaasahan ang eksenang nakita. Together with that emotion, Lucas also saw... disappointment?
O marahil ay imahinasyon niya lamang iyon. He was so sure na hindi niya pa nakita ni minsan man ang babaeng ito kaya hindi niya alam kung bakit ganoon ang binabadya ng mukha nito.
"Is there something wrong, Lucas?" narinig niyang tanong ni Sylvia sa kanya.
Sa halip na tumuloy pa ang babae sa pagtungo sa banyo ay pumihit na ito patalikod upang marahil ay bumalik na lamang sa mesang pinanggalingan. Halos lagi na ay laman siya ng restobar na iyon at kilala na niya ang ilan sa mga regular na kustomer ng establisimiyento. And Lucas can tell na iyon ang unang beses na nasilayan niya ang mukha ng babae.
Mula sa pagkakatitig sa babae ay napayuko siya kay Sylvia. Mapang-akit itong nakangiti sa kanya.
"Fix yourself, Sylvia. People are staring," saad niya dito. Maliban kasi sa babae kanina ay mangilan-ngilang dumadaan na rin ang napapalingon sa kanilang dalawa ng dalaga.
"Let them stare, Lucas," mabuyaw nitong saad sa kanya. "Or if you want, let us go somewhere else."
Tuluyan nang inilayo ni Lucas mula sa kanya si Sylvia. "Go to your friends now, Sylvia. Or much better if you go home. Naparami na yata ang nainom mo."
Pagkawika niya niyon ay pumihit na siya upang lumayo dito. Hindi na niya itinuloy pa ang pagtungo sa banyo. Naroon sa kanya ang pakiramdam na nais nang bumalik sa may bulwagan.
Agad niyang iniikot ang kanyang mga mata sa kabuuan ng lugar. Sa kabila ng marami ang tao, nagbakasali pa rin siyang makita kung saang mesa galing ang babae kanina.
It was strange. Hindi niya alam kung bakit napukaw ng estrangherong iyon ang kanyang interes. It must be the expression in her eyes that caught his attention.