CHAPTER 5

1591 Words
"What do you mean, Lucas?" nagtatakang tanong ni Regina sa kanya. Napatuwid pa ito ng upo habang nakatitig sa kanyang mukha. Regina's eyebrow arched as she was staring at him. Naroon pa sa titig nito ang paninita dahil sa biglaan niyang pagpasok sa conference room. Ngunit wala sa tanong nito ang atensyon ni Lucas. Patuloy pa rin siya sa pagtitig sa babaeng kasama ni Regina. He knew very well that this woman would be their new secretary. . . his new secretary, to be exact. "We have met, haven't we?" aniya dito. Naglakad pa siya malapit sa kinauupuan ng dalawang babae at naupo rin sa isang swivel chair na katapat ng mismong kinauupuan ni Miss Valdez. "I-I. . . I don't know, sir. I---" "At D' Acoustic Glam. Remember?" tukoy niya pa sa bar na pag-aari ng pamilya ng pinsan niyang si Aleya. "We have met there." The woman looked at him. Nasa mga mata nito ang pagkailang na nadarama dahil na rin sa mataman na paninitig niya rito. "M-Maybe," wika nito sa mahinang tinig. "I was there the other night with my friends." Agad na umarko ang isa niyang kilay habang marahan na inikot-ikot ang swivel chair na kanyang kinauupuan. Muli niya itong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang sa katawan ng dalaga. Tama si Regina na maliit na babae lamang ito. Kung sa unang tingin ay aakalain pa nga na teenager lamang ang babaeng kasama nila ngayon. "So, you two have met," sabad na ni Regina sa usapan. Bumaling ito sa katabing babae at nagpatuloy sa pagsasalita. "Anyway, Janel, this is Lucas Olvidares. He will be your boss on the next months, or years, of your life. Lucas," harap naman nito sa kanya. "Janel Valdez, your soon-to-be-secretary." Narinig niya ang mga sinabi ni Regina ngunit hindi na niya iyon napagtuunan ng pansin. Kahit nang tumayo ang pinakilala nitong si Janel upang makipagkamay sa kanya bilang pagbibigay galang ay hindi siya natinag sa kanyang kinauupuan upang tanggapin ang pakikipagkamay nito. He remained on his seat while staring at her with puzzlement. "So, nagpupunta ka sa ganoong mga lugar?" hindi niya maiwasang itanong dito. Nagtataka pa siya kung ano ang ginagawa ni Janel sa ganoong lugar. D' Acoustic Glam is a restobar. Gabi-gabi ay may mga banda o soloist na kumakanta roon, kabilang na nga ang pinsan niyang si Aleya. Despite being a bar where people could drink alcohol, that bar was still decent compare to the other bar that he had been to. Ganoon pa man ay maituturing pa rin na bar ang lugar at para lamang sa mga may edad na. Though, this woman was on her legal age already, she still looked so young for her to go on a place such as D' Acoustic Glam. Naibaba ng dalaga ang kamay nitong ni hindi niya man lang pinansin. Akmang magbubuka ng bibig nito ang dalaga upang sagutin siya nang unahan na ito ni Regina. "What is this, Lucas?" baling nito sa kanya. "An interrogation to Miss Valdez? Let me just remind you that I am training her here at naiistorbo mo kami, boss." A mischievous smile appeared on his lips. Alam niya na sinadyang pagkadiinan ni Regina ang salitang boss upang ipaabot sa kanya na kailangan na niyang bumalik sa kanyang opisina at magtrabaho. Nasa mga mata pa ng sekretarya ng kanyang ama ang paninita sa ginagawa niyang pagtatanong sa kasama nito. Siya ang boss kumpara dito ngunit alam niya kung gaano ka-propesyunal kung magtrabaho si Regina. Kahit ano pa man ay alam niya may punto rin ito. At the end, Lucas just shrugged his shoulders. Tumayo na siya mula sa kanyang kinauupuan habang patuloy na nakahinang ang mga mata sa dalaga. Hindi niya maintindihan kung ano ang mayroon ito at napukaw ng magiging sekretarya niya ang kanyang kuryosidad. Nais niya pa sanang magtanong dito at mang-usisa kung ano ang ginagawa nito sa bar nina Aleya? Was she drinking with her friends? Mahilig din ba ang dalaga sa night life katulad ng mga babaeng nakilala at nakarelasyon niya na? "Lucas," muling tawag sa kanya ni Regina. "Okay. . . Okay," sumusuko na niyang wika dito. "I will go back to my office now. Hinahanap lang talaga kita para magtanong," baling niya pa kay Regina. "About what?" "I will just talk to you when you are free," aniya dito sabay harap naman sa babaeng katabi nito. "I will see you around." Pagkawika niya niyon ay agad na siyang pumihit at naglakad patungo sa direksyon ng pinto ng conference room. Alam niya na sinusundan siya ng tanaw ng dalawang babae. He could almost feel their stares at his back. Ngunit hindi na muli pang lumingon si Lucas. Alam naman niya na mamaya lamang ay kakausapin siya ni Regina tungkol sa inakto niya ngayon. ***** "WHAT was that, Lucas? Ano iyong ikinilos mo kanina?" agad na bungad ni Regina sa kanya pagkapasok na pagkapasok nito sa kanyang opisina. Hindi nga siya nagkamali. Heto na ito ngayon sa loob ng kanyang opisina, ilang minuto lamang mula nang lumabas siya ng conference room. Naabutan pa siya nitong walang ginagawa at nilalaro lamang ang ballpen na nasa kanyang kamay habang mahinang iniikot-ikot ang kanyang kinauupuan na swivel chair. Halata pa na hindi siya nagtatrabaho sapagkat nakaharap ang swivel chair niya sa ibang panig at hindi sa kanyang mesa kung saan naroon ang mga dokumentong iniabot sa kanya ng isang empleyado upang pag-aralan. "What?" maang-maangan niyang tanong dito. Pinagalaw niya pa ang kinauupuan palapit muli sa kanyang mesa at itinukod doon ang magkabila niyang siko. "What?" ulit ni Regina sa kanyang tanong. "Alam mo ang tinutukoy ko. You are acting like a teenager who saw a woman that caught your attention." "Am I that obvious?" "Seriously? Sekretarya mo si Janel, just in case you forgot," paalala pa nito. "And I warned you already, huwag mo na siyang isama diyan sa mga kalokohan mo." "Bakit ba pakiramdam ko ay kilala mo lang ako dahil sa mga kalokohan ko, Regina?" natatawa niyang saad dito. Laglag ang mga balikat na naupo ito sa visitor's chair na nasa kanyang harapan. "Yeah, I do. Alam ko mga kalokohan mo sa mga babae. God, Lucas. Kaibang-kaiba ka sa pinsan mong si Gael. You two are like the moon and the sun. Very opposite to each other." Sa halip na ma-offend dahil sa mga sinabi nito ay napabulalas pa ng tawa si Lucas. He knew Regina very well, katulad sa kung paano na rin nito kakilala silang dalawa ni Gael. At imbes na magtampo dahil sa mga sinabi nito ay natagpuan niya pa ang kanyang sarili na natatawa. Alam niya rin naman na walang ibig sabihin si Regina sa mga sinabi nito. She was, in fact, just stating a fact. Totoo ang mga sinabi nito. Labis ang pagkakaiba nila ng pinsan niyang si Gael. He was the happy-go-lucky type of the guy. Hangga't maaari ay hindi niya nais na dibdibin ang lahat ng bagay. He just want to take everything so lightly. Kabaliktaran iyon ni Gael. Gael was a serious type of a man. Ni hindi niya pa ito nakaringgan na magbitaw man lang ng biro. Lagi na ay nakasubsob din ito sa trabaho at kung nakakalabas naman ay iyon ay dahil lamang sa pamimilit niya at ni Ariella na sumama ito sa kanila. Minsan pa ay napapansin niya na napapapayag lamang nila ito na lumabas kapag alam nitong kasama si Ariella. Hindi niya alam kung ano ang mayroon sa dalawa pero dama niya ang kakaibang palitan ng tingin ng mga ito. Hindi siya bulag para hindi iyon mapansin. Iwinaksi niya ang tungkol sa kanyang pinsan at sa kanyang kinakapatid. Muli na niyang hinarap si Regina na sa pagkakataon na iyon ay mataman na nakatitig sa kanya. "At talagang tinawanan mo lang ako?" saad pa nito. "Lucas, malalagot ka sa iyong ama kapag hindi mo inayos at sineryoso itong trabaho mo." "I know, Reg. You know me. Pagdating naman sa trabaho ay kaya kong magseryoso. Besides, nariyan ka pa naman para gabayan ako. You don't expect me na gayahin ang aking ama o si Gael na nagtatrabaho habang lagi na ay nakunot ang noo at magkadikit ang mga kilay. Can't I work while taking it just so lightly?" Narinig niya ang marahan na pagpapakawala nito ng isang buntong-hininga. Hindi na ito umimik pa kahit na alam niyang hindi pa rin ito kumbinsido sa mga sinabi niya. Nagpapasalamat siya sa pagtuturo nito sa mga kailangan niyang gawin. Alam naman niya na nais lamang nitong matutunan niya ang lahat ng pasikot-sikot sa pamamahala sa Olvidares Manufacturing Corporation. And he was willing to do that. . . but of course, on his own way. "Besides," patuloy niya pa sa pagsasalita. Muli ay sumilay ang isang pilyong ngiti mula sa kanyang mga labi. "I think I got some reasons now to enjoy going to OMC and managing it." Pagkawika niyon ay isang kindat pa ang ginawa niya kay Regina na umani lamang ng pagtaas ng kilay nito. Walang ibang laman ang kanyang isipan nang sabihin niya ang kanyang huling pangungusap kundi ang magiging sekretarya niya. That woman really caught his attention. Hindi ba at kahit nang magsalubong ang kanilang mga mata sa D' Acoustic Glam ay napukaw na nito ang kanyang interes. Hindi niya alam kung bakit. But that woman was something. At gusto niyang tuklasin kung bakit ganoon na lamang ang epekto nito sa kanya. He can do that. She will be his secretary at maraming pagkakataon para makilala niya ito nang lubusan. With that thought, a playful smile appeared on his lips once again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD