"Hindi mo pa rin ba ipapaalam ang tungkol sa bagay na ito kay Francheska?" tanong ni Ronniel kay Jake isang umaga.
Sadyang tinawagan ni Jake ang kanyang kaibigan upang makausap ito. Kasalukuyan silang nasa loob ng kanyang opisina sa Olvidares Manufacturing Corporation, ang kompanyang pinamamahalaan niya na minana pa nila sa kanilang mga magulang. Bilang panganay sa kanilang magkakapatid ay kay Jake napunta ang pinakamataas na posisyon sa kanilang kompanya.
Sadya niyang inanyayahan si Ronniel na puntahan siya sa kanyang opisina. Kolehiyo pa lang ay matalik na niyang kaibigan si Ronniel. At ngayon, kahit may kanya-kanya na silang mga pamilya ay hindi man lang nagbago ang samahan nilang dalawa.
Marahan niyang ibinaba ang isang papel sa ibabaw ng kanyang mesa nang marinig niya ang naging tanong nito. Isang rason kung bakit niya tinawagan si Ronniel ay dahil sa nakalipas na mga araw ay ilang beses na siyang nakatatanggap ng mga kakaibang sulat.
Karaniwan ay sa address ng kanyang opisina ipinadadala ang mga iyon. Katulad na lamang ng sulat na kalalapag lamang niya sa ibabaw ng kanyang mesa.
It felt so weird reading all the letters. Iisa lamang ang nilalaman ng mga iyon. Ayon dito ay pagsisisihan niya ang isang bagay na ginawa niya noon, bagay na hindi niya maunawaan. He is now fifty-five years old. Sa edad niya ay hindi na niya alam kung alin sa mga nagawa niya ang tinutukoy ng nagpapadala ng sulat.
He wanted to ignore it. Baka isang taong wala lamang magawa ang nagpapadala sa kanya ng mga sulat na iyon. Pero ang isipin na nakailang ulit na siyang nakatatanggap niyon ay ang nakakapagpabahala sa kanya. Idagdag pa na nitong mga huling pagkakataon ay may kasama nang pagbabanta ang mga natatanggap niyang liham.
That was the time when he called Ronniel. Ronniel was a former policeman. Nang magretiro ito sa nasabing propesyon ay nagtayo na lamang ito ng isang security agency kasosyo ang ilan pang kaibigan din nito.
Wala siyang inilihim sa kanyang kaibigan. Lahat ay nabanggit niya dito tungkol sa mga sulat na natatanggap niya. He needs help. Kung tutuusin ay madali lang para sa kanya ang ipagsawalang-bahala iyon. But for some reasons, Jake was bothered, not for himself but for his family.
"I knew Cheska very well, Ron," tugon niya sa kanyang kaibigan. "Mag-aalala lamang siya tungkol sa bagay na ito."
"At sa tingin mo ay hindi niya ikakagalit kung ilihim natin sa kanya ang tungkol dito?" susog pa na tanong nito.
Napaupo nang tuwid si Jake. Marahan niyang ipinatong ang kanyang mga kamay sa ibabaw ng kanyang mesa at sinalubong ang mga mata ng kanyang kaibigan.
"It was the reason why I called you, Ron," wika niya dito. "Gusto kong ilihim ang lahat kay Cheska. I want to fix it secretly. Hindi na natin kailangan pang sabihin sa kanya ang lahat. Mag-aalala lang ang asawa ko."
"But we are lying to her now, Jake---"
"Iyon din ang gagawin mo kung sakaling ikaw ang nasa katayuan ko, hindi ba? Hindi mo hahayaan na mag-alala si Arianna," tukoy niya sa asawa nito.
Saglit na natigilan si Ronniel. Hindi man ito nagsalita ay alam niya kung ano ang magiging sagot nito sa kanyang tanong. Just like him, Ronniel loves his wife to destruction. At alam niya na katulad niya ay ang ikabubuti lamang ng pamilya ang nais din nito.
"So, what do you plan to do now?" mayamaya ay tanong ni Ronniel sa kanya.
"Kailangan kong malaman kung sino ang nagpapadala ng mga sulat na ito," saad niya dito sabay sulyap sa huling sulat na natanggap niya.
Sa loob ng dalawang buwan ay halos tatlong beses sa isang linggo kung makatanggap siya ng liham. Lahat ay halos iisa lamang ang laman. At iyon ay ang pagbabayaran niya ang lahat ng kasalanan niya sa kung sino man ang nagpadala niyon, kasalanan na hindi niya maunawaan kung ano.
Kung siya lang ay hindi siya mababahala. Mas iniisip niya ang kanyang asawa at ang dalawa nilang anak, sina Lucas at Fiona. Iyon ang rason kung bakit humingi na siya ng tulong mula kay Ronniel.
"How can we do that? Walang address na nakalagay sa mga sulat na natatanggap mo, Jake?" wika sa kanya ni Ronniel.
He heaved out a deep sigh. Totoo ang mga sinabi nito. Mahirap hulaan kung sino nga ang nagpapadala ng mga dumarating na sulat sa OMC. At ni wala siyang natatandaang kaaway na maaari niyang maituro bilang nasa likod ng lahat ng ito.
"I need to find out, Ron," aniya sa kanyang kaibigan. "Hindi dapat magulo ang pamilya ko dahil dito."
Nakaiintinding tinitigan siya ni Ronniel. Isang marahang tango ang iginawad nito sa kanya. Alam niya na maaasahan ito, na gagawa ito ng hakbang upang malaman nila kung kanino galing ang mga sulat.
Ilang minuto pa ang inilagi ni Ronniel sa kanyang opisina bago ito tuluyan nang nagpaalam sa kanya. Together with him, he made a plan.
*****
DIRE-DIRETSONG naglalakad si Lucas sa pasilyong patungo sa opisinang inookupa niya sa Olvidares Manufacturing Corporation. It was another lazy working day for him. Maaga siyang gumayak upang pumasok sa opisina suot ang business suit na halos magpakati sa kanyang katawan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga siya sanay na magsuot ng ganoong kasuotan.
But he does not have a choice. Bilang magiging CEO ng kompanyang iyon ay wala siyang magagawa kung hindi kasanayan ang mga bagay na kinasanayan din ng kanyang ama.
He was about to enter his office when all of a sudden, he remembered Regina. May pabor pa siyang kailangan hilingin dito at iyon ay ang magpatulong sa paghahanap ng regalo para sa kanyang ama at ina para sa darating na anibersaryo ng kasal ng mga ito.
Hindi niya ito nagawang kausapin nang matino kahapon dahil na rin sa paghaharap nila ni Janel. Walang ibang ginawa si Regina kung hindi ang magsaway sa mga kalokohang pinagsasabi niya kahapon. And the truth is, nawala rin talaga sa isipan niya ang tungkol sa bagay na iyon matapos niyang makita nang harapan ang magiging sekretarya niya.
Thinking about Regina, Lucas turned to walk towards his father's office. Sa labas ng mismong opisina ni Jake nakapwesto ang mesa ni Regina at doon ang balak niyang puntahan.
Ilang hakbang na lamang ang layo niya mula sa kanyang pakay nang bigla ay bumagal ang paghakbang ni Lucas. A mischievous smile also appeared on his lips before he continued walking.
Sa halip na si Regina ang makita niya sa mesa nito ay ang bagong sekretarya ang naroon ngayon at abalang nag-aayos ng ilang mga dokumento.
Lucas cleared his throat loudly. Sinadya niya iyon upang makuha ang atensyon ng dalaga. Agad naman itong napalingon sa kanya nang mapansin ang presensiya niya.
"Good morning, Sir Lucas," bati nito sa magalang na tinig.
"'Morning," tipid niyang tugon dito bago napalingon sa paligid. "Where is Regina?"
"She went out for a meeting with a client. Kasama niya ho si Mr. Olvidares," tukoy nito sa kanyang ama.
Isang tango ang kanyang ginawa dahil sa naging sagot nito. Madalas ay sa ganoon tumatakbo ang bawat araw ng kanyang ama. Maliban sa mga dokumentong kailangan nitong harapin sa araw-araw ay may mga meeting din itong dinadaluhan sa loob man o labas ng OMC.
And Regina, as his secretary, was always with him in his every meeting.
"I see," saad na lamang niya habang nakapamulsang nakatayo sa harap ni Janel.
"You need something, sir?" usisa pa sa kanya ng dalaga.
Marahan na napabuga ng hangin si Lucas bago naglakad pa palapit sa mesa nito. Agad itong napaupo nang tuwid dahil sa kanyang ginawa. Lucas instantly felt the uneasiness that was consuming her.
"Yes. At dahil ikaw ang narito ay sa iyo ko na lang ipapagawa," wika niya dito. "Follow me in my office."
Hindi niya man lang hinintay na makasagot ito. Agad na siyang pumihit patalikod upang bumalik sa kanyang opisina.
Naramdaman niya ang mabilis na pagkilos ng dalaga. Tumayo ito at inayos muna ang pagkakasalansan ng mga papel na hawak nito kanina saka sumunod sa kanya.
He did not even bother to turn to look at her. Pero damang-dama ni Lucas ang mga mata nitong nakatitig sa kanyang likuran.
Nauna siyang pumasok sa loob ng kanyang opisina at inutusan itong maupo sa visitor's chair na nasa harapan ng kanyang mesa. Lucas got his laptop and opened it. Nang mabuksan na niya iyon ay agad niyang pinuntahan ang online shop ng isang sikat na brand ng damit, accessories at kung ano pang maaaring panregalo.
Iniharap niya iyon kay Janel saka nagsalita. "Choose something that you think would be a great gift for someone."
Maang itong napatitig sa kanya na wari ba ay hindi naintindihan ang kanyang mga sinabi. "H-Ho?"
Lucas shrugged both his shoulders. "Pilian mo ako ng magandang panregalo." Inilahad niya pa ang isang kamay para ituro ang laptop.
"P-Paro ho kanino? I-I. . . I mean, babae ho ba o lalaki?" nauutal nitong saad sa kanya.
"Babae."
Sukat sa naging tanong niya ay marahan na napalunok si Janel. Gusto pang mangiti ni Lucas dahil sa nakita niyang reaksyon nito. Mistula ay hindi nito inaasahan na ganoon ang ipapagawa niya kaya niya ito pinasunod sa kanyang opisina.
Nevertheless, Janel followed his instruction. She started browsing his laptop and looked for something from the online shop.
"Ano ho ang hilig ng b-babaeng reregaluhan niyo, sir? O kung hindi man ay ano ho ang hitsura niya para maibagay ho sa kanya ang ibibigay niyo?"
Tuwid na napatayo si Lucas. He stared at her face momentarily. Hanggang sa mayamaya ay marahan siyang naglakad-lakad sa harap nito habang nag-iisip ng isasagot.
"She is just simple. Maliit lang ang pangangatawan at. . . at halos kasingtaas mo lang," he answered. Hindi niya alam kung bakit iyon ang nasabi niya. Was he describing her?
Wari naman ay hindi iyon napansin ng dalaga. Tumingin-tingin ito sa mga items na naka-post roon, partikular sa clothing section ng brand na iyon.
Lumipas ang ilang segundo nang mapansin niya ang pananahimik nito. Lucas walked and stopped right behind her to check what she was staring at.
Isang damit ang sinubukan i-click ng dalaga. It was a black dress with a thin strap. It was a small size na binase nga nito sa kanyang mga sinabi kanina.
"I think this would fit her if. . ." nagkibit-balikat muna ito bago nagpatuloy sa pagsasalita. "kung tulad ho ng sinabi niyo na maliit lang ang pangangatawan niya. Iyon ho eh kung nagsusuot siya ng ganitong damit."
Bahagyang yumuko si Lucas upang pagmasdan ang damit na pinili nito. Naramdaman niya pa ang biglang pagkailang nito dahil sa kanyang ginawa. At sa hindi malamang dahilan ay napangiti pa si Lucas dahil sa nakitang reaksyon ng dalaga.
Dahil sa kapilyuhan ay mas lumapit pa siya sa likod nito at siya na mismo ang pumindot sa laptop upang bilhin ang damit na pinili ng dalaga.
His breath was almost fanning on her neck since he made sure that his face was levelled to hers. Halos hindi ito matinag sa kinauupuan dahil sa pagkakalapit niyang iyon. Nananadyang inilapit niya pa ang kanyang katawan sa dalaga.
"She would wear it especially if I say so," buong kumpiyansa niyang saad bago tumuwid na ng pagkakatayo. Wari naman ay noon lamang nakahinga nang maluwag si Janel at disimuladong hinamig ang sarili.
"Now, help me find a gift for a couple who would celebrate their wedding anniversary," patuloy niya pa sa pagsasalita.
"H-Ho?"
"Iyon talaga ang rason kung ba't kita pinasunod dito," aniya habang may isang pilyong ngiti na naglalaro sa kanyang mga labi.
While Janel looked at him with disbelief on her face. Hindi pa nakaligtas sa kanya ang inis na dumaan sa mga mata nito, bagay na wari ay mas nagpangiti pa sa kanya.