Matulin na lumipas ang ilang araw. Tuluyan na ngang napunta kay Janel ang posisyon ni Regina matapos itong mag-resign upang maghanda na ng sarili nitong kasal. Sa una ay hirap si Janel sa dami ng gawain sa Olvidares Manufacturing Corporation. There were a lot of adjustments needed for her to do. Sa totoo kasi ay ang pagiging empleyado ng OMC ang kauna-unahang malaking trabahong papasukan niya. She was feeling a lot of pressure, not only for being OMC's employee, but because of the real reason why she was on that company. Bagay iyon na kung may pagpipilian lamang siya ay hindi niya nanaisin na gawin. Alas-siyete ng umaga ay nasa kompanya na si Janel. Nakatalaga pa rin siya bilang sekretarya ni Jake Olvidares hanggang sa tuluyan na nitong bitawan ang hawak na posisyon. At iyon ay mangyaya