Chapter 3
"Oops sorry! Ang lampa mo kasi!" pinigilan ko ang sarili ko dahil sa sinabi ni Eula.
Sa nanginginig na mga tuhod lumuhod ako para pulutin ang natapon sa sahig, wala namang nabasag dahil plastic bowl naman nakalagay ang ginataang langka at tubig.
Nag-angat ako ng tingin at yun na lang ang paglaki ng mga mata namin, ako at ang ibang estudyante na dinambahan ng suntok ni Ignacio ang lalaking estudyante kung bakit ako ngayon natalisod.
"Gago!"
"Mas gago ka! Nakita ko yun huwag ka ng nagmamaang maangan pa!" galit na sabi ni Ignacio sa lalaki na hindi ko malaman kung ano ang relasyon nila ni Eula dahil minsan ko silang nakita na magkasama.
"Do not touch that Mica," binalingan ko siya dahil sa narinig na pangalan. Nakatingin ito sa akin kaya hindi niya napansin ang estudyante na sinuntok niya kanina na kumuha ng tray at ihahampas na sana kay Ignacio, bigla akong tumayo para sa akin mapunta ang gusto niyang ihampas kaysa taong gusto lang akong tulungan.
Kaya sa akin nahampas ang tray sa bandang likod ko. Naramdaman ko ang sakit ng ulo at balikat. Bigla akong nahilo.
"Gago! Anong ginawa mo?" huling narinig ko bago ako nawalan ng malay.
Nagising ako at idinilat ko ang mga mata ko, puting room ang unang bumungad sa akin at ang mukha ni Ignacio ang nakita ko na alalang-alala. Sa akin ba ito nag-alala? Ano ang nangyari? Bakit nasa clinic ako ngayon ng paaralan?
"Masakit ba ang likod mo? Ulo mo? Balikat? Ano pa Mica. Tell me para masuri natin," sunod-sunod na tanong ni Ignacio.
"Mica, anong nararamdaman mo ngayon?" tanong din ni Lisa.
Iniisip ko kung ano ang nangyari, bakit ako nandito at ganito na lang sila nag-alala sa akin.
Nang maalala ko ay napapikit ulit ako, nakagawa ako ng eskandalo sa paaralan na ito. Kung maingat lang sana ako sa paglalakad ko, hindi mangyari ang mga ganito.
"Ayos lang ako. Huwag na kayong mag-alala sa akin." saad ko para hindi na sila mag-alala sa akin kahit medyo nararamdaman ko pa rin ang pagtama ng bagay sa likod ko.
"Sorry!" kunot-noo kong binalingan si Ignacio. Hinahaplos niya ang buhok ko habang nakatingin sa akin. Kung wala ako sa sitwasyon ngayon baka tatakbo na ako palabas ng clinic para magtago dahil sa sobrang lapit na naman niya na ilang dangkal na naman ang pagitan sa amin.
Hindi na naman ako nakatiis at talagang sinukat ko pa sa aking mga daliri kung isang dangkal lang ba talaga at tama nga ako.
Natawa ito dahil sa ginawa ko.
"You always doing that, why?" binaba ko agad ang kamay ko at iniikot ang mga mata dito sa clinic para hindi niya mapapansin na namumula na itong pisngi ko.
"Gusto ko lang, masama ba?" natawa na talaga itong isang to. Nagpaalam muna si Lisa dahil magbabanyo lang. Kaya kami na lang dalawa ni Ignacio dito sa maliit na kwarto para sa mga estudyante na dinadala dito kapag may nararamdaman may mijor na sakit.
"Hindi naman, instead I like it," agad ko siyang nilingon at halos kainin na ako ng lupa dahil mas malapit na kami ngayon sa isa't-isa. Hindi na dangkal kundi naramdaman na namin ang mga ilong namin na nagkatagpo.
Bigla akong umiwas at napatayo rin siya ng tuwid.
"Kakain ka na? Alam kong hindi ka pa kumakain," dahil sa sinabi niya bigla akong bumangon pero yun na lang pagbalik ko sa higaan na maramdaman ko pa rin ang sakit sa ginawa noong estudyante.
"Aalis na tayo, may pasok pa tayo," paalala ko sa kanya.
"Nah..dito muna tayo." saad nito habang binubuksan ang mga tupperware na may pagkain ang laman.
"Hindi, alam mo naman na hindi ako umaabsent sa klase," sabi ko at pinilit pa rin na makaupo sa pagkahiga sa kama ng clinic dito sa school.
"No Mica, just eat and rest. Wala naman tayong guro ngayong hapon kaya dito ka muna at huwag mong pilitin ang sarili mo na bumangon kapag hindi mo pa kaya. Saka na kapag uwian na sa buong klase." mahabang sinabi niya.
"Bakit wala tayong pasok?" tanong ko sa kanya habang inaabot sa akin ang tupperware para kumain. May folding table siyang nakita kaya yun ang ginamit ko para doon ilagay ang mga pagkain.
"I don't know, sinabi lang sa akin nina Lisa na wala tayong teacher kaya hindi na rin ako nagtatanong ng ano pa," sabi nito. Sinabayan niya akong kumain. Dahil sa nangyari kaninang lunch sa canteen kaya hindi rin siya nakakain. Bumuntonghininga ako.
"Sorry, dahil sa akin nadamay ka pa talaga!"
"No, ako dapat ang humingi ng tawad dahil hindi man lang kita naipagtangol." aniya.
"Anong hindi, pinagtanggol mo kaya ako." inangat niya ang ulo niya para makita ako sa mga mata.
"Hindi kita nailigtas dahil kung oo di sana wala ka ngayon dito. So ibig sabihin kasalanan ko pa rin." pagkakaklaro niya.
Magsasalita pa sana ako ng bumukas na ang pintuan at iniluwa sina Bianca at Lisa.
"Gising na? Omg hello Mica. Ano na ang pakiramdam mo ngayon," nginitian ko sila dahil sa nakita ko ang pag-alala sa kanilang mga mukha.
"Ayos lang ako, 'wag kayong mag-alala," sabi ko dahil hindi ako sanay na ganito sila mag-alala sa akin. Ayokong sanayin ang sarili ko na may mga tao nag-alala ng ganito sa akin.
"Kinausap na ng office administration ang estudyante na gumawa sayo ng ganito, marami rin kasing nakakita na sinadya niyang ilabas ang kanyang sapatos habang paparating ka. Dating ex yun ni Eula at sabi niya napag-utusan lang siya at tinuro nga ang kanyang dating nobya." paliwanag ni Bianca.
"Tapos pa deny deny pa si Eula na hindi daw totoo yung binebentang sa kanya ng kanyang ex, pero dahil marami ang nakarinig na kabarkada lang din nila ang pag-uusap ng dalawa kaya maraming ebidensya nakalap ang ating imbestigador at SOCO kaya nahatulan sila. Expel siya mga day, ay silang dalawa pala," natatawa na lang kami dahil sa sinabi ni Lisa na parang nagbabalita pero expel, naawa ako.
"Ganoon ba! Kawawa naman." sabi ko. Hindi ko maisip na dahil sa akin kaya sila na expel sa school na ito. Kakausapin ko na lang kaya ang admin. Sana pumayag dahil nakakaawa talaga.
''Anong nakakaawa doon Mica? Kasalanan nila yun kung bakit nila ginawa ang gan'on sayo. Para ano? Para magpasikat tapos yung isa sinabi lang na pinangakoan na kapag gagawin niya ang inutos ay magkabalikan sila pero anong nangyari nagmukha siya tanga sa ginawa niya, ano bang nakain ni Eula at ganyan siya. May galit yata sa'yo girl ah. May atraso ka ba sa kanya?" galit na saad ni Bianca. Napailing naman ako sa sinabi niya.
"Wala naman akong atraso, kung meron man hindi ko alam kung ano yun, basta wala akong maalala na may galit ako sa kanya." sabi ko.
Nakapamewang si Lisa, "hindi kaya naiinggit yun sayo girl?" nagtataka naman ako sa sinabi niya.
"Ano naman kinaiingitan niya sa akin eh tingnan mo naman ang estado ng buhay namin sa kanila. Ang mukha ko sa kanya," kanya-kanya naman sila na tango except kay Ignacio na nakikinig lang samin na naghuhulahan kung talagang naiinggit si Eula sa akin. So ibig sabihin pangit talaga ako. Hay buhay.
"Ewan ko sa babae na yun, nasobrahan lang siguro ng aruga kaya minsan mali-mali na ang kinikilos. Pero dapat hindi humantong sa ganito na gagamit siya ng ibang tao para lang sa kanyang kagustuhan," si Bianca. Dahil may ginawang hindi mabuti si Eula for sure si Bianca na ang mag participate sa event ng school na pageant. Ganito kasi ka strict ang paaralan dito dahil kung may nilabag ka na bagay lalo sa pananakit ng kapwa mo estudyante, kaklase man o school mate ay talagang expel ka agad ng paaralan.
Alas-kwatro na ng hapon at nandito pa rin ako sa clinic. Dahil walang pasok kaya nauna na sina Bianca at Lisa na umuwi dahil may gagawin pa raw. Mabuti na lang at walang estudyante na pumunta dito dahil may dinaramdam o ano pa man kaya nakatulog ako pagkaalis ng mga kaklase ko. Pumunta rin dito ang iba at mga kaibigan ni Shemaia. Dinala nila ang bag ko pagkatapos malaman ang nangyari sa akin.
Binalingan ko ang lalaki na mahimbing na natutulog na nakaupo sa may silya habang nakanganga at nakahilig ang kalahating katawan sa paanan ng kama kung saan ako nakahiga.
Kahit saan talaga nakakatulog itong si Ignacio, minsan pa nga kapag nagsasalita ang guro sa harapan o di kaya wala ang teacher at may mahabang pinapasulat sa amin, akala ko nagsusulat yun pala kung saan-saan na bumabaling ang kanyang ulo dahil sa antok tapos ang bagsak sa balikat ko.
Hindi ko naman pwedeng hayaan na lang o di kaya ilipat sa ibang direksyon ang ulo niya kasi baka masubsob ito sa sahig, lalo at mahimbing ang tulog niya dahil may muntik hilik ako na naririnig. Kaya imbis na gisingin niya ng kanyang mga kaibigan ay wala na silang magawa dahil alam naman nila na pagod ang isa na ito dahil sa may practice sa pagmomodel o di kaya may ina attend na schedule.
Ilang oras na lang kaya ang tulog niya yan pag gabi? Tapos ngayon dito naman. Bakit hindi na lang siya umuwi sa kanila para naman makapag pahinga siya ng maayos.
Dahil hindi pa rin siya nagigising kahit matagal na akong nakatitig sa kanya kaya kinuha ko ang scratch paper ko para ma drawing ko na naman siya.
Hindi naman talaga ako marunong mag drawing pero dahil siguro wala masyadong pumapansin sakin dati kaya tanging pag dadrawing na lang nilalaan ang oras habang naghihintay sa teacher namin o di kaya kapag breaktime. Nagsimula sa linya linya hanggang nakabuo ako ng mukha ng tao. Kaya hindi ko na tinigilan hanggang naging bihasa na rin.
Dahil lagi ko naman itong ginagawa kapag tulog siya ay parang sanay na sanay na ang mga daliri ko na iguhit ang hugis bilog na mukha niya. Ang buhok na mahaba na ngayon at pina bun nya ang pagkatali habang may maliliit na stands na hindi nasasali at napupunta sa mukha niya.
Dahil sanay na kaya binilisan ko lang at baka mamaya magising siya at malaman pa niya na nagdradrawing ako at siya ang modelo ko. Marami na nga akong na guhit na siya lang at yung iba ay galing lang sa isip ko habang iniisip siya kaya ayun nakagawa rin ako ng imahe niya.
Walang nakakaalam kahit si Ignacio na ginagawa ko ito. Ayoko kasi na pinupuri nila ang gawa, ewan ko ba hindi ako sanay. Baka mamaya pinupuri ako tapos waley pala ang gawa ko. Mabuti na ang ganito na tinatago ko lang sila sa isang album na ako pa mismo ang gumawa.
Medyo naging maayos naman ang likod ko at hindi na ito kumikirot o sumasakit tulad kanina kaya pwede na akong umuwi nito pagkagising ng crush ko na ngayon binabantayan ako simula kanina, pero ngayong oras ay ako naman ang nagbabantay sa kanya. Napapangiti ako sa nakikita ko sa papel na malapit ko na siyang mabuo pero yun nga lang biglang idinilat na lang niya ang mukha na hindi pa ako tapos.
Hindi ko pa na buo ang ilong at mata niya, tanging bibig pa lang. Ganito lagi ang nangyayari. Pero mabuti na lang at hindi ako titig na titig sa kanya at nakaiwas agad ako noong gumalaw ang talukap niya sa mata.
"Gising ka na pala! Kanina pa ba? Sana ginising mo ako, nakatulog pala ako. May kailangan ka? Baka masakit pa ang likod mo, pwede ka munang magpahinga o tawagin ko na ang nurse kapag may iniinda ka pa na sakit ngayon. " saad nito.
Nginitian ko siya at umiling, "Ayos na ako Ignacio, salamat pala sa pagbabantay. Sana hindi mo na lang ginawa dahil kaya ko naman at nauna ka na lang na umuwi. Napagod tuloy kita sa pagbabantay sa akin at hindi ka pa nakahiga ng maayos noong natutulog ka. Nagliligpit lang ako ng mga gamit para makauwi na baka mamaya, gagabihan ako sa daan at wala na ang tricycle na lagi akong nakasakay kapag umuwi." sabi ko sa kanya. Nag-inat siya ng katawan habang sinusuklay ang kanyang mahabang buhok hanggang balikat ng kanyang mga daliri. Tinanggal niya ito sa dating ayos kanina.
"Ihahatid naman kita sa inyo kaya wag kang mag-alala," naalarma naman ako sa sinabi niya. Dami ko na tuloy na utang sa kanya.
"Huh? Huwag na. Binantayan mo na nga ako dito sa clinic ng ilang oras tapos ngayon ihahatid mo pa ako. Ano na lang ang sasabihin ng iba? Lalo at sa crush mo?" mahina ko na sabi sa huli.
"Tsk. Nagkaganyan ka ng dahil sa akin. Hindi kita nailayo sa gago na yon. Kaya ako na ang maghahatid sa iyo pauwi baka ano pa ang mangyari sayo sa daan at ako pa ang managot," hindi ko alam na bigla na lang nagsasayawan ang mga intestine ko sa tiyan dahil sa sinabi niya.
In love na ba siya sa akin? Gaga ka Mica concern lang yung tao pinagsasabi mo diyan. Maktol ko sa sarili ko.
Dahil sa makulit talaga ang isang to kaya wala na akong nagawa pa kundi ang sundin siya at magpahatid sa amin.
Pagkatapos naming magpasalamat sa nurse kaya pumanhik na kami sa kanyang sasakyan. First time akong nakasakay sa sasakyan na ganito lalo at siya ang nagdadrive. Malamig sa loob kaya giniginaw ako.
Napansin yata ni Ignacio ang dalawang kamay ko na iniyakap ko sa balikat ko pa cross, kaya hininaan niya ang aircon at nag sorry sa akin.
"Ilang taon ka noong marunong kang mag drive?" tanong ko habang malayo-layo pa ang sa amin, para na rin may mai topic ako ngayon lalo at lagi na lang siyang may katanungan na sinasagot ko naman
"When I was 15, tinuturuan na ako ni dad na magmaneho at natoto naman agad ako kaya ayun hanggang subdivision lang muna ang kaya ko dahil hindi pa pwedeng magmaneho papuntang malayo dahil under age pa lang ako," tumango ako dahil sa sinabi niya. Nakakamangha lang na makita siya na expert sa pagmamaneho, kung paano iwasan ang lubak na lubak na daan at paano siya lumiko sa mga eskinita.
"Diyan lang ako sa may eskinita mo ako ibaba dahil lalakarin ko na lang pauwi, malapit lang naman," sabi ko sa kanya.
"Dito? Saan ba ba da sa inyo, hindi ba pwede na dumeretso ang sasakyan ko roon? Para makauwi ka talaga sa inyo." tanong nito.
"Makakauwi ako niyan. Dadaan pa ako ng sapa at aakyat pa pwede ko namang lakarin na lang at isa pa baka hindi kayanin ng sasakyan mo na umakyat at baka masugatan pa yan, kawawa naman." ngiti ko na sabi.
"Try me!"
"Huh?"
"Try me na kaya kung puntahan ang sinasabi mo, please!" natatawa ako dahil sa sinabi niya na tunog pagmamakaawa pa. "Gusto ko lang na maniguro na nakauwi ka sa inyo," tumango ako dahil nahulog na pagmamakaawa niya.
Ngumiti siya ng malapad at sinundan ang sinabi ko na daan papunta sa amin. Hindi pa nga ako nakarating sa amin ay may mga leeg na tinatanaw ang bagong dating na akala nila sa kanila hihinto.
Nasa isip na naman nila na artista ang nandito sa loob dahil nga sa mamahaling sasakyan ni Ignacio.
"Dahan-dahan lang ha dahil nasa sapa na tayo," paalala ko sa kanya at ginawa naman niya. Hindi naman ito delikado sa kanya dahil ito lang naman ang sapa na walang tubig dahil siguro naharangan na doon sa bundok o ano. Pero kapag tag-ulan ay dapat mag-ingat dahil bigla-bigla na lang itong magkaroon ng tubig at minsan baha na pala kaya kapag dumaan dito alerto ka at hindi mabagal ang pagtawid mo.
"Dito na tayo," anunsyo ko at hininto na ang sasakyan.
"Ok, saan ang bahay niyo?" tanong pa nito.
"Doon banda, lalakarin ko na lang ng 5 minutes. Gusto mong bumaba?" tanong ko. Pangit naman na inihatid na niya ako tapos hindi ko man lang alukin ng merienda o tubig man lang, teka may merienda pa ba kaya sa bahay
May tubig naman pala siya dito sa kanyang sasakyan.
"Ok lang ba? Walang magagalit?" umiling ako at natatawa na rin. Ang saya naman ng puso ko na binantayan na nga niya ako kanina tapos ngayon hinatid pa talaga ako.
"Oo naman, sana may merienda pa na nailuto si nanay para naman makapag merienda tayong dalawa," saad ko at kinuha na namin ang mga bag. Nilock niya muna ang kanyang sasakyan na nakaparada sa hilid lang ng daan para makadaan parin ang mga tao mga motor at ngayon inalalayan pa ako na akala mo naman baldado ako.
Nilakad na lang namin papunta sa bahay at kahit dito sa amin ay kasing lapad at taas na naman ang mga leeg ng mga tao dahil sa nakikita ngayon na kasam ko. Hanggang tingin lang kayo, bawal sumingit at–
"Oh my ang gwapo," tili ng ibang kababaihan na wala ng pasok at nsa kanilang mga bahay na. Yung iba nasa labas para makipag chismisan na naman sa ibang mga kapitbahay.
"Nandito na tayo. Papa!" Nakita ko si papa na pinapakain niya ang kanyang mga alagang manok. Nagmano ako ng makarating na sa kanyang gawi at ang mga mata niya nakatuon sa lalaking nasa loo likod ko.
"Ay tay si Ignacio po, Ignacio si tatay ko. Kaklase ko po tatay. Hinatid lang po ako ngayon." tumaas ang kilay ni tatay at lumapit si Ignacio para magmano.
"Pasensya na marumi ang kamay ko," aniya pero hindi nagpatinag si Ignacio at nagmano rin. "Dalhin mo muna sa loob anak, may inihanda si mama mo na banana q, kumakain ka ba noon iho? Pasok ka muna sa loob at salamat sa paghatid sa anak ko." nginitian ni Ignacio si tatay at hinila ko na siya papasok sa maliit na bahay namin.
Hindi naman ito sobrang liit at hindi naman nakakahiya dahil lagi ko naman itong nililinisan kapag walang pasok.
Pagpasok sa loob nagmano ako kay nanay at dahil nandoon ang mga kambal kaya dinambahan nila ako ng yakap at napapangiti na lang ako habang nakaluhod na hinalikan nila ako sa pisngi na magkabilaan.
"Oh anak nandyan ka na pala, ay may kasama ka pala!" nginitian ko si nanay.
"Nay si Ignacio po kaklase ko, hinatid lang po ako kanina. Ignacio nanay ko," ngumiti ai Ignacio at nagmano rin kay nanay.
Kaya bago siya umuwi sa kanila ay pinakain ko muna siya ng banana q at dahil medyo marami naman ang naluto ni nanay kaya nakauwi rin si Ignacio dahil nagustuhan niya ito.
Hinatid ko siya sa kanyang sasakyan para makauwi na siya at baka gabihin pa. "Salamat Ignacio sa araw n ito," saad ko.
"Wala yun at salamat ulit dito sa banana q, mabuti pala talaga at pumayag ka na ihatid kita dito yan tuloy may grasya pa ako na maiuwi sa bahay," tawang sabi nito at tumawa rin ako dahil totoo naman, hindi ko na pinapansin ang mga tao sa paligid lalo ngayon na hapon at marami talagang nakatambay sa labas ng kanilang mga bahay.
"Sa uulitin, Mica!" luh may next time pa? Paano kumalma?
"Sige, mag-ingat sa daan okay? See you tomorrow Ignacio at salamat ulit." paalam ko bago siya sumapa sa kanyang sasakyan. Kumaway ako sa kanya at ganoon din siya sa akin hanggang pinaandar niya na ang sasakyan.
Kumaway pa rin ako kahit umaandar na palayo ang sasakyan ni Ignacio at ng hindi ko na makita dahil malayo na ito saka pa ako bumalik sa bahay na may ngiti ang mga labi.
Ang ganda naman pala ang araw ko ngayon. Magpapasalamat na ba ako sa tray?