Chapter 4

3112 Words
Chapter 4 "Nandito kami ngayong hapon sa gym dahil nanood ng basketball, huling practice para sa intramurals na gaganapin next week. Binihasa ko na rin ang sarili ko sa paglalaro ng chess dahil yun ang gusto ko na salihan. Pandagdag na rin sa puntos ng grades ko. Pangit naman kung mas marami at malalaki pa ang mga pimples ko kaysa sa mga grado ko. May kanya-kanya namang kinaabalahan at gustong salihan na activities ang ibang mag-aaral. Bata pa lang ako na mahilig na akong maglaro ng chess dahil ang tatay ko ay mahilig din maglaro ng ganyan at katunayan lagi siyang panalo sa mga sinasalihan niya noong kabataan niya. Sa kanya ko natutunan ang paglalaro dahil tinuturuan niya ako kapag may oras siya o pampalipas lang ng antok. Libangan ko lang naman dati hanggang iyon na lang ang naging pambato ko kapag may intrams kami sa school dahil mas madali na sa akin at hindi kapa mapapagod. Mabuti at available sa school namin kaya ng nabalitaan ko, nagmungkahi agad ako na ako na sa chess, nasa mga mata nila ang pagduda na baka hindi ko kaya. Pero nung sinubukan ko at nanalo noong second year kami kaya natuwa sila na kaya ko pala na marunong ako sa bagay na ganyan. Uupo ka lang naman at utak mo na ang paganahin mo para hindi ka matalo sa kalaban mo. Pero kung mas magaling ang kalaban ko, well talo ako. Kaya dapat ko pang igihan ang pag-eensayo dahil sobrang malapit na lang talaga. Nasa pinakadulo ako ngayon ng bench nakaupo malapit sa exit para madali lang akong makalabas ng gym after nina Ignacio maglaro. Wala kaming pasok ngayong hapon para makaensayo ang lahat, isa pa may meeting ang mga guro namin. Wala naman akong ibang gagawin dahil ang ibang kaklase may mga practice rin kaya dito ko naisipang pumunta. Isa pa, hindi pa kami pwedeng umuwi hangga't hindi pa sumapit ang alas kwatro. "Hanggang ngayon ba nahihiya ka pa sa mukha mo at dito kapa rin nakaupo?" singit ni Evan sa akin na kaklase namin at ako lang daw ang sinabihan niya ng kanyang sekreto. Tumabi siya ng upo sa bench kung saan ako at sino ba naman ako na hindi pwede. Kahit dito sa banda namin ay rinig na rinig pa rin namin ang mga hiyawan ng mga estudyante na nag papa practice pa lang naman. Ganito ba sila ka fan ng basketball? O dahil nasa court at talagang member ng basketball team ang mga crush nila? Oo Mica, tama sa dalawa ang mga katanungan ng utak mo. "Hindi naman, ayaw ko lang makipag siksikan mamamaya paglabas. Ano na! Nakaready na ba ang mga gagamitin mo tungkol sa fashion design na gagawin mo next week?" tanong ko sa kanya para maiba ang usapan dahil alam niya rin kung ano ang sikreto ko at yun ang pagkagusto kay Ignacio. Lumapad ang ngiti niya sa'kin, for sure magandang balita ang tinanong ko sa kanya. "Yes na yes lang talaga Inday, hindi na nga ako makapaghintay na darating din ang next week na yan dahil ngayon pa lang ang dami ko ng gustong gawin sa mga damit." saad ni Evan. Natawa ako dahil pareho pala kami na gusto na dumating ang araw ng intramurals. "Ang galing mo Ignacio! galingan mo pa lalo!" sigaw ng kabilang section. Hinagip ng mga mata ko kung nasaan ang sinisigaw ng babae. With his blue jersey na may numero 8 sa likod ay panigurado ako na sa ngayon ay pawis na pawis na ito. Gusto ko siyang lapitan para punasan dahil may dala ako na extra na maliit na tuwalya kaso nga lang baka ayaw niya at hindi tanggapin ang towel o itabig niya lang ang braso ko, lalo at ako ang gagawa unless siguro kung crush niya ay hindi siya aangal. Ayoko rin na may sasabihin pa na iba ang ibang makakakita. Nang matapos na ang kanilang practice ay kanya-kanya na ang lapit ng mga estudyante para makipag kamay o bumati kahit hindi pa naman final. Mabuti pa ako chill lang sa upuan at ako lang ang nakakaalam na may crush ako sa isa sa mga ka teammate ng basketball. Dahil kuntento na ako na makita lang siya sa di kalayuan lalo ngayon na marami rin ang nagpapapicture sa kanya kaya nagkibit balikat na lamang ako. Selos? Ramdam ko yun pero hindi pwede dahil walang kami, pero kung magkasama parang may kami…sabi mo yan Michaella. "Let's go!" Yaya ni Evan sa akin. Ayaw ko pa sana kaso ayoko naman na makahalata itong kasama ko na may hinihintay ako na mga mata para sulyapan din ako pero mapaglaro nga naman ang tadhana na makita ko ang lalaking pinapantasya ko ay nakaakbay siya kay Shemaia. Napabuntong hininga na lamang ako at tumayo na at hinabol si Evan na naglalakad na ngayon papuntang labas ng gym. "Uuwi na ako, ikaw? May dadaanan ka pa ba o hihintayin mo pa si Tuko?" tanong nito sa akin. "Hihintayin ko siya sa may waiting shed then kung wala pa rin siya. Uuwi na lang akong mag-isa," saad ko sa kanya. Tumango lang si Evan at nag paalam na mauna na ito. Dahil nakaramdam ng pagkaihi ay pumunta muna ako ng public cr. May nakasalubong pa ako na mga estudyante. Nakasalubong ko pa sina Shemaia at ang kanyang boyfriend na si Devi na taga fourth year student. Marami nga ang nkakacrush dito dahil iba ang kulay ng kanyang mga mata na nagugustuhan ng mga babaeng estudyante. Pano ba naman kasi na may lahing half Italiano ang Valentino na ito. "Hindi ka pa uuwi? Sabay ka na sa amin Mica kung uuwi kana? Dadaan kami sa inyo para maihatid ka, di ba Cloudy?'' alok ni Shemaia sa akin, kahit na papayag pa ang kanyang kasintahan ay umiling na agad ako. "Huwag na! May hinihintay ako na kaibigan at sa kanya ako sasama," saad ko sa kanila. Ngumuso si Shemaia at may pilyong mga ngiti na nakatitig sa akin. "Ayeehh! Si Ignacio yan noh? Nasa boys locker pa yata yun para magbihis, don't know!" kibit balikat nito. Nginitian ko sila ulit at umiling, "hindi naman siya ang hinihintay ko at sa ibang kaibigan ako sasabay sa pag-uwi." sagot ko. "Ganun ba, sige mauna na kami sa iyo," aniya at kumaway na rin ako sa kanila. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad papuntang banyo habang hinihintay si Tuko. Nang matapos kong gumamit at lalabas na sana ako ng banyo na may narinig ako na pumasok sa loob. Pipihitin ko na sana ang doorknob na may narinig ako na tinatawag ang pangalan ko, ako ba talaga? "Mica, Mica.. Mica… I know na nasa loob ka ng banyo ngayon. Wag kang mag-alala, I'll make sure na tayo lang ang nakakarinig sa palikuran na ito." sabi ng boses babae na nasa labas. Habang pinupukpok ng isang bagay ang mga pintuan. Kinabahan ako kaya para akong estatwa na halos paghinga ay pinigilan ko na. Umabot pa ng ilang minuto na nakatunganga lang ako sa loob ng cr habang hawak ko ng mahigpit ang bag ko at ang doorknob, baka bigla na lang itong pumasok kung nasaan ako. Hindi ko na alam kung ilang minuto na akong nakatayo sa loob ng restroom kaya pipilitin ko na lang na umalis dito at tumakbo para hindi niya ako maabotan. Kinakabahan ako, ayoko namang sumigaw dahil baka bago pa niya ako mahanap ay nakahandusay na ako sa loob. Hindi ko naman matext si Tuko dahil wala akong cellphone. Ang mga magulang ko lang naman ang meron dahil sa trabaho nila, kung magtetext man ako ay hihiram lang ako sa kaklase ko para matawagan o matext sila. Maya-maya lamang nakarinig ako na may nag-uusap sa labas ng banyo, pwede talaga akong tumakbo pagkalabas ko agad, kung hindi man atleast sisigaw ako para marinig nila at mag-iwan na lang ako ng mga habilin para sa mga magulang ko at sa dalawang kambal bago ako magpaalam sa mundo at hindi na umabot pa ng hospital. Hinanda ko ang sarili ko para buksan ang pinto at tatakbo ng mabilis. Pero ganun na lang ang pagkagulat ko na makita ang kaklase ko na nandoon at kalalabas lang galing sa kabilang banyo. "Karen?" tumingin ito sa akin na may pagtataka. "Anong nangyari sayo? Parang takot na takot ka?" tanong nito sa akin. Nginitian ko siya habang umiiling. Pero natuon ang mga mata ko sa nakasulat sa salamin. "I will kill you," basa ko. Nagtataka man ang kasama ko at lumayo sa akin kaya tinuro ko ang binabasa ko. "Alam mo ba sino ang may gawa niyan?" umiling ito sa akin. "Hindi…nandiyan na yan pagpasok ko palang kaya binabalewala ko na lang dahil alam mo na hindi na bago yan na maraming nakasulat na mga ganyan sa cr natin na gawa ng ibang mga estudyante." paliwanag ni Karen. Tumango ako dahil naiintindihan ko ang kanyang sinabi. "Pero bakit may pa ganito pa na sulat? Ayos na sana kung ang mababasa ko ay about sa number na crush ng estudyante pero hindi naman, I will kill you.. sobrang creepy nito." sabi ko. "Kaya nga, halika kana Mica baka mamaya bumalik ang may gumawa niyan. Pero baka prank lang yan. Sino namang pumapasok dito sa loob kung ganun na strict itong school natin. Unless kung hala di kaya estudyante rin Mica, pero sino at para kanino ito?" aniya. Napaisip ako sa sinabi niya. "Isumbong kaya natin sa school? Baka matulungan nila tayo? " mungkahi ko pero umiling lang siya sa akin. "Huwag… sa tingin ko naman na nagpaprank at feel lang gawin ng student kung sino mang may gawa nito." paliwanag niya. Aangal pa sana ako pero pinunasan na niya ng wet wipes ang salamin at madali lang itong matanggal dahil lipstick lang naman ang ginagamit. Napabuntong hininga na lamang ako dahil wala ng magawa at wala pang ebidensya. Hindi familiar ang boses na yun sa akin kaya hindi ko alam kung sino. Hinayaan ko na lang at lumabas na ng cr kasama si Karen pero dahil may sundo siya kaya dumaan siya kung saan ang parking lot ng school. Lumabas ako ng gate ng school at diretso na ng waiting shed. Hindi nga ako nagkamali at nandoon na nga si Tuko pero may kasama siyang iba, si Ignacio. Nagmamadali akong lumapit sa kanila at ayon sa kanilang mga mukha na parang kanina pa nila ako hinihintay wow nama–wait, baka iba naman ang hinihintay ni Ignacio Mica 'wag kang assuming diyan. Maktol ko sa sarili ko. Nang mahagip nila ako kaya sabay silang pumunta sa akin para salubungin ako. Huh? Anong meron? "Saan ka galing? Kanina pa kita hinihintay dito pero sabi ni manong guard na bumalik ka raw sa loob, why?" tanong ni Tuko sa akin. "Nagbanyo lang sorry," sagot ko. Binalingan ko si Ignacio, nagtatanong ang mga mata ko kung bakit narito siya. "May kailangan ka?" "Hindi ka ba sasabay sa akin? Remember? Diba sabi ko na sabay na tayo umuwi pag uwian,'' napanganga ako sa sinabi niya. Akala ko joke lang yun o baka makalimutan niya na yun dahil hindi naman ako pumayag that time. Totoo pala yun. "Pero parang naunahan na yata ako," aniya at matalim itong nakatingin kay Tuko. Patay paano ba ito ayoko naman na humindi sa dalawang ito baka wala ng next time. "Uhmm… so—" "Gusto mo bang sumabay sa kanya Tiki? Ayos lang sa akin dahil nasira kasi ang motor ko na ng tanghali, pinaayos ko muna, kaya magtatrycyle lang sana tayo o maglalakad kung gusto mo, pero kung nagyaya na ang kaklase mo ay ayos lang," sabi ni Tuko. No hindi pwede, nakakaawa naman talaga kapag iiwan ko lang si Tuko dito. Isip-isip Mica… "Sumabay ka na lang sa amin kung nasiraan ka ng motor, ida drop-off na lang din kita," narinig ko na sabi ni Ignacio. Nababasa niya yata ang nasa isip ko. "Wag na pare, maglalakad na lang ako.." "Tuko!" tawag ko sa kanya. Hinawakan ko siya sa kanyang braso,"Kahit ngayon lang ayoko namang na naglalakad ka, tapos hinintay mo pa ako rito para ipaalam na nasiraan ang motor mo, nag-alok na si Ignacio kaya samahan mo na ako, okay lang ba?" pagmamakaawa ko sa kanya. Pero ang Tuko na ito pinindot pa talaga ang pimples ko kaya nahampas ko siya sa braso. Lumapit na kami sa sasakyan na ngayon binuksan niya ang pintuan sa front seat, uupo na sana ako sa likod ng sumenyas siya na doon ako sa tabi niya kaya doon ako. Sino ba naman ako para tumanggi. Ang crush ko na ang nag-alok sa akin. Habang nasa biyahe ay panay kwentuhan kami ni Tuko habang si Ignacio naman ay nagsasalita lang kapag may itatanong kami. "Bukas sure na maayos na ang motor ko kaya pwede na kitang sunduin at ihatid Mica." saad ni Tuko sa akin. Nilingunan ko siya sa likod at ngumiti, ''okay, make sure na wala ng sira ha. Baka mamaya yan matilapon ako na wala sa oras. Sige ka, ban ka na talaga sa bahay namin," sabi ko at natawa na lang siya sa sinasabi ko. "Dito na lang pre, salamat sa paghatid." sabi ni Tuko. "Bye Mica, susunduin kita bukas ng maaga kapag maayo–" "Ako na ang susundo sa kanya bukas, may assignment pa kasi kami na tatapusin," huh? Ano raw? Meron ba? Bakit hindi ko alam? Nagtatanong ang mga mata ko kay Ignacio "Meron Mica, hindi mo lang narinig ang guro." nagkibit balikat na lang ako dahil hindi ko talaga alam kung ano yun. Baka nga meron. Binalik ko ang atensyon sa kaibigan na nasa labas na, "Meron pala Tuko, ikaw ano plano mo? Sasabay ka nalang ulit sa amin." suggestion ko pero umiling lang ito. "Kung ganun pala, sa susunod na lang na araw Mica. Tapusin niyo na lang muna ang assignment niyo kung ganun at mauna na ako sa inyo," paalam nito sa amin. Kinawayan ko siya at nagpasalamat. Pinaandar na ni Ignacio ang sasakyan niya. Hinarap ko siya. "Saan banda na may assignment tayo, yung nakatulog ako kaninang umaga o yung inutusan ako ni ma'am?" tanong ko sa kanya. Pero ang loko tumawa pa at umiiling. Anong meron at masaya itong lalaking ito? "Wala pala tayong assignment, sa kabilang teacher ko pala iyon narinig pero 'wag kang mag-alala dahil susunduin pa rin kita bukas kahit araw-arawin ko pa," huh? Tama ba ang narinig ko…araw-araw niya akong susunduin? Tama ba ang narinig ko? "Are you sure na susunduin mo ako at ihahatid sa amin bukas? Wag na kaya Ignacio. Baka mamaya niyan ay malaki na ang gastos sa pang gas mo yan dahil di ba, isang highway lang ang daan mo pauwi sa inyo tapos tulad ngayon lubak-lubak pa itong kalsada, baka malaki ang nababawasan ng pang gasolina mo." paliwanag ko. "Hindi naman, isa pa sarili ko naman ito na pera. Ito ang mga kinikita ko sa pag momodel, binabayaran nila ako kaya ayos lang naman na hatid-sundo kita." saad niya. "Ano kasi..uhmm..wag na kaya?" "Why? Boyfriend mo na ba siya?" tanong niya sa akin. Umiling agad ako sa kanya dahil hindi naman totoo na may relasyon kami ni Tuko. "Yun naman pala at ayos naman sa mga magulang mo, di ba? Nagpaalam na rin ako sa kanila na ako ang maghahatid sayo at sundo. Gusto ko ring bisitahin ang mga kambal, meron akong mga pasalubong sa kanila ngayon." aniya. Binalingan ko ang back seat at wala naman akong nakita. "Nasa trunk Mica," "Okay, salamat," sabi ko. Ilang araw naba na lagi siyang mabait at kinakausap niya ako . Simula yata nung nangyari sa canteen at doon nagsimula ang lahat? Hmm.. wag assuming Mica please lang maawa ka sa kaluluwa mo. Hinatid ka lang dahil gusto ka niyang ihatid. Yun lang at wala ng ibang kahulugan. Kastigo ko sa sarili ko. Nang makarating kami sa street namin ay talaga namang nag sitaasan na naman ang mga leeg ng mga kapitbahay dahil sa kanilang nakikita lalo at may magara pang sasakyan ang kasama ko ngayon. Dahil may regalo siya sa mga kambal kaya bumaba rin ito ng sasakyan. Binuksan niya muna ang trunk at may kinuha doon. Sinundan ko siya para makita iyon. Lumaki ang mata ko na matanto kung ano ang mga ibibigay niya sa mga kambal. Isang malaking teddy bear at toy car? "Binili mo? Kailan lang?" tanong ko sa kanya. Kinuha ko ang teddy bear para ako na ang magdadala sa loob ng bahay. "Noong linggo lang, pumunta kasi kami ni dad sa Bacolod at naalala ko ang mga bata kaya bumili na ako." sagot niya. Hinarap ko siya dahil nasa bakuran na kami ng bahay. "Hala paano yan, malaki na ang utang ko sa'yo niyan. Sana hindi kana nag-abala." pinitik niya lang ang noo ko. "At sino naman ang nagsabi sayo na may utang ka sa akin? Gusto kong mag bigay Mica kaya hayaan mo na ako, okay? Isa pa, ang cucute nilang bigyan kasi nagte thank you agad at wala ng explain explain at katanungan," aniya. Sumimangot ako dahil double meaning ang huling sinabi niya. Dahil naramdaman niya na na gets ko ang sinabi niya kaya tumawa siya kaya tuloy hinampas ko ng mahina ang braso niya. Kulit eh. May narinig kami na may bumukas sa pinto kahit wala pa kami sa tapat mismo ng bahay. Lumabas ang kambal at tumakbo silang dalawa papunta sa gawi namin. Lumuhod kami ni Ignacio at walang pakialam kung madumihan ng putik ang P.E uniform namin sa baba para lang salubungin ng yakap ang mga kapatid ko pero pati ang tadhana hindi sa akin kumampi dahil ang dalawang makukulit ay na kay Ignacio unang nagpayakap. Grrr. "Ay ganun…ganyan na pala tayo ngayon. Hindi niyo na love si ate dahil wala akong dalang regalo at alam niyo talaga na sa kasama ko na ito ang mga regalo na bitbit namin ha." sabi ko habang nakatingin sa kanila gamit ang sign language. Hinarap nila ako at umiling tatayo na sana ako na lumapit sila sa akin at punugpog ako ng mga halik sa mukha. Sino ba naman ako para tumanggi sa mga batang ito. Ang kasama ko napapangiti lang na nakatitig sa amin. Pinalapit ni Kimmy si Ignacio para sa isang group hug. Muntik na kaming mag kahalikan ni Ignacio dahil sa biglaan na pagkayakap ng dalawa sa amin. Nagpasalamat sila pagkatapos maibigay ni Ignacio ang mga regalo sa mga kambal, hindi man masyadong alam ni Ignacio ang sign language na sinasabi nila kaya ako na ang nag-explain sa kanya. "Kailangan ko pala talagang matoto kung paano ang mga sign language para madali na lang sa akin makipag communicate sa kanila everyday." aniya. Napanganga ako sa sinabi niya bago siya nagpaalam at umalis. Ano raw? May next time pa? Wow naman Michaella Gomeza.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD