Chapter 2

3081 Words
"Anak! Ikaw na muna ang bahala dito sa bahay, aalis lang kami ng tatay mo papuntang bayan, ikaw na ang magpakain sa mga kapatid mo!" wika ni mama. "Sige po nanay," sagot ko habang inuunat ang katawan ko. Alas singko palang ng umaga at kakagising ko lang, dahil laging maagang umaalis ang mga magulang ko para pumunta sa dalampasigan para pumalaot o di kaya pupunta ng bayan para magbenta ng mga nahuli nila na isda, ganito dito sa bayan namin maaga pa lang, gising na ang mga tao kaya siguro ganun din ako kaaga kahit wala naman akong lakad. Six o'clock palang ng gabi gumagayak na kami para matulog. Ako kasi ang nag-aalaga ng mga kapatid ko kapag walang pasok, kapag meron naman, si nanay. Uuwi lang siya ng maaga bago mag alas syete ng maaga para ako naman ang aalis papuntang paaralan. Dahil Sabado ngayon kaya wala akong pasok. Bumangon na ako para malock ang pinto pagkaalis nila. "Mag-iingat po kayo nanay at tatay doon, ako na po ang bahala sa mga kapatid ko." sabi ko habang nakasunod sa kanila palabas ng pintuan. "Sige aalis na kami Mica, ang mga bata ha pakainin pagkagising," paalala ni tatay. "Opo, huwag po kayong mag-alala, ako na po bahala sa kanila," panigurado ko. "Sige anak, pa lock na ang pinto," nagmano ako sa kanila bago sila sumampa sa kanilang motor. Kumaway ako pagkaalis nila. Dahil hindi na sila makita ng mga mata ko dahil sa malayo na sila kaya pumanhik na ako sa loob para matingnan ang mga natutulog ko na mga kapatid. Nilock ko nang mabuti ang pinto at dahil alas-singko pa lang kaya babalik ako sa pagtulog katabi sa mga kapatid ko. Naalimpungatan ako dahil sa may mga kamay na pumipisil sa mga alaga ko esti mga kaaway ko na pimples. Dinilat ko ang mga mata ko para makita ang mga salarin. "Bulaga!" nagulat kaya nagtatawanan sila dahil sa ginawa ko. Panay piglas nila dahil kinikiliti ko silang dalawa. "Anong sabi ni ate? Anong sabi ha? Wag niyong galawin ang aking mga loyal na friends kasi kuntento na ako sa ganyang karami, ok? Kung pipisilin nyo sila dadami at kakalat ang mga alaga ko hanggang dito sa leeg ko, sige kayo. Pangit na nga si ate dadagdagan niyo pa," ginamitan ko sila ng sign language para maintindihan nila ng mabuti ang sinasabi ko. Dalawang kapatid ko kasi na kambal ang special child, si Kimmy hindi nakakarinig samantalang si Keville hindi nakakapagsalita. Kaya ma swerte pa nga lang ako, tapos ako panay reklamo ko sa mga tigyawat samantalang sila hindi ko man lang nga nakikita na nagrereklamo. Dati kasi, akala namin na normal lang talaga ang mga kinikilos nila na hindi nakakapagsalita si Keville ginagamit niya lang kapag may kailangan ay sumesinyas lang ito, ganun din si Kimmy. Ilang beses na naming tinatawag hindi talaga kami naririnig kahit malapit lang kami. Kung kaharap lang kami at nababasa ang sinasabi ng mga bibig namin saka pa nila naiintindihan, kaya pina check-up nina nanay at tatay. Kaya iyon nga ang nangyari na tama kami ayon sa results ng dalawa. Kahit ganyan sila, hindi nababawasan ang pagmamahal namin sa kanila. Kaya hindi dapat ako magrereklamo kung bakit ako ang nag-aalaga sa kanila dahil kung tutuusin na mas maswerte pa rin ako. Paano naman sila? Kami tanggap namin ang kalagayan nila, pero yung iba? Kahit siguro alam na nila na may kapansanan ang tao sige pa rin sila ng sige na pinapahiya nila, tinatawanan at sinasabihan na hindi maganda. "Magluluto lang si ate ng agahan bago o saka tayo kakain," sabay-sabay silang tumango dahil sa sinabi ko. Nililigpit ko muna ang mga hinigaan namin at tumulong na rin sila para mapadali. Nasa five years old pa lamang sila. Kaya kailangan pang bantayan ang mga ito makukulit kasi minsan. "Tao po! tao po!" may narinig ako na may tumatawag sa labas ng bahay at dahil familiar ito sa akin kaya lumabas na ako ng silid ng kwarto para pagbuksan ang panay sigaw ngayon. Pagkabukas ko ng pinto ay nakapamewang agad ako habang ang kanina pa panay tawag ay tumatawag pa rin. Nakikita na niya ako ayaw pang tumigil hangga't hindi ako sumasagot. "Ano naman ang sadya mo Tuko? Ang aga-aga nang boboysit ka!" pagalit ko na tanong. Sanay naman ito sa akin na lagi ko siyang nasisinghal dahil na rin sa ginagawa niya. "Aba ang sungit natin ngayon ah, sa pangatlong linggo pa ang dalaw mo advance mo naman masyado Tiki," saad nito habang papalapit sa akin. Hindi pa nga ako pumayag na pumasok siya sa loob ng bahay pero feel at home ang buang oh, iniwan lang ako dito sa labas. "Wala pa sa akin ngayon, naiinis ako sa'yo dahil panay sigaw mo. Ang aga-aga pa. Baka mamaya yan magising lahat na langgam at ipis dahil sa lakas mong sumigaw," saad ko. Kababata ko itong nilalang na ito dahil inaanak siya ni nanay. Simula pagkabata hanggang nagdadalaga at binatilyo na kami ay may alam na kami sa isa't-isa kung ano ang mga ayaw namin at hindi pa gusto. Kaya ang Tuko na pangalan niya ay ako ang nagbigay sa kanya dahil habang naglalaro kami noong mga bata pa kami ay may narinig kami na tumatawag na Tuko at itong lalaking ito panay namang sabi na nandito si Tuko, ako si Tuko kaya ayan naging tuko na ang tawag ko sa kanya at tawag naman niya sakin ay tiki para hindi siya nag-iisa. Kaya noong nag-aaral kami pinagtawanan ba naman kami ng mga estudyante dahil ganoon pa rin ang tawagan namin. Doon ko lang nalaman na pangit pala kapag ganyan ang pinangalan sayo ng mga magulang mo. Pero ako kapag kami lang mag-isa o kahit nandito ang mga magulang ko o sa kanya ganyan pa rin ang tawag ko, siya kapag nang-iinis na lang sa akin saka niya pa ako tatawaging tiki. "Sorry na, ito dinalhan ko kayo ng pandesal, meron pa kayong palaman?" "Sus pumunta ka lang dito para may palaman ang tinapay mo. Bakit hindi mo na lang yan isawsaw sa kape para malasa kahit may lasa naman ang pandesal,'' sabi ko. Taong bahay lang ah. Pinaupo niya lang kaming magkakapatid sa upuan tapos siya na ang kumuha ng mga pinggan at tasa para sa kape, ang mga bata ay gatas. Binuksan niya ang sachet ng kape para sa aming dalawa samantalang ang mga bata naman, hinati lang ang isang sachet ng gatas para sa dalawahang maliit na tasa. Minsan kasi hindi nila nauubos kaya sa maliit lang na tasa sila. Naglagay na rin ako ng palaman na peanut butter sa mga pandesal at yung iba naman ay tinabi ko muna baka hindi maubos. "Binawasan mo na naman ang pera mo galing sa pagtatabas ng mga damo Tuko baka mamaya niyan wala ka ng pambaon o di kaya para sa mga projects sa school," sabi ko dahil halos araw-araw dumadaan dito sa bahay para magbigay ng pandesal, alam niya kasi na paborito ito ng mga bata at malapit lang sa kanilang bahay ang bakery shop kaya madali lang sa kanya na dalhin dito, kaya minsan sabay na kaming pumapasok sa paaralan. "Meron pa naman marami pa gusto mo ipakita ko pa sa'yo ang pitaka ko," "Yabang nito!" "Nagsasabi naman ako ng totoo na marami pa, mabigat nga siya eh, alam mo ba kung bakit?" "Bakit?" curious sa sinabi niya. Siguro mas marami siyang nagawang trabaho kaya malaki ang sahod. "Puro barya," ngumuso ito habang naglalagay ng palaman sa kanyang pandesal. "Ano? Bakit naman?" natatawa kong tanong, mali pala yung hula ko kanina. "Paanong hindi eh puro barya ang binigay sa akin dahil wala ng papel. Sino ba naman ako para tanggihan yun na pera naman ang mga iyon ano, kaya sobrang bigat tuloy sa bulsa kapag dinadala ko. Mas mabuting gastusin ko na lang yung iba keysa hayaan na lang mabutas yun sa pitaka. Kawawa naman." paliwanag nito habang natatawa na lang talaga ako. "Eh di sana pinalitan mo na lang sa mga tindahan o di kaya gasoline station, meron naman siguro niyan." saad ko. "Hindi ko na ginawa dahil ganyan naman din na gagastusin ko siya," sabagay tama naman siya. "Yung iba din ibibigay ko sa mga bata para may mailagay sila na pera sa kanilang mga alkansya," tiningnan ko siya sa mukha. Kahit kailan talaga maalaga ito sa mga kapatid ko. "Huwag mong ibigay lahat ha, magtira ka rin para sayo," saad ko at tinaasan niya lang ako ng kilay dahil may idea na ako na hindi na niyan gagawin. Inabotan ko pa ng pandesal na may palaman ang mga bata. Magana silang kumakain ngayon dahil may tinapay na naman sila na pasalubong galing sa kanilang bestfriend. Hindi naman nagtagal si Tuko dito dahil may gagawin pa raw ito ngayong umaga at may tatapusin na naman mamayang hapon. See! Pumunta lang dito para makipag share ng kanyang blessings tapos ako naman itong panay reklamo, tinatanggap naman. Tsk. Ginawa ko na ang mga gawaing bahay bago pa dumating ang mga magulang ko. Pagbabantay at pag-asikaso ng mga kapatid at linis-linis sa bahay ang ginagawa ko para may maitulong. Kinabukasan naman ay sabay-sabay kaming nagsisimba at depende kung pagkatapos sa simbahan ay kung ano pa ang susunod na gagawin ang pumunta ng dalampasigan para maligo o sa bahay lang at magpahinga. Ganito na ang routine namin every Sunday. Minsan kapag malaki ang bentahan ng mga isda kaya makakapunta kami ng siyudad ng Dumaguete para mamasyal sa Rizal Boulevard. Uuwi kapag malapit na ang gabi. "Sana pala ang pageant ang sinalihan ko hindi itong track and field," reklamo ni Bianca. Nasa bench kami ngayong apat kasama si Lisa at Rosal dahil dito namin napili na gawin ang last projects namin nitong third period bago ang intramurals sa school. "Bakit hindi ka nag parehistro noong tinanong kung sino pa ang gustong sumali?'' tanong naman ni Lisa. "Nagdadalawang-isip pa kasi ako, akala ko kasi na wala akong time sa pag practice at alam niyo na sa track n field ako nakilala since ever na sumali ang batch natin kaya doon lang ang alam ko na sure ako na makakasali pero hay," buntong hininga nito. "Kaya nga ano! Yan tuloy naunahan ka na ng ating maarte na classmates na si Eula! Sana naman sa taong ito gagalingan na niya at hindi pinapairal ang kaartehan gaya dati," napaiiling na lang kami dahil sa sinabi ni Rosal dahil sa totoo naman ito. Panalo na sana naging bato pa dahil nag back-out sa kalagitnaan ng practice tapos kinabukasan na ang totoong pageant. Si Bianca sana pwede that time kaso yun din ang araw ng kanilang track n field at hindi na niya kayang mag practice. Sila lang naman ang pambato namin sa mga beauty pageant na mga yan. Nangarap din naman ako pero kahit kailan hanggang pangarap na lang sa akin ang mga ganyan dahil na rin sa palagay ko hindi ako tatanggapin dahil sa itsura ko na puro pimples. Hindi na ako nagtangka pa na magtanong kung pwede ako dahil pagtawanan lang ako ng mga kaklase ko paano pa kaya kung pilitin ko talaga na sasali ako baka pagtawanan din ako ng ibang mga estudyante sa ibang section. Mabuti na lang magtinda ng palamig sa mga sumasali sa events doon lang yata ako nababagay kaysa mag pageant. Hindi naman ako sobrang katangkaran pero parang pasado na sana itong heights ko. Tatangkad naman siguro ako kapag naka high heels pero hay buhay kahit pala pagsuot ng malalaking takong hindi pala ako marunong, saklap nga naman talaga. Wala talaga akong ka talent talent kahit ganda wala man lang akong maiambag. "Tapos na ba? Pakilista na lang ang pangalan ko," singit ni Ignacio. Kasama rin pala namin ito sa groupings itong nilalang na ito. Para madali sa amin makahanap ng partner at hindi bias kaya pinabunot kami ng teacher sa tinupi niya na mga papel kung sino ang mga ka grupo namin kaya kaming lima ang napili. "Ikaw? Bakit ngayon ka lang? Ngayong tapos na kami sa ginagawa namin saka ka pa dumating!" singhal ni Lisa. "Ito naman oh relax ang bp natin diyan. Don't worry may dala naman akong mga snacks at drinks natin dahil alam ko na mapapagod at magugutom kayo sa kakasagot kaya pinagod ko rin ang sarili ko na pumili at pumila sa mini store, you know," wika ni Ignacio na napabusangot sa mga kasamahan namin. Ako? Wala yata akong reaksyon lalo ngayon na sobrang lapit niya sa akin nakaupo, hindi ko alam kung humihinga pa ba ako ngayon. Nilabas niya ang mga binili niya na chichirya at mga biscuits at soft drinks sa supot at kanya-kanya namang kuha ang mga kaklase ko. "Sayo Rey! Ano ang gusto mo–" "Ikaw!" wala sa sariling sagot ko. "Huh? Hindi ako pagkain at inumin," natauhan lang ako ng tumawa sila dahil sa sinabi ko. "I uhmm… ibig kong sabihin ikaw..ikaw na ang pumili kung ano ang ibibigay mo sa akin." sabi ko na nauutal. Mica, umayos ka. Baka mahalata ka at pagtawanan ka lang na nagkacrush ka sa isang modelong nilalang na classmates mo tapos hindi ka naman na crushback, maktol ko sa sarili ko. "Uyy si Michaella may something ata ito eh. Hindi ko alam kung namumula ang pisngi mo dahil sa tigyawat mo o sa ibang paraan. Ayiehh.." pang-aasar ni Bianca sa akin habang tinuro-turo ako sa tagiliran. "Ano ba kayo pimples yan lalo at tirik na ang araw no!" paliwanag ko at sana maniwala. "Wee…sige sabi mo yan ha..sabagay bagay naman kayong dalawa ni Ignacio," singit ni Rosal at bigla na lang bumaling si Ignacio sa gawi ko habang dino-double check niya ang mga gawa namin. Ganyan kasi ang plano namin na kami ang gagawa at tatapos ng pinagawa na report ng teacher namin at si Ignacio naman ang magdodouble check kung pasado na ba at kailangan ng ipasa o hindi pa. May alam kasi siya sa ganito kaya easy na lang ito sa kanya. "Anong bagay? Hindi ah, h.hindi ko naman siya type noh!'' sagot ko para hindi na magalit si Ignacio sa akin dahil alam ko na hindi niya magugustuhan na malaman niya na nagugustuhan ko siya lalo ngayon na patay na patay siya kay Shemaia. "Tsk!" narinig ko galing kay Ignacio habang kunot-noo na nakatitig pabalik sa mga papel. See ayaw niya talaga na may ibang nagkakagusto na iba sa kanya dapat si Shemaia lang. "Ayy kawawang singkit hindi type ni Mica," pang-aasar ni Lisa. Bumaling ulit si Ignacio sa gawi namin lalo na sa akin at tinititigan ng ilang segundo at binalik ulit ang mga mata sa papel "Well…the same rin naman ako sa kanya. Hindi ko rin siya type," hindi ko alam na ganun pala yun kasakit na marinig mo sa crush mo mismo ang katagang yan na para sa akin mismo, harap-harapan. Yung buo ang puso ko kanina na kinakausap niya ako sa classroom palang, ngayon biglang nag crack agad yung puso ko dahil sa sinabi niya. Ayos lang sa kanya kasi wala naman siyang naramdaman o crush niya ako pero ako na may kahulugan ang lahat na pinapakita ko. Masakit pala kaya hindi na dapat ako umasa na magustuhan ko siya sa malapitan, gugustuhin at tatanawin ko na lang pala siya sa malayo at hanggang doon lang yun. "Ok na ba yan Ignacio? Para makapag lunch na tayo ng totoong pagkain at maipasa natin yan sa teacher natin?" tanong ni Bianca habang nagliligpit ng mga gamit. "Yeah! Pasado na yan for sure, signatures niyo na lang ang kulang, sinulatan ko na yung sa akin," wika nito at nagtangka ng tumayo. "Ayy taray ikaw pa ang naunang mag perma, pasalamat ka marami itong chichiryang binili mo, nakabawi kana sa groupings." si Bianca. Dahil nakuntento na sa ginawa namin na projects kaya kanya -kanya na kaming ligpit ng mga gamit. Nauna ng umalis si Ignacio dahil pupuntahan pa raw niya ang mga barkada niya. Bumuntonghininga ako at talagang ngayon ko lang na pakawalan ang paghinga ko. Bakit ba kasi kapag nasa malapitan ko na siya ang hirap huminga feeling ko maririnig niya ang tambol ng puso ko kapag patuloy akong humihinga kapag nandyan siya. "Derecho na tayo sa canteen, medyo mainit na dito kung saan tayo," suggestion ni Rosal at tumango naman kami sa pagsang-ayon. Pagkarating namin sa canteen, padami ng padami na ang mga estudyante na pumipila para bumili ng kanilang kakainin. May ulam naman ako dito pero gusto kong bumili ng gulay na may gata at tubig nakalimutan ko kasing magbaon kanina ng tubig, may inihanda na ako at nilagay ko muna sa malapit sa container pero hindi ko pala nailagay sa bag ko kasama ang baunan dahil sa pagmamadali. Si Tuko kasi may practice ng volleyball na sasalihan niya sa intrams kaya nagmamadali kaming umalis. Sinusundo niya kasi ako ng maaga sa bahay dala ang kanyang habal-habal at may dala na naman siya na pandesal para sa mga bata kaya ayun timing naman na gising na ang mga kambal kaya tuwang-tuwa sa pasalubong. Ako na ang next na nakapila para bumili ng ulam dahil nabasa ko sa menu na may ginataang langka na binebenta kaya dito ang punta ko na carinderia. Ang mga kasamahan ko nasa iba naka linya at ang iba naman nasa lamesa na nahanap nila at doon na rin ako pupunta. "Magkano po lahat?" tanong ko sa tindira. "45 pesos lang lahat Ineng," binuksan ko ang wallet ko at kumuha ng barya na galing pa mismo kay Tuko. Inabotan niya ako kahit ayaw ko, hanggang natalo ako sa tulakan ng kamay dahil sa pilit niya ibigay sa akin. Sa isang kamao niya nakalagay ang mga barya at isiningit agad niya sa bulsa ng bag ko na walang zipper. Pagkatapos magbayad at magpasalamat, naglalakad na ako para mapuntahan ang mga kaklase ko. Hindi kami masyadong close dati pero ngayon unti-unti na silang nakikipagkaibigan sa akin kaya ganun din ako sa kanila. Nahagip ng tingin ko si Ignacio kasama ang kanyang mga barkada sa kabilang table. Hindi ko na sila binalingan nung nakita ko na titingnan ako ni Ignacio.Luh asa ka Mica na sayo titingin baka nasa tabi ko lang pala si Shemaia at iyon ang sinusundan niya ng tingin. Malapit na ako kung nasaan nakaupo ang kaklase na may bumangga sa balikat ko gamit din ang balikat na kung sino man. Nakita ko na si Eula iyon at masaklap. "Ahhh..shit.." nadapa ako dahil may pares ng sapatos na humarang kung saan sana ako liliko dahil sa ginawa ni Eula. Kaya tuloy pati pagkain ko natapon na sa sahig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD