Chapter 1

3012 Words
"Aray! Ano ba? Kung maglakad-lakad ka naman tumingin sa daan hindi kung saan-saan." taas boses na sabi ni Eula na isa sa mga kaklase ko. Mataray, maarte, yan ang katangian na meron siya. Yan din ang bagsak sa kanya. "Sorry, hindi ko sinasadya," hingi ko na tawad dahil nagkabunggoan kami habang papunta ako sa aking upuan kung saan ako nakaupo. Sa dulo banda hindi malapit sa pintuan, mabuti na lang at may bintana kaya kahit papano ay makikita ko parin kung sino ang nasa labas. Wala na akong mauupuan sana dahil late akong nakapag-enroll kaya dito na ako pinaupo, mabuti na lang may extrang upuan ang kabilang kwarto kaya hiniram muna ng guro namin. Dahil wala pa ang guro namin kaya maiingay na kaklase ang maririnig mo. Usap ng mahina sa katabi na kayo lang makakarinig, meron ding nag-uusap na walang pakialam kung umabot sa kabilang section ang boses. Walang ibang grupo na maingay sa classroom namin kundi ang mga lalaki. Pinapangunahan na ito ng mga kagrupo ni Ignacio Baltimoore. "May chick sa kabilang classroom, puntahan natin mamaya at magpakilala," sabi ni Junard. "Oo ba! Iyon ba yung chinita na maputi? " tanong naman ni Singko. "Yep! sana mabait at hindi suplada! Ano sa palagay mo dude Ignacio?" tanong nito sa kaibigan. Nilagay ko ang bag ko sa gilid ng upuan at nilabas ang mga libro at notebook ko. Naririnig ko ang mga pinag-uusapan nila kasi malapit lang ang mga upuan namin at si Ignacio sa katabi ko lang nakaupo, seatmate kaming dalawa. Ayaw niyang umupo sa gitna ayaw din malapit sa harapan dahil minsan kapag hindi nakatingin ang guro sa amin o wala sa mga estudyante ang focus niya kundi sa chinicheck na papel kaya malaya si Ignacio na makaidlip o makatulog habang nakayuko sa kanyang upuan. "Kayo na lang at huwag niyo akong sinasama sa mga kalokohan niyo," saad nito. Hindi ko alam kung bakit nasisiyahan ako sa sinabi niya. May kung ano sa puso ko na nagdiriwang sa hindi ko pa malaman na dahilan. "Wee...ang sabihin mo na may inaabangan ka lagi sa classroom natin at speaking of inaabangan ay papasok na siya dude..look who's that girl? Ayieh kinilig yan!" pang-aasar ni Junard. Ano ba yan. Ang saya na ng puso ko kanina tapos ngayon na wala pang minuto pinalungkot naman agad. Binalingan ko ang pinto dahil sa pagpasok ng iba pa naming mga kaklase at kabilang naroon ay ang crush ni Ignacio na hanggang ngayon hindi rin alam ng classmate ko na si Shemaia Rey Ocampo. "Mga gago kayo! Manahimik nga kayo baka masapak ko pa kayo dahil nalaman pa niya na crush ko siya ng dahil sa inyo. Malilintikan talaga kayo sa akin. Hayaan niyong ako mismo ang magsabi sa kanya." paalaa ni Ignacio sa kanyang mga barkada. Binabasa ko ang subject namin ngayon dahil baka mamaya ay may long quiz na naman ang teacher namin. Pero kahit anong tutok ko sa notebook ko na may nakasulat ay hindi sila nag sisiakyatan sa utak ko kaya ang ending wala talaga akong naiintindihan ngayon. Mas nanaig pa ang sakit ng dibdib ko dahil sa narinig na sinabi sa katabi ko na pagkagusto sa kaklase namin. Hays! Bakit ba hindi ako crush ng crush ko? Kasi ang pangit mo Mica at marami kang tigyawat sa mukha kaya kahit kailan hindi ka niya magugustuhan. Hay! Sarili kong tanong, sarili ko ring sagot. "Ewan ko sa'yo parekoy, mauunahan ka na yata eh. Mas madalang ang pakikipag-usap nila nung 4th year high school na si Valentino. Minsan nga nakita pa namin minsan na naghoholding hands, tapos ang sweet sa isa't-isa, hala baka sila na nga tapos ikaw? Wag munang hintayin pa na matisod ka bago mo sabihin ang nararamdaman mo sa kanya, " singit naman ni Singko. "Basta wala akong pakialam kung sino man yang nilalang na yan basta bago matapos ang taon na ito ay mapasakin siya." saad ni Ignacio. Malalim akong napabuntong hininga na lamang at hindi ko alam na napalakas siguro ang ginawa ko kaya nakatingin sila sa akin. Kunot-noo ko silang tiningnan. "Sorry nag-aaral ka pala, ang ingay ng mga unggoy na ito, sorry ulit." hingi ng sorry ni Ignacio at hindi ko alam na bigla na namang nagsasayawan ang mga bulate sa tiyan ko. Dahil ba kinakausap niya ako? Minsan niya lang ako pinapansin kaya masaya ako kapag kahit ilang segundo niya lang akong kausapin ay sobrang saya ko na. Wala kasi akong ka close dito sa school, hindi ko alam parang ayaw nila sa akin. Dahil ba sa marami akong pimples kaya nandidiri sila sa akin. Eh sa gusto nilang magstay, kahit anong banlaw at sabon ko sa mukha ko ayaw nilang magsisilayasan . Ano pa ba ang magagawa ko? Sabi ng mga magulang ko na natural lang daw ito at mawawala rin paglipas ng panahon. Naniwala ako sa mga magulang ko kaya hihintayin ko ang pagkakataon na yan na magsisilayasan na ang mga tigyawat ko sa mukha ko. Ilang minuto na pagkakaupo ay dumating na rin ang teacher namin at tama nga ang hula ko na may long quiz agad hindi pa nakapag simula ang bagong lesson. Paraan kasi ito ng guro para malaman kung nag-aaral at may natutunan kami sa klase niya. "s**t! Hindi pa naman ako nakapag-aral. Hays, kahit ano na lang ilagay ko," narinig ko na bulong ng katabi ko. Hindi ko alam kung naawa ako sa kanya o dahil crush ko siya kaya hinayaan ko na lang ang papel ko na nakabuklat lang kapag sumasagot. Kahit hindi ko man sabihin sa kanya na komopya siya sa akin ay alam kong minsan ang mga mata niya ay nakatutok sa papel ko at maya-maya may naisulat na siya. Ang kagandahan lang din sa kanya kapag nangongopya ay hindi lahat na sagot ko ay isinulat niya o talagang hindi niya nababasa ang isinulat ko. Ewan basta masaya ako na nasa akin siya nakatuon kahit alam ko na mali ang ginagawa niya at dapat nag-aaral siya hindi yung puro na lang nasa isip niya ang crush nito. Minsan naisip ko na i tutor sya baka wala siyang naiintindihan sa klase. Hindi naman ako sobrang talino pero marunong naman akong makipag share kung anong meron ako anong natutunan ko. Buti hindi puro Shemaia, Shemaia nakalagay sa kanyang papel. Umirap ako sa isip ko dahil naiinis. Matagal ko na siyang crush lalo at nung unang pasok ko pa lang sa classroom ay siya ang unang kumausap sa akin kaya tuloy hanggang kinagabihan ay talagang bitbit ko ang kasiyahan na kinakausap niya nga ako sa araw na iyon. Pero kinabukasan ay hindi niya ako kinakausap dahil nasa kaibigan siya parati minsan doon siya nakaupo sa kabilang upuan malapit kay Shemaia. Kahit halata namang ayaw ng babae sa kanya ay pinipilit nitong doon makikihalubilo. "Sa canteen ka ba kakain mamaya? Sasama ako!" tanong ni Lisa. May baon ako pero parang gusto ko ring lumabas lalo ngayon na may gustong sumabay sa akin. Tiningala ko siya at ngumiti, "Oo ba, maghintayan na lang tayo mamaya kung sino unang matapos." nginitian niya ako at umalis na sa harapan ko dahil kakapasok lang ng teacher namin para sa pang-umagang klase. Pagkaupo ko sa upuan ko ay wala pa si Ignacio. Saan na kaya yon? Nandito na ang guro tapos siya wala pa. Nakakainis naman itong lalaking ito, pinapabayaan lagi ang pag-aaral. Michaella walang kayo kaya huwag masyadong ambisyosa. Maktol ko sa sarili ko. Label muna girl. Hay buhay! Pero hindi pa naka attendance ang guro na biglang pumasok ang kanina pa na laman ng utak ko, " Good morning teacher," bati nito sa aming guro. "Your 10 minutes late Baltimoore, pasalamat ka at hindi pa ako nakapag-attendance. Kahit nakapasok ka mamarkahan parin kita na absent kung na mention na ang pangalan mo. "Yeah! Sorry miss and thank you. Sana hindi na maulit bukas," sagot pa ni Ignacio. Tinititigan ko siya at hindi man lang ako kumukurap dahil baka kapag gagawin ko yun ay bigla na lang siyang mawawala sa paningin ko. White uniform at black slacks pants ay sobrang bagay na sa kanya. What more pa kaya kung naka formal suit ito? Naka pambahay lang tapos magulo pa ang buhok. Gandang lalaki di siya dahil sa makapal na kilay, medyo singkit na mata. Bagay din sa kanya ang straight longhair niya hanggang balikat, hindi man allowed sa school ang ganyang kahaba na buhok sa mga lalaki pero dahil sumasali siya sa pagmomodel dito sa school kaya pinayagan na lang na ganyan ang ayos niya sa buhok niya. "Gwapong-gwapo ka ba sa akin? Kaya tumutulo ang laway mo?" napa kurap-kurap ako dahil sa lapit na niya sa akin. Ilang dangkal na lang talagang maghahalikan na kami? Maghahalikan? Inangat ko ang kamay ko para masukat kung tama ba ako na ilang dangkal na lang siya at tama nga ako na isang dangkal na lang talaga kami. Bigla akong umiwas dahil hindi ko maimagine kung ano ang naging itsura ko na sobrang fresh niya samantalang ako bagong paligo naman pero dahil sa maraming pimples feeling ko limang buwan akong walang ligo. Wala kasi akong nakikitang pimples man lang sa katabi ko.Ang kinis ng balat niya kahit kayumanggi naman ito. Pinahid ko ng kamay ang labi ko baka nga tumulo na ang laway ko. "Nagbablush ka Mica, baka ma inlove ka sa akin niyan!" ngiting-aso nito. Inirapan ko siya dahil sa mga niisip nito. "Matagal ng ganyan ang mukha ko na nagkukulay pink dahil sa pimples ko kaya huwag mo ng pakialaman." sabi ko sa kanya sa mahinang boses na kami lang nakakarinig. "Okay! Sabi mo yan ha!" Hindi ko na siya pinansin at nakikinig na lang sa guro na nagsasalita sa harap. Kahit hindi ko man siya lingunin pa ay alam kong sumisilip ito sa gawi ko at pinipigilang ngumiti o mang-asar pero dahil sa makulit minsan ang mata ko kaya binalingan ko siya at tama nga ang hula ko na patingin-tingin ito sa akin at dahil nakabusangot ang mukha ko ay hindi niya napigilan na ngumisi. Lalo tuloy sumi singkit ang mga mata niya lumalabas ang mapuputing ngipin. Binalik ko ang tingin sa pagtuturo ng guro at hindi na siya tiningnan pa at baka ano pa ang magawa ko sa unggoy na to. "So class, get one whole sheet of paper and summarize our lesson for today, alright?" saad ni Mrs Salve. "Yes ma'am," narinig ko na sagot ng mga kaklase. "Pakopya ulit mamaya ha dahil wala akong naiintindihan kanina," bulong ni Ignacio. "Nasa loob ka lang ng school habang nakatingin sa guro. Saan pala napunta ang isip mo?" pagsusungit ko na tanong. Baka si Shemaia na naman ang nasa isip niya. Pero ang isang ito kumindat lang sa akin. Umirap ulit ako sa hangin at hindi na siya pinansin pa. Pasalamat ka kasi crush kita kaya hahayaan ko na lang ang mga papel ko na nakabuklat sa harapan niya. "Bait mo pala, akala ko talaga masungit ka eh! Simula ngayon friends na tayo," sabi nito sabay kindat sa akin. Lagi na lang may kindat itong loko na ito. Friends na tayo? Tama ba ang narinig ko na hindi lang kaklase ang turing niya sa akin kundi friends din, hala bakit ako kinikilig sa paraang ganito lang. Tinampal ko ang kaliwang pisngi ko pero na pa "aww," na lang ako. Dahil napalakas pala ang pagsampal ko. "Alam kong ayaw mo sa mga pimples mo Mica pero wag mo namang gawing kontrabida sa buhay mo para sampalin mo ang kaliwang pisngi mo. Sa kabila din para magsisilayasan na sila diyan sa mukha mo," hirit nitong kumag nato habang natatawa. Hindi ko na talaga siya pinansin at patuloy lang na nagsusulat. Maya-maya nararamdaman ko ang siko niya na ginagalaw ang braso ko. Umusog lang ako ng konti pero hindi talaga siya tumitigil. May inabot siya na maliit na pinunit na papel, nilagay sa ibabaw ng desk ko at may nakasulat na pakopya. Dahil sa pangungulit kaya hindi ko na tinabunan ang sagot ko habang nakatutok parin ang mga mata ko sa binabasa ko. Mga ilang minuto na pagsagot ay pinahinto na kami ng guro dahil ipapasa n namin ito sa kanya, finish o not finished. "Thanks friend Mica, gusto mo libre kita? May ulam ka na ba ngayon sa pananghalian? Ako na ang manglilibre sa'yo," napaisip ako sa sinabi niya. Binabayaran niya ako dahil sa naitulong ko sa kanya? No way! "Kaso may ulam ako kaya thank you na lang," sambit ko. "Okay then, bukas na lang! Huwag ka ng magbaon para bilhan na lang kita ng pagkain sa canteen," dagdag pa nito. Hindi ko gusto na binabayaran niya ako dahil sa pagtulong ko sa kanya pero ang maisip na magkasama kami bukas sa kainan at mag-uusap habang kumakain ay gusto ko na agad ilipat ang oras sa alas singko ng hapon at ilipat ang araw sa umaga sa sunset para kunti na lang ang hihintayin ko na oras at mag-umaga na para magkasama na kaming dalawa kinabukasan. Hays.. nababaliw na yata ako sa mga iniisip ko kung sinabi ko na lang na may ulam na ako pwede mo namang dagdagan, hay naku Mica ang slow mo sa bagay na yan. Dahil sa mga naiisip ko ay wala na siya sa harap ko at kanina pa yatang lumabas para mananghalian. "Let's go," yaya ni Lisa sa akin. Tumango ako at kinuha ang baunan ko saka sumunod sa kanya. Nagsisilabasan narin ang iba naming mga kaklase para mananghalian. Yung iba sa canteen ang punta, yung iba naman ay umuuwi sa kanila dahil malapit lang ang bahay nila dito sa paaralan. Ako kasi nasa kalahating oras ko pang lalakarin, minsan umaabot ng isang oras dahil mabagal akong maglakad. Hindi naman ako natatakot dahil marami naman ang mga naglalakad din na estudyante. May iba sa kanila ay eskinita lang din ang layo ng bahay sa amin. "Ano ulam mo?" tanong ni Lisa sa akin. "Pritong tilapia, sa'yo?" balik ko na tanong sa kanya. "Wow yummy yan! Sa akin adobong manok! Bibili na lang tayo ng pwedeng idagdag sa kakainin natin. Pwede dessert kung walang mapili kahit tubig na lang, diba?" nagtawanan kami ni Lisa dahil para sa akin sapat na itong ulam ko at pwede ko pa ito ma ishare kay Lisa ang iba. Mabilis naman kasi akong mabusog pero dahil si mama ang laging naghahanda ng pagkain ko kaya laging puno ang baon ko na nasa tupperware lalo ngayon malaking isda ang pinabaon ni mama dahil marami -rami rin ang nahuli ni papa na isda sa pangingisda. Minsan umaalis si papa ng madaling araw para makapang-laot at kung marami ang makuha na isda ay binebenta sa palengke para may pera kami pangtustos sa araw-araw. "Ano sa inyo mga Ineng?" tanong ni Aling Marta na isa sa nagmamay-ari ng karinderya dito sa school. Bawat stall ay may iba't ibang may-ari at may mga kanya-kanya ding niluluto na ulam. Dito dinala ang mga paa namin ni Lisa kaya dito na rin kami yata bibili. Inisa-isa namin na binuksan ang takip ng niluluto sa kaldero. "Dalawang serving ng monggo po," sabi ni Lisa sa may edad na ginang. "Yan na ang binili ko pares sa tilapia mo na ulam at sa adobo ko na ulam dahil hindi naman yon maraming sabaw kaya bagay lang." paliwanag niya. Nginitian ko siya dahil hindi ko inaasahan na naisip niya yun. "Dalawang serving na rin ng leche flan po," yan na lang ang naisip ko dahil sa monggo pa lang ay busog na busog na talaga ako niyan. Magdedessert na lang kami. "Dito-dito na tayo Shemaia umupo dahil marami pang bakante na upuan," napalingon ako sa nagsasalita sa may likuran namin dahil ilang minuto na kaming kumakain ni Lisa dito sa bakanteng lamesa at nakita ko na nakatayo ang mga kaklase namin na sina Sophia, Gail, Karen at Shemaia. "Right? Michaella and Lisa?" tanong ni Gail sa aming dalawa ni Lisa. "Yeah! sure. upo kayo?" sabi ko sa kanila. Sino naman ako para itakwil sila na wala naman silang ginawang masama at hindi ako ang may-ari sa canteen na ito para hindi sila paupuin. "Thanks, Mica," saad ni Shemaia sa akin. Kanya-kanya na silang labas ng mga baonan nila para magsimula ng kumain. "Mamaya may practice tayo ng cheerdance tapos sa Wednesday naman yung Volleyball, nakakapagod narin pero sige lang para sa grades." si Sophia. Nagkanya-kanya naman kami ng tango kahit hindi naman ako kasali sa grupo nila, iba naman kasi ang sasalihan ko. "There you go, nandito lang pala kayo mga classmates," masayang sabi ni Ignacio. Kanya-kanya naman ng tikhim sina Junard at Singko sa di ko malaman na dahilan. Sinisiko na ni Singko si Ignacio at tinuturo kung nasaan nakaupo si Shemaia. Lumapit siya dito at binigyan ng chocolate. "Wow! Sa akin talaga ito? Hindi ako magshashare ngayon?" tanong ni Rey kay Ignacio. Nakatutok ang mga mata ko kay Ignacio na ngayon namumula na kahit nararamdaman ko ang sikip ng dibdib ko dahil sa nasaksihan pero ngumiti na lamang ako. Hays crush ko siya samantalang siya may crush na iba. Binilisan ko na lang ang pagkain at hindi ko namalayan na hindi na pala ako huminto sa sunod-sunod na pag lamun kaya tuloy nabilaukan ako, mabuti na lang naagapan at nakainom ako ng tubig. "Are you okay?" tanong ni Ignacio na nasa harapan ko na. "Yeah," sagot ko kahit inuubo pa. "Sayang bibigyan sana kita ng chocolate rin pero dahil umuubo ka ibiga—," hindi pa naman siya natapos sa sinasabi. Kinuha ko na sa palad niya ang toblerone na mas malaki pa ito kaysa binigay niya kay Shemaia. Hindi ko alam pero ang lapad na nv ngiti ko. "Thank you gift ko yan sa'yo lalo na sa pagtuturo sa akin kahit hindi mo man sabihin dahil takot ka sa guro pero pinapakopya mo ako." bulong niya malapit sa tenga ko. "Thank you," tanging nabanggit ko dahil sa walang tigil na pagtibok ng puso ko. Masaya na masaya ako sa mga oras na ito. Akala ko badtrip na ako pero ngayon masaya na ulit ang puso ko kahit wala man akong pinagsabihan ng kasiyahan ko sa iba. Tanging ako lang ang nakakaalam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD