Chapter 5
Nasa locker room kami ng mga babae at naghahanda na para sa laro namin maya-maya lamang. Ngayon araw magsisimula ang intramurals namin kaya heto kami at todo practice pa ang iba at ako naman ay nag-aayos lang ng buhok na tuwid at mahaba at ginawa kong lang ay ponytail.
"Sana manalo tayo mamaya sa cheerdance at volleyball para naman malaki na grades ang matanggap natin," sabi ni Cathy kaya sumang-ayon kaming lahat sa sinabi niya kahit hindi naman ako kabilang dahil inaasam ko rin na manalo ako, lalo at ako lang sa mga kaklase namin ang sumali sa chess.
Wala akong talent sa pagsasayaw, meron naman sa boses pero sakto lang. Sa chess lang yata ako pwede at taga cheer ng mga ka teammate.
"Goodluck sa laro mo mamayang hapon Mica, manunuod kami sa'yo. Kaya go go ka lang at magchecheer lang kami sayo." ani ni Sophia at nginitian ko siya.
"Salamat…kayo rin goodluck alam kong kaya niyo yan," sabi ko naman. Sino ba naman ang nagtutulong-tulungan kundi kami-kami rin.
Nauna ng lumabas sa locker ang mga magsasayaw ng cheerdance para sa opening, at naiwan lang ang iba na kaklase namin, narito rin sina Lisa at Karen.
"Let's go baka wala na tayong maupuan doon sa bench ay na ewan ko nalang sa inyo, tatayo talaga tayo nito ng ilang oras o hanggang kailan matapos ang competition." saad ni Nessel.
Dahil sa sinabi niya kaya nagmadali kaming pumunta. Pagkarating namin sa stadium ay hiyawan ng mga estudyante ang naririnig namin. Mabuti na lang at nakahanap kami ng pwesto na makikita namin ang mga nagsasayaw.
Nagsimula ng magsalita ang MC at maya-maya ay nagsimula na ang laban. Hanggang sa huli panalo ang kupunan namin. Masaya kaming nagdiwang at the same time kinakabahan ako dahil mamaya na ang laro ko.
Hanggang naging sunod-sunod na ang laro sa umagang ito. Nanalo kami, nanalo ang team nina Shemaia sa volleyball at sino ba naman ang hindi maaaliw kung may mga barkada ang boyfriend na nasa kabilang year mo na kung maka cheer akala mo na hindi kaklase nila ang kalaban. Imbes na sa kaklase nila makikipagcheer sa kabila naman ang kinakampihan at malakas ang hiyawan ay ang team ni Ocampo dahil sa boyfriend niyang si Devi Cloud at mga barkada na todo pasikat.
Mga loko-loko talaga at may pa tumbling pa itong si Carlos at Vincent kahit hindi naman marunong pero kung ang kaklase nila ang makapuntos ay ganun din ang ginagawa nila. Kaya tuloy hindi namin alam kung kanino ba talaga sila kumakampi. Ang saya lang nilang tingnan nakakadagdag aliw sa mga nanunuod. Kahit mga teachers na nanonood at referees ay tawang-tawa sa mga pinaggagawa ng fourth year students.
"Ituwad mo pa Gail! Lumipad ka bago mo ihampas ang bola Cathy!" yan lamang ang mga sinisigaw nitong taga fourth year sa mga kaklase namin. Kaya ang mga classmates nila na nanunuod ay ang sama na nakatitig sa kanila dahil mas lamang ang cheer sa aming ka team kaysa sa kanila.
Kaya tuloy nakatikim sila ng batok ng kanilang mga estudyante, mabuti na lang at hindi kasali si Valentino at pinuntahan agad ang kasintahan.
Pagkatapos ng volleyball ay basketball naman ang susunod kong panoorin mamayang hapon at dahil preliminary pa lang naman ngayon. Malalaman ang final nito sa Friday. Kung sino ang mananalo ngayong laro at bukas hanggang Thursday ay lalaban ang dalawang team sa huling araw ng intramurals bago magsimula ang pageant at dahil expelled sa school si Eula kaya si Bianca na lang ang pumalit.
"Maglulunch mo na tayo?'' tanong ni Lisa kaya tumango ako sa kanya. Pumunta na kami ng canteen kasama ang iba ko na kaklase at nakipagsiksikan sa mga estudyante na pumipila rin para bumili ng pagkain.
"Sabay na tayong kumain, Mica. I bought food for the two of us," muntik na akong maduwal sa pagkakatayo ko na bigla na lamang may nagsalita at manggugulat sa likod ko itong si Ignacio. Umikot ako para makaharap siya ngayon, nakalinya na rin kung saan ako na carinderia gustong bumili sana.
"Ikaw pala yan. Bumili ka ng pagkain para sa ating dalawa? Bakit? Wow naman ha, hindi lang mga kapatid ko ang naspo spoiled ako rin, parang ganun ba yun?" Taas-kilay ko na sabi sa kanya habang nakangisi.
Pinaharap niya ako kung saan ako kanina, hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng karinderya. "Tubig o juice na lang ang orderin mo dahil marami rin ang nabili ko na pagkain sa kabilang stall. Akala ko kasi na hindi kana pipila pa dito, kaya you know…" Aniya. Sino ba naman ako para tumanggi, sayang naman ang grasya.
"Ano ang sa inyo Mica?" Tanong ni manang Lanie, habang naglalagay ng plastic paper sa tray para sa order ko.
"Salamat na lang..wag na po ito manang, uhmm…dalawang juice na lang po, may binili na pala ang kasama ko na pagkain para sa aming dalawa," ngiti ko na sabi. Naging suki na kasi ako ni manang sa area niya dito kaya kilala niya na ako.
"Sweet naman ng boyfriend mong iyan iha…" huh? Ano raw?
"Manang hin—"
"Syempre manang kailangan talagang alagaan mo ang girlfriend mo baka mamaya maghahanap siya ng iba," bigla kong hinarap si Ignacio dahil sa sinabi niya. Anong pinagsasabi nito?
Nilapit ko ang bibig sa tenga niya para marinig niya ako dahil medyo maingay na ngayon sa loob ng canteen dahil marami na ang pumapasok na estudyante.
"Kailan pa tayo naging mag girlfriend-boyfriend?" Tanong ko. Wait, baka prank lang ito kaya sumang-ayon lang siya sa sinasabi ni manang.
"Then girlfriend na kita ngayon, sinasagot na kita," aniya sabay kindat.
"What? Niligawan ba kita at nagdesisyon ka ng ganyan?" tanong ko ulit habang papunta kami ngayon sa lamesa ng mga kaklase namin. Kaya tuloy ng mahagip ng mga mata ng kaibigan namin na magkasama kaming dalawa ni Ignacio ay may mga pilyong-ngiti ang mga chismoso oh. Narinig ba nila ang sinasabi ni Ignacio kanina?
"Dude, dito na kayo tumabi, ang bagal niyo kanina pa kami rito naghihintay sa inyong dalawa." ani ni Singko. Sinunod namin ang sinabi niya. Pinaghila niya ako ng upuan at pinauna ni Ignacio habang bitbit niya ang bag niya na may baunan.
Isa-isa naman na latag ng mga baunan ang mga kaibigan at kaklase ko na kasama ko ngayon sa isang table. Si Karen, Lisa, Nessel at kaibigan ni Ignacio na kaklase rin namin.
Nilagay nila sa gitna ang mga baon nila at humingi lang kami ng paper plate sa canteen. Nagmamadali ako kanina kaya hindi na ako nakapag baon man lang kahit tubig kaya naisipan ko na lang na sa canteen na lang bibili ng pagkain pero ang swerte ko naman yata ngayong araw dahil may nag libre sa akin.
Pero may konting hiya na rin dahil wala man lang akong naiambag sa kanila kundi kaluluwa ko lang. Di bale konti na lang ang kakainin ko ngayon. Pero…
"Bibili kaya ako ng ibang ulam para marami!" suggestion ko.
"Huh! Wag na at baka masayang lang, saka na kapag paubos na at gusto pang magdagdag, ok ba yun sayo?" Tanong ni Singko sa akin. Dahil sa paliwanag niya kaya napaisip nga naman ako na tama ang sinasabi niya.
Kaysa naman mag-aksaya ng pera mabuti pang kumain na lang muna at mamaya na isipin ang mga naisip ko kanina. Last month lang namin itong ginagawa na magshashare ng mga ulam namin na parang nasa bahay lang para naman lahat at makatikim at makakain kung ano ang nasa lamesa. Katulad ngayon na may pritong tilapia, adobong manok, menudo, pritong galunggong na isda, at adobong kangkong. Yan lang ang ilang mga menu na nandito sa lamesa namin na baon nila.
Inikot ko ang paningin ko sa mga estudyante na nandito sa canteen na maganang kumakain at may tumatawa dahil sa may nakakatawa na naman na kwento ang bawat isa. Meron din namang tahimik na kumakain lang sa lamesa.
Nilagyan ulit ni Ignacio ang pinggan ko ng pagkain. "Tama na ito Ignacio, lulubo na yan ang tiyan ko dahil sa sunod-sunod na bigay mo at sino ba naman ako para tumanggi." Tawang sabi ko sa kanya kaya tuloy bigla akong nahiya na napatingin sa kanila." Bakit?" Taas kilay ko habang may ngiti parin ang mga labi. Ngayon lang ito guys kaya wag kayong ano diyan.
"Ang sweet niyo naman sa isa't-isa. Tapos lagi pa kayong magkasaama pag-uwi, kayo na ba?" Tanong ni Nessel at iiling na sana ako na sumingit si Ignacio.
"Yes sinagot ko na siya," hinampas ko siya sa kanyang kaliwang braso.
"Ikaw ha, hindi kaya. Kapal nito," saad ko at tinawanan lang kami ng mga kaklase namin.
"Hindi pa yan mangyayari sa ngayon pero malapit na yan, ayeeh." Balik pang-aasar nila kaya tuloy napalingon ang mga estudyante sa amin. Sa sobrang hiya ko kaya for sure mukha na akong camatis nito sa kapulahan ng pisngi.
Natapos ang tanghalian namin na ako ang topic nila. Nasa girl locker ulit ang ibang estudyante at ako naman ay inihanda ng sarili dahil sa ako na ang susunod na maglalaro. Ang kaibahan lang sa akin dahil individual ang larong ito at wala akong ibang kasama na kaklase kundi ang magiging kalaban ko lang at iba naman sa iba.
Kaya kung matalo man ako ay parang pasan ko ang grado ko at ang kinabukasan namin ng third year.
"Kaya mo yan Mica, nandito lang kami sa'yo para asarin ka," sinamaan ko ng tingin si Singko. "Para mawala ang kaba mo, ito naman oh hindi mabiro." saad niya. Umiling na lang ako dahil sa mga paraan nila para hindi ako kabahan sa araw na ito.
Pagkarating sa stadium ay nakahanda na lahat. May mga lamesa na kung saan ang mga players at upuan. Pinakilala na kami ng MC para sa tournament na ito. Sobrang kaba ko lalo at nakatingin karamihan sa akin lalo ang mga kaklase ko. Alam kong hindi naman talaga sila mahilig sa chess pero dahil kaibigan at kaklase nila ako kaya sinusuportahan nila ako ngayon.
Segundo at minuto ay nakakakaba, pinagpawisan ako, pero iniisip ko na lang na parang si tatay ko lang ang kalaban ko ngayon at ineenjoy ang bawat move na ginawa ko. Sa kabilang section ang kalaban ko ngayon kaya napapangiti na lamang kami kapag may nababawasan lalo na sa akin pero at the end may nagwagi.
"Congratulations Michaella!" narinig ko na sumisigaw ang mga kaklase ko. Naka ok sign ako para magpasalamat sa suporta na binigay nila sa akin. Pinuntahan ko ang mga kaklase ko kung saan sila nakaupo sa may bench at muntik na akong matumba na bigla na naman akong dinambaan ng yakap. "Congratulation, sabi ko sa'yo eh na kayang-kaya mo. Ikaw parin ang panalo!" ani ni Lisa at Nessel sa akin.
" Congratulations again Michaella!" ani ni Shemaia, sunod naman sina Gail, Cathy at iba ko pang kaklase.
"Maraming salamat, paano ba naman kasi kung makacheer kayo abot hanggang US ang tournament ko." Natatawang wika ko.
Niyakap ako ng mga babae at tapik sa balikat naman ang mga lalaki.
Pwera lang sa isang tao walang iba kundi si Ignacio. Niyakap niya ako ng mahigpit. 'Congratulations, ang galing-galing mo, wala na akong masabi."
"Sus, nagsalita ang hindi raw magaling! Goodluck ulit sa inyo mamaya ha!" ani ko.
"Manunuod ka ha baka mamaya niyan, uuwi kana agad sa inyo."
"Bakit naman ako uuwi na hindi pa tapos ang laban? Saka na ako uuwi kapag nanalo kana! Ayos ba yun sayo? " Tanong ko.
"Paano kung matalo kami? " Balik tanong niya.
"Mananalo kayo, for sure yan. Kung hindi then ayos lang yan may next time pa naman, Ignacio. Basta ang mahalaga na nakipag compete ka na patas at hindi ka maduming makipaglaro. Kaya niyo yan!" sabi ko.
Dahil mamayang three pa ng hapon magsisimula ang laro nila kaya pumunta muna kami ng canteen para bumili ng pang merienda. Pag-uwi ko ng bahay for sure matutuwa ang mga magulang ko at ang mga kambal dahil nanalo ulit ako sa chess, ipagmamalaki na naman ako ni tatay nito sa kanyang mga kakilala.
Kahit hindi man nila nakikita ang paglalaro ko, alam ko na proud sila sa akin. Balang araw kapag may mga tournament sa ibang school ay sasali ako at isasama ko si tatay o nanay kung pwede na sumama ng magulang. Para kahit papano ay makita nila na ang kanilang anak ay magaling din sa ganyan. Hindi naman ako sobrang matalino sa school. Nasa top 9 o ten, makapasok ka lang sa ganyan ay nakakataba na ng puso. Isa pa, ang mahalaga lang naman ay pasado ka at may natutunan sayong pag-aaral para naman hindi sayang ang oras at pawis na ibinigay ng mga magulang sa'yo para nakapag-aral lang ako.
Katulad ng mama ko na hindi nakakoliheyo dahil sa kapos sa pera ang kanyang mga magulang. Kaya imbis na mag-aral ay nagtatrabaho na ito sa Maynila at mabuti naman ang trabaho niya doon. Hanggang wala na sa isip na tapusin ang pag-aaral lalo at nakilala niya si papa at nabuntis siya at ako yun.
Kaya tinuon na lang nila ang pag-aalaga at pagpapalaki sa akin. Hanggang nagdecide sila na umuwi ng Negros kung saan si papa nakatira at masaya kami na namumuhay kasama ang mga kambal na kahit may kapansanan man sila ay talagang masaya kami sa simpleng buhay lang.
Actually, hindi naman na kakaproud na maging mahirap ka, dahil ang hirap kaya nun na minsang maranasan mong kumain ng dalawang beses lang sa isang araw. Minsan hindi pa yan rice at ulam na karne o jsda ang maihain mo sa lamesa kundi kung ano ang itinanim namin sa bakuran ay yun na ang pagkain namin sa araw kagaya ng kamote at gabi.
Minsan kapag magkasakit ka, wala kang matatakbuhan dahil kapos din ang mga kakilala o kapitbahay mo. Kaya kung ano man ang karanasan namin dati ay hindi ako kuntento na palagi yung mangyayari.
Pero masaya kapag namuhay ka sa simpleng pamumuhay dahil alam mo kung para saan ang pagsisikap mo at masaya ka sa piling ng mga mahal mo.
Pero wala rin namang masama na mangarap ka ng mas mataas para mapabuti ang buhay mo kung gusto mo man yung maranasan, ang importante lang naman ay na nakatapak parin ang mga paa natin sa lupa yan ang lahing payo ng lola ko dati na nabubuhay pa ito .
Kaya nagsusumikap ako sa pag-aaral para mabigyan din ng magandang buhay ang mga magulang ko lalo ang mga kapatid ko bago ang sarili ko. Habang tumatanda sila ay nararamdaman ko ang pagod nila kaya dapat kumakayod din ako sa pamamagitan ng magandang record sa school na ito kahit na minsan may mga hindi mo talaga kakilala pero kung umasta ay parang alam na nila ang buong pagkatao mo, ni minsan hindi mo man lang alam kung ano ang kasalanan mo.
"Tabi ka nga dyan?! Ang pangit na nga ng mukha mo tapos nakaharang ka diyan!" sabi ng isang estudyante sa kabilang year. Puno ng make-up ang mukha at mapula ang labi dahil sa lipstick.
"Ano pa ang tinitingin mo dyan ha! Tabi."
Dahil sa mabait ako ngayon kaya pinagbigyan ko sila. Pangit lang ako sa mukha at least hindi sa ugali. Totoong nakaharang naman talaga ako sa entrance ng gym habang hinihintay sina Lisa at Bianca na pumasok muna sa classroom namin dahil may kukunin daw.
"Hindi ka yata manunuod eh, pag nag simula na ang game namin ay tatakas ka at uuwi agad sa inyo." ani ni Ignacio. Bigla-bigla na lang itong sumusulpot kung saan ako. Crush niya na ba ako at hindi siya mapakali kung hindi niya ako nakikita?
Tinampal ko ng mahina ang kanang pisngi ko dahil sa assuming na naman ako ngayon. Kahit sinabi niya kanina na girlfriend niya na daw ako ay hindi naman ako naniniwala lalo at parang nasabi niya lang yun para masamahan niya ako sa pagkain.
"Sinong nagsabi? Hindi ibig sabihin na nandito ako sa entrance ay eexit na agad ako!" ani ko. Minsan talaga natatarayan ko siya. Crush ko siya po pero dumarating talaga ang pagiging masungit ko. Malapit na yata ang kumare ko kaya ako ganito ako na moody.
Wearing his basketball attire ay gwapong-gwapo siya sa kanyang porma lalo at itinali niya ang kanyang mahabang buhok pa half style at may bandana pang nilagay sa kanyang ulo na kulay red. Gangster yern…
"Aw… akala ko hindi ka manunuod eh, magtatampo talaga ako sa'yo." pang dadrama nito. "Halika na at doon ka umupo kung saan ang mga gamit ko para bantayan." sabi niya.
"Ay ganun… nilapitan mo lang ako dito para may taga bantay ng mga gamit mo. Wow naman kung ganun," ani ko at tumawa lang ang loko. Wala na akong magawa dahil hinila na niya ang braso ko papasok ng gym.
Bigla tuloy akong nahiya dahil pinagtinginan kami ng mga ibang estudyante na ang ugly sumama sa model na si Ignacio.
"Bitawan mo na ako, pinagtinginan na tayo baka mamaya yan atakihin na lang ako rito ng mga may gusto sayo." sabi ko sa kanya.
Kunot-noo naman itong nakatingin sa akin, "Girlfriend na kita, boyfriend mo ako. Nahihiya ka sa ating relasyon?" Huh? Ano raw?
"Wait a minute, totoo ba yang mga sinasabi mo o pinagloloko mo lang ako? Kanina pa yang umaga. Girlfriend ka riyan, hindi ka naman nanliligaw at sinagot na ba kita?" taas kilay ko na tanong, ang arte mo Mica. Ayaw mo pa yun na siya na mismo ang nagsabi.
"Paladesisyon ako minsan kaya oo magkasintahan na tayo. Alam ko naman na may gusto ka sa akin eh kaya sinasagot na kita Mica."
"Hala hindi ko sinabi yan. Saan mo yan nalaman ha? Sino nagsabi sayo niyan?" Tanong ko sa kanya habang nakapamewang ako sa harapan niya. Baka akalain ng mga estudyante na nilalandi ko itong nilalang na ito kaya kami nagkatinginan.
"Bast–" hindi na niya natapos ang sasabihin ng mag-umpisa nang ipakilala ang mga pangalan ng bawat team. "Wish me luck okay, gagalingan ko para may pang burger at pang fries tayo mamaya para sa ating kauna unahang date.'' sabi ni Ignacio bago ako hinalikan sa noo at patakbong pumunta sa gitna ng gym dahil tinawag na ang kanyang pangalan.
Narinig ko ang tilian ng mga kaklase ko lalo na sina Shemaia at Mercy pero ito ako at ilang minuto ng tulala dahil sa ginawa ni Ignacio. Hahawakan ko na sana ang noo ko kung saan siya humalik pero dahil ramdam ko parin ang kanyang dampi sa malambot niya na labi sa noo ko kaya hinayaan ko na para nandyan pa rin siya hanggang mamaya sa pagtulog ko sa gabi at kinabukasan. Hindi ko na nga alam na natapos na ang laro nila at nanalo sila ni Ignacio habang may pangalawa pa akong natanggap na halik sa noo at yakap galing sa kanya.
Gosh…lucky 8 na ang favorite number ko.