Chapter 39 Rosalie POV MATAPOS ang ilang oras na palipat–lipat ng jeep na sinasakyan, natagpuan ko ang aking sarili sa Manila Bay. Ang hangin dito ay malamig, tila binibigyan ako ng konting ginhawa sa gulo ng aking isipan. Unti–unti nang lumulubog ang araw, at ang mga kulay ng dapithapon ay naghalo sa kalangitan, nagbibigay ng isang maganda at mapayapang tanawin. Umupo ako sa isang bangko malapit sa baybayin, tinitingnan ang alon na humahampas sa pampang. Sa kabila ng katahimikan ng hapon, ang ingay ng alon ay nagdala sa akin ng kakaibang kapayapaan. "Celestine..." bulong ko sa sarili ko, paulit-ulit na iniisip ang kanyang pangalan. Paano kung ako nga siya? Ang mga alaala at mga tanong ay walang katapusan na bumabalot sa aking isipan. Habang pinagmamasdan ko ang mga ilaw ng araw na