Chapter 18 Celestine POV NAGISING ako sa pagpasok ng liwanag sa bintana. Mabilis akong bumangon at sumandal sa headboard at nilinga ang buong paligid. Hindi ko namalayan kung paano ako nakakatulog kapag gabi. Tatlong araw ang nakalipas na wala akong tigil sa kakaiyak. Hindi ko alam kung paano haharapin ang katotohanan. Para akong nabubuhay sa isang bangungot na hindi na magising–gising. Lahat ng alaala namin ni Evan ay pilit kong binabalikan, hinahanap ang mga palatandaan na sana'y nakita ko noon pa. Hindi ko man lang naramdaman na niloloko niya ako. Pumikit ako. Ang tanga–tanga ko nga naman. Sa bawat pagpatak ng luha ko, nararamdaman ko ang bigat ng sakit na dala–dala ko. Hindi ko alam kung paano magsimula muli. Pakiramdam ko'y nawala ang lahat ng tiwala ko sa sarili at sa mga tao s