Kabanata Four:

1053 Words
[Stacey's] Hindi pa rin mawala sa isip ko yung nangyari kanina. I was with Mr. El Mundo, the owner of this island. Sa totoo lang, nakaka-intimidate yung presensya niya dahil sobra siyang seryoso. Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya but he was kind enough not to leave me alone. “Ang ganda,” mahinang sambit ko habang nakatingin sa dagat. I wish I can just stay here and watch this kind of scenery. The moon's reflection on the pitch-black sea is just so aesthetically beautiful. Tanaw ko rito sa terrace ng room ko yung ilaw mula sa lighthouse. Gusto ko itong puntahan habang nagbabakasyon ako rito. I'm so drawn to its beauty that I want to see it close kaso hindi ko alam ang daan papunta roon. Humigpit ang yakap ko sa'king sarili noong umihip ang malamig na hangin. Minabuti ko na lang na pumasok sa loob ng kwarto ko para matulog at nang makapag libot ako rito sa isla bukas. “Magandang araw po sa inyo! Pwede po ba akong magtanong?” Kanina pa kasi ako naglalakad dito sa resort pero hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya nagtanong na ako. “Magandang araw, hija. Ano iyon?” sagot ng Manong na pinagtanungan ko. “Saan po ba pwedeng maglakad-lakad dito sa isla? Ngayon lang po kasi ako nakapunta rito kaya wala akong alam,” giit ko. “Ikaw ba ang sinasabi nila Pareng Tonyo at Roel na galing sa Maynila?” tanong naman niya. Ngumiti na lang ako at sumagot ng, “Opo, ako po iyon. Snow po ang pangalan ko.” “Ako si Luis, tawagin mo na lang akong Mang Luis. Lahat ng mga tao rito sa isla ay magkakilala kaya pasensya na kung tinanong ko yung pangalan mo,” paumanhin niya. “Ayos lang po sa akin iyon, Mang Luis. Gusto ko rin pong makilala ang mga tao rito kasi baka magtatagal pa ako rito ng higit pa sa dalawang buwan,” ani ko. “Gano'n ba, hija? Oh siya, ang mabuti pa ay sumama ka na lang sa akin. Pupunta ako roon sa daungan dahil maganda ang tanawin doon. Marami din ang mga turista na pumupunta roon,” paliwanag niya. Ang bait talaga ng mga tao rito. I feel so welcome here and though I'm just a stranger, they're treating me with such kindness. Mahirap makahanap ng mga ganitong tao sa syudad, people like them are so rare to find these days. “Sige po, Mang Luis. Salamat po.” Mabuti na lang at may kasama ako habang wala pa akong masyadong kakilala rito. Konti lang ang nilakad namin ni Mang Luis bago kami nakarating sa sinasabi niyang daungan. Dito rin ako bumaba kahapon noong kakarating ko lang. Mula rito sa kinatatayuan ko, kitang-kita ko yung mga taong nakatambay lang sa dalampasigan habang yung iba naman ay nag-su-surf. “Hanggang dito na lang ako, hija," giit ni Mang Luis habang inaayos ang suot niyang sumbrero. ”Thank you po at sinamahan niyo ako. Hindi ko po kasi alam kung saan pupunta,“ nahihiyang sambit ko. ”Ayos lang, hija. Oh siya, pumunta ka na roon at makihalubilo o kung gusto mo ay maglakad-lakad ka na lang sa dalampasigan,“ sabi ulit ni Mang Luis. ”Sige po. Alis na po ako, Mang Luis.“ Iniwan ko na siya dahil inaayos na niya yung bangka na gagamitin niya sa pangingisda. Medyo malayo pa ang nilakad ko bago nakarating sa may madaming tao. Busy ang karamihan ngunit napansin kong may grupo ng kalalakihan na nakatingin sa akin. Hindi ko na lang sila pinansin at pinapatuloy ang akong paglalakad. Hindi ko feel na maligo ngayon kaya sa ibang araw na lang siguro. ”Hey, beauty! Do you wanna join us?“ Naestatwa ako noong biglang may umakbay sa akin na lalaki. I don't even know what to do because I'm still shocked. I blinked a couple times and then regained my composure. ”Excuse me?“ I said. They were cat-calling me kanina noong dumaan ako sa harap nila. I did ignore them and I never thought na susundan nila ako. Malayo pa naman kasi sa mga tao. Gusto ko silang tarayan pero baka wala akong laban sa kanila. There are four of them which make me nervous. ”You might wanna hangout with us. Come on, babe,“ one of them added as he wrap his arm around my waist. My eyes widened. Lilingon sana ako para humingi ng tulong pero nakarinig ako ng isang pamilyar na boses. ”Get off her, NOW.“ ”Mr. El Mundo?“ gulat na sambit ko. Naglalakad siya palapit sa amin habang hawak ang isang bote ng whiskey. ”Relax, man! We can share her, alright?“ Sabi nung isa sa kanila. Hindi yata nila kilala si Mr. El Mundo. ”Let her go before I'll kick you out from MY island. Leave while I'm still sane,“ Mr. El Mundo threatened them. His face turned dark and his eyes, I can't even meet them dahil nakakatakot. ”Man, let's get out of here.“ Kumaripas na sila ng takbo nang hindi lumilingon. I think they're younger than me kaso mas matangkad lang sila kumpara sa akin. ”You. Follow me,“ seryosong giit ni Mr. El at naglakad palayo. Ayoko naman siyang sundan pero parang nakakatakot kapag hindi ako nakinig sa kanya. ”Saan tayo pupunta?“ mahinang tanong ko noong inabutan ko siya. Saglit siyang tumigil sa paglakad at nilingon ako. ”Fix your freaking dress, woman.“ ”Wala namang mali sa suot ko,“ ani ko. I heard him hissed. ”If there's nothing wrong with your dress then those fools wouldn't have followed you. Kitang-kita ko ang balakang mo, I was watching you walking and they were cat-calling you for f**k's sake.“ I mean like, why? Other women out there dress like me. Wala naman yatang mali sa suot ko. Men are just naturally p*****t and curse them for that. Naglalakad lang naman ako kanina, I think it's not my fault that they followed me. Napapikit na lang ako at bumuntong-hininga. I'm still grateful kay Mr. El Mundo dahil kung hindi niya sinita yung mga lalaki kanina, baka kung ano na ang nangyari sa akin. Seriously, I don't know how to react kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD