Kabanata Three: Ang Unang Pagtatagpo

2010 Words
[Stacey's] "Five PM na?!" pasigaw kong sambit noong nakita ko kung anong oras na. Ibig sabihin buong araw akong nakatulog? Dyusko, bakit hindi manlang ako nagising ng maaga? Siguro nga pagod talaga ako kaya mahaba ang tulog ko. "Good afternoon Stacey! Kakain ka muna bago maglakad-lakad dito sa Isla El Mundo," ani ko sa'king sarili. Tumingin muna ako sa paligid tsaka ko lamang napansin na mayroon palang malaking glass window sa harapan ng kama ko ngunit nakasara 'yon. Naglakad ako palapit doon bago ko pinaghiwalay 'yung dalawang kurtinang nagsisilbing takip ng malaking bintana. "Wow! Ang ganda talaga!" tili ko noong bumungad sa akin ang magandang tanawin mula rito sa aking kinatatayuan. Palubog na ang araw kaya maganda itong titigan. "I will never get tired of watching this kind of scenery." Mukhang ayaw ko nang umalis dito sa isla. Everything about this island is beautiful! Aliw na aliw ako sa panood ng sunset noong nararamdaman kong tumunog ang aking tyan. Senyales na gutom na talaga ako at kailangan ko nang kumain. Umalis na ako sa kwarto ko para hanapin kung nasaan ang kainan nila rito. Since bago pa lang ako rito ay kailangan ko pang magtanong kung saan pwedeng kumain. "Ahhm, hello po. Pwedeng magtanong?" tanong ko sa crew na nakasalubong ko rito sa hallway. "Bago lang po kayo rito, tama ba? Sumama po kayo sa akin para dalhin kita sa restaurant ng resort," magalang sa sumbat ng crew. "Ayos lang po ba sa'yo na samahan ako? Baka naman po inaabala kita? Pwede niyo pong ituro na lang sa akin 'yung direksyon at ako na po ang bahalang pupunta roon," ani ko. Nakakahiya kasi na magpasama sa kanya dahil hindi naman ako VIP and baka marami rin siyang gagawin. "Ayos lang po sa akin na samahan ka, miss. Trabaho po namin ang pagsilbihan ang mga bisita rito sa isla," nakangiting giit niya. Ang babait pala talaga ng mga tao rito sa isla hindi katulad ng karamihan doon sa syudad na masungit. "Gano'n po ba? Sige tara na po at nang makakain na ako. Kanina pa po ako gutom eh," pagtatapat ko sa kanya. "Malapit lang po ang restaurant mula rito sa fourth floor dahil naroon lamang ito sa rooftop pero kung gusto niyong kumain sa labas ay mayro'n din pong kainan doon ngunit medyo malayo nga lang," aniya. Restaurant in the rooftop? Sounds nice dahil siguradong maganda ang tanawin mula roon. "Sa rooftop na lang po ako kakain para mas malapit at para na rin makalanghap ako ng sariwang hangin." I need to relax and feel the feeling of being independent for the very first time. Literal na napanganga ako dahil sa ganda ng restaurant nila dito sa rooftop. Ang galing ng nag-isip ng concept para rito. Feeling ko tuloy nasa ibang bansa ako dahil sa ganda ng theme ng restaurant. May mga light bulbs na nakasabit sa buong paligid tapos may mga halaman din. I even spotted a hammock just near the shining shimmering railings. Ang mga lamesa ay tinatakpan ng kulay kremang tela at ang mga upuan ay kulay ginto. The cream-colored linens matched the gold-colored chairs and the golden light bulbs everywhere. All of the tables are covered by the glass roof which added to the elegance of this place. Parang kumakain ka lang sa balkonahe pero kitang-kita mo ang mga puno sa paligid pati na rin ang dagat mula sa malayo. Maging ang mga bituin sa langit ay makikita mo rin dahil sa glass na bubong nitong restaurant. Ang mga lamesa ay malapit sa railings kaya nag-form ito ng letrang U at ang mga lamesa rin lang ang may bubong dahil open space na sa mga area na walang table. Perfect ang spot na ito para magmuni-muni habang nakatingin sa dagat mula sa kalayuan. Maganda ang restaurant lalo na kapag gabi kasi lahat ng mga ligh bulbs ay iilaw na tapos lilitaw na rin ang mga bituin sa langit. Kung pwede lang sanang matulog dito ay mas gugustuhin kong dito na lang sa rooftop titira. "Ma'am? Ayos lang po ba kayo?" Bigla akong bumalik sa reyalidad noong mahina akong kinalabit ng kasama kong crew. "Ha? Ano po?" Hindi ko kasi talaga narinig 'yung sinabi niya dahil masyado akong naaliw sa ganda nitong restaurant. "Kanina ka po kasi patingin-tingin sa paligid at kanina pa po kita kinakausap pero hindi ka po sumasagot," aniya. Kanina pa pala niya ako kinakausap? "Pasensya na po ma'am kung kinalabit na kita," dagdag pa niya na parang nahihiya. "Don't be sorry dahil wala kang ginawang mali. Maraming salamat po sa paghatid sa'kin dito," giit ko naman bago ngumiti. Nagpaalam na 'yung crew sa akin dahil may may emergency meeting daw sila kasi nandito na raw si Mr. El Mundo. Curious talaga ako kung ano ang hitsura ni Mr. El Mundo dahil sa mga sinasabi nila Mang Tonyo at Mang Roel. Para iwasang isipin ang may-ari nitong isla ay naghanap na ako ng bakanteng lamesa upang makakain na. Noong nakita kong may bakante roon sa bandang kaliwa ay agad akong naglakad at umupo roon. Hindi nagtagal ay nilapitan na ako ng isang waiter tapos tinanong kung ano ang order ko. "Ano po ba ang dishes na karaniwang ino-order ng mga pumupunta rito? Bago po kasi ako kaya gusto kong malaman kung ano ang i-o-order ko," tanong ko sa waiter. "Bulalo po 'yung karaniwang ino-order ng mga bisita rito sa isla. Masarap po ang bulalo namin rito kaya baka gusto niyo rin pong subukan. Hindi po kayo magsisisi, ma'am," mabait na sumbat niya. Bulalo? I love bulalo dahil iyon ang madalas na niluluto ni mommy sa bahay. Omg! May bulalo rin pala sila dito. "Sige po, order po ako ng isang bulalo, shrimp tapos inihaw na manok. Gusto ko 'yung hita ng manok ha? Teka lang, may pizza pa pala kayo rito?" I asked him while looking at the menu. "Opo ma'am, may pizza po kami rito," sumbat naman niya. "Ohh, wow! Tapos pakidagdag na lang po sa order ko 'yung tatlong slice din ng pizza. Thank you!" ani ko. Ang dami kong inorder na pagkain. Kapag kasama ko si mommy ay siguradong magagalit iyon sa'kin dahil madami na naman akong kakainin. She gets mad when I eat too much most especially when my fashion won't pass her taste kaya naman lahat ng gamit ko maging mga saplot ko ay siya na ang bumili. She's a fan of erotic fashion kaya naman nasanay na rin akong laging nakasuot ng shorts, tanktops and 'yung mga dress na kita ng cleavage. Noong una ay hindi ako komportable pero sabi ni mommy dapat daw ay masanay na ako dahil normal lang iyon sa panahon ngayon. Minsan ay binastos ako sa school ko noon dahil sa suot ko and akala ko talaga magagalit si mommy pero sinita niya lang 'yung bumastos sa akin tsaka niya ako sinabihan na seksi raw kasi ako kaya nila ako binastos pero ayos lang daw iyon dahil hindi na mauulit pa ang gano'ng pangyayari. Iniisip ko ngang baliw na yata si mommy pero gano'n lang talaga siya, she's obsessed with erotic fashion and the likes. "Here's your order, ma'am. Please enjoy the food and the view. Bon apetit!" Nanumbalik na naman ang gutom na kanina ko pa nararamdaman dahil sa mga pagkaing nakahilata sa harap ko. "Wow! Amoy pa lang masarap na!" komento ko. Nginitian lamang ako ng waiter bago umalis kaya sinimulan ko nang kumain para makapaglakad-lakad ako sa dalampasigan. "Hmmmmm. Ganito pala ang pakiramdam kapag walang nagdidikta sa'yo. I've never been this free... not until now," sabi ko habang nakatingin sa bilog na buwan. Nagsimula na akong maglakad kasabay ng pagkuha ng mga litrato gamit ang aking telepono. Kumusta na kaya sila mommy? Siguradong nababaliw na 'yon kakahanap sa'kin pero ayoko muna talagang umuwi dahil susulitin ko na 'tong kalayaan na tinatamasa ko ngayon. "Is that a lighthouse?" ani ako noong may naaninag akong ilaw mula sa malayo. Gusto kong makasigurado kung parola nga ba iyon kaya tumitig ako rito habang naglalakad. "Parola nga!" manghang sambit ko bago tumalon-talon sa tuwa hanggang sa may inapakan akong bagay na naging sanhi ng pagbagsak ko sa buhangin. "f**k! Tumayo ka nga diyan! Hindi mo ba alam na nakadagan ka sa'kin?!" bulyaw ng isang baritonong boses. Nanlaki ang mga mata ko kaya agad akong tumayo. Oh my gosh! Tao pala yung inapakan ko kanina! May tao rito aside sa'kin. "S-sorry po. Hindi ko naman alam na may tao pala rito aside sa'kin. Akala ko kasi mag-isa lang ako. Bakit ka kasi nakahiga sa buhangin?" ani ko. Nahihiya ako sa ginawa ko pero hindi ko naman kasi siya napansin kanina. "So you're saying that your clumsiness is my fault? Kasalanan ko bang hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo kaya mo ako inapakan?" seryosong giit niya pero may halo itong inis. Tumingin na lang ako sa baba para iwasan yung nakaka-intimidate niyang titig. "Sorry na po. Hindi ko po sinasadyang apakan ka kanina. Pasensya na po, sir," paumanhin ko ulit. Nakita kong umangat ang gilid ng kanyang labi ngunit saglit lang 'yon. "Sir? Ilang taon ka na ba?" tanong niya. "Twenty-one po," magalang na sagot ko. Umismid na lang siya bago pinagpagan yung suot niyang corporate attire. "Too young," komento niya bago tumalikod sa'kin at magsimulang maglakad paalis. "Teka lang po! Saan ka pupunta?!" pasigaw na tanong ko sa kaniya. Patuloy pa rin siyang naglalakad pero bigla siyang tumigil at sinabing, "Bumalik ka na sa kwarto mo dahil gabi na." "Ang aga pa naman kaya pwede pa siguro akong maglakad-lakad dito sa dalampasigan," sumbat ko naman. "May mga multong pagala-gala rito at gustong-gusto nilang ginagambala ang mga turistang katulad mo," seryosong giit niya nang hindi lumilingon sa'kin. My jaw dropped as I stood frozen. May multo talaga dito? Bakit hindi sinabi nila Mang Tonyo 'yon sa'kin kaninang umaga? Sabi nila safe daw na maglakad dito kahit gabi na. Umihip ang lamig na hangin at dumapo ito sa'king balat na siyang ikinatakot ko. "TEKAAA LAAANGGGG!!!! Hintayin mo ako!" ani ko tsaka tumakbo palapit sa kanya. Noong inabutan ko siya ay agad kong kinawit ang kanang braso ko sa kaliwa niyang braso. Palagi ko 'tong ginagawa sa mga kasama ko kapag takot ako. Tumigil siya sa paglalakad bago ako tinignan ng masama pero nginitian ko lang siya. "Lumayo ka sa'kin ngayon din," utos niya sa akin pero hindi ako nakinig. "Ayoko po. Natatakot ako," ani ko. Naaninag ko mula sa buwan ang pagpikit ng kanyang mga mata kaya alam kong naiinis siya. "Hindi naman kita kakainin eh. Tsaka, braso mo lang naman 'tong hawak ko," mahinang sambit ko. "I don't let women hold me like that. Bitaw na." Pinilit niyang tanggalin yung braso kong nakapulupot sa kaniya pero hinigpitan ko yung paghawak para hindi niya ito matanggal. Sa huli ay hinayaan niya na lang ako at nawalan na nang pakialam sa akin. "Anong pangalan mo?" tanong ko. Hindi kasi ako sanay na tahimik lang kaya kinausap ko siya. "My name is none of your business," masungit na sagot niya. Diretso lang ang tingin niya sa daan at hindi niya manlang ako tinapunan ng tingin. Ang sungit naman nito tapos ang ikli pang sumagot. "Ang ikli na nga ng sagot tapos sinungitan pa ako," bulong ko na lang. "Narinig ko 'yon," aniya. "Ay sorry kung narinig mo. Totoo naman kasi 'yon 'di ba? Hindi ka naman mahihilo kung sasabihin mo yung pangalan mo. Sabihin mo na kasi yung pangalan mo para tumahimik na ako," pamimilit ko. Naramdaman ko siyang bumuntong-hininga bago humarap sa akin. "Listen, kid. Gabi na kaya bumalik ka na sa kwarto mo. Kapag lalabas ka tuwing gabi ay 'wag kang magsuot ng ganyang kasuotan dahil wala tayo sa syudad. I hope you'll enjoy your stay here at Isla El Mundo," diretsong sabi niya bago naglakad palayo sa akin. "I'm Zachary El Mundo, the owner of this island." Iyon ang huli niyang sinabi bago siya naglakad paalis. Naiwan na lang akong nakatayo at gulat na gulat. "Siya si Mr. El Mundo?! Yung masungit at walang emosyon na lalaking 'yon ay ang sinasabi nilang may ari ng islang ito?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD