Kabanata Five

1431 Words
Stacey's POV "Thank you for stepping up, Mr. El Mundo," ani ko sa mababang tono habang nakatingin sa mga daliri ko. I can't meet his gaze dahil nahihiya ako and at the same time, intimidated. “Those fools were cat-calling you and you just stayed silent? Don't you know how to defend yourself from that situation?” giit niya gamit ang seryoso niyang tono. Medyo na-offend ako sa sinabi niya pero may punto naman siya, tumahimik lang ako noong binabastos ako kanina. “Hindi ko alam kung paano mag-react, okay? I was shocked kasi never akong naka-experience ng ganyan,” depensa ko naman. “Just stay away from those guys kasi hindi lahat ng oras ay may dadating para tulungan ka. You have to depend on yourself, h'wag sa iba.” Biglang uminit yung ulo ko dahil sa sinabi niya. I raised my head to meet his gaze, naiinis ako dahil sa sinabi niya. I have to say something. “Excuse me? You don't know much about me, Mr. El Mundo.” Iyan na lang ang nasabi ko dahil pinigilan ko ang aking sarili na magsabi ng kung ano-ano. I'm really trying to just depend on myself kahit nahihirapan akong mag-adjust. Mahirap magsimula ng bagong buhay na malayo sa kinasanayan mo. Pinipilit ko namang maging matatag para sa sarili ko dahil ayoko nang umasa sa iba. “Tinawagan ko na yung panganay na anak ni Mang Tonyo para may kasama ka habang naglilibot,” sabi niya habang nakatingin sa kanyang suot na relo. Hindi ko napigilan ang pagtaas ng aking kilay. “Thank you but I don't need someone to be with me. Hindi ko kailan ng kasa--" Hindi ko na tinapos ang sasabihin ko dahil tinaasan niya ako ng kilay. ”Mahirap na baka maligaw ka pa rito. Kailangan mo ng magbabantay sa'yo,“ aniya. I rolled my eyes. ”Kaya ko ang sarili ko kaya--“ Muli na namang naputol ang sasabihin ko noong may lumapit sa amin na babae. Sa tingin ko, mas bata siya kumpara sa akin. I think she's eighteen or something. ”Magandang araw po, Kuya Tisoy. Pasensya po at medyo natagalan ang pagpunta ko rito, tinulungan ko pa po kasi si nanay na ayusin yung isang kwarto sa resort,“ sabi ng babae. Tinapunan niya ako ng tingin saglit bago ulit siya tumingin kay Mr. El Mundo. Tisoy nga talaga ang tawag ng mga tao rito kay Mr. El Mundo gaya ng sabi ni Mang Tonyo. Kilala siya ng marami dito dahil siya ang may-ari ng isla. ”Sinabihan na kita Sarah na h'wag mong hayaan na magtrabaho si Aling Belen dahil hindi pa tapos ang therapy niya,“ seryosong sambit ni Mr. El Mundo. Sino si Aling Belen? Siya ba ang nanay ni Sarah? Napakamot na lang ng ulo so Sarah at napangiti. ”Alam mo naman si nanay, Kuya Tisoy. Ayaw niyang nasa bahay lang siya at walang ginagawa.“ Rinig kong bumuntong-hininga si Mr. El Mundo. ”Pupuntahan ko si Aling Belen para iuwi sa bahay niyo at magpahinga na lang. Samahan mo muna siya habang naglilibot siya sa isla. Kailangan niya ng kasama baka maligaw siya rito alam mo naman ang mga laking Maynila,“ sambit ni Mr. El Mundo bago naglakad paalis. Hindi ko gusto ang tono niya noong sinabi niya ang "laking Maynila.” I'll take it as an insult and it's infuriating. Sumosobra na siya. “Pagpasensyahan mo na si Kuya Tisoy, Ate. Ganyan po talaga siya kapag nakikipag-usap sa iba pero mabait po siya,” sabi ni Sarah noong nakalayo na si Mr. El Mundo sa amin. Nilingon ko naman siya at nginitian. Mabuti na lang at may kasama akong mabait para mabawasan yung inis ko kahit konti. Ayoko namang ipakita na naiinis ako dahil wala namang kasalanan si Sarah, sadyang kay Mr. El Mundo lang talaga ako naiinis. “Ayos lang `yon, Sarah. Samahan mo na lang ako sa paglilibot dahil baka mawala raw ako rito sa isla gaya ng sabi ni Kuya Tisoy mo.” Pinipilit ko talagang maging kalmado pero lumalabas yung inis ko kapag naaalala ko yung mga sinabi ni Mr. El Mundo kanina. Mahinhin na tumawa si Sarah bago sinabing, “Pasensya na po talaga sa mga sinabi ni Kuya Tisoy.” “It's fine, mawawala rin yung inis ko. Ako nga pala si Snow dela Cruz,” pagpapakilala ko. “Ang ganda po ng pangalan mo, Ate Snow. Bagay na bagay po sa inyo dahil ang ganda mo po, sobra.” Hindi ko napigilan na mapangiti sa sinabi ni Sarah. Ang gaan talaga sa pakiramdam kapag nakakarinig ng compliment. “Thank you!” masayang sumbat ko. “Oh siya, saan mo po gustong pumunta, Ate Snow? Sasamahan po kita.” Saglit akong napaisip kung saan ko nga ba gustong pumunta. Wala talaga akong alam kung saan pwedeng pumunta rito. “Sa totoo lang, wala pa akong alam kung saan pwedeng pumunta. Saan ba ang magandang view dito?” tanong ko. “Gano'n po ba? Baka gusto mo pong makita yung paaralan namin dito. Maliit lang po pero maganda,” sambit ni Sarah. Oo nga pala, may school sila rito. “I want to see it. Paano ba tayo makakapunta roon?” “Nilalakad lang po namin pero pwede po tayong sumakay ng tricycle kung gusto mo,” aniya. Hindi naman masyadong mainit ngayon kaya pwede pa kaming maglakad. “Lakarin na lang natin. Malayo ba ang school niyo dito?” “Medyo malayo po, Ate Snow,” sagot niya. “Sige, ayos lang `yan, maglakad na tayo at nang makarating agad tayo roon. May kainan ba roon? Baka kasi abutin tayo ng gutom.” Malapit na kasing magtanghali kaya kailangan naming kumain. “Meron po kaso maliit lang po,” nahihiyang sambit ni Sarah. “Okay lang `yan basta makakain tayo mamayang tanghalian,” ani ko at naglakad na kami papunta sa school nila rito. Tahimik lang kami habang naglalakad dahil kumukuha ako ng mga litrato. Ang ganda kasi ng dinadaanan namin, may mga puno sa magkabilang side ng kalye tapos tanaw na tanaw ko pa yung dagat. Kung ganito rin lang ang lalakarin ko araw-araw, hindi ako magsasawa. “Ang ganda sigurong manirahan dito,” mahinang sambit ko habang nakatitig sa dagat. “Opo, Ate. Maganda pong manirahan dito kahit malayo sa syudad,” giit ni Sarah habang nakangiti. Ang bait talaga ng mga tao rito, nakakahawa ang kabaitan nila. “Magbabakasyon ako rito ng matagal kaya mararanasan ko rin kung paano mamuhay dito.” Ayoko na ngang bumalik sa bahay eh. Iba ang ugali nila doon kumpara rito. “Talaga po, Ate? Mabuti naman po at naisipan niyong magbakasyon dito. Sigurado pong mag-e-enjoy ka habang nagbabakasyon ka rito.” Tanging ngiti lamang ang sinagot ko sa kanya. Hindi ko naman masabi na kaya ako nandito ay dahil tumakas lang ako sa amin. “Tingin ko rin naman ay hindi masasayang ang pagpunta ko rito,” sabi ko naman. Nagpatuloy na kami sa paglalakad at muli na namang nahagilap ng mga mata ko yung parola mula sa malayo. May mga nakatira kaya malapit doon? Gusto ko talagang makita ito kaya naisipan kong magpasama na lang ulit kay Sarah kapag wala siyang gagawin. “Ano bang ginagawa mo ngayon, Sarah? Bakasyon niyo `di ba?” tanong ko sa kanya. “Tumutulong po ako sa pag-aayos ng mga kwarto sa resort ni Kuya Tisoy. Bale part-time job ko po iyon para makaipon ng perang gagamitin ko sa kolehiyo.” Tumigil ako sa paglalakad noong narinig ko yung sinabi niya. “Wow! That's good!” manghang sabi ko. As for my case, I didn't experience working para lang makapag-aral. Baka madami akong natutunan sa buhay kung hinayaan ako ng parents ko na magtrabaho. The thing is they kept me sheltered, hindi nga nila ako hinayaan na maghugas ng pinggan manlang. “May day off ka ba?” tanong ko ulit. “Meron po, Ate. Wala po akong trabaho kapag Tuesday, Thursday tapos sa weekend. Bakit niyo po tinanong?” aniya. “Magpapasama sana ako papunta doon sa parola. Ayos lang ba sa'yo?” Kitang-kita ko kung paano nanlaki ang mga mata niya. “A-ano po? Gusto n-niyo pong p-pumunta sa p-parola?” nauutal na tanong niya. “Bakit? Hindi ba pwedeng pumunta doon, Sarah?” I'm bothered by her reaction, she looks nervous. “Kausapin niyo na lang po si Kuya Tisoy,” kinakabahang sambit niya. “Ha? Sige.” Bakit kaya gano'n ang reaction ni Sarah noong sinabi kong gusto kong pumunta sa may parola? Bawal bang pumunta roon? Pero bakit?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD