Kabanata Two: Isla El Mundo

2195 Words
[Stacey's] "Maganda po ba sa Isla El Mundo?" basag ko sa katahimikan. Kanina pa kasi tahimik ang byahe kaya nag-isip ako ng mga bagay na itatanong ko kay manong tungkol sa isla. I need to ask him some information about the island para may alam naman ako kahit konti. "Oo hija. Napakaganda ng tanawin doon sa isla at presko pa ang hangin. Ito ang unang beses na pupunta ka roon hindi ba?" aniya. Masyado bang obvious ba na first time kong pupunta doon? "Opo manong, first time ko pong pupunta sa Isla El Mundo," sagot ko na lang. "Naku hija, hinding-hindi ka magsisisi kapag pumunta ka doon kasi maganda ang mga tanawin sa isla. Matanong ko nga pala, mayroon ka na bang matutuluyan doon?" tanong niya. Oh shoot! Hindi ko iyon naisip ah! Mabuti na lang at nabanggit ni manong. "Ahh, wala pa po eh," nahihiyang sambit ko. "Huwag kang mag-alala hija dahil may resort na tinayo doon. Pwedeng doon ka muna tumuloy habang nagbabakasyon ka." May resort pala doon? Mabuti naman para may matuluyan ako. Thank you Lord! "Ano pong pangalan niyo manong?" pag-iiba ko sa usapan. "Tonyo ang pangalan ko. Tawagin mo na lang akong Mang Tonyo," sagot naman niya. Mabait si Mang Tonyo kaya alam kong swerte ang mga anak niya sa kanya dahil hindi niya ipipilit ang mga bagay gusto niya sa kanyang mga anak . Naalala ko na naman si daddy, mabuti siyang tao pero hindi ko alam bakit ayaw niya akong pakinggan. "Anong pangalan mo hija?" tanong din niya sa'kin. "Snow dela Cruz po ang pangalan ko, Mang Tonyo." Naisip kong gamitin ang middle name ni mommy para itago ang totoo kong pangalan para hindi ako madaling hanapin kung sakali mang ipahanap nila ako. "Aba'y napakaganda ng pangalan mo, hija. Halatang galing sa Maynila," biro niya kaya tumawa na lang ako. "Naku manong, huwag kang magbiro ng ganyan. Pero tama po kayo, galing po ako sa Maynila at gusto ko pong magbakasyon sa Isla El Mundo ng matagal," tugon ko sa kanya. Ayaw kong sabihin na tumakas lang ako dahil ipapakasal ako sa lalaking hindi ko mahal. It will be my secret while staying at Isla El Mundo. "Wala namang loko-loko doon sa isla kaya nasisigurado kong ligtas ka doon. Pwede ka ring maglakad sa dalampasigan tuwing gabi dahil malamig ang simoy ang hangin." Sa mga sinasabi pa lang ni Mang Tonyo ay lalo pa ako na-excite na pumunta doon sa isla. I really want to relax and disconnect myself with everything. Gusto kong mapag-isa at magmuni-muni, gano'n ang gusto ko and I think Isla El Mundo is the perfect place to stay and relax. "Madami ring turista ang dumadalo sa isla lalo na ngayong tag-araw," dagdag pa niya. Nagkwentuhan pa kami ni Mang Tonyo hanggang sumikat na ang araw. Mula sa malayo ay tanaw ko ang isang malaking isla na kay gandang titigan mula dito sa malayo. Tumayo na ako mula sa upuan para pagmasdan pa ng maigi ang isla. "Wow! Malayo pa lang ako pero ang ganda kung titigan mula rito!" masayang giit ko. "Ganyan din ang sinasabi ng mga turista kapag pupunta sila doon sa isla. Humawak ka muna ng maigi hija at bibilisan ko ang takbo ng bangka para makarating na tayo sa daungan," sabi ni Mang Tonyo bago binilisan ang takbo ng bangka. Ako naman ay kinuha 'yung DSLR sa isa kong maleta para kumuha ng mga litrato. "Oh my gosh! Ngayon lang ulit ako nakakita ng sunrise!" Dali-dali kong kinuhanan ng picture 'yung sunrise bago yung itsura ng isla mula rito sa banda namin. The island looks like a haven! Kung noon ko pa alam na may hanitong isla then siguro noon ko pa ito binalik-balikan. "Araw-araw mong masasaksihan ang paglitaw at paglubog ng araw kapag nasa isla ka," singit ni Mang Tonyo. "Grabeng promotion na 'yung mga sinabi mo sa akin Mang Tonyo ah," biro ko sa kanya. Tumawa naman siya at umiling-iling. "Aba'y oo naman hija! Mabuting tao ang may-ari ng isla dahil pinapa-aral niya sa Maynila ang panganay kong anak kaya kapag may pupunta roon sa isla ay hinihikayat ko talaga sila ng husto. Iyon lamang ang alam kong paraan para bumawi sa kabutihan ni Tisoy," puno ng determinasyon na sambit ni Mang Tonyo. "Sinong Tisoy? Siya po ba ang may-ari ng Isla El Mundo? Akala ko government property pero hindi pala." Ang yaman siguro ng may-ari nitong isla dahil nagtayo pa siya ng resort. Just wow! "Tisoy ang tawag ng pamilya namin sa kanya pero Zachary El Mundo ang tunay niyang pangalan," banggit niya sa tunay na pangalan ng may-ari ng isla. "Ang bait pala ni Mr. El Mundo," komento ko naman. "Hindi lang mabait dahil gwapo pa siya. Bagay na bagay nga kayong dalawa," natatawang giit ni Mang Tonyo. "Mahilig po pala kayong magbiro Mang Tonyo," tumatawang sabi ko. Nagtawanan kami saglit pero biglang sumeryoso ang kanyang ekspresyon. "Mabait na bata si Tisoy pero ang tingin ng ibang tao rito sa kanya ay masama," aniya. "Bakit naman po?" curious na tanong ko. Hindi ba't sabi ni Mang Tonyo na mabait si Mr. El Mundo? Bakit masamang tao siya sa paningin ng iba? "Nilason kasi sila ng nakaraan. Pasensya na pero 'yon lamang ang masasabi ko sa'yo," ani Mang Tonyo bago muling tumahimik at tila may inaalala. "Ayos lang po sa'kin kahit huwag niyong sabihin ang buong kwento. Naiintindihan ko naman po." Dayo lang ako rito kaya nakakahiya namang mamasukan sa buhay ng mga taga rito. Pero napapaisip talaga ako bakit gano'n ang trato ng iba kay Mr. El Mundo? Sa tingin ko naman ay mabuti talaga siyang tao. "Nandito na tayo hija, aalalayan na lang kitang bumaba dahil baka madulas ka pa." Inalalayan na ako ni Mang Tonyo pababa sa dalampasihan bago niya tinawag 'yung binatilyong nakatayo lamang sa tabi. "Henry! Halika dito at tulungan mo akong ibaba itong mga bagahe ng bisita natin." Pinagmasdan ko ang buong paligid at napagtanto kong lahat ng tao rito sa daungan ay may kanya-kanyang ginagawa. Ang ganda pala talaga ng El Mundo at tama 'yung sinabi ni Mang Tonyo na maganda ang tanawin dito. Hinding-hindi ako magsasawang mag-site seeing dito. "Ang ganda talaga!" hindi mapigilang hiyaw ko dahil sa pagkamangha. "Hija, ihahatid ka na lang namin doon sa resort upang makapag pahinga ka na. Alam kong pagod ka sa byahe." Nilingon ko si Mang Tonyo kasama yung binatilyong buhat 'yung mga maleta ko. Nahiya naman ako kaya nilapitan ko sila at kinuha yung isang maleta. "Naku! Baka nakaka-abala po ako sa inyo?" Madami pa siguro silang gagawin pero inaabala ko pa sila. "Ayos lang sa amin 'yon hija. Dayo ka rito kaya dapat ihatid ka namin doon. Siya nga pala, ipapakilala kita sa pangalawang anak kong si Henry. Henry siya si Snow, bisita natin dito sa isla." Pinakilala ako ni Mang Tonyo sa bunso niyang anak kaya kinamayan ko siya. "Hello Henry, salamat sa pagtulong mo kanina," nakangiting bati ko sa binatilyo. "Ayos lang po iyon Ate Snow, tinutulungan ko po kasi si tatay kapag wala kaming pasok," sagot niya. May paaralan pala dito? Ano pa ang mga bagay na meron dito sa isla aside from resort and school? Aalamin ko 'yan soon kapag maglalakad-lakad ako, sa ngayon ay matutulog muna ako para makapag-rest. "Tinawagan ko na si Pareng Roel para sunduin niya tayo. Halina kayo't pumunta tayo roon sa kalsada para madali tayong mahanap ni Roel," sabi ni Mang Tonyo sa amin kaya sumunod na kami sa kanya. Noong nandito kami sa kalsada ay sakto namang may pumaradang sasakyang sa harap namin. "Tonyo! Ito ba ang sinasabi mong bisita natin dito sa isla?" ani ng nagmamaneho sa sasakyan. "Oo Pareng Roel, siya nga. Ilalagay lang namin ni Henry itong mga bagahe niya sa likod para makaalis na tayo," sumbat naman ni Mang Tonyo. "Magandang araw po Mang Roel. Ako po si Snow," pagpapakilala ko sa'king sarili. Binigyan naman ako ng isang ngiti ni Mang Roel bago sumagot. "Aba'y napakaganda mo pala hija. Tiyak na madaming mga kalalakihan ang magpapapansin sa'yo rito," komento ni Mang Roel. Palabiro rin pala itong si Mang Roel. Nakakatuwa silang kasama. "Siguradong mapapansin ka ni Tisoy kahit matanda iyon ng ilang taon kumpara sa'yo," dagdag pa niya. "Sinabi ko sa kanya na bagay sila ni Tisoy pero sinabihan niya lamang ako na palabiro," singit naman ni Mang Tonyo. Nahihiya na ako sa pinag-uusapan nila dahil hindi ko pa nakikita si Mr. El Mundo. Baka marinig pa ng iba 'yung pinag-uusapan nila dito. "Mang Roel, hindi pa po ba tayo aalis?" Sumingit na ako sa tawanan nila dahil nahihiya ako. Tumingin naman sila sa akin pero nagtawanan ulit sila. "Tignan mo siya Tonyo, namumula yung pisnge niya," tukso pa ni Mang Roel. Tinakpan ko na lang yung mukha ko para itago yung namumula kong pisnge. Ano ba naman kasi 'yan, bakit nila ako inaasar, dyusko! "Oh siya, sumakay na kayo para makaalis na tayo. Pagpasensyahan mo na kami neng, ngayon lang kasi kami nakakita ng napakagandang dilag na gaya mo," paliwanang ni Mang Tonyo. "Bolero rin pala kayo Mang Tonyo," komento ko naman sa sinabi niya. Sa dinami-rami ba naman ng mga turistang dumadayo dito tapos sa akin pa sinabi iyon. Tiyak namang madami na silang nakitang mas maganda kumpara sa akin. "Totoo po ang sinasabi nila tatay, Ate Snow. Kakaiba po ang taglay mong ganda." Sumingit na si Henry sa usapan kaya napatingin ako sa kanya. "Ikaw Henry, bata ka pa kaya huwag kang matutong mambola," mahinang bulong ko sa kanya pero humagikgik lang siya. "Hindi po pambobola 'yung sinabi namin ate, totoo po ang mga 'yon," sumbat naman niya. "Hayss. Salamat na lang kung gano'n," sabi ko na lang. Tahimik ang byahe namin papunta sa resort pero maya-maya ay umingay noong nagsalita si Mang Roel. "Nandito na tayo sa resort. Pwede na kayong bumaba at nang maihatid na natin itong si Snow sa kanyang tutuluyang kwarto." Bumaba na nga kami tapos sila na ang nagbaba sa mga maleta ko habang ako naman ay kumukuha ng litrato sa paligid. "Dumiretso muna tayo doon sa front desk para ibigay nila sa'yo ang susi ng kwartong tutuluyan mo. Mukhang pagod na pagod ka yata sa byahe kaya kailangan mong magpahinga ng mabuti," sambit ni Mang Tonyo na may halong pag-aalala. Namiss ko agad si dad pero hindi ko muna siya iisipin sa ngayon. "Sige po pero sandali lang. Magpa-picture muna tayo dito para may remembrance naman po ako sa inyo," tawag ko sa kanila. Nagtinginan naman sila bago nagngitian. "Ibaba niyo po muna 'yang mga maleta ko at lumapit kayo sa akin para magpa-picture tayo," dagdag ko pa. "Aba'y oo naman. Gusto rin naming magpakuha ng litrato kasama ka," tuwang-tuwang sambit ni Mang Roel. "Elena, halika nga rito at kuhanan mo kami ng litrato kasama ang ating magandang bisita na si Snow!" tawag ni Mang Tonyo sa dalaginding na dumaan sa harap namin. "Sige po, Mang Tonyo," magalang na sumbat ng dalaginding bago lumapit sa amin. Tinuro ko muna 'yung pipindutin niya sa camera bago bumalik sa posisyon ko. "Galingan mo ang pagkuha ng litrato, Elena. Ipapa-frame ko ito para ilagay sa sala namin," ani Mang Tonyo. "Ako rin. Isasabit ko ang litrato natin sa sala namin," pahabol din ni Mang Roel. "Opo. Ngumiti ho kayo para kuhanan ko na kayo ng litrato," ani Elena bago kami kinuhanan ng picture. "Thank you, Elena," sabi ko sa kanya noong tapos na niya kaming picturan. "Wala pong anuman ate. Aalis na po ako dahil may gagawin pa ako sa bahay," paalam niya sa amin. "Sige. Ingat," sumbat ko naman bago siya tuluyang tumalikod at naglakad paalis. "Pahingi ako ng kopya ng litrato natin Snow. Ipapa-frame ko kapag may pera na ako," sambit ni Mang Roel habang nakatitig sa picture namin. "Pahingi rin ako ng kopya," dagdag naman ni Mang Tonyo. "Naku, huwag na po kayong mag-alala dahil ako na po ang bahala sa picture natin." Ako na ang magpapa-frame para hindi na sila gumastos para lang sa picture frame. "Salamat Snow. Tara na sa loob dahil matagal na tayong nakatayo rito sa labas." Sinunod namin yung sinabi ni Mang Tonyo dahil medyo matagal na kasi kaming nag-uusap dito sa labas. Dumaan kami sa front desk at binigyan nila ang ng susi kaya dumiretso kami sa room na tutuluyan ko. Hinatid pa ako nila Mang Roel hanggang dito sa harap ng room ko kaya sobra na ang utang na loob ko sa kanila. "Maraming salamat po talaga sa inyo. Malaking tulong na po ang ginawa niyo para sa akin." "Huwag mo ng isipin iyon, Snow. Magpahinga ka na dahil pagod ka sa byahe," sabi ni Mang Tonyo bago binaba 'yung maleta kong bitbit niya. "Aalis na kami para makapag pahinga ka na," paalam naman ni Mang Roel. "Sige po. Thank you po talaga," ani ko. Umalis na sila at ako naman ay inisa-isang pinasok 'yung mga maleta ko bago humiga sa malambot na kama. Hindi nagtagal ay nilamon na rin ako ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD