Kabanata One: Ang Pagtakas

2532 Words
[Stacey's] "Ano po? Hindi niyo po ako pwedeng utusan na magpakasal sa lalaking hindi ko naman mahal. Marriage for convenience isn't my thing, mommy. Tsaka, gusto kong kapag magpapakasal ako ay doon sa taong mahal ko," mahinang sumbat ko sa mga magulang ko. Gusto nila akong ipakasal para sa ikabubuti ng business namin pero hindi ako papayag dahil labag iyon sa akin kalooban. "But dear, gwapo naman si Sean 'di ba? May pinag-aralan din naman siya and same university pa kayo nagtapos," mahinahong giit naman ni mommy. Kahit gwapo man si Sean pero hindi ko talaga siya mahal. I can't marry someone I don't really love because I believe in true love. "How about love, mom? Are we just going to enter a loveless marriage? Hindi namin mahal ang isa't isa and besides, we're still young for that. Don't you think we must enjoy our lives before entering the married life?" Bakit ba nila pinipilit na pakasalan ko si Sean? Hindi ba nila makita na hindi ako pabor sa gusto nila? Ilang buwan na nila akong pinipilit sa gusto nila pero palagi akong umaayaw sa tuwing iyon ang usapan. "Stacey, listen to your mom. Para rin naman sa ikabubuti mo itong ginagawa namin. We're just securing your future and tama ang mommy mo, edukado si Sean at may mabuti ring kalooban," singit naman ni dad sa usapan. Nandito kami ngayon sa office ni dad para pag-usapan na naman ang arranged marriage between me and Sean. Siguro isang-libong beses ko ng tinanggihan ang kasal pero persistent sila mommy at daddy. "Pero dad, how about my happiness? Ayos lang po ba sa inyo na ipakasal ako sa lalaking hindi ko naman mahal?" Bakit ba hindi nila i-consider yung side ko? Does that mean their perspective is all that matters the most? How about mine? "I'm sure you will learn to love Sean, right Stacey anak? Masunurin ka naman kaya sana pakinggan mo kami ng dad mo," nakangiting sabi ni mommy bago hinawakan ang akin kamay tsaka pinisil ng mahina. Ano naman kung masunurin ako? Kailangan ko pa bang i-sacrifice ang kasiyahan ko para sa business namin? I think this time, I have to make a good decision for myself. "Marriage is forever, mommy. Please pakinggan niyo naman po ako, ayokong matali kay Sean. I'm still young and I just finished my studies kaya hayaan niyo sanang i-enjoy ko muna ang buhay ko bago ako pumasok sa married life," ani ko habang nakatingin sa malawak na hardin ni mommy sa labas. Ang hirap maging mabait at masunurin na anak dahil mahirap tumanggi sa gusto ng mga magulang kahit labag sa loob. "Stacey Snow Garcia Rodriquez," tawag ni dad sa buong pangalan ko kaya agad akong tumingin sa kanya. Seryoso na ang ekspresyon sa kanyang mukha kaya alam kong wala na talaga akong ibang pagpipilian aside from saying yes. "Makinig ka sa amin ng mommy mo dahil wala ka ng ibang choice," dagdag pa niya. Huminga muna ako ng malalim bago sinabi ang katagang gustong-gusto nilang marinig mula sa akin. "Yes, dad. I will marry Sean." Pumayag man ako ngunit iba ang nasa kaloob-looban ko. Hindi ko siya papakasalan dahil tatakas ako bago pa nila ako ipakasal kay Sean. "Good. Alam ko namang papayag ka dahil hindi mo kami matitiis ng dad mo. Thank you, Stacey anak dahil pumayag ka na rin after how many months. Bumalik ka muna sa room mo at maiiwan pa kami ng dad mo rito upang ipaalam sa pamilya ni Sean na pumayag ka na," masayang sambit ni mommy. Si dad naman ay halatang masaya rin dahil sa sinabi ko. I feel sorry for making them smile because of a lie. "Opo, babalik na po ako sa kwarto ko. Bye mom! Bye dad!" Hinalikan ko muna si mommy sa pisnge bago nagpaalam. Ito na yata ang huling paalam ko sa kanila. I've made up my mind, tatakas na talaga ako pero hindi ko alam kung saan ako pupunta. "The number you dialed is cannot be reach. Please try again later." Paulit-ulit ko ng tinatawagan 'yung number ni Jerica pero cannot be reach. Sa kanya sana ako magpapatulong sa pagtakas ko pero hindi naman siya matawagan. "Nasaan kaya siya ngayon?" ani ko habang nakatingin sa screen ng phone ko. Nakapag-empake na ako ng mga damit at halos lahat ng mga gamit ko rito sa kwarto ay nilagay ko na sa apat na malalaking maletang dadalhin ko. Ready na akong tumakas pero hindi ko alam kung saan ako pupunta. "Then? Saan na ako pupunta?" Tumitig na lang ako sa apat na maletang nakahilata sa harap ko. Kaya ko kayang buhatin 'tong mga ito? Gusto kong bawasan 'yung mga dadalhin ko pero plano kong hindi uuwi ng ilang buwan hanggang sa ma-realize nila dad na hindi dapat nila ako ipakasal kay Sean. I'm still hoping they would reconsider their decision while I'm gone. Tumingin ako sa relong pambisig ko at nakita kong malalim na pala ang gabi, malapit ng maghating-gabi. "Konting oras na lang at aalis na ako," kinakabahang sambit ko. Madaming nagbabantay sa paligid ng bahay namin lalo na sa main gate kaya sa likod na lang ako dadaan para hindi nila mapansin na umalis ako. Mahirap na kapag nahuli ako nila dad dahil baka bukas na bukas din ay ipapakasal na ako sa Sean. Dinampot ko ang sticky notes sa bedside table tsaka ako nagsimulang magsulat ng liham para sa mga magulang ko. Maikli lang ang sinulat ko dahil nagpa-sorry lang naman ako about running away and that they don't have to worry about me dahil babalik din ako. "Alright, here we go. Aalis na talaga ako." Huminga muna ako ng malalim bago ako tumayo sa kama at sinimulan ng bitbitin ang dalawang maleta ko. Babalikan ko na lang 'yung dalawa kapag hindi ako nahuli. Maingat ang bawat galaw ko dahil ayokong lumikha ng anumang tunog baka magising sila mommy. Noong malapit na ako sa pintuan papunta sa likod ng bahay ay binilisan ko ang paglakad para makalabas na. "Okay, isang balikan na lang at pwede na akong makaalis ng matiwasay. Konting tyaga lang Stacey at makakaalis ka na sa bahay na ito," sambit ko sa'king sarili. Mabilis akong bumalik sa kwarto para kunin ang naiwan kong dalawang maleta at laking pasasalamat ko dahil wala pa ring nakakita sa akin. All of the maids are sleeping except for the guards kaya sila lang yung iiwasan ko. Ngayong nakalabas na ako sa bahay namin ay tila isang accomplishment iyon. Mahigpit ang security dito sa bahay namin kaya parang isang himala na tagumpay akong nakalabas. Maingat akong naglakad papunta sa kotse kong nakaparada dito rin lang sa likod. Sinadya kong pinarada rito 'tong kotse ko kaninang hapon para may masakyan ako palabas ng village namin. Ang plano ko ay ipapaiwan ko itong kotse ko sa condominium building na tinutuluyan ni Jerica para siya na muna ang bahalang mag-alaga habang wala ako rito. Mag-commute na lang ako papunta sa kung saan man ako dadalhin ng mga sasakyan ko mamaya. "Manong, ipapaiwan ko po 'tong kotse ko rito. Pakibigay na lang po yung susi sa nakatira doon sa 1810," bilin ko kay manong guard bago binigay 'yung susi ng sasakyan ko sa kanya. Tinanggap naman niya yung susi pero nagtanong muna siya kung kaano-ano ko raw yung nakatira sa Room 1810. "Kaibigan ko po siya, manong. Kapag nagtanong kung bakit ko pinaiwan 'yung susi sa kanya, pakisabi na lang po na tawagan niya ako. Salamat po," ani ko. "Gano'n po ba? Sige ma'am, ibibigay ko na lang po sa kaibigan niyo mamayang pagsikat ng araw," sagot ni manong. Sakto namang may pumaradang taxi sa harap ko kaya sinenyasan ko yung driver na ipasok sa loob 'yung mga maletang dala ko. "Maraming salamat po manong. Alis na po ako," paalam ko kay manong. "Saan po tayo ma'am?" tanong agad nung driver noong sumakay na ako. Actually wala akong alam kung saan nga ba ako pupunta kaya sumagot na lang ako ng, "sa pinakamalayong bus terminal po." "Madami pong terminal dito ma'am." Tama nga naman si manong. Madaming terminal dito pero ni isa ay wala akong alam, dyusko. "Ahhh, doon na lang po sa pinakamalapit na terminal dito. Doon na lang po ako bababa," ani ko. "Sige po ma'am." Hindi ko na kinausap pa si manong dahil ang totoo ay kinakabahan ako sa kung ano mang pwedeng mangyari sa akin. Ito ang unang beses na gagawin ko ito kaya sobra akong nababahala pero ayoko namang bumalik doon sa bahay. Nandito na ako kaya paninindigan ko na ang aking plano. Siguro mga thirty minutes ang byahe namin bago huminto si manong sa paradan ng mga bus. "Dito na po ako bababa manong?" tanong ko. "Opo ma'am. Nandito na po tayo," sumbat naman niya. Binigay ko na yung pasahe ko bago bumaba pero tinulungan muna ako ni manong na ibaba 'yung mga bagahe ko. "Saang bus po ba kayo sasakay para ikarga na natin itong mga maleta mo?" tanong niya sa akin na siyang ikinatulala ko. "Ahh," nalilitong sambit ko habang patingin-tingin sa paligid. "Doon po ako sasakay. Doon sa blue na bus sa may gilid," turo ko sa bus na sasakyan ko. Hindi na nagsalita si manong at binuhat 'yung mga maleta ko tsaka naglakad papunta sa bus na tinuro ko. Ako naman ay sumunod na lang sa kanya habang hawak ang isa ko pang maleta. "Maraming salamat po sa pagbitbit nitong mga maleta ko manong," ngiting pasasalamat ko sa kanya. "Walang anuman ma'am, trabaho ko po 'yon," aniya. Sumakay na ako sa bus at umupo sa likod dahil doon lang yung bakante. Nilalamig pa naman din ako dahil naka-lace tank top at shorts lamang ako. Nakalimutan kong mag-jacket dahil nag-ru-rush ako kanina. Umandar na yung bus kaya sumandal ako sa bintana para matulog saglit. Kulang ako sa tulog at pagod na rin dahil aligaga akong mag-empake kaninang hapon. Mabuti na lang at may sapat akong cash na pera para hindi ako kapusin ng budget habang wala ako sa bahay. "Lord, hindi ko po alam kung saan ako mapapadpad pero sana gabayan niyo po ako," piping dalangin ko bago ako nilamon ng antok. "Ma'am, gising na po. Nandito na po tayo sa paradan." Naramdaman kong may mahinang yumuyugyog sa balikat ko kaya binuksan ko ang aking mga mata. "Paradan?" tanong ko at tumingin-tingin sa paligid. So nag-stop na naman kami sa isa pang paradan? Ano na ang susunod na gagawin ko? Sasakay ba ulit ako? "Opo, hanggang dito lang po kami," sagot ng kundoktor. "Pwede po bang magtapulong sa pagbitbit ng mga maleta ko? Sasakay po ako sa bus na iyon," ani ko sabay turo sa pulang bus sa side ng acacia tree. "Sige po ma'am. Bumaba na po kayo para makasakay ka na sa bus na iyon dahil malapit ng umalis," aniya. Malaki ang pasasalamat ko dahil mabait ang mga taong nakahalubilo ko. They even helped me without asking for a tip kahit nag-aabot nga ako ng konting pera bilang pasasalamat sa ginawa nila pero tinatanggihan nila. Ang oras ngayon ay 3:30 AM pero paalis pa lang itong bus na sinakyan ko. Ang sabi ng driver, hihinto daw 'tong bus sa pier kaya hindi na ako bumaba. Gusto kong lumayo ng husto kaya magandang idea 'yung sasakay ako sa bangka palayo. "Siguradong mag-aalala sila mommy kapag nalaman nilang wala ako sa bahay," mahinang sambit ko habang nakatitig sa labas ng bintana. They aren't expecting that their good daughter would ever think about escaping without them knowing. I feel guilty pero hindi ako babalik. Pumikit na lang ako para iwasang isipin ang mga magulang ko dahil baka hindi ko na itutuloy ang plano kong pagtakas. Noong gumising ako ay naramdaman kong hindi na umaandar yung bus kaya nagtanong ako. "Manang, bakit po tayo huminto? Nandito na po ba tayo sa pier?" tanong ko sa aleng nakaupo sa harapan ko. "Oo hija, nandito na tayo," sagot niya ng nakangiti. "Gano'n po ba? Maraming salamat po sa pagsagot," sumbat ko naman. "Walang anuman hija. Oh siya, bumaba na tayo dahil baka mapuno ang mga bangka at wala na tayong masakyan," giit ulit ng ale. So kapag napuno ang bangka wala na laming masakyan? Omy! "Sige ho, bumaba na tayo." Bumaba na kami sa bus at nakita ko 'yung mga bagahe naming nakahilata sa lalagyan ng mga gamit doon sa ilalim ng puno. Mabuti naman at binaba na nila para hindi na kami mahirapan pa. "Sasakay pa ba kayo diyan o hindi na? Isang pasahero na lang ang pwede dito sa bangka!" Rinig kong sigaw ng may katandaang lalaki mula sa bangka. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa aking narinig. Isang pasahero na lang ang pwede? Paano na? Dalawa kami ni manang dito pero isa lang ang pwede. "Sumakay ka na lang po doon manang. Maghihintay na lang po ako ng susunod na bangka," ani ko. Nakakahiya naman kapag hindi ko pinasakay si manang. I'll just wait for another boat. "Aba'y maraming salamat hija! Pagpalain ka nawa ng Panginoon," aniya bago sumilay ang ngiti sa kanyang labi. "Naku, huwag na po kayong magpasalamat manang! Sumakay na po kayo dahil mukhang naiinip na yung may-ari ng bangka," ani ko. "Mag-ingat ka sa'yong pupuntahan, hija," giit pa ng ale. Nginitian ko lamang siya bago sumagot. "Opo." Dahil sa wala akong magawa ay umupo muna ako sa ilalim ng puno at binuksan ang aking telepono. Tumingin ako sa oras at napagtanto kong madaling araw na pala, it's already five in the morning. May naaninag akong papalapit na bangka kaya agad akong tumayo habang winawagayway ang aking kamay. "May pasahero po dito!" malakas na sigaw ko upang marinig nila. Maya-maya pa ay lumapit na sa kinaroroonan ko yung bangka kaya naman gumaan ang loob ko. Sa wakas, may masasakyan na ako. "Manong, saan po pupunta ang bangka niyo?" tanong ko sa nagmamaneho ng bangka. "Sa Isla El Mundo, hija. Sasakay ka ba?" sagot agad ni manong. Isla El Mundo? Sounds familiar pero hindi ko pa pinuntahan ang lugar na iyon. "Malayo po ba ang islang sinasabi niyo manong?" tanong ko ulit. "Isa't kalahating oras ang byahe papunta roon, hija. Medyo malayo kasi," aniya. One hour and thirty minutes? Medyo malayo nga pero para sa tatakas na gaya ko, pabor na iyon sa'kin. "Sasakay po ako manong. Pwede po bang arkilahin 'tong bangka mo manong? Nagmamadali po kasi ako tapos madami pa po akong dalang bagahe," pakiusap ko sa kanya. Sana pumayag siya dahil gusto ko na talagang makapagpahiga ng matiwasay. "Pwede naman hija pero mahal ang arkila dahil nag-iisa ka lang. Ayos ba sa'yo kahit mahal ang pamasahe?" tanong niya sa akin. "Ayos lang po sa'kin manong basta makarating ako doon sa sinasabi mong isla," sagot ko naman. "Oh sige, sumakay ka na hija ng makaalis na tayo," aniya. Sumakay na ako sa bangka at umupo ng komportable bago pinaandar ni manong ang makina. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin sa Isla El Mundo pero doon lamang ang lugar kung saan ligtas ako. Alam ko at nararamdaman kong ligtas ako roon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD