Kabanata Six

1510 Words
Stacey's POV Gabi na pero iniisip ko pa rin yung sinabi ni Sarah noong tinanong ko siya tungkol sa parola. Bakit kailangan pang kausapin si Mr. El Mundo? Kailangan pa bang magpaalam sa kanya bago pumunta doon? “Parang nahihiya akong kausapin si Mr. El Mundo. Baka sungitan na naman niya ako,” mahinang sambit ko habang sinusuklay ang mahaba kong buhok. Medyo pagod ako ngayon dahil sa nilakad namin ni Sarah pero gusto ko pang maglakad-lakad sa dalampasigan. I'm getting addicted with walking on the shore at night. Ang peaceful kasi lalo na at mag-isa lang ako. Tumingin ako saglit sa terrace at naaninag ang bilog na buwan. “Hmm. Wala naman sigurong multo dito kaya pwede ulit akong lumabas,” ani ko. Mabilis kong kinuha ang cellphone ko sa aking kama at patakbong lumabas sa room ko para maglakad sa dalampasigan. May mga tao pa sa labas ng hotel pero wala nang tao sa dalampasigan. Mabuti na rin iyon para walang maingay sa paligid. “s**t. Nakalimutan kong itanong kay Sarah kung nagbebenta sila rito ng Sim Card.” Napapikit na lang ako sa inis. Tinapon ko kasi yung dati kong Sim Card para hindi na ako matawagan nila mommy. Hindi na rin ako gumagamit ng social media since nakarating ako rito. “I need to call Aeryl.” Kailang ko siyang i-update sa buhay ko rito dahil siya lang ang nakakaalam sa plano kong tumakas sa bahay. She's my bestfriend and alam kong nag-aalala na siya sa akin. Bukas na bukas din ay magpapasama ulit ako kay Sarah para maghanap ng Sim Card. Binulsa ko na ang hawak kong phone at saglit na tumingin sa buwan noong nakarinig ako ng parang nabasag na bote. Agad kong hinanap kung saan iyon galing pero lalo pa akong nag-panic noong may nabasag na naman. Napako ang mga mata ko sa may batuhan, alam kong doon galing yung ingay. Mabilis akong lumapit sa batuhan para i-check kung anong nangyayari. “Oh my gosh!” malakas na hiyaw ko noong nakita kong may bumagsak sa dagat. Madilim ngayon pero alam kong tao iyon! Agad kong kinuha yung phone ko at in-on ang flashlight para tignan yung taong nahulog pero wala akong makita. Sobra ang takot at kaba ko baka nalunod na siya at dahil doon, basta ko na lang iniwan sa bato ang cellphone ko at mabilis na tumalon sa dagat. “Mmm...” Medyo nagsisi ako kung bakit ako tumalon dahil ang lamig ng tubig. Lumingon-lingon ako sa paligid hanggang sa may naaninag akong puting shirt. Hindi ko makita ang mukha ng lalaki dahil madilin kaya hinawakan ko na lang ang kanyang kamay at hinila pataas. Muntikan na akong mapahiyaw sa gulat noong hinatak ako ng lalaki palapit sa kanya. Pinipilit ko siyang itulak ngunit napahinto ako noong tinamaan ng sinag ng buwan ang mukha niya. Gulat na gulat ako dahil si Mr. El Mundo pala ito! Nakita ko siyang ngumisi bago niya ako hinila para makaahon. Hinahabol ko pa yung hininga ko pero nakangisi pa rin siya kaya tumaas bigla yung dugo ko. “Ghad. I just wasted my time here,” inis na giit ko bago lumangoy papunta sa dalampasigan. Nakita ko rin siyang lumangoy papunta sa dalampasigan kaya binilisan ko ang paglangoy. “What? Did I tell you to jump?” he mumbled, sarcastically. I raised one brow and faced him. “Kung alam ko lang na ikaw `yon, hindi na ako nag-aksaya ng oras para tumalon,” ani ko. Napayakap ako sa'king sarili noong umihip ang malakas na hangin. Sobra talaga ang pagsisisi ko na tumalon, I'll never do it again kung ganito lang din ang aabutin ko. Mom would be so mad at me kapag nakita niya yung ginawa ko. Mr. El Mundo hissed. “If you didn't jump then you wouldn't be standing in front of me..... wet,” he murmured as he eyed me from head to toe. “Excuse me? Alam mo, wala kang kwentang kausap.” Tinalikuran ko na siya at nagsimulang maglakad palayo pero pinigilan niya ako. “What?!” inis na sgaw ko. “Are you sure about going back to the hotel looking like that?” he asked. “Oo, bakit?” mataray na sagot ko. He let out a sarcastic laugh which irritated me more. Magsasalita sana ako noong bigla siyang sumeryoso at lumapit sa akin ng husto. Napaatras ako ngunit hinawakan niya ang likod ko gamit ang kanyang kanang kamay. Dumoble pa ang kaba ko nung inilapit niya ang kanyang mukha sa tainga ko Ramdam na ramdam ko yung hininga niya sa leeg ko kaya hindi ako makagalaw. “Red suits you, luv,” mahinang sambit niya. Hindi ako naka-react agad dahil hindi ko pa nakuha ang ibig niyang sabihin. Ilang segundo pa ang nakalipas tsaka ko na-realize ang sinabi niya. “Bastos!” hiyaw ko bago siya malakas na tinulak palayo sa akin. Agad kong tinakpan ang dibdib ko at tumingin ng masama sa kanya pero blanko lang ang kanyang ekspresyon. “Stay here. Don't you dare walk away,” he said with such authority that it fazed me. Hindi ko alam bakit ako natameme sa tono ng boses niya. Pinagmasdan ko lang siyang bumalik sa batuhan at kinuha ang kanyang coat tsaka bumalik sa kinatatayuan ko. “Isuot mo `to kung ayaw mong mabastos,” aniya tsaka binigay sa akin ang coat na kinuha niya. Ayokong mag-inarte sa sitwasyon na ganito dahil ayoko namang mabastos. “Ibabalik ko itong coat mo bukas na bukas din,” ani ko. Tumalikod na ako sa kanya at nagsimulang maglakad palayo pero narinig ko ang huli niyang sinabi. “You can keep it. It smells like me.” “No one wants to smell like you!” sigaw ko nang hindi lumilingon. Malapit na ako sa hotel noong umihip na naman ang malakas ng hangin. “s**t. Ang laming!” nanginginig na sambit ko. Binilisan ko na lang na maglakad hanggang sa nakarating na ako sa room ko. Dumiretso na ako sa bathroom para maligo. Mabilis ang mga kilos ko dahil late na pero naliligo pa rin ako. Ito ang pangatlong ligo ko ngayong araw. Kung hindi lang sana kasi ako nabasa kanina then hindi sana ako naliligo ngayon. Tapos na akong maligo at tapos ko na ring pinatuyo ang buhok ko pero nakaupo pa rin ako sa harap ng salamin. Iniisip ko kasi na parang may naiwan ako sa batuhan. Mayamaya ay nanlaki ang mga mata ko noong naalala ko na may naiwan nga ako. “Naiwan ko yung phone ko!” Nagmamadali kasi akong umalis kanina kaya nakalimutan kong hawak ko pala yung phone ko noong lumabas ako. “Oh my gosh! Baka mawala `yon!” hysterical na sigaw ko. I have to get it before someone finds it. Nagmadali na naman akong umalis sa room ko pero napahinto ako noong binuksan ko yung pinto. Nakatayo si Mr. El Mundo sa pintuan habang hawak ang phone ko. “Looking for this?” nakangising giit niya at ipinakita sa akin ang hawak niyang phone. “Give it to me,” I said as I tried grabbing it from him. “Are you really going out wearing that?” he marveled. “Anong mali sa suot ko? Babalikan ko lang naman yung phone ko.” Seriously, what's wrong with him? Naka-nightgown lang naman ako ah? Normal lang naman na ganito ang suot kapag matutulog na. Nakita ko na naman siyang ngumisi bago ako hinila papasok sa loob ng room ko. He closed the door and cornered me by putting both of his arms on both sides of my head. He's too close again and I can feel his breath, it's warm. “W-what are you d-doing?” I asked with a low voice. Bakit ang lapit niya sa akin? “Ilang taon ka na? Twenty-one? You shouldn't dress like that, luv” mahinang giit niya. Napalunok na lang ako dahil wala akong masabi. Ang lalim ng boses niya, sobra. “Can y-you stay a-away f-from m-me?” I barely manage to utter. Instead of moving away, he close the small gap between us. Magkadikit na ang katawan namin ngayon na siyang nagpalakas ng t***k ng puso ko. “What? You don't like this kind of intimacy?” he asked with his eyes looking at me. “Of c-course n-not!” I don't want to stammer but I can't talk straight. “Good,” he uttered. Lumayo na siya pero nakatitig pa rin siya sa akin. “Ganyan ang mangyayari kapag lalabas ka na ganyan ang suot. Here's your phone. Now, get back to bed and sleep. I'm leaving.” Iyan ang huli kong narinig mula sa kanya bago niya nilisan ang room ko. What happened? Lumilipad pa rin yung utak ko dahil sa nangyari. Ano ba ang gusto niyang sabihin? Naguguluhan ako dahil hindi naman ganyan si Mr. El Mundo. It's like he turned into a completely different person. What's with him? “Sino ka ba talaga, Zachary El Mundo?” naguguluhang tanong ko habang nakatingin sa nakasarang pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD