ALP: NAPAPAILING AKONG 'di mapigilang mapangiti habang nakamata ditong pabalik na ng garden kung saan ang party ni daddy! F*ck! Natikman ko siya. Hindi man kami nagkausap ng masinsinan ay para akong nagkaroon ng panibagong pag-asa. Pag-sa para sa aming dalawa! "Ahem! Can we talk Kuya?" namilog ang mga mata kong napaayos ng tayo ng may tumikhim na nagsalitang baritonong boses sa likuran ko. Bigla akong kinabahan na makakausap ng pangsolohan....ang nakababata kong kapatid. Pilit akong ngumiti at tumango dito. Nakahinga ako ng maluwag ng tapikin ako nito sa braso at hinila sa gawi ng pool area. Naupo kami sa mga nakahilerang lounge chair dito na natahimik bigla at nagpapakiramdaman kung sinong unang magsasalita. Na-guilty naman ako sa ginawa namin ni Shayne kani-kanina lang! Napakuyom ako