IRISH: PALAKAD-LAKAD AKO sa silid naming mag-ina at 'di mapakali! Para akong kinakabahan at hindi makalma ang isip at puso! Nahihimbing na si Kenzo sa kama at tapos na rin ang party. Natatakot naman akong lumabas ng silid dahil baka nandidito pa ang bweset na Alp na 'yon! Kainis! Tama bang kunin niya ang panty ko? Shuttaah! naisahan pa ako ng mokong! Ang bilis na niyang kumilos ngayon na nalalagpasan na ang kapilyahan ko f*ck! Napaiktad ako ng mag-vibrate ang phone ko sa bedside table kaya dali-dali ko itong tinungo. Napapilig ako ng ulo na makitang unregistered ang caller. Bigla akong kinabahan! Parang may nag-uudyok sa aking...sagutin ko ito. Napahinga ako ng malalim at pilit kinalma ang sarili bago sinagot ang caller. "Señorita Irish?" ani ng baritonong boses sa kabilang linya. Napa