Therese POV
First day na wala sina Kuya, Tiff and Mommy. I miss them, lalo na ang ingay ni Tiff sa umaga. I was already awake pero nasa higaan pa din ako. It was 5 am, di na ako makatulog. I stared at the ceiling, thinking about them.
Binuksan ko yung laptop ko and opened my account. May messages from friends pero inuna ko yung message ni kuya. It was sent a few minutes ago. Ano na kayang oras doon ngaun? I typed in my reply. Nangungumusta lang naman siya.
I told him na nandito na si Kuya Alex, I guess naninibago siya. I also think that he feels shy lalo na parang na OOP siya. Next thing I know, video call na pala. Nakita ko si Mommy and Tiff, Kuya was at the background.
Nakarating na sila. Mom was wearing her favorite jacket, yung lagi niyang sinusuot pag lumalabas kami ng bansa. Tiff was clinging to kuya saka babalik para makipag usap sakin.
“Hi, anak. It must be morning there. It about night time here eh.” Mom said. I smiled.
“Yes, morning na po dito. Nagising ako ng maaga, wala kasi kayo. Namimiss ko na kayo.” I pouted.
“Wag ka mag alala, magkikita din tayo. Did your daddy tell you?” lumingon naman si Mommy sa likod.
“Ahh yung ano ni Kuya? I know na po. Di po ba siya magagalit?” I said.
“Hay alam mo naman yang kuya mo, di yan. Konting lambing ko lang jan.” napatawa naman si Mommy.
“Ate! Anjan na ba yung isa nating kuya? How is he?” singit ng bunso
“Umuwi ka para makilala mo.” Napabusangot naman ito saka umupo sa lap ni Mommy.
“How is he babe? Please treat him good ha? Hindi biro yung pinagdadaanan din niya ngaun.” Said Mommy.
“Opo. Sasamahan ko nga siya mamaya kasi na enroll na siya ni dad sa school.” Sabi ko.
“Good. Mabait naman ba? Is he shy sa first day niya?” mommy asked.
“Yes, mom. Parang kinikilala pa talaga kami. Mom he really looks like dad and in a way, parang andito lang si kuya. Masyadong seryoso at tahimik to.” Sabi ko.
“It’s okay hon. Be his friend. Kawawa naman ang kuya mo.” Mom said.
“Yes, mom. Ako na po bahala.”
“Cge iha, kasi magdidinner kami with your uncles.” Pamama alam ni Mommy.
“Cge po, mommy. Ingat po kayong lahat jan. Ikiss tsaka ihug niyo nalang ako kay kuya.” I chuckled. Ayaw niya kasi minsan ng ganun.
I closed my laptop. Saktong 15 minutes bago mag 6 am kung kaya’t bumangon na ako at naligo. After nun, naghanda na ako for school. Yung class ko nasa hapon pa but I will have to accompany kuya.
Paglabas ko ng pintuan, nakitang kong nakasandal si kuya dala dala ang pang ligo niya. Lumaki mata ko nung ma realize bakit pala siya andun.
“Hala s**t, kuya sorry! Nakalimutan ko nanaman. Teka, tapos na ako. Cge maligo ka na.” Lumabas na ako sa kwarto at hinayaan siyang makapasok.
“Good morning!”Mahinang sabi niya bago pumasok.
“Good morning din!” bati ko naman sa kanya pabalik.
I went down and saw Daddy na nagkakape, it was 6.30 am, binati ko siya sabay halik sa pisngi. Umupo ako sa kaliwang side saka nagsimulang kumain.
“Daddy, kelangan natin ng tobero. Yung linya ng water sa kwarto ni kuya ay sira. Kelangan ayusin. Nakaka awang maghihintay pa siya sakin makagamit lang ng washroom.” I said habang kumakain.
“Okay, I’ll ask manang mamay para makontak yung tobero. Where is he?” tanong niya.
“My bathroom, naliligo na.” I said.
“Okay. Anong oras class mo?”
“Ahh mamaya pa pong hapon, sasamahan ko lang si kuya ngayong umaga.”
“That’s good. Ikaw na bahala sa kuya mo.”
Bumaba naman si Cristoff na ready na din. Binati niya lang si dad then umupo saka nagsimulang kumain. Dad just sighed. I held his hand saka ako umiling. I know he knows Cristoff needs more time. Bumaba na din si kuya na nakabihis na. Umupo siya sa isang side matapos mabati si daddy.
Tahimik kaming kumakain, nakakabingi. Di ako sanay. So I broke the silence.
“Ah, kuya… I will accompany you half of the day. Mamaya pa kasi pasok ko. At saka may kukuha satin mamaya sa school, every 5 pm andun na si Mang Isko. So doon nalang natin siya aantayin.” Sabi ko. Tumango naman ito.
“You’re 18 na right? Alam mo ba magmaneho?” dad asked. Tumango siya.
“May license na din po ako. Kaya lang nabenta yung kotse ko.”
“That’s okay, yung isang kotse jan instead na imaneho kayo ni mang Isko, why not drive yourselves paschool?”
“Okay din sakin para di na masyadong mapagod si Mang Isko. Matanda na din naman siya. Mas mabuting pang asikasuhin nalang niya kung okay yung mga sasakyan.”
“Okay good. Kaya mo bang magmaneho ngayon?” dad asked na ikinatango niya.
“Cge, sabay sabay nalang kayo umalis.” Dad said and we all nod. Cristoff was just silent.
“Tope, what’s wrong?” bulong ko.
“Nothing ate, sabay sabay kasi quizzes ko today.” I chuckled.
“Kaya mo yan, I know you can”
Natapos na kaming kumain, isa isa kaming nagpaalam kay Daddy saka lumabas ng bahay. I saw Mang Isko saka ko siya nilapitan.
“Mang Isko”
“Senorita, bakit po?”
“Hihingin ko sana yung susi ng kotse kasi si Kuya Alex nalang po ang magddrive samin paroot parito.”
“Ah ganun po ba? Cge po, ito po yung susi.” Saka niya binigay yung susi. I smiled at him saka tumalikod na.
“O Kuya, kaw na magdala niyan total ikaw naman magddrive.” Bigay ko sa kanya ng susi. He got it saka kami sumakay na tatlo.
Maayos naman na nakapag drive si kuya pa school. I had to tell him saan dadaan, Pagkadating namin, we got out of the car. Nauna na si Cristoff kasi maaga ang klase nun.
Kami naman ni Kuya ay sabay napunta sa guidance office. Naiwan lang ako sa lounge nila at si kuya ang pinapasok.
It took him around 30 minutes kasi diniscuss pa sa kanya yung ground rules and policies ng school. Nang makalabas na siya, kasama niya yung head. Nabigla pa ang head na nakitang ako ang kasama.
“Miss Montecillo, good morning! May I know why you’re here?”
“Good morning din po mam, sinamahan ko lang po kuya ko.”
“Kuya mo?”
“Yes po.”
“Do you mean siya?” tinuro niya si kuya.
“Yes po.”
“Ahh must be a cousin.”
“Kapatid ko po.” Nagulat naman siya.
“I just hope po walang tsismis na magkalakat as this is the first time I introduced him to anyone.” Sabi ko. Mejo nagtaray ako ng konti para matakot naman sila.
“Oh, O-of c-course.”
“Have a good day mam.” Tumango ito saka kami lumabas.
Pumunta kami ni kuya sa canteen, maaga pa naman so pwede kaming maupo doon saka tignan ang schedule niya. Nabigyan na din siya nung first year package, kaya okay na siya to start.
Napansin ko din na pinagtitinginan si Kuya ng mga estudyante roon, mostly babae. Nag buntong hininga naman ako. As always, Montecillo nga naman.
Mahahalata mo din naman na Montecillo si Kuya. Halos kamukha siya ni Daddy, like me. Matangkad din, parang halos kay kuya, matalino naman din siguro kasi engineering siya eh.
As we sat on a free table, nilingon ko yung area and some girls were gawking. Napa irap ako saka tumingin kay kuya na nakatingin na pala sakin.
“May problema ba?” tanong niya, mahina lang ang boses niya.
“Naku kuya, kung si Kuya Matt wala dito ikaw naman siguro pagpipiyestahan ng mga babae rito.” Napatingin siya sa paligid.
“Bayaan mo sila. Ito pala schedule ko.” Inilahad niya sakin yung time table na binigay sa kanya.
“Oh, so mamayang 8 may class ka. Samahan nalang kita sa building niyo tapos sa library lang muna ako. 2 hours class mo. Then babalik nalang ako para samahan ka sa isa mo pang class.” Sabi ko. Tumango naman siya.
Tumayo na kami at akmang aalis na nang makasalubong naming sina Laurence. She eyed kuya saka sakin. Ngumiti siya but I never smiled back. Masyado tong feeling mayaman at sosyalera.
“Hi Therese! Sino kasama mo? Boyfriend mo?” aba’t, ni di man lang nangumusta muna.
“None of your business.” I said coldly.
“Harsh naman. I just wanna be friends.” She smiled kasama nun mga alipores niya.
“Pasensiya na, limited lang ang number of friends ko.” Nilagpasan ko na siya before ko hinapit ang braso ni kuya.
Papunta na kami sa building ng mga Engineering. Nakita ako ng mga lalakeng estudyante doon kung kaya’t panay papansin ang iba.
Di naman ang iba makalapit ng pinulupot ko ang kamay ko sa baywang ni kuya.
“Kuya, act like my bf. Pulupot mo braso mo sa balikat ko. May lalapit na eh.” Ginawa naman niya. Napahinto yung lumalapit sabay talikod na may pakamot pa. Nakita yun ni kuya pero seryoso lang siya.
Nang nasa harap na kami ng room niya, bumitaw na ako at pati na rin siya.
“So I’ll be back after 2 hours. Malapit lang naman library dito, ayun lang.” I said with a smile.
“Good luck sa first day mo kuya, fighting.” Napa aja naman mga kamay ko. Tinignan lang ako ni kuya saka tumango.
“Kuya naman eh.” Napa nguso ako. Napangiti siya ng tipid bago pumasok ng room.
“I watched him sit sa isang upuan malapit sa bintana then smiled. I made my way na sa library.”
Mag iisang oras na ako sa library, nagbabasa lang ng libro para mamaya, may pop quiz daw. May iilang students sa loob pero mapayapa pa din naman. Nasa isa akong table na walang katabi, I like how silent it was.
Kalaunan, napansin kong may umupo sa harap ko. Hindi ko pinansin pero yung amoy niya was so familiar.Ibinaba ko yung libro ko saka ko tinignan sino man yun. Halos malaglag panga ko nung makita ko si Andrew sa aking harap.
“H-hi!” ngiting sabi ko
“Kala ko nakalimutan mo na ako, Hello!”
“Ahh haha hindi naman. Mejo nagkaroon lang ng kinabibusyhan noong nakaraan.”
“Kinabubusyhan, meaning a guy?” nanlaki naman ang mata ko
“A-anong guy? Saan mo naman nakuha ang tsismis nay an?” napatawa ako.
“Some people saw you sa Engineering building, may nakayap na lalaki sayo pati na din daw ikaw?”
“Ahh y-yun. Wala lang yun.”
“Sino siya?” tanong nya, ayaw ko naman magsinungaling.
“Kapatid ko.”
“WHAAT?!” mejo napalakas niya ang boses niya saka Humingi ng sorry sa ibang students dun, nasaway kasi kami.
“Family Problems, remember? Ayoko naman siya ikaila. Di ko siya iaanounce pero kung may magtanong, di ako magsisinungaling.” Sabi ko. Mukhang nahimasmasan naman siya.
“I see. Wala akong pagsasabihan.” Sabi niya. Napangiti naman ako.
“So, can we have lunch together?” tanong niya. I looked at him from my book.
“Pasensya na, First day ni kuya sa school so siya muna sasamahan ko.” I said, tumango naman siya.
“How about I join you?” dagdag niya. Di din to titigil, hay nako.
“Ikaw bahala, babalik ako ng 10 sa building nila then ihahatid ko siya sa isa niyang klase tapos sabay na kaming mag lulunch.” Sabi ko.
“Sige, sasama ako. Wala kasi akong gagawin, mamaya pa.”
“Ikaw bahala.” Saka bumaling ulit sa libro. Mejo kinilig ako sa parteng, parang pinagselosan niya si kuya.
It was 10 minutes before 10 nang makalabas ako sa library, nakasunod naman si Andrew. We went to my Kuya’s building. Nag antay lang kami sandali saka na sila naglabasan.
“How’s it kuya?” bungad ko sa kanya ng makalabas siya. Hindi naman siya sumagot agad saka tinignan si Andrew. I recognize those stares, ala kuya Matt din.
“Ah Kuya, kaibigan ko, Si Andrew. Andrew, Kuya Alex ko.” Pakilala ko sa kanila.
“Hello!” bati ni Andrew, feeling sing edad lang sila. Nilahad nito ang kamay pero tinignan lang iyon ni Kuya. Napatawa naman ako saka hinapit na ang braso ni kuya para maka alis doon. That was awkward.
“Uhmmm, saan next class mo, Kuya?” I asked, pinakita niya sakin yung time table niya.
“Hmm okay, PE class. Cge, sa may bleachers ako mag aantay, tara na sa gym!” masigla kong sabi. Nakasunod pa din si Andrew samin.
Nang maiwan na namin si kuya sa class niya, pumunta kami ng bleachers. Nang maupo kami, saka dumaldal si Andrew.
“Kuya mo nga, parang si Matt din eh. Ang cold.” Sambit niya.
“Nasa dugo.” Napatawa kong sabi.
“Bakit ikaw at yung mga kapatid mo di naman?”
“Hmm, mana siguro kami kina Tita Grace and Tita Ranya, mga kapatid ng magulang namin. Daddy and Mommy were also cold daw nung kabataan pa nila.” I explained. Tumango naman siya.
“Pero kahit sila ganyan, mapagmahal sila lalo na samin. They may appear cold to everyone, pero family, they are loveable and warm. Ganun lang talaga sila sa iba.” Dagdag ko pa.
“Buti nalang di kayo pareho. I mean. Di kayo mga cold din.” Napangiti nalang ako.
Nag usap pa kami ng kung ano ano. Hindi namin namalayan na lunch time na. Tapos na din klase nila kuya. Bumaba na ako para salubungin siya.
“Hi kuya, ilan class pa meron ka mamaya?”
“One.”
“Sige, kain muna tayo!”
“Is he coming?” turo niya kay Andrew na nasa may exit na.
“Uhm, pwede ba?” tanong ko sa kanya. Hindi ito umimik at naglakad nalang palabas. Humabol naman ako at humawak sa braso niya.
Nang marating namin ang canteen, pinagtitinginan kami. I didn’t mind them, pero nakita kong halos tumulo na mga laway nila. Ikaw ba naman makasama ang dalawang hunky guys, o di ikaw na.
Naupo kami sa isang mesa, kami lang tatlo. I told kuya ako na oorder sa kanya, sumama naman si Andrew.
Nang matapos kami sa pila, bumalik kami sa table. May binabasa si Kuya sa cp niya. Nang makarating kami, agad naman niyang tinago ang cp niya. Nagtaka tuloy ako.
I gave him his share saka kami nagsimulang kumain. I told kuya na may pasok na ako mamaya pero ihahatid ko na muna siya sa last niyang class.
“Kuya, pag makalabas ka na, antayin mo kami ah. May pasok na ako hanggang 5 pati din si Cristoff. Itext mo nalang ako kung asan ka. Teka…” sinulat ko sa napkin yung number ko para meron siya. Ibinigay ko iyon sa kanya at agad naman niya iton kinuha.
Di ko alam kung anong masamang hangin ang dumapo samin nang may biglang nagsalita sa likod namin. It was Laurence yet again.
“Wow, exchanging digits na pala kayo ngayon. Grabe, Therese, dalawang guy talaga ang kasama mo. Ishare mo naman yung isa.” Matinis na boses na sabi niya. Mabuti nalang at patapos na kami, nauna nga lang si Andrew. Tumayo ito at hinarap si Laurence.
“Miss Dela Merced…” halos mapatili siya kasi kinausap na siya ni Andrew.
“Nawalan ako nang ganang kumain, nakita ko kasi kayo. Excuse me. Therese, Alex, mauna na ako.” Sabay umalis ito nang di tinitignan si Laurence. Nakabusangot naman ito.
“Therese, pwede mo ba akong ipakilala sa kaharap mo?” sabi niya na nakangiti pa.
“Kuya, gusto mong makilala?” bulong ko. Sumama lang ang itsura nito saka tumayo at naglakad palabas.
“Oops, that means no.” sabi ko saka tumayo at hinabol si kuya. Narinig ko na nagmura si Laurence nang maka alis kami. Di kasi yun sanay na ini ignora, well, except kay Kuya Matt.
Nang nahabol ko na si Kuya, pinulupot ang mga kamay ko sa braso niya. He did not mind. Sinamahan ko siya sa klase niya pang isa.
“Kuya ha, itext mo ko kung asan ka. Para sabay na tayo umuwi nina Cristoff.” Tumango lang siya.
“Yung number ko?” pinakita niya sakin yung napkin na nasa bulsa niya.
“I’ll save it later.” Saka pumasok na siya sa room. Ako naman ay naglakad na sa room namin.
Pagdating na pagdating ko sa room, pinalibutan kaagad ako ng mga kaklase ko.
“Uy, sino yung guy na kasama mo?
“Tere, asan kuya mo? Di ko siya nakita today.”
“Therese, pakilala mo naman samin mga boylet mo.”
Naririndi na ako sa mga pinagsasabi nila. I slump sa upuan ko saka nagbukas ng libro.
“May quiz mamaya, nagstudy na kayo?” Dun lang sila natigilan saka nagsimulang magbassa.
Nasa rest house kami ngayon, kahit na wala sina Mommy, Kuya and Tiff, we still continue what Mommy had placed as tradition sa family. We went to church and dito sa rest house. Dad really takes his off every Sunday, yun ang demand ni Mommy sa kanya so he can spend time with us.
Kasama na namin si Kuya Alex na pumupunta dito. Dad allowed him to tag along. Yun din naman kasi ang sabi ni Mommy. To let him feel na family talaga siya. Mommy is so soft hearted kaya I understand why Kuya had went to States with her.
Masyadong mabait kaya palaging nasasaktan. Kaya ganyan nalang si Kuya kaprotective kay Mommy. I am sitting on this bench na nasa labas lang ng bahay. Mang Isko is cooking the barbeque, Si Cristoff naman, babad nanaman sa dagat.
Dad was just in his massage chair, sleeping. While si Kuya, as he is silent pa din, nasa living room, nagbabasa. I wonder when he would open up. Napuntahan na din namin sina Kuya Matt sa States for his birthday, he met Kuya Alex pero hanggang pakikipag kilala lang.
Though, nag usap naman si Mommy and Kuya Alex and mukhang nagugustuhan naman niya si Kuya. I had to be the one entertaining him. Di pa din kasi siya ineentertain ni Kuya and Cristoff. Buti na lang, anjan si Tiff.
She was so curious with him na minsan napapatawa si Kuya Alex sa mga kakaibang tanong ni Tiff. Kuya Alex likes Tiff, a lot. Natutuwa siya sa mga ginagawa nito. I sighed and leaned my back sa likod ng bench.
Bigla namang lumabas si Kuya from the house with his book saka umupo sa tabi ko. He still read. Akala ko kakausapin na ako.
“Kala ko naman kakausapin mo ako kaya ka lumabas. Libro nanaman pala. Hmp.” Sabi ko. Napalingon ito sakin saka sinara ang libro.
“Okay, talk.” Sabi niya saka ngumisi. Nanlaki ang mata ko saka hinampas siya ng mahina nang isang throw pillow na maliit.
“Kainis ka kuya, wala akong topic eh.” Napatawa ito.
“Gusto mo kausapin kita, wala ka naman palang topic.” Umiling iliong pa ang ulo niya.
“I hetchu Kuya, nga pala kuya… I saw Angeline na kausap mo. Kilala mo siya?” biglang sumeryoso ang mukha nito. Nag buntong hininga saka tinignan ako at ngumiti ng tipid.
“We met before, kasama families namin, but that’s all. We’re not friends or anything,” sabi niya.
“Ah ganun ba, sabagay, maliit ang mundo. Tara na kuya, kain na tayo, nagugutom na ako. Tawagin ko lang si Cristoff, ikaw na tumawag kay Daddy.” Saka ako tumayo then tumakbo padagat.
“Hoy Cristoff, kakain na!” sigaw ko na buti naman ay narinig niya. Nag thumbs up lang to saka lumubog sa dagat, siguro lalangoy na palapit. Bumalik na ako, nakita ko na sina dad and kuya na nakaupo sa mesa.
We had a good weekend kahit kaming tatlo lang. Si kuya ay unti unti ko nang napapa open up sa kadaldalan ko. Minsan, siya nakakachismis ko nang kahit ano. Nakakatuwa na tanggap na niya ako as kapatid. Nagkakausap naman na sila ni Cristoff pero may pagka ilang pa din ng konti.
I know someday, maglalapit din sila gaya namin. It was Monday yet again, and nang bababa na kami ng sasakyan, I groaned. Natawa naman si Kuya saka ako tinapik ng mahina sa ulo bago sila lumabas ng kotse.
I yawned. Kahit na ba may minemaintain akong grades, tamad din ako minsan. Kung hindi lang ako nangako kay Mommy, baka nasa kama pa din ako. And the whole school already knows na kapatid ko si Kuya Alex.
Daming mga tsismosa. Nang makalabas ako, nauna na pala si Cristoff dahil malelate na siya. And in fairness, mukhang seryoso siya sa pangako niya kay kuya. For the first time, naka kapit ito sa Top 10 sa class nila.
Mukhang, magseseryoso na. Si Kuya ay di din pahuhuli. Sa klase din nila, nangunguna siya. Kahit ba hindi pangkalahatan pero dadating din to dun. Sabi ko na nga ba, matalino to, pang matalino ang kurso niya eh.
Kumapit ako sa kanya, nakakagawian ko na but he is just letting me. Madami pa din nagbubulungan but I don’t care.
Nang dumaan naman kami ay may isang babae na huminto sa harap ni kuya saka nagbigay ng muffin. I was looking at it, mukhang masarap. Tinignan lang ito ni kuya, saka tumingin sa akin na nakatingin dun.
Kinuha niya yun saka binigay sakin. Tinignan ko muna siya.
“Kunin mo na, naglalaway ka na eh.” Nanlaki mata ko. Pinahid pahid ko pa bibig ko eh wala naman, masama ko siyang tinignan saka kinuha ang muffin at nagpasalamat sa babae.
Nalukot naman ang muklha niya nang makita na di si kuya ang kakain sa muffin niya. Naawa naman ako sa kanya, kaya hinati ko ito saka binigay kay kuya ang kalahati.
“Pakita mong kinuha mo, nakaka awa ang nagbigay sayo.” Bulong ko. Kinuha naman niya yun saka naglakad. Nakita kong ngumiti ang babae bago ako tumalikod at sinundan si Kuya.
Nang makaliko na kami sa isang kanto, he gave his half then scowled.
“Kainin mo yan, busog nga ako.” Saka tumalikod at pumunta na sa room niya. Ngumiti naman ako habang naglalakad papunta sa room ko. Goodness, the muffin was good. Ang sarap, kaya naubos ko kaagad bago makarating sa room.
Nang makaupo na ako sa room, naramdaman kong nagvibrate ang phone ko. Someone messaged me. Tinignan ko yun. I smiled when I saw Andrew’s name. He wants to have lunch with me.
So I said yes, and told him what time my last class will be before lunch. Lumipas ang oras and I was in my last class for half the day. Finally done.
So I kept my things and walked out of the room. Doon nakita ko siya sa pasilyo, nakasandal sa dingding. He was busy with his phone. I walked up to him, nakita naman niya na ako.
“Oh hi!” bati niyang nakangiti.
“Hello.”
“Tara na?”
“Sure. Gutom na din ako.”
Naglakad na kami papuntang canteen. Nakasalubong nanaman namin sa Laurence, she was with her goons.
“Ano nanamang problema mo, Laurance?” tinignan niya lang si Andrew then sakin.
“So, kapatid mo pala yung gwapong lalake na nakasama mo.”
“Ano naman sayo?”
“I wonder… magkaiba kayo ng apelyido. Anak ba sa labas? O sino ang tunay?”
“Wala ka nang pakialam dun.”
“Stop it, Laurance.” Saway ni Andrew.
“Oh cmon, Andrew. Makikipagclose ka sa babaeng may pamilyang magulo? Baka mamaya niyan, gawin din sayo.” Ngisi niya.
“Totoo nga ata ang kasabihan, pag walang laman, masyadong maingay.” Sabi ko saka ngumisi at aalis na sana. Kaya lang hinablot niya ang buhok ko. Napasigaw naman ako, Buti nalang nandun si Andrew.
“Let go of her, Laurence, baka di ako makapag pigil at saktan din kita.” Kinuha din niya ang kamay nito na nasa buhok ko.
“Tss. Pasalamat ka andito si Andrew. I will get you soon. Akala mo kung sino porket mayaman at matalino.” Saka siya tumalikod kasama ang mga babae niyang kaibigan.
“Are you okay?” tanong niyua sakin. Tumango naman ako.
“I’m fine.”
“Let’s go, Maupo ka muna.” Pinaupo niya ako sa katabing table. Siya na din ang umorder sa lunch namin.
Kumakain na kami nang may lumapit sa amin. I lift my head and saw kuya. He sat dowen beside me and inspected my head.
“I heard what happened. Don’t worry, she won’t touch you again.” Sabi niya, napaka seryoso ng mukha niya.
“What did you do kuya?”mahinang sabi ko.
“I took care of it.” Saka siya tumingin kay Andrew then back at me.
“I need to go.” Saka siya tumayo saka isinaklay ang bag niya at lumabas na nang canteen.
“Ano kaya ginawa non?” bulong ko. Narinig naman ata ni Andrew.
“I think he just taught her a lesson. Kung ako ang kapatid tapos gaganyanin ka, I would also do that.” Saka ito nagpatuloy kumain. Napanguso naman ako at kumain na din ulit.
Tahimik na kami buong lunch, though may time na nagtatanong siya tapos sinasagot ko. Bumalik din kami sa kaniya kaniyang klase. I only had one class kaya nang mag 3 pm, tumambay lang muna ako sa may mga benches sa likod.
I was reading my book ng may marinig ako. Nagbubulungan na mga estudyante sa likod ko, hindi ata nila ako nakita.
“Nakaka awa nga si Laurence eh, kasi naman, feeling naman niya yan tuloy.”
“Sino daw ba may gawa?”
“Ang alam ko yung pinag uusapang kapatid daw ng mga Montecillo?”
“Ahy, gaga kasi siya. Inaway ba naman si Therese nang dahil lang sa may kapatid daw siya na di niya ka apelyido. Gaga talagang Laurence na yan. Tignan mo tuloy nangyari sa kanya, ngayon siguro mapapa alis siya sa school nato. Naku.”
Hindi ko mapigilang magpakita sa kanila dahil gusto kong malaman anong nagyari kay Laurence.
“Anong nangyari kay Laurence?” sambit ko sa likod nila. Bigla naman silang humarap sakin at nanlaki ang mga mata.
“Th-therese,”
“Anong nangyari? Anong ginawa ni kuya?”
“Ano nga?” halos mapasigaw na ako.
“May scandal siyang naipalabas sa amphitheatre kanina. Ang masama pa, nandun lahat ng head pati mga investor ng school. Nagmemeeting daw kasi sila nang biglang ipakita yung identity ni Laurence. Tapos pinalabas yung s*x video niya along with an unknown guy.” Nanlaki ang mata ko at napasinghap sa balitang yon.
Bumalik ako sa mesa saka kinuha ang mga gamit ko. Tinakbo ko ang klase ni kuya ngayon, I know he has one at malapit na itong matapos bago ang huli niya. Hindi ko inalintana ang mga weirdong tingin sa akin ng iba.
Nang nandun na ako sa labas ng klase niya, he saw me. Pero dahil hindi pa tapos ang klase, binaling niya ang mga mata niya sa harap ng prof niya. I waited, 5 minutes more at makakausap ko na siya.
Nung lumabas siya, hinawakan ko ang braso niya saka pumunta sa walang tao na banda.
“Kuya, what happened? Anong ginawa mo kay Laurence?” tumingin ito sakin ng seryoso saka nag buntong hininga.
“I taught her a lesson.”
“Kuya, you have ruined her. Mapapa alis siya sa school.” Sabi ko, nag aalala din ako.
“That’s for her to know not to mess up with a Montecillo.” Napasinghap ako.
“No one should be hurt because of me, lalo na ikaw. You were the first to treat me as part of the family.” He said, napaiyak naman ako.
“Thank you, Kuya, pero sana… hindi ganun kagrabe ginawa mo sa kanya.” I said pero niyakap niya lang ako.
“So they will be afraid to touch a Montecillo. Cge na, may klase pa ako. Let’s talk more sa bahay.” Sabi niya saka tinapik ang balikat ko at umalis na siya.
I watched him go further. Napa singhot ako, God how Montecillo men protect their family and also their women, to the extent talaga.
I climbed down the stairs at nakita si Andrew, he was talking to some guys. Nang makita niya ako, mukhang nagpa alam na ito sa kanila. Lumapit naman ito sakin.
“Hey, are you okay? Nakasalubong ko kuya mo and he said to take care of you lang muna. What happened?” tanong niya. I sighed and walked towards a seat sa hallway.
“Kahit na sinaktan niya ako, naaawa pa din ako.” Sabi ko and he tried to hug me pero nag aalangan. I smiled and hugged him instead.
“You do have a pure heart. Pabayaan mo na, that’s how he protects you.” I nodded.
Muli pa kaming nag usap nang it was time to go. 5 pm na and I think lalabas na din si kuya. I said goodbye to Andrew. His smiles were the best talaga. I smiled back bago ako umalis ng tuluyan.
Nang makarating ako ng parking, nandun na pala silang dalawa ni Cristoff, nag uusap.
“Finally, Ate! Naunahan ka pa ni Kuya.” I chuckled.
“Sorry na, napasarap yung pakikipag usap ko.” I said. Kuya just smiled then turned papuntang driver’s side. Si Cristoff naman, sumakay na sa likod. I hopped in sa passenger’s.