PREQUEL
Therese POV
Kabubukas ko palang ng binatana, naririnig ko na ang boses ni Tiffany na pakanta kanta. Buti nalang may magandang boses tong kapatid ko, baka nasira pa simula ng araw ko sa lakas ng tinig niya. Kakagising ko lang, its 9 in the morning, nag unat lang ako at nag exercise ng konti.
I went to the bathroom at sinimulan ang aking morning routine. Nakalabas nalang ako pero tinig pa din ni Tiffany ang bumubulabog sakin. Napangiwi nalang ako. Matapos ako makapaghanda ay bumaba na ako.
Nakita ko si Mommy sa mesa kasama si Daddy, kumakain. Naglakad ako papunta dun sa dining at hinalikan ang kanilang pisngi.
“Good morning, Mom at Dad.”
“Good Morning, baby. Upo na, kain ka na at baka mahuli ka pa. Ang Kuya mo nauna nang pumasok, anong oras ba klase mo?” bungad sakin ni Mom while dad just nodded.
“Mamaya pa pong 11 actually, tas most nasa hapon na.” sagot ko at nagsimula nang mag almusal.
“Si Tiffany ba walang pasok?” tanong ko kasi hanggang ngayon kumakanta pa din.
“Naku, spoiled sa daddy mo. Nilambing na ayaw pumasok sa school. Aba’t tinanguan nitong ama mo kasi nabubusy di maka focus, akala niya humihingi ng permiso na mag shshopping katapos.” Ismid ni Mommy.
“Naku Daddy, patay ka kay Kuya!” banta ko.
“Ayaw pa naman nung nag aabsent kami ng walang dahilan unless may sakit.” Tumawa ako ng konti at nagpatuloy sa pagkain.
“Kaya nga eh. Nalito kasi ako. Hay, ako nanaman pagdidiskitahan ng Kuya niyo. Mas strikto pa yun sakin.” Pangangatwiran niya, saka naman pumasok si Tiffany na pakanta kanta.
“Good Morning, Ate! Shopping tayo today?” bati niya sabay aya. Tinignan ko lang siya sabay ngisi.
“Ayoko nga, maapektuhan pa allowance ko. Ikaw kasi kaya mong kalabanin si Kuya. I mean, kaya nga ba?” nanlaki siya ng kanyang mga mata sa takot.
“P-pero, pumayag naman si D-daddy ah!” turo niya kay daddy.
“Anong ako, inisahan mo ko. Porket sobrang busy ko saka ka maglalambing sakin.” Hugas kamay ni Daddy.
“M-mommy!” iiyak na siya sa takot kaya’t lumapit na siya kay Mommy.
Kahinaan ni Mommy si bunso kaya sa kanya to lumalapit pag may kasalanan kay Kuya. She was just 10 and she fears kuya a lot lalo na pag galit ito.
Natapos na akong kumain saka nagpa alam kina Mommy at Daddy. Hindi pa ako nakontento at inasar ko pa si bunso.
“Patay ka mamaya kay Kuya, magsusumbong ako! Wahahahaha” nag ala witch naman ako na kinaiyak niya.
“Mommy! Magagalit si Kuya sakin.” Yakap niya kay Mommy, sabay iyak.
“Therese!” saway ni Mommy sakin. Napatawa nalang ako at umalis na.
Pagkasakay ko ng sasakyan, pinaharurot na ni Mang Isko para maihatid na ako sa skwelahan. Ilang minuto lang naman at malapit lang ito sa subdivision kung asan kami. Huminto na ang sasakyan at bumaba na ako.
Sa twing maglalakad ako papuntang klase ay napapalingon ang mga kapwa ko estudyante. Minsan, nagkakalakas ng loob na batiin ako at bumabati naman ako pabalik.
Malapit na ako sa room nang makita kong palabas si Kuya sa isang room. Hay naku, ang seryoso niya palagi. Walang smile man lang.
Nang makasalubong ko siya ay tumigil siya kaya tumigil din ako.
“I haven’t seen Tiffany kanina pa. Si Cristoff lang ang nasa room niya.” Sabi nito sakin. Nagkibit balikat lang ako.
“Ayon, tinupak. Nilambing si Daddy na ayaw pumasok. Sinamantala pagiging busy.” Nag tiim bagang siya and that made me gulp.
“That brat.” Bulong niya.
“Kuya, nakapag sumbong na kay Mommy. La ka na ding magagawa. Lam mo namang favorite ni Mommy si Tifanny eh.”
“Nagmana talaga kina Tita Grace at Tita Ranya.” Sambit niya.
“Nag aya nga mag shopping eh. Hehe” napatawa ako ngunit natahimik din nang samaan niya ako ng tingin.
“What time is your class?” tanong niya.
“11 pa po,” sagot ko, 10.30 palang naman kaya I arrived early.
“Okay. May klase pa ako, pumasok ka na.” tumalikod na siya at umalis, ako ay napatango nalang.
Haay, ang sungit ni Kuya. Mas strikto pa to kay Daddy. Si Cristoff kahit maloko, tiklop pag si Kuya na kaharap, natatawa nalang ako. Si Tiffany naman, bilang nag iisang bunsong prinsesa ay kahit takot kay Kuya, palaging panangga si Mommy.
Alam na alam niyang si Mommy ang weakness ni Kuya and alam niyang favorite siya ni Mommy. Napa buntong hiniga nalang ako sa mga kapatid ko.
Pagkapasok ko sa room ay agad akong kinimpulan ng mga kaibigan ko. Agad silang nagtatanong about kay Kuya.
“Girls, kung gusto niyong may malaman kay Kuya ay dumiretso kayo sa kanya.” Sabi ko sabay kuha sa libro ko para magbasa basa for today.
Nagsi alisan din silang lahat. Di naman ako mahilig magstudy, sa katunayan, I only study pag may exams na. Swerte ko lang I have genius genes na nakakapasa pa din. Nakakasali pa din ako sa top 5, that is enough for Kuya naman din.
Sinasali ko lang naman sarili ko sa top because of my allowance. Si Kuya kasi ang may hawak nun. Daddy trusts him so much. Pero di naman madamot si Kuya, as long as mag aral lang ng mabuti. When I first topped, binili niya yung hinihiling ko na laptop at phone na bagong labas.
Sa pangalawang pagkakataon, I got my allowance increase so I can shop ulit without asking money kina Mommy. Natututunan ko din magsave nang sinabi sakin ni Kuya to open a bank account. Sabi niya, di kasi palagi na mayaman kami. So better prepare. Boy Scout talaga tong si Kuya, yun ang namana niya kay Mommy.
Sa palaisipang yun, napahinto ang mga mata ko sa labas ng window. Nasa field ang isang lalakeng nagpatibok ng puso ko. His name was Andrew. He never fails din kasi aside sa kasali siya sa varsity ay di naman nawawala ang pangalan sa Dean’s list.
He was my brother’s classmate, pero di sila close. Kelan pa may naging close si Kuya. I kept watching him, and nahalata niya siguro na may nagmamasid sa kanya kaya napa angat siya ng tingin and nakita ako. I widen my eyes saka iniba ang direksyon ng mga mata ko.
Although nakita ko siyang nagsmile and nagpatuloy sa paglalaro. Kahit naman alam kong maganda at matalino ako, may insecurities pa din ako. Minsan napapaisip ako kung magugustuhan ba ako ni Andrew. Ayoko naman itapon sarili ko sa kanya.
Nagbalik nalang ako sa pagbabasa hanggang sa pumasok na si Professor sa room. It was just an hour class. Kaya nung matapos ay pumunta lang muna ako sa library. Di pa naman ako gutom, mamaya nalang hapon.
I roamed around trying to find the book I need, sa wakas nakita ko din. Then I sat on the chair and started reading, dito ako tumatambay pag walang pasok. May 2 hours pa ako actually kasi 2 pa naman next class ko at hanggang 5 pm na ang klase ko sa dalawang subject.
While I was reading the book, napansin kong may naupo sa harapan ko. Nagtaka ako kasi ang lawak nang library pero dito pa mismo sa harap ko umupo.
Nagkibit balikat nalang ako and continued reading. Lumipas ang ilang minuto pero feeling ko may nagmamasid sakin. I look up pero agad ding nanlaki ang mga mata nang makita ko kung sino ang kaharap ko.
He smiled and I smiled back. Di ako makapaniwala. Tinabunan ko yung mukha ko using the book I was reading sa sobrang kilig.
“Uhmm hi!” bati niya.
“Hello!” sagot ko nung iniwas ko na ang libro sa mukha ko.
“Kanina ka pa dito?” tanong niya.
“Ahh, after the bell?” sagot ko na patanong.
“I see, ayaw mong maglunch?” napatingin ako sa kanya.
“Uhh kasi kumain ako before pumasok so mejo busog pako.” Napangiti nalang ako ng maliit.
“I see. Kaya pala palagi kang nakakasali sa top, you study too much kahit sa break.”
“Hindi ah, nagbabasa lang ako pag may exam. I mean, I study lang pag papalapit na ang exam. Pag di naman, basa lang ako ng basa.” Pangangatwiran ko.
“At least you read on your spare time. Others go out and hang out. Parang di pinapa aral ng magulang.” He said na nakapag patingin sa akin sa kanya.
“You like studious girls?” tanong ko.
“I admire them. They know what they want and focus on it.”
“I see, so it is safe to say na yung mga gusto mong babae eh nasa mga nag totop?” tanong ko.
“Yes.” Sagot niya ng diretso ang tingin sa kin saka ngumiti.
Shit. Ang ganda ng mga ngipin, mag aapply bato as toothpaste endorser. Naku! Umayos ka. Bawal akong magkabf sabi ni Kuya. Papatayin ako nun. Ngunit napatango nalang ako saka binaling ang atensyon sa pagabasa.
“May nakita ka na ba?” hindi ko mapigilang itanong.
“Actually, meron. Matagal na.” naging seryoso naman siya saka nag lean sa table.
“Ah swerte naman niya.” Panghihinayang kong sagot. Meaning siguro mga ka year niya. Freshman palang ako eh.
“Swerte nga, kaya lang bawal naman ligawan.” Sambit niya habang napaupo ng maayos sa upuan.
“Huh? Bakit naman?”
“Strikto ang Kuya.” Bigla akong pinamulahan ng pisngi. Ako ba tinutukoy niya.
“Ahem, Uhmm... baka naman kasi di pa time magka bf siya.”
“Siguro nga, mahaba haba pang iintayin ko.” Sagot niya saka tumingin sakin.
Jusko lord yung mga titig niya, matutunaw ako. No, di pwede. Focus ka lang sa studies mo. Napangiti nalang ako sa kanya at di na sumagot. Natahimik kaming dalawa sa nakalipas na oras. Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa while siya ay may sinusulat na galing sa libro.
It’s already 1.45 pm at may klase ako at 2 so tumayo na ako at nama alam sa kanya.
“Alis nako, may pasok pa ako eh.”
“I’ll walk you there.”
“Naku, wag na. Okay na ako.”
“I insist.”
“P-pero, di ka pa tapos diba?”
“Okay lang, wala naman na akong klase so katapos kitang ihatid, uuwi na din ako.”
“Ahh, O-okay.”
Naka alis na kami sa library and he was walking with me until sa building namin. Nginitian ko nalang siya at naghiwalay kami ng landas.
“Thanks for walking with me.”
“It’s a pleasure.”
“Cge, mauna na ako sa room.”
“Okay, bye Therese!”
“Bye Andrew!” saka ako tumlikod na may ngiti sa labi.
Isang linggo ang nakalipas nung huli kong nakita si Andrew. I heard that mejo busy ito sa laro niya and too focused sa studies kasi raw di makakasali pag di nakapasa sa exam. Mejo na awa ako sa kanya sa parting yun, but I know kaya niya yun.
Nasa school cafeteria ako, kumakain nang marinig ko and lakas na halakhak ng mga varsity boys kasama ng ilang girls. Napa ismid ako ng di halata then went back to the book na binabasa ko.
Actually that was not a book na binabasa ko for studies but more on novels. Nakikilig ako sa stories nila. How I wish na totoong may mga ganun pang lalake sa mundo.
I was giggling by myself nang meron umupo sa harap ko. I did not mind kung sino yun kasi mas tinuunan ko ng pansin yung binabasa ko. I was eating and reading at the same time.
Timikhim na yong umupo pero di ko pa rin siya pinansin. Pangiti ngiti ako sa stroyng binabasa ko.
“Sinasadya mo bang di ako pansinin?” ang boses na yun, kilala ko. Napa angat ako ng ulo saka nawala ang ngiti sa mga labi ko.
“A-andrew?” nakailang kurap ako sa mata para masiguradong siya yun.
“Kanina pa po.” Saad niya.
“Ano ba yang binabasa mo at di mo na ako napansin dito?” akmang titignan na niya nang nilayo ko ito at tinago sa bag.
“A-ah wala... wala yun. Anong ginagawa mo dito?”
“I saw you kaninang pagpasok ko kaya nilapitan kita.” Sabi niya na may pagtataka sa ginawa ko.
“Ah ganun ba. Kumusta ka naman?”
“I’m good. Mejo pagod pero all is well naman.”
“Magpahinga ka naman kung ganun. I heard too focus ka sa studies mo kasi bawal daw makasali may bagsak sa varsity, tama ba?” napakunot noo siya saka Nagkibit balikat.
“I always have good grades kaya that’s not a problem. How did you know? We’re you trying to seek info about me?” nagtaas baba pa ang kilay niya saka ngumisi.
“Excuse me, pangalan mo naririnig ko sa mga babaeng nag uusap usap minsan.” Pagtanggi ko.
“If you say so.” Sabi niya na parang di naniniwala.
“Anyway, I have to go. Nice chatting with you.” Saka tumayo ako at tumalikod sabay sabit sa bag ko sa likod.
“Hey, wait.” Pagtawag niya na ikinaharap ko sa kanya.
“Yes?” tanong ko.
“Uhh, what time last class mo?” I furrowed my brows.
“Bakit?”
“Can I walk you to the parking lot?” napataas ang isa kong kilay.
“Bakit naman?”
“Uhh, wala, I just want to walk you there sana.” Nagkibit balikat nalang ako.
“Last class 3pm to 5pm.” Sabi ko and tumalikod na.
“Thanks. See you later!” napangiti naman ako pero di ko siya hinarap at nagpatuloy lang sa paglakad.
Last class ko na for this day. Nagligpit na ako ng mga gamit ko. Tumayo ako saka naglakad palabas ng room. I know I just sat there pero pagod na pagod ako. I have to study kasi may pop quiz kami bukas. Hay, postponed muna novels ko.
I was already outside nang makita kong nagkukumpulan yung mga babae sa isang side. I ignored it at naglakad na palabas nang biglang may kumapit sa braso ko. Hindi naman ako gaya ni kuya na agad nagagalit pero nung time na yon, parang gusto ko sumabog the way ako hawakan.
Nang lumingon ako, nakita ko ang nakangiting si Andrew, s**t, nakalimutan ko na susunduin niya ako para sabay maglakad sa parking. Napa ayos ako ng mukha then smiled at him.
“Sakto pala dating ko, labas niyo na.” sabi niya. Nangiti nalang ako.
“Uhh yeah, kakalabas lang namin.” I said.
“Tara, hatid kita sa parking.” Inaya na niya ako. Tumango naman ako saka sumabay na sa paglalakad pero nakita ko ang pag irap ng mga babae sa gilid kanina. Looks like fan ni Andrew.
“Mga fans mo galit ata sakin.” Bulong ko sa kanya.
“Don’t mind them, tara na.” saka niya ako parang inakbayan sa likod.
We were walking to the parking nang makita kami ni Kuya. I froze, oo nga pala, sasabay siya samin ngayon. Kuya walked to us with cold eyes. Nakita niya sigurong naka akbay ng konti si Andrew pero agad naman nitong kinuha sa likod ko. I gulped.
“Get in the car.” Malamig na tono nang sinabi ito ni Kuya. His eyes were with Andrew. Nakita ko naman si Andrew na nakatingin lang din kay Kuya.
“Uhm, salamat Andrew. Cge na, kaya ko na dito.” I said. Pero parang di niya ako narinig. He was still looking at Kuya, Kuya naman glared at him talaga.
“Therese, get in the car now.” Matigas na tono ni Kuya at tinanguan ko na.
“Bye Andrew!” sabi ko, nakita ko naman siyang tumango ng kaunti pero di nawawala kay kuya ang tingin niya. Buntong hininga nalang ako saka naglakad papuntang kotse.
For the last time I turned around and nakita ko sila kuya na parang nag uusap. Pumasok na ako sa kotse. Nang napa angat ang ulo ko ay saka ko nakita na papalapit na si Kuya samantalang si Andrew ay paalis na.
Nakapasok na si kuya sa kotse. He was serious again. He even shouted at Cristoff and Tiffany kasi maingay sila. It seems galit siya. Most of the time naman kasi di niya pinapansin yung dalawa na maingay. He just lets them.
Nang makarating na kami sa bahay ay kaagad na bumaba sina Tiffany and Cristoff. Kasunod ako then Kuya. Napatigil ako sa pag akyat nang tawagin ako ni Kuya papuntang sala.
“Why were you with Andrew?” bungad niya sakin nang nasa sala na ako.
“Kuya, he just asked kung pwede niya akong ihatid sa parking.” I said.
“Don’t go near him. He’s not what you think he is. Baka ikaw lang masaktan sa huli. I am warning you, Therese. I told you focus muna sa studies.” Kuya said in a cold tone.
“Kuya, wala naman kaming ginagawa na masama.”
“Ngayon lang yan kasi umpisa palang. Later on he will take advantage of you.” Lumapit ako kay Kuya saka siya niyakap.
“Are you worried about me, Kuya?” napatingin ako sa kanya habang nakayakap.
“Of course, kapatid kita.” I smiled and hugged him tighter.
“Alam mo kuya, kahit ganyang kang ka strict sakin, I know you love me. Thank you.” Saka humalik sa pisngi niya.
“Don’t worry, sa studies lang attention ko, wala sa boys. Nakalimutan ko nga na gusto niya akong ihatid.” I added.
“Just stay away from him from now on.” He said.
“Opo. Promise po.” I said and smiled.
Nakita naman kami ni Mommy na saktong kakalabas lang ng kusina, She smiled and nilapitan niya kami.
“Andito pala ang dalawa kong panganay, halina kayo at mag meryenda. Andun na yung dalawa.” She kissed our cheeks, at pati din kami we kissed our mommy’s cheeks saka umakbay sa kanya sa magkabilang side.
“Mukhang seryoso pinag uusapan ng mga babies ko ah.” Tinignan niya kaming dalawa ni kuya.
“May manliligaw na po si Therese.” Sabi ni kuya na parang wala lang. Lumaki naman mga mata ko.
“Kuya!” sigaw ko sa kanya.
“Talaga? Is he a handsome guy, baby?” excited na tanong ni mommy. Alam kong tinitest ako ni kuya. Napaismid ako at napa irap.
“Mommy, wala pa yan sa utak ko. Studies muna. Besides, pagdidiskitahan nanaman ni kuya allowance ko.” I pouted and that made kuya smirk. Oh I hate him.
“Haha, kilala mo talaga kuya mo.”
“Mommy, walang makakaligaw sakin. Baka papalapit palang nakaharang na si Kuya.” Nauna na si kuya sa kusina. I pouted and hugged mommy once more.
“Your kuya loves you, alam mo yan. He’s just trying to protect you.”
“I know, Mom.” Nakapasok na kami ni Mommy sa kusina. Umiibabaw ang ingay nina Tiffany and Cristoff.
Kuya was just eating. I sat down and started to eat. I was tired and I wanna sleep. Ang ingay talaga nung dalawa. Nang tumikhim si Kuya ay bigla silang nanahimik. I chuckled but stopped nung masama na tingin ni Kuya sa akin.
“Cristoff and Tiffany, pagkatapos niyong kumain, follow me sa study. I checked your grades and it is so disappointing.” Umungol yung dalawa saka tumingin kay Mommy. Mommy just shrugged her shoulders and sipped on her coffee.
”Huwag niyo akong tignan nang ganyan, I will be busy sa kitchen.” Sabay ngiti. Alam niyang dini discipline ni Kuya yung dalawa so she lets him.
“Mommy, can I study alone?” sabi ni Tiffany.
“No. Both of you will study with me.” Matigas na tono ni Kuya.
“Mommy…” pagsusumamo ni Tiffany.
“I’m sorry, baby. Mommy will be busy sa kitchen. Kuya can handle that, okay? Siya, magbihis na kayo para makapag simula na kayo.” She said at tumayo saka hinagkan pisngi naming apat.
“Ate?...” sakin naman bumaling si Tiffany and Cristoff.
“May kasalanan ako kay Kuya so can’t help you. Mauna na ako, at mag aaral pa ko.” Sabi ko saka tumayo. I laughed silently habang papanhik sa kwarto.
“kayo naman…” I chuckled at that thought.