Therese POV
Nasa rest house kaming lahat. It is our routine napag Sunday after naming magsimba, sa rest house kami uuwi, then kinabukasan babalik na sa mansyon. All our stuff nauna nang mailagay rito habang nagsisimba kami.
Mom never allow us to skip going to church kapag Sunday, she always pray. Nagpapasalamat at humihingi din kay Papa Jesus. Sabi pa niya, nung nagbubuntis daw siya samin, she always goes to church to pray for smooth delivery. Zero pain tolerance kasi daw si Mommy and she delivered us normally.
That’s why kung alagaan niya kami, sobra sobra. I love Mommy for that too. Nasusun bathing ako nung narinig kong naghahabulan si Cristoff at Tiffany padagat. Yes, nasa gilid lang kami ng dagat. Gusto daw kasi ni Mommy ng sariwang hangin.
We do have a pool pero minsan lang yun magamit. Most of the time kasi nasa beach kami, except for kuya. He changed daw nung 10 palang siya. He became distant tska cold. Anyway, bahala siya. Basta na eenjoy namin dito.
Di ko makalimutan yung pagconfront ni Kuya sakin about kay Andrew. I know he just wants to protect me but somehow, ah basta... buti nalang anjan si Mommy para naman maliwanagan ako.
Since then, todo iwas nako kay Andrew. Napapansin ko din na pag nasa isang place kami, nararamdaman ko mga titig niya. Di ko nalang siya nililingon o pinapansin. I focus sa binabasa ko nalang.
Di ko rin makalimutan nung nakasalubong ko siya pero umarte akong di ko siya kilala at tutuk lang ako sa binabasa ko habang naglalakad.
FLASHBACK
“Hey.” Sabi niya pero di ko siya pinansin. Tuloy lang ako sa pagbabasa then lakad.
“Therese? Hey.” Habol niya, sinusundan na din niya ako sa paglakad.
“Oh hi.” Malumanay kong sabi, di ko pinapahalata na di ko siya pinapansin.
“Hey, it’s been a while. Akala ko di mo na ako papansinin.” He said as he smiles. Tipid lang ang ngiti ko.
“Sorry ah, nagbabasa ako eh.” Ini angat ko pa ang librong binabasa ko.
“Masosobrahan na yang pagkatop mo.” Sabi niya while laughing.
“Hindi naman. Cge papasok na ako.” Sabi ko nang nasa tapat na kami ng room. Pinag titinginan din kami ng mga student gaya namin.
“Iniiwasan mo ba ako? May nasabi ba akong mali or nagawang mali?” seryoso niyang tanong.
“You’ve been avoiding me ever since inihatid kita.” Nagawa niyang hawakan ang elbow ko.
“H-ha? Bakit ko naman gagawin yun?” sambit ko pa pero iniwasan ang kanyang mata.
“I don’t know, I just can feel it. Akala ko kasi friends na tayo.” Sabi pa niya.
“Friends naman tayo, Andrew. Pasensya ka na, I have to go inside. Nandiyan na si Prof.” at nagmadali na akong makapasok not minding na sinundan niya ako ng tingin.
I heaved a sigh nang naka upo na ako. Saka ko nakita na ang mga mata nila ay nakatuon sakin saka binalingan ng tingin si Prof. Then nagsimula na ang klase.
After nang nangyari, gumawa ako ng paraan para di ko na siya makasalubong o makita.
END OF FLASHBACK
Nagising ako sa riyalidad ng tawagin na kami ni Mommy for lunch. Agad akong bumangon at pumunta sa may labas ng likod ng bahay. Di naman masyadong mainit doon dahil napapalibutan ito ng mga puno. I sat on the dining at mukhang ginanahan nanaman si Mommy magluto.
Sa mesa ay nakahilera lahat ng mga paborito namin including barbeque. Nakita ko din si kuya na lumabas sa pintuan na nakabusangot. Siguro ginising nanaman nila at ayaw naman nitong pagising. I think si Mommy ang gumising dito. Napatawa ako. Wala siyang magawa pag si Mommy na ang gigising sa kanya.
Lumapit ako kay Mommy at niyakap siya at hinagkan.
“Thank you, Mommy. I love you” lambing ko sa kanya.
“Naku naglalambing, may hihingin yan sayo Mommy, tignan mo.” Saad ni Cristoff.
“Batukan kita jan eh!” sabi ko sa kanya at akma nang babatukan. Natatawa nalang si Mommy at Daddy. Saka ako umupo sa may mesa.
“Pray muna tayo. Sige na Tiffany, ikaw na mag lead.” Saad ni Daddy.
“Yes, Daddy.” Sagot naman ng aming bunso. Nagstart na siyang mag pray at pagkatapos ay kumain na kami.
“Hon, Birthday na nang panganay natin. Ano daw balak?” rinig kong tanong ni Daddy.
“Family Dinner lang, Hon. Sabihin mo nalang kina Papa at Daddy, and please walang iimbitahan na iba kahit close friend pa.” sabi ni Mommy.
“Alright, I’ll make a call mamaya.” Tango ni Daddy.
Timingin ako kay Kuya pero mukhang nakikinig lang siya. Nagkibit balikat nalang ako.
“Hala Kuya, birthday mo na pala. Ano gusto mong gift?” lambing ng bunso namin.
“Taasan mo grade mo.” Sagot ni kuya na ikinatawa naming lahat. Si bunso naman napabusangot at napanguso.
“Daddy oh!” sumbong niya.
Tumawa lang si Daddy saka hinimas ang ulo ng bunso namin.
Natapos na kaming kumain at bumalik ako malapit sa dalampasigan. Huminga ako ng malalim saka ito nilabas. Hay, Monday nanaman bukas.
Kinabukasan; balik school nanaman kami. Kaninang umaga dumating din ang sasakyang regalo ng ninong ni kuya sa kanya. It was his first BMW. Nasa bahay lang ito at every Saturday daw after work pwede nang mapag practisan ni kuya.
Napaka swerte ni kuya sa ninong niya, ang gara ng gift sa kanya. Well, mas magara pa din nung kay Tiffany, aba’t binilhan nila ng signature bags and apparel si Tiffany, saka one day na all access sa movieworld and mcdo.
Mga may sabi kasi mga ninong at ninang namin. Oh well, being a Montecillo has its perks. Kaya mapapa nga nga ka na lang sa mga mabibigay na regalo sayo. Si mommy nga niregaluhan ni Grandpa ng sariling Island nung first anniversary nila ni Daddy.
Sobrang bait daw kasi ni Mommy kaya di daw nakapang hihinayang bigyan ng regalo. Kahit si auntie ganun din sakin minsan.
Anyway, pa akyat na ako sa room nang makita kong nakatambay ang varsity sa labas mismo ng room. Hindi naman sa may pintuan pero sa hallway katapat ng room namin. Nung nasa harap ko na sila ay bigla silang nanahimik.
Tinignan ko lang sila saka sila nagtinginan sa isa’t isa. Hindi ko nalang sila tinignan masyado saka pumasok na ako sa room. Ni hindi ko namalayan na katabi ko na pala ang taong iniiwasan ko.
Nagbuklat lang ako ng libro katapos kong maupo. Napansin ko nalang siya nang tumikhim na siya.
“Good Morning!” bati niya saka ngumiti. Ayan nanaman mga ngipin niya sa sobrang puti.
“G-good morning. Anong ginagawa mo rito?” tanong ko.
“Pinuntahan kita. Alam kong umiiwas ka.” Sabi niya pero nakangiti pa rin.
“H-hindi naman ako umiiwas.” Sabi ko saka umiwas ng tingin.
“Okay. Have lunch with me then.”
“A-ano, may tatapusin muna ako, baka late na ako maglunch.” Dahilan ko. Napabuntong hininga naman siya.
“Sinabihan ka ba ng kuya mo na layuan ako?” nanlaki ang mata ko saka tumingin sa kanya.
“H-hindi. Walang kinalaman dito ang kuya ko.”
“Look. Alam kong galit siya sa akin. Pero wala naman sigurong dahilan para do niya ako payagang kaibiganin ka.”
“Hindi nama sa ganun. May gagawin talaga ako.”
“Then I’ll go with you. Saka na ako maglulunch pag tapos ka na din.” Napa tingin ako sa kanya.
“Bakit mo ba ginagawa to?” sabi ko.
“You want to know the truth?” hindi ako naka imik ngunit tumango ako.
“Fine. Because I like you.” Deretsahan niyang sabi. Napasinghap nalang ako.
It was lunch time, nakita kong naghihintay si Andrew sa labas. I sighed. How can I not go with him, baka makita kami ni Kuya. While I was putting my things in my bag, may nareceive akong text. It was Kuya. Nung nabasa ko ang text niya ay mabilis kong inilagay sa loob nang bag ko ang gamit ko saka tumakbo palabas.
Hindi ko na nga natignan si Andrew but I felt someone grabbed me kaya napatigil ako. I looked at that person na humawak sakin nang may galit. Nang makita ko sino yun, biglang lumambot ang galit kong mukha.
It was Kuya along with my other siblings. Umiiyak si Tiff while hinahawakan ni Cristoff. Ako naman ay maluha luhang napayakap kay Kuya. Nakita ko sa likod namin si Andrew and he was watching us.
“Kuya, bakit.. bakit naman ang aga.. di ka pa graduate ah..” sabi ko. Niyakap niya lang ako saka kami nagtungo sa parking kung saan nakapark ang kotse niya.
Yes, ilang araw lang naprocess kaagad ang license niya saka isang araw lang siyang natuto magdrive. Nang makapasok kami sa kotse niya, napahagulhol ako pati na din si Tiff.
“Kuya anong mangyayari? Bakit pati si Tiff kasama?”
“Ayaw ni Mommy na lahat maiiwan dito. Nag usap na sila ni dad. Ako at si Tiff at si Mommy ang pupunta ng US. Kayong dalawa ni Cristoff at si Daddy ang maiiwan dito.”
“Pero... pano kung dumating yung isa nating kapatid?”
“He’ll just stay sa house. He will just have to prove himself worthy sa ipapamana ni Daddy. It’s just monetary. Nakapangalan na ang mga negosyo niya satin. He already divided it amongst us. Don’t worry, ang sabi ni Mommy, bibisita si Daddy once or twice a month kasama kayo.”
“Kuya naman eh! Mamimiss namin kayo ni Tiff!”
“Therese, ikaw ang panganay after Alex, make sure you take care of yourself, of Cristoff and Daddy.”
“Kuya diba we will celebrate pa your birthday?” namumugto na ang mga mata ko.
“I don’t feel like celebrating it dahil sa nangyayari satin.” He said as he look out the window.
Napahagulhol nanaman ako. Cristoff was still holding Tiff na umiiyak padin. Napaluha na din siya.
“Don’t worry, pagbalik ko aayusin natin ang lahat. Show me I can count on you.” Sabi niya sabay hawak sa magkabila kong balikat.
“Pero K-kuya…”
“No Buts Therese…”
Nakarating kami nang bahay na nakikitang may mga maleta nang isinasakay sa isang kotse. I looked at kuya and he sighed.
“I’m leaving my car to you. Ingatan mo hanggang sa makabalik ako, okay?” he gave me his keys saka kami bumaba.
I saw Mom crying while nakayakap kay Daddy. Di ko mapigilang mapaiyak din. I ran to her saka ko siya niyakap nang makita kong gusto niya akong yakapin. I cried.
“Mommy, I will miss you.” Nakita ko si daddy na namumula na din ang mata.
“I will miss you too, babe. Kayong lahat.”Nakita ko na lumapit si daddy kay Kuya.
“Let’s talk muna, please son.” Malamig lang itong nakatitig kay Daddy saka pumasok sa loob.
Tiffany and Cristoff went near to us. Niyakap din ni Mommy si Cristoff,
“Magpapakabait ka ha, and do well sa studies mo. Wag mo pahirapan ate at daddy mo.”
“Yes, Mom. I will miss you, Mommy.” At tuluyan na itong naiyak habang niyayakap si Mommy.
“I will miss you too, babe. I will miss you all so much. Sana maintindihan niyo why kailangan naming umalis kaagad.” She said while stroking Cristoff’s hair.
Nang makawala na sila sa kanilang yakap, saka lumabas sina kuya at Daddy. Naluluha si Daddy samantalang si Kuya, always has his signature blank face. Walang emosyon ang mga mata. Si Mommy ang sumira sa katahimikan.
“Tiff, hug your daddy na. Aalis na din tayo.” Sabi ni Mom kay Tiff. Hindi na niya sinabihan si Kuya, alam siguro niyang aayaw nanaman ito.
Nang matapos silang magyakap, sabi ni Daddy ihahatid namin sila sa airport. Dalawang kotse ang dala namin. Ang isa, sina Mommy at Daddy at ang driver. Sa isang kotse naman, kaming magkakapatid.
Habang papalapit kami sa airport, naluluha nanaman ako. Aalis na sila. Sa isang buwan ko pa sila makikita. Kuya’s Birthday is a week from now. Hindi nila na antay.
Nang makapark na kami sa airport. Agad kumuha si Mang Isko nung lagayan nang bagahe saka inilagay doon ang mga maleta nila. I walked to Mommy sabay yakap. She was sniffing, siguro umiyak din to kanina nung papunta kami dito.
Humarap siya sakin saka niyakap ako at si Cristoff. Last was Dad, she also kissed us. Bumaling na ito kina kuya who was waiting sa side. Si Tiff naman ang lumapit samin then hugged and kissed us, pati si Daddy.
Last, si Kuya who still had his hard blank face, He hugged us and kissed me sa forehead at nag fist bump naman kay Cristoff.
“You take care, alright? Pati kay Daddy and Cristoff.” Bulong niya. Tumango naman ako. Saka ito bumaling kay Daddy. He hugged him and I heard dad said thank you kay Kuya. I watched Mommy at napangiti naman siya.
Nang makita na namin sila papasok, we just waited a few minutes saka tuluyan na ding umalis.
We used one car. Me, Cristoff and Daddy rode his car habang yung kotse ni Kuya was driven by Mang Isko. While inside, tahimik lang kami. I broke the silence.
“Dad, I want to learn how to drive.” I told him.
“Pinagkatiwala sayo nang kuya mo ang kotse niya?” I nodded.
“Magpaturo ka nalang kay Mang Isko. I will arrange nalang para sa license mo.” Saad niya.
“Dad, kain muna tayo. Kanina pa ako gutom. And are we going back to school?” said Cristoff.
“Just take the day off. I will call you homeroom teachers nalang. Saan niyo ba gustong kumain? I also have something to tell you after we eat.”
“Kahit saan, dad. Basta may pagkain.” Sabi ni Cristoff. I was just silent. Nakikinig sa usapan nila.
Pumunta kami sa isang restaurant na mamahalin and was owned by one of his friends. It serves fine dining pero nagrequest si dad ng private room para we can eat comfortably.
Nang nasa room na kami, we chose what we want to eat. Pagkasabi namin sa order ay lumabas agad yung waiter. Pumasok naman sa loob yung ninong ni Kuya.
“Pre.” Bati niya kay dad saka umupo sa kanyang harapan. Magkaharap naman kami ni Cristoff at katabi ko si Daddy.
“Hi Tito,” sabay naming bati ni Cristoff.
“Hello, galing lang ng school?” tumango naman kami.
“Naihatid pa namin sina Mommy.” I said. Bumaling naman siya kay Dad after niyang tumango samin.
“You okay, dude?” tumango lang si Dad habang pinagmamasdan yung wall.
Sinundan ko ang tingin niya. I saw pictures na nakapaskil doon. Napatayo ako at tinignan yung mga pics. Nakita kong may picture doon sina Mommy and Daddy. Ito siguro yung tinitignan niya. So nanggaling pala sila dito.
Maybe they were new couples here, ang bata pa kasi ng itsura nila. Pagkatapos kong makita yun ay umupo na ako. Inantay namin order namin, after ilang minuto, pumasok na ang waiter dala ang aming order.
Nag order na din si Daddy para sa kanila ni Tito while kami naman ni Cristoff ay parang nagshare sa food namin dahil kumingi kami ng dalawang plate. Nag uusap sina Daddy and Tito nang biglang nag ring ang phone ni Tito.
“Hello?” bati niya sa kausap.
“Ngayon ba yun?”
“s**t, di ko pa siya naabisuhan.”
“Sige, maya maya, naglulunch pa kami.” Saka binaba niya yung phone.
“Sino yun?” tanong ni dad.
“Secretary mo.” Naka leave daw kasi si daddy so si tito ang ka relyebo niya
“What did she say?” nagbuntong hininga siya saka nilingon kami at ibinalik niya kay daddy ang tingin.
“He’s there, nasa office mo na.” natigilan naman si Daddy.
“Let him wait.” Nang nahimasmasan na si daddy saka nagpatuloy sa pagkain.
“I have to discuss that with them.” Inginuso niya kami.
“I know. Ako nang bahala sa kanya while wala ka pa dun.” Napatingin ako sa kanila at napakunot noo.
Natapos kaming kumain at naghiwalay din ng landas. Si Tito ay pabalik na sa office while kami ay pauwi. Nang makarating kami ng bahay, sa salas palang tinawag na kami ni daddy.
Umupo kami sa couch, how I missed how I usually see Mom here. Nakaupo habang hinihintay kami. Wala sa loob akong napatitig lamang sa tabi ko. Ito ang space niya lagi. Tumikhim naman si Dad at nakuha nito ang atensyon namin.
He was looking at us. Para kaming inoobserbahan saka tumikhim siya ulit at napa ayos ng upo.
“I know nasabi na to ng kuya niyo. Pero sasabihin ko lang ulit. Dadating ang isa niyo pang kapatid. Actually, he is your kuya.” We just stared at him.
“Is it the reason bakit napa aga ang alis nila Mommy at Kuya?” I asked. Nag aalangan naman itong tumango. I sighed.
“I’m sorry, Therese. Hindi ko alam na—“pinutol ko ang sasabihin niya.
“That’s fine, dad. Wala naman kaming magagawa kundi tanggapin ang nangyari. Like Mom said, lahat naman nagkakamali. I’m disappointed, yes. Pero that does not mean na I am mad at you or anything.” I told him. Si Cristoff ay tahimik lang habang nakayuko.
“Cristoff—“ pero di din niya natuloy.
“If that’s all, I’m going to sleep lang muna. Mamaya niyo nalang ako gisingin pagdinner na.” sabi niya at umakyat na.
Dad look so defeated. I know di ito magugustuhan ni Mommy. But, we also have feelings and that simple news broke us. Nilapitan ko siya sabay niyakap.
“Daddy, andito pa din kami. We are hurt, yes. Pero give us time. We will move on din.” I told him, niyakap nalang niya din ako pabalik.
“Just call us pag andito na siya. Nasabihan na kami ni Mommy to treat him well. We will do it para sa inyo ni Mommy.”
“Salamat anak. And I’m sorry.” Naluha na siya saka ko tinapik ang likod ni dad.
“It’s alright dad, phase lang to o trial sa buhay natin. We will move on din.” Tumango nalang siya at tumayo.
“I have to go to the office, but don’t worry, mamaya pa kaming dinner uuwi. Ipapakilala ko siya sa inyo mamaya.”
“Okay,dad. Ipapa ayos ko nalang yung katabi kong guest room kina Manang.”
“Okay, I will see you later. Love you.” Saka hinalikan niya ako sa noo. Tumango ako at tipid na ngumiti.
Umalis na si Daddy samantalang ako ay pumunta sa kusina para makausap sina Manang. Sakto namang naglulunch sila. Sinabihan ko nalang ito na pagkatapos nilang kumain ay linisan yung guest room na katabi ko.
I also told them about kuya Alex. Nang maka akyat na ako, agad akong naghubad at pumunta ng bathroom. Naligo at nagbihis. Sobrang init kasi sa labas. Malakas na ang aircon ko dito pero nararamdaman ko pa din yung init, though di na sing lakas kanina.
I opened my laptop sa bed. Tinignan ko social media ko, nakita kong ang dami nanaman ang nag add. Pero dinidilete ko lang din yung iba. Piling pili lang mga friends ko sa social media. Nakita kong in add din ako ni Andrew, so I confirmed.
Ilang minutes lang, may nagpop na message galing sa kanya. I was not in the mood for any convo’s pero binasa ko yung message niya.
Andrew: Hey! What happened to you?
You: Why?
Andrew: I saw you were crying habang yakap kuya mo. And balibalita dito sa school na nag drop out kuya mo saka kapatid mo sa High School Department. Can I ask what happened?
You: They are already on their way to the States kasama si Mommy. Dun na sila mag aaral.
Andrew: Huh? Pano parents mo? Are you okay? (Napangiti naman ako sa concern niya.)
You: I’m fine, taking the day off. Bukas na ako papasok. Family matters.
Andrew: If you need someone to lean on, I am willing to listen and that shoulder to cry on.
You: Ang sweet but I am fine. Don’t worry. Papasok na din ako bukas.
Andrew: Okay, I’ll see you then?
You: Yes, I’ll see you.
Saka ko sinara ang laptop ko. I took a nap pero ang nap na yun ay naging tulog. It was already dinner time. Narinig kong may kumakatok sa pintuan ko. Nang mabuksan ko ay nabungaran ko si Daddy.
“Were you sleeping? I’m sorry, kakain na kasi tayo and andito na din kuya niyo.”
“It’s fine, nagising naman din ako. I’ll come down in a bit. Mag aayos lang po.”
“Tawagin mo na din si Cristoff.”
“Okay po.”
Saka sinara ko yung pinto at pumunta ng bathroom para makapag suklay, at hilamos. Pagkalabas ko ng pinto sa room ko, kumatok ako sa room ni Cristoff.
“Come down, dinner na daw and anjan na si Daddy.”
“Saglit, may tatapusin lang ako.”
“Dalian mo ha”
“Opo, ate.”
Bumaba nalang ako kesa mag antay sa kanya. Pagkababa ko may nakita akong lalake na nakaupo sa salas with his bags. Siya na ata yun. Its seems legit na anak siya ni Daddy, he looks like daddy kasi. Si Daddy naman ay nakatayo with his whisky sa kamay niya.
Tinitigan ko ang nasa kamay niya bago sa kanya. He smiled and reluctantly spilled the whisky sa may basurahan. He placed his glass sa may side table then naupo ito.
“Sit, Therese.” Naupo naman ako saka bumaling sa lalake.
“He’s your Kuya Alex. Alex, this is my daughter and your sister, Therese.”
Tipid ko siyang nginitian gayun din siya sa akin. Narinig namin ang footseps pababa ni Cristoff and he was getting near.
“He’s my other son. Kababata niyong kapatid, si Cristoff. Cris, he’s your kuya Alex.” Tumango lang ito saka naupo sa pang isahang couch bago bumaling ulit sa phone niya.
“So, ayos na ba ang room na pag lalagian ng kuya mo?” tanong ni dad sakin. I nodded saka tumayo.
“Kain na tayo. Mejo nagugutom na din ako.” Saka ako naglakad pa dining. Lumapit naman si Cristoff sakin.
“Ate? May gagawin kaming project dito mamaya ha. Sabihin mo nalang kay Dad. Ayoko pa siyang kausapin.” Sabi niya saka nagpatiuna. Nakita ko naman sa likod kong nakasunod sila daddy but Kuya Alex was looking at us habang kausap siya ni Daddy.
Naglakad nalang din ako at nauna sa kanila. I sat sa left side ni Daddy at katabi ko naman si Cristoff. Sa kabilang side naman si Kuya Alex at si Daddy sa gitna.
Nang makapag hain na ay nagsimula na kaming kumain. Mejo nanghihina ako nang mapansing kulang kami. Wala ang tahimik kong kuya at ang madaldal na si Tiff. Wala din si Mommy na siyang naghahain samin at tinatanong kung masarap ba ang luto niya.
“Therese? Anything wrong?” tanong ni Daddy. Umiling lang ako saka tinignan yung inuupuan nina kuya and Tiff before.
“I just miss them.” Saad ko, Napatikhim naman si Daddy, Si Cristoff ay nilingon ang mga upuan nila dati at nagpatuloy sa pagkain.
“We’ll see them soon. Mag bibirthday pa kuya mo.” Dad said.
“Talaga? Makakasama natin sila?”Masigla kong tanong.
“Yes, your Mom and I already planned it. Kahit ayaw ng Kuya mo.” I smiled at mas ginanahan kumain.
Tahimik lang si Kuya Alex pero pinagmamasdan niya kaming tatlo. Siguro na a-out of place siya. Naremember ko naman ang sabi ni Mommy to treat him well. Napatikhim ako at kinausap siya.
“So, kuya alex, college ka na rin ba?” nagulat ito nang kausapin ko pero tumango naman siya.
“Saan ka nag aaral?” tanong ko.
“I stopped. Pero nasa second year ako.” Sagot niya.
“Hmm what course?”
“Computer Engineering.”
“Oh, pang matalino ang course mo ah. Math. Gosh I hate that subject.” Sabi ko at napabaling kay Cristoff. I want him also to join para di din OP.
“Ikaw ba, Cristoff. Anong kurso gusto mo?”
“Ate, trying to pass high school palang ako. Pero ang gusto ko eh maging piloto.”
“Hmm, hala dad. Kelangan ng eroplano.” Natawa naman ako. Ngumisi lang si dad saka napabaling kay Kuya Alex.
“Bukas, sumama ka sa kanila. Inenroll na kita kung saan sila nag aaral, the thing is, you have to start from 1st year kasi di pareho yung subject description sa nakuha mo noon. Well, merong iba pero mostly you have to take them again.” Sabi ni dad.
“Okay lang po.” Sagot ni kuya alex.
“Therese, ikaw na muna bahala sa kuya mo.”
“Sure. Guidance office siya bukas diba? Diretso na ba siyang papasok?”
“Yes. Hahabol nalang siya sa lessons. Sila na bahala don.”
“Okay!”
Nagkwentuhan pa kami nina kuya at Daddy, umakyat na si Cristoff dahil dadating na din mga classmates niya. Nagpa alam na ako kay dad and he was okay with it.
Katapos naming kumain ay tinawag ko si Manang para iakyat na nila yung bagahe ni Kuya Alex. Sakto namang dumating yung mga classmate ni Cristoff, pinatawag ko ito sa katulong saka sinamahan si kuya sa kwarto niya.
Mejo nag aalangan pa siya kaya ngumiti ako para maibsan naman niya ang kaba. Ika nga ni Mommy, walang kasalanan si Kuya Alex. Biktima lang din ito ng ina niya kaya dapat din namin siyang tratuhing mabuti.
Nasa labas na kami ng kwarto niya at tinuro ko na doon siya mamamalagi. Nang buksan niya ang pintuan, lumingon lingon muna siya saka pinasadahan ang kwarto.
“Pasok ka na, Kuya Alex. If ever may kailangan ka, nasa tabi mo lang ako na kwarto, yun oh!” tinuro ko sa kanya ang kwarto ko. I waved good night sa kanya saka pumasok sa silid ko.
Minsan, nasasabing anak nga siya ni Daddy kasi pareho din sila ni Kuya na cold at blanko minsan. Pero kailangan ko pa sanayin ang sarili ko. Baka in a few days maging masigla na din ito.
Nagbihis na ako ng pantulog ko saka akmang hihiga na nang marinig kong may kumatok sa pintuan. Sinuot ko ang roba ko saka binuksan ang pintuan. Si Kuya Alex pala.
“O, kuya bakit?”
“Sira yung gripo at shower sa bathroom.”
“Ahy s**t, hindi pa pala napapa ayos yun. Cge, dito ka nalang muna magbanyo sa CR ko. Papa ayos yan natin bukas. Nakalimutan kong sira pala faucet jan.”
“Uhmmm..”
“Lalabas ako, doon muna ako sa malaking terrace hanggang sa matapos ka. Cge kunin mo na gamit mo.”
Saka ako lumabas at dun ako sa pangalawang living room nag antay, malapit lang yun sa terrace. I watched lang muna. Wala pa atang 30 minutes, tapos na siya.
Bumalik na ako sa kwarto. Inantay naman ako ni kuya para magpasalamat siya. I nodded ang greeted him good night.
Sa wakas, nasa kama na ako. Nakatulog nalang ata ako sa pagod. Knock out din.