"Wow, not bad for staying. Such a cool place," sa wakas nagsalita na rin si Karl. Nauna na nga itong pumasok at parang kinikilatis pa kung anong uri ng mga halaman ang nasa paligid. "Wala bang hotel dito na puwedeng tuluyan? Such a creepy place! Ew, may mga lamok pa. Ugh, baka magka-dengue tayo rito." Pinagpag pa ni Bella ang braso ng may maramdamang may kumapit na insekto. Natawa naman si Shelley at ginaya pa ang pagsasalita nito ng nauna nang pumasok si Bella. Sinaway naman siya ni Carmela. Umupo si Johnny sa hammock, habang si Mindy naman ay hiningi ang off lotion sa yaya at naiinis na nagpahid sa braso at binti. Humingi rin si Bella at nagpahid din. Naiiling naman si Karl nang makita ang dalawa. Nilingon ni Carmela ang ina at napansin niyang parang ayaw pumasok nito. Nakapasok na s