Sagot ng eskuwelahan ang van na gagamitin at expenses ng estudyante para sa group project nila. Gusto man nilang magkaniya-kaniya ng sasakyang gagamitin, hindi pumayag ang guro nila dahil baka magkaligaw-ligaw sila kaya binigyan sila nang gagamiting sasakyan. Wala silang nagawa kung hindi magsama-sama sa iisang sasakyan. Kasama ang nanay ni Carmela at yaya ni Mindy, kaya palagay naman ang loob ng mga magulang ng mga kasamang estudyante na hindi maaano ang mga ito. Tutal, malapit lang naman ang pupuntahan nila. Basta, magkakaroon lang ng open communication sa mga ito. Halos anim na oras din ang gugugulin nila sa paglalakbay papuntang probinsiya nila Carmela. Nasa unahan ang nanay niya katabi ng driver at kanina niya pa napapansing aligaga ito at hindi mapakali. Nasa pangalawang upuan nam