DAYO 8

1359 Words

"Hoy, nagbe-brainstorming tayo rito, hindi para matulog ka diyan. Tumulong ka naman." Tinanggal pa ni Johnny ang towel na nakatakip sa mukha ni Bella. Kasalukuyan silang nasa terasa ng bahay. "Ano ba? Alam n'yo bang hindi ako nakatulog kagabi dahil walang aircon? Tapos it's only 7am in the morning nanggigising na kayo? Akin na nga yan!" At hinablot nito ang towel kay Johnny at itinakip ulit sa mukha. Nahiga muli sa tumba-tumba. "Ang sarap kayang matulog kagabi. Ang lamig ng hangin," nakalabing sabi ni Shelley. "O, mag almusal na muna kayo. Masarap 'yan habang mainit." Inilapag ng ina ni Carmela ang plato ng suman at mga tasa. Nakasunod naman si Carmela sa ina at sinalinan ng tsokolate ang mga tasa. Napatayo si Bella nang maamoy ang aroma ng tsokolate. "Wow, chocolate!" At kinuha nito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD