DAYO 9

988 Words

"Ano ang maipaglilingkod namin mga apo?" Labas ang gilagid na kulay pula nang ngumiti sa kanila ang pinakamatandang tao raw sa kanila. Ngumuya-nguya pa ito ng nganga bago diretsong idinura sa lupa. "Ew, muntik na akong tinamaan. Kadiri!" Tiningnan nang beware look ni Johnny si Mindy bago pumasok sa gate na kawayan. Nagsisunuran na rin ang iba pa. Agad na kinausap nina Dina at Carlo ang matanda tungkol sa pakay ng mga estudyante. Tumango ito at tuluyang binuksan ang pinto ng bahay. Agad umalingasaw ang amoy ng mga iba't ibang uri ng dahon at halamang gamot. "Puwede bang dito na lang tayo sa labas mag-usap? Johnny ang baho sa loob," pabulong ang pagkakasabi ni Bella pero kahit si Carmela ay narinig ito kahit pa dalawang tao ang pagitan nila. "Akala ko ba kailangan ninyo ng mga litrato?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD