Chapter 1 | Arrival

1671 Words
The last thing I knew, unti-unti na akong lumubog sa kawalan. Mabilis akong napamulat nang magbago ang pakiramdam ng paligid. Mula sa paglubog sa kumunoy, pakiramdam ko ay unti-unti na akong nahuhulog mula sa mataas na bagay.  And I was right.  Muntik nang lumuwa ang mga mata ko nang makita kong nahuhulog nga ako, but before I even managed to scream, naramdaman ko na lamang ang pagbagsak ko sa isang platform.  Ang ikinataka ko lang ay wala man lang akong naramdamang sakit. Or it's just that patay na ako?... Or masyado nang namanhid ang katawan ko sa sakit na nadarama ko? My world has finally stopped from turning. Ngayon na lang ulit nakaramdam ang katawan ko ng pahinga. Kaya naman bago ko pa muling imulat ang mata ko, hinatak na ako ng kadiliman.  Buong loob ko naman itong hinagkan. --- Nagising ako na para bang bagong silang lang akong muli sa mundong ito. It feels light, new, and reborn.  Nasa heaven na ba ko? Or hell? Pero bat ang sarap sa feeling? Nang imulat ko ang mga mata ko, sinalubong ito ng panibagong pares ng mga curious na mata. I almost jumped from our position. I think her face was only an inch away from mine. Para nyang pinag-aaralan ang buong katawan ko, starting from my face pababa hanggang sa paa ko.  "Where are you from?" She curiously asked at bahagya nang lumayo sa akin.  Nakahinga naman ako nang maluwag at dali-dali nang umupo.  Shet, bat ang gaan ng pakiramdam ko? Ni kaunting sakit ay wala akong nararamdaman.  "What are you?" Muling tanong nung babae. Siguro ay kaedaran ko lang din sya. Muka naman syang harmless. Nilibot ko muna ang tingin ko bago ko sya sinagot.  "Uhm, Bulacan," halos magcrack pa ang boses ko dahil sa sobrang tuyot ng lalamunan ko.  Nakita ko namang kumunot ang noo nya. "Saan yon?" tanong nya at muling lumapit sa akin. Excited nyang hintay ang kung ano mang isasagot ko. Nagtaka naman ako.  Seriously? Di nya alam yung Bulacan? Saan lupalop ba to ng Pilipinas nakatira?  Hindi ko na lang sya sinagot. "Nasaan ako?" tanong ko rito.  Panay pa rin ang libot ng tingin ko sa lugar. Para akong nasa isang makalumang tent. Ang laman lang nito ay ang kamang hinihigaan ko kanina, wood table sa tabi ng kama na punong-puno ng iba't ibang herbal na gamot, at mga pots na iba't iba ang sizes.  Ngumiti sya sa akin. "Nasa Beline ka!" excited na sagot nito.  Judging her look, I really like her tan skin dahil perfectly matched ito sa hazel brown eyes nya. Wavy rin ang buhok nya na hanggang balikat. Kung straight lang siguro ako, baka naging crush ko na 'to agad haha.  Mabilis ko namang inalis ang isip ko sa itsura nya nang magregister sa akin ang sinabi nya.  "Beline? Saan to? Sa pagkakaalam ko wala namang lugar na Beline sa Bulacan," nagtatakang tanong ko dito. "Ano bang sinasabi mo? Ano yung Bulacan?" Halos lumuwa na ang mga mata ko. Putek nasaang lupalop ba ako ng bansa?  Sasagot na sana ako nang biglang may humawi ng tela na nagsisilbing pintuan ng tent na ito at iniluwa nito ang dalawang pigura ng lalaki. Isang matanda na medyo kulubot na ang balat at puti na rin ang ilang buhok nito. Habang yung isa naman ay sa tingin ko ay limang taon lamang ang tanda sa akin. Nakasuot ang mga ito ng grey na robe kagaya nung mga napapanood ko sa movies.  Agad namang tumabi at napa-bow yung babaeng kausap ko.  "Gising na pala ang dayo," narinig kong sabi nung matanda nang makita ako.  "Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong pa nito nang tuluyan na syang nakalapit.  "Okay lang po. Medyo nauuhaw lang hehe," awkward na sabi ko. Shete litong-lito na ko! Literal na para akong nasa ibang panahon at mundo. Bakit ganyan sila manamit? Bakit ganto yung mga kagamitan nila?  "Clara ikuha mo sya ng maiinom," utos ng matanda sa babaeng kausap ko kanina. Agad lang itong sumunod at kinuha ako ng tubig na nakalagay sa parang mangkok na paso.  "Thanks po," nahihiyang pasasalamat ko naman bago ko tuloy-tuloy na nilagok ang tubig. Hays, ang sarap.  Mabilis naman akong napausod nang umupo ang matanda sa tabi ko.  "Iho, paano ka napunta rito?" seryosong tanong nito sa akin. I paused for a while to think.  I almost lost my breath nang maalala yung mga nangyari.  "Nahulog ako sa kumunoy... akala ko katapusan ko na. Hanggang sa unti-unti akong parang nalaglag mula sa mataas na lugar tapos nung malaglag ako, nawalan na ako ng malay." Wala sa sariling sabi ko sa hangin habang inaalala ang mga nangyari.  Parang sumikip naman ang paghinga ko nang maisip kung gaano kadami kayang buhangin ang pumasok sa sistema ko nung nasa kumunoy ako. Ouch. shet.  "Alam mo ba kung nasaan ka ngayon?" muling tanong nung matanda. Napatingin naman ako rito at napailing. "Anong lahi mo?" dagdag pa nya. Umiling ako. "Pilipino po," mabilis na sagot ko.  Kung gaano kabilis ang pagsagot ko, ganon din kabilis ang pagkunot ng noo nya.  "Vampire? Lycanthrope?" muling tanong nya.  Halos masamid naman ako nang pigilan ko ang tawa ko dahil sa sinabi nya. Edward Cullen ka ghorl?  "Sigurado akong hindi ka Mage dahil iba ang amoy mo," nanlaki ang mga mata ko and I immediately smelled myself. Hindi naman ako nangangamoy ah.  Ngumiti ako rito. "Ano pong sinasabi nyo? hehe."  "Kung wala kang ideya sa mga sinasabi ko, malamang ay isa ka lamang normal na tao mula sa kabilang mundo," seryoso pa ring sabi nito.  Ha? Normal ako? Malamang! Bakit sila ba, abnormal?  Kabilang mundo? Nasa mental ba ako at mga baliw 'tong mga to?  "Ang ikipinagtataka ko lamang ay papaano mo nabuksan ang lagusan," dagdag nito sabay tingin sa isa pang lalaki na kasama nya.  Umubo ako nang pilit. "Mawalang galang na po. Ano po bang sinasabi nyo?"  Hindi ko na kaya 'to. Inaantay ko na lang na may magsabi ng "Issaprank!!!" Halos malagutan ako ng hininga sa gulat nang makita kong lumutang yung pot na pinag-inuman ko kanina.  "Hala!!!" sgaw ko. Narinig ko pa ang pagtawa nung Clara dahl sa reaksyon ko. "Hala! Hala! May multo!" muling sigaw ko.  "Walang multo, iho," nakangiting sabi ng matanda. "Ako ang gumagawa nyan," dagdag nya pa sabay turo sa baso.  "Po? Is this a prank?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Mababaliw na ata ako sa mga kaganapan. Nakita nya atang litong-lito na ako kaya nag-explain na sya. "Nandito ka sa Beline, ijo. Nasyon ng mga Mages. Ang mga lahi namin ay may hawig sa lahi mo sa kabilang mundo. Ang pinagkaiba lamang ay gumagamit kami ng iba't ibang kapangyarihan."  "So... totoo po ito?!"  "Mismo," mabilis nyang sagot.  Shet totoo nga? Walang issaprank? "Po? Kung totoo nga po ito, paano po ko makakauwi sa amin?" Medyo panic na tanong ko.  Nagpapanic na ako mga 1/4.  Umiling ang matanda. "Ikinalulungkot ko pero hindi na maaari."  Okay... hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko. Tama ba na ang sabi nya ay hindi na ko pwedeng umuwi? Ha?!!!  Kurutin nyo ko! Kahit sa singit pa yan! Go lang!  "Bilang lider ng Beline, hindi kita hahayaan na muli pang bumalik sa iyong mundo. Dahil sa oras na gawin ko iyon, tila ba inilagay ko na rin sa panganib hindi lang ang Nasyon ng Beline kundi pati na rin ang buong Lankan," mahabang paliwanag nya. Yung 1/4 na panic ko kanina, naging 1/2 na! "Hindi po ako magsusumbong, promise!" Mabilis na suhestyon ko sabay taas pa ng kanang kamay ko.  "Hindi kami makasisigurado diyan," pag-iling ng matanda. "Mayroon naman kaming mahika na maaaring magbura sa memorya ng kahit anong nilalang, subalit matagal na itong ipinagbabawal sa nasyong ito. At ang paglabag dito ay may katumbas na pagkitil bilang parusa."  Literal na bumagsak ang balikat ko sa narinig. "So final na po? Dito na ko forever? As in wala nang bawian?" I asked desperately.  Putek, dito na ako mamamatay? Paano na ang aking sintang bayan? Gusto ko doon ako ilibing. (OA mo sist). Tumango ang matanda. "Sa ngayon, dahil hindi ka taga rito, isa ka munang Outlander." "Outlander? Ano po yon?" "Outlander. Bilanggo."  Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. "Ha?! Ikukulong  nyo po ako?" Naiiyak na tanong ko.  Ang ironic lang na natakasan ko nga na huwag makulong sa mundo ko pero akalain mong sa bagong mundo na ito pa ako makukulong.  "Hindi ka literal na ikukulong. Ang ibig sabihin ay bilanggo ka na ng mundong ito. Mula ngayon, dito ka na. Hindi ka na maaaring umalis," nakahinga naman ako nang maluwag sa paliwanag nya. Akala ko ikukulong na ko sa parang dungeon at ipapakain sa mga aso. Teka may aso rin kaya rito? Kung wala, kawawa naman sila.  "Ano nga pala ang iyong ngalan?" "Malik po," sagot ko. Inilahad ng matanda ang kanyang kamay. "Ako si Apo Lakan. Ang pinuno ng nasyong ito."  Inabot ko ang kamay nya. "Nice to meet you po hehe," awkward na sabi ko.  Nakikipagkamay lang naman ako sa president ng Beline. Hindi nga lang president ang tawag. Pero parang ganon na rin yon.  "Ito naman si Clara, matapat na tagapaglingkod sa bukot na ito," pakilala nya sa babaeng kausap ko kanina. Mabilis naman itong lumapit at kumamay sa akin habang suot ang malaking ngiti.  "Ikinagagalak kitang makilala, dayuhan na mula sa ibang mundo!" she said. Narinig ko pa ang mahinang pagtili nya na ikinatawa ko. "Same," nakangiting reply ko.  Itinuro naman ni Apo Lakan ang lalaking kasama nya na kanina pa tahimik sa gilid.  "At ito naman si Scott, pinuno ng aming hukbo. Sya ang nakatagpo sa iyo," tumango lang yung sinasabi nyang Scott.  Cute sana kaso intimidating yung aura. Leader pa ng parang sundalo nila. Layo-layo tayo baka matusta tayo nang wala sa oras.  "Hello po. Salamat po sa pagtulong sa akin. Kung hindi nyo po ako nakita ay baka kung ano nang nangyari sa akin," nahihiyang sabi ko. Tumango lang naman syang muli. Psh.  Pag ikaw napagsalita ko, ten points para sa akin. Pwe. Bulong ko sa isip ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD