Chapter 2 | Nation of Beline

1715 Words
Kasama ko ngayon si Clara sa tent na tinatawag nilang bukot. Pinaghanda nya ako ng mainit na tubig pampaligo na agad ko namang ginamit dahil feeling ko ay ang lagkit-lagkit ko na.  Ayon din sa kanya ay tatlong araw akong walang malay. I was also in the verge of death nang matagpuan ako. Buti na lamang daw ay magagaling ang mga manggagamot nila rito.  Magic-ers, malamang.  Maghuhubad na sana ako ng damit but I stopped myself nang makita kong nakatayo pa rin sya doon habang pinagmamasdan ako. "Uhm, maliligo na ko," nahihiyang paalala ko rito.  Nakangiti lang sya na para bang hindi natinag sa sinabi ko.  "I know," she shortly replied. Pinanlakihan ko sya ng mata. "Eh bakit nakatingin ka pa?"  Muka namang nagets nya na ang sinasabi ko. "Oh! Nahihiya ka bang masilayan ko ang katawan mo? Nakalimutan ko na galing ka nga pala sa ibang mundo," natatawang sabi nya.  "Tagapagsilbi ako rito diba? Dito ay ayos lamang na makita ko ang katawan mo o ng nilalang na pinagsisilbihan ko. Walang malisya. At saka bawal akong magkaroon ng sekswal na pagnanasa sa pinaglilingkuran ko. Kasama iyon sa sinumpaan ko. Ang paglabag ay kapalit ng buhay ko," nakangiting paliwanag pa nya.  What? Normal lang yon dito? Where's the privacy? huhu. Wala na akong nagawa at tinaggal ko na ang saplot ko. Hindi naman ako taga rito in the first place. Kaya kahit kumalat pa nude pics ko ay okay lang.  But I almost jumped when I heard Clara's squeak. "Hala ang puti at ang kinis-kinis mo! Parang balat ng isang maharlika! Tiyak na pati mga kalalakihan ay mahuhumaling sa iyo, Malik!" matinis na sigaw nya at lumapit na sa akin para raw tulungan ako magkuskos. Agad ko naman syang piniligilan. "Kaya ko na, Clara. Thanks na lang. I know ginagawa mo lang ang trabaho mo but don't look at me na parang obligasyon mo ako hehe. Dayuhan lang naman ako rito. Outlander nga diba?" nakangiti at sincere na sabi ko sa kanya. "Okay, sis," natatawang sabi naman nya.  Napansin ko lang na ang weird ng pananalita nya. I mean, hindi kagaya ng pananalita ni Apo Lakan. Halos kalevel ko na sya ng way ng pananalita eh.  "Uhm, Clara," pagtawag ko sa kanya habang pinapanood nya pa rin ako sa pagligo ko. "Bakit ganyan ka magsalita? I mean... hindi kagaya ng kay Apo Lakan?"  Nakangiti pa rin sya. "Ilang henerasyon na kasi ng pamilya ang napagsilbihan ko. Syempre naaadapt ko rin ang way ng pananalita nila. Napaghahalo-halo ko kaya ganito na ko magsalita ngayon," pag-eexplain nya at sinundan pa ng tawa.  Kaya pala.  Pagkatapos ko maligo ay lumabas muna si Clara para kunin ang damit at robe ko. Syempre kailangan ko nang iadapt ang way ng pananamit nila.  Habang inaantay ko si Clara ay nagpatuyo muna ako ng katawan. Habang nagpupunas ay narinig ko naman ang pagdating nya. "Lagay mo muna dyan sa kama, wait lang," sabi ko sa kanya habang nakatalikod.  After I dried myself, kukunin ko na sana ang damit sa kama pero napasigaw ako nang humarap ako. Dali-dali kong kinuha yung telang ginamit ko sa pagpapatuyo at mabilis na itinapis sa akin.  "Waaaaah! Bastos! Mamboboso!" halos lumabas na ngala-ngala ko kakasigaw.  Shet naman kasi! Pagkaharap ko, nandon yung Scott na parang gulat din na nakatingin sa hubad kong katawan!  "Wahhhh! Tulooong!" muling sigaw ko. Parang nataranta naman si Scott dahil sa mga sigaw ko.  "Bakit?! Anong nangayayari?!" nag-aalalang tanong ni Clara nang makapasok sya bitbit ang damit ko. Dali-dali naman syang lumapit sa akin.  "Bakit Malik?" I can sense concern from her voice.  Napatingin sya sa tinitignan ko nang hindi ako sumagot. Doon nya nakita si Scott na parehong gulat kagaya ko.  Mabilis na nagbow si Clara. "Ipagpaumanhin nyo po," sabi nito kay Scott. Akala mong sincere pero kitang-kita kong nangingiti ang gaga! "Pero sana po ay naligayahan kayo sa inyong nasaksihan."  Ijudge nyo na ako pero binatukan ko sya nang pagkalakas-lakas.  "Gaga ka ba? Monggi ka rin e no? Bugaw!" Hysterical na sigaw ko.  Pero imbis na magalit ay natawa pa ito. "Ipagpaumanhin nyo po ang pagsigaw ni Malik, Ginoong Scott. Hindi ho kasi sya sanay na nakikita ng iba ang kanyang hubad na katawan," pormal ngunit pilyang paumanhin ni Clara kay Scott.  May sapak talaga tong babaeng to. Lukaret lang? "Bakit ba hindi ka kumakatok ha?" Galit na tuon ko sa lalaking m******s na yon. He just bowed. "Ipagpaumanhin mo," he said with his deep raspy voice.  I think I'm pregnant and the father of my child is his voice. Charot. Galit pala dapat ako. Pero shet! Nagsalita sya! Doon ko sya natitigan nang mabuti.  This time, sleeveless na ang robe nya kaya kitang-kita mo ang putok na putok na maskels nya sa braso. Matangkad din ito at bahagyang tan ang balat na bumagay sa mala-tsokolate nyang mga mata. Gwapo sana kaso napakaseryoso at m******s pa. Pwe.  "Nandito ako para samahan kayo sa paglibot sa ilang bahagi ng Beline. Antayin ko na lamang kayo sa labas ng bukot." Nakayuko pa ring sabi nya at lumabas na nga sya.  Ito namang si Clara ay hindi ako tinigilan hanggang sa makapagbihis na ako.  I'm wearing a white mesh top and black pants beneathe the dark green sleeved robe. Bet ko tong outfit na to ha, pang costume party.  Pagkalabas namin ay nakita kong nandoon si Scott na tahimik na nag-aantay. Nang makita nya kami ay agad naman itong lumapit sa amin. Nauna kaming naglalakad ni Clara habang nasa likuran naman sya.  "Bakit ba kailangang kasama pa yang, Scott na yan?" Medyo inis na tanong ko kay Clara. "Shh baka marinig ka." She almost covered my mouth dahil sa sinabi ko.  "Syempre... protection," simpleng sagot naman nya. Muka namang napansin nyang hindi ko sya nagets kaya she explained further.  "Dalawa kasi ang uri ng Mage-- ang Luminous at Eclipse. Kami ang napapabilang sa mga Luminous o ang mga Mage na gumagamit lang ng pinapayagang mahika. Samantalang yung Eclipse naman, ay grupo ng mga Mage na gumagamit ng forbidden spells and charms. In short, mga kriminal. Ngayon, kailangan natin ng protection ni Scott dahil umaalingasaw lang naman ang amoy mo sa lugar na to," mahabang eksplanasyon nya pero ang pinakapinansin ko lang ay yung huling sinabi nya. "Ha? Kakaligo ko lang ah?" Nagtatakang tanong ko dito sabay amoy sa sarili ko. Di naman mabaho!  She just laughed. "Hindi ka mabaho, Malik. Malakas kasi ang pang-amoy ng mga taga Lankan. Bale mas importante ang pang-amoy namin dito kaysa kahit anong senses. Iba-iba rin ang amoy ng bawat lahi. At yung amoy mo, never ko pang naamoy yan. Halatang hindi taga rito sa mundong to. Hindi naman mabaho. In fact nakakahalina nga. Tiyak na maraming lahi ang magkakainteres sa iyo pag nakarating sa kanila ang amoy mo. Hindi ko alam na ganyan pala kahalimuyak ang amoy ng mga taga ibang mundo haha." (Lankan= Tawag sa mundo nila. And Beline ay Domain lamang.) Napa-"Ahh" na lang ako sa narinig. Woosh, akala ko naman umaalingasaw na ang kabahuan ko.  Doon ko lang napansin ang iba't ibang mga makukulay na liwanag ang nagkalat sa paligid. Nanggagaling ito sa mga kamay ng mga bata na masayang naglalaro.  Nagbabatuhan sila ng mga mahihinang magic sabi ni Clara.  "Ang saya naman!" Natutuwang sabi ko.  Sobrang naaamaze ako! Ang ganda. Ramdam na ramdam kong nasa ibang mundo ako. Sa kabilang side naman ay makikita  mo ang mga naglulutangan na ibinibentang street foods "Wow!"  Halos mapasigaw ako nang paglingon ko ay may tila ba apoy ang mabilis na tatama sa akin. Nagulat na lang ako nang hindi man lang ako napaso nang tuluyan na itong tumama.  "Shet, akala ko masusunog na ako!" Hinihingal sa kaba kong sabi. Natawa lang si Clara. "Protected ka naman ng Robe."  Ohhh... yun pala ang purpose ng robe na 'to? Akala ko trip lang nila haha.  "Pero minor magic lang ang kaya nyang sanggain." She added. Napatango na lang ako.  Nakita ko sa gilid na may batang lalaki ang nakayuko na tila ba takot na takot. Sya ata yung bumato ng apoy na tumama sa akin.  "Hala ang cute nya!" Gigil na sigaw ko.  Mabilis akong lumapit dito. "Beh, ang cute mo naman!" Natutuwang sabi ko dito. Bubuhatin ko na sana sya kaso naramdaman kong nanginginig ito. "Hala bakit ka nanginginig?"  "Patawad po," naiiyak na sabi nito. Shet ang cute! Paiyakin ko pa kaya? Charot. Hinarap ko sya sa akin. "Huwag kang umiyak. Hindi galit si kuya, okay?" Nakangiting pag-alo ko rito at pinahid ang isang patak ng luha na kumawala sa mata nya.  "Patingin pa nga ng magic mo, dali!" excited na sabi ko pa. Nakita ko namang kumalma na sya at nakangiting tumango. Halos lumuwa ang mata ko nang balutin ng apoy ang kamay nya. "Wow! Hindi ba mainit?"  I heard his chuckle. "Hindwi po."  "Ang cute mo naman, anong pangalan mo?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at binuhan ko sya. "Chester po." Nakangiting sagot nya.  Doon ko lang napansin na halos lahat pala ng mga tao ay este Mage na nandoon ay nakatingin sa amin. Karamihan naman sa mga ito ay nakangiti. Ang iba naman ay tila ilag. Hindi ko ito napansin kanina dahil sobrang naaamaze ako sa mga magic na nakikita ko. Ibinaba ko na si Chester at lumapit kay Clara.  "Bakit sila nakatingin?" I asked Clara consciously.  "Syempre may taga ibang mundo. Baka naaamaze lang din sila sayo." She answered.  Hindi ko na lang ininda ang mga tingin nila. Nginingitian ko na lang rin yung mga nakangiti sa akin at mga bumabati.  Maya-maya pa ay nakarating na kami sa bayan. Mas lalo akong namangha sa mga nakikita ko. Mas maraming kulay. Mas maraming magic. Ang saya!  "Hala gusto ko non!" Turo ko sa parang ulap na nakatusok sa stick. It reminds me of cotton candy pero literal na mukang ulap on stick yon.  Bumili kami. Syempre si Scott yung nagbayad. Wala naman kaming pera ni Clara no.  "Shet ang sarap!" sigaw ko nang kumagat ako. Hindi ko maintindihan yung lasa. Halos tumirik na yung mata ko sa sarap... ng flavor kasi. Nagpasalamat na kami kay manong at naglibot-libot pa.  Hindi pa man ako nagtatagal dito pero naffeel ko nang super mag-eenjoy ako rito! Okay lang po maging bilanggo sa mundong ito kung ganito naman kagaganda ang mga bagay na nakikita ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD