One year later...
"Judas, look!"
Napangiti ako sa excited na pagtawag sa pansin ko ni Sachi. Tumigil ako sa paglalakad papalapit sa kanya sa dalampasigan ng isla at pinanuod ang unti-unti niyang pagtayo mula sa wheelchair niya. Lalong lumawak ang pagkakangiti ko nang magsimulang humakbang ang kanyang mga paa. Gumegewang ang kanyang katawan na tila anumang sandali ay matutumba siya ngunit nanatili siyang nakatayo at sinusubukang dagdagan pa ang bilang ng kanyang paghakbang.
"Nakakapaglakad na ako!" masayang-masaya niyang sabi at iyon lang ang hinihintay ko. Tinakbo ko ang kinaroroonan niya at binuhat ko siya. Inikot-ikot ko siya habang sabay kaming tumatawa nang malakas.
Nang ibaba ko siya ay hinaplos ko ang kanyang maamong mukha na nakatingala habang nakangiti nang matamis sa akin.
"Finally, my love," malambing kong saad sa kanya.
"Yes, finally!" masaya niya namang sagot sa akin at kitang-kita ko ang pagtutubig ng kanyang mga mata.
Hindi na ako nakatiis pa. Bumaba ang mukha ko sa mukha niya. Malugod naman niyang tinanggap ang halik ko.
Sa loob ng isang taon na magkasama kami ni Sachi ay ginawa ko ang lahat ng paraan upang mahulog ang loob niya sa akin. Ipinakita ko sa kanya kung gaano ako kabait at kung gaano ako kabuti hindi lang sa kanya kundi maging sa aking mga tauhan. Itinago ko sa kanya ang aking kalupitan kaya tanging ang mabuting pag-uugali ko lang ang alam niya. Nakilala niya akong mabait, maunawain, mapagpasensiya, at ideal na lalaki. Iyon din Ang alam kong dhailan kung bakit unti-unti kong nakuha Ang loob at tiwala niya pati na rin ang pagmamahal niya. Masasabi ko na sa ngayon ay malapit na malapit na akong nagtagumpay sa tuluyang pag-angkin hindi lamang sa puso kundi pati sa katawan ni Sachiro Kaide.
Hindi ko minadali ang lahat. I took my time. Pinalampas ko rin ang walong buwan bago ako nagtapat ng nararamdaman ko sa kanya. Tiniis ko ang mga panahon na gustung-gusto ko na siyang angkinin. Ayoko siyang pilitin. Ayokong sumama ang tingin niya sa akin. At ngayon nga ay halos isang buwan na kaming magkarelasyon.
Sa loob ng isang taon ay pinagaling siya ng mga doctor na binabayaran ko ng malaki. Nakadalawang operasyon na rin siya dito sa isla na nagbunga nga ng maganda. Nakailang hakbang na siya at alam kong darating ang araw na tuluyan na siyang makakapaglakad at makatatakbo. Malapit nang magbalik ang lahat ng muntikan nang mawala sa kanya. At alam ko na tinatanaw niya iyong malaking utang na loob sa akin dahil nagawa ko ang Hindi nagawa ng mga magulang niya at ng mga taong nagsasabing mahal nila si Sachi. Ako lang. Tanging ako lang ang kayang bumagonsa kapalatan niya. At gaya ng sinabi ko, pinatunayan ko iyon sa kanya.
Inalalayan ko siyang makaupo ulit sa kanyang wheelchair at nagtungo ako sa likuran niya upang itulak ito papasok sa mansiyon. Nakasunod naman sa amin ang dalawang nurse na palaging nakaalalay sa kanya.
"Jude, wala pa bang balita tungkol kay Dad? Even a message?" tanong niya pagkaraan ng ilang sandali.
Tumalim ang mga mata ko. Mabuti na lang at nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya iyon nakita.
"According to my man stationed at your house, your Dad wishes you well, Sachi. Hindi lang sila masyadong nakakapag-usap dahil ingat na ingat pa rin sila. Alam mo naman ang sitwasyon. Hindi pa rin nahuhuli ang karamihan sa mga nagpakidnap sa'yo. Last week ay may nagtangka rin sa kapatid mong lalaki," paghahabi ko ng kasinungalingan sa kanya.
Buong pag-aalala siyang lumingon sa akin nang marinig ang ibinalita ko.
"How is he?" labis ang pag-aalala niyang tanong. Tumigil muna ako sa paglalakad at saka siya niyuko.
"They're all right though everything is still in chaos, Sachi. Mabuti nga raw at nandito ka sa akin. You're safer here with me," malambing kong saad sa kanya.
"I miss them so much," basag ang boses niyang bulong. Of course. Alam kong sabik na sabik na niyang makausap man lang ang kanyang ama maging ang iba pang miyembro ng kanilang pamilya. Isang taon na rin niyang hindi nakikita ang mga ito. Tanging mga larawan lang ng mga ito na ibinibigay ko ang hawak niya.
Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang ilang butil mg luha na tuluyan nang nahulog mula sa kanyang mga mata. Mabilis naman niyang pinunasan ang pisngi niya. Alam kong kahit kumportable na siya sa akin ay may mga pagkakataon pa rin na itinatago niya ang mga kahinaan niya.
"I know, baby. I know. And they miss you so much, too. But your safety is their priority kaya konting tiis pa, okay? Soon, magkakasama din kayong lahat." Tumango siya sa akin at tinanggap ang halik na ibinigay ko sa noo niya.
Ipinagpatuloy ko ang pagtutulak sa wheelchair niya habang gumagana na naman ang isipan ko.
Malapit nang makapaglakad si Sachi. Malapit na siyang gumaling. Sooner, hindi ko na siya mapipigilan pa kung aalis siya dito sa isla para bumalik sa kanyang pamilya. Kailangan ko nang kumilos. I have to ensure that even if he leaves the island, he will be back to me. Kailangan na may tali nang magkokonekta sa aming dalawa. I must give him something that he won't easily forget.
Dumiretso kami sa sala ng mansiyon at doon ay pinakain ko siya ng meryenda. Buong puso ang ginawa kong pagsisilbi sa kanya. Kulang na lang ay subuan ko siya. Sinasaway niya nga ako habang tumatawa siya. Ginagawa ko raw siyang baby.
"Baby naman kita. Matagal na."
Iyan ang sagot ko sa kanya. Totoo naman iyon dahil mula nang makilala ko siya ay iyon na ang turing ko sa kanya. Siya ang tao na buong buhay kong aalagaan, pagsisilbihan, at mamahalin. Sabihin na nila na niloko ko siya. Pinaniwala sa napakaraming kasinungalingan. Ngunit makikita naman nila ang bunga ng lahat ng kasinungalingan na ginawa at ginagawa ko pa rin hanggang ngayon. Naibalik ko sa dati si Sachi. Nagawa ko siyang palakarin ulit. Sobra-sobra lang kabayaran iyon sa naging kasalanan ko sa kanya.
Ihinatid ko siya sa kanyang silid nang matapos naming pagsaluhan ang meryendang inihanda ng mga kasambahay.
Nang makarating na kami sa kanyang silid ay binuhat ko siya mula sa kanyang wheelchair at saka inilagak sa kama.
Naalala ko pa noong una na halos ayaw niyang binubuhat ko siya. Ngunit nang sabihin kong mas magiging kumportable siya kung ako ang gagawa niyon ay pumayag na rin siya.
"Sleep, my love. We will have a special dinner tonight."
Kumislap ang mga mata niya sa sinabi kong iyon.
"May espesyal bang okasyon? Would I finally meet your family?" excited niyang tanong.
Natawa ako sa tanong niya.
"You know na kahit sa kanila ay itinatago kita. They're my family but I don't trust them when it comes to knowing our location. Mas mabuti na wala silang alam. But don't worry, you would meet them soon, Sachi." Hinalikan ko siya sa mga labi. I've let my kiss linger because obviously, I can't get enough of him.
"I love you," bulong ko sa kanya.
"Love you," sagot naman niya sabay ngiti nang matamis. Sayang-saya naman ang puso ko.
"Soon, we will be sleeping in the same bed, Sachi. It might start tonight," malamyos kong bulong. Kumindat pa ako sa kanya.
Sobrang namula ang mukha niya dahil sa tagong kahulugan ng sinabi ko.
"Judas, I'm not a virgin anymore," nahihiya niyang bulong pabalik pagkaraan ng mahaba-habang minuto.
"So am I so it's just fair. Besides, I don't want a crying virgin on my bed. Baka mag-iyakan pa kaming dalawa." Natawa siya sa biro kong iyon.
"I'll see you later," pagpapaalam ko na sa kanya dahil may mga kailangan pa akong asikasuhin.
...
"Prepare a table at the shore tonight. I will propose to Sachi so make the ambiance of the place as romantic as possible," walang kangiti-ngiting bilin ko sa ilan sa aking mga tauhan.
"Yes, boss." Masunurin naman itong tumango sa akin.
"Leave," sunod kong utos na agad naman nitong sinunod.
Nang ako na lang sa loob ng opisina ko ay binuksan ko ang drawer at kinuha ang isang ring box. Nasa loob niyon ang engagement ring na balak kong isuot sa daliri ni Sachi mamayang gabi. Tadtad ito ng mamahalin bato at milyong dolyar na rin ang halaga. Sabi ko nga, Basta para kay Sachi ay wala akong pakundangan kung gumastos ng pera. Masusulit ko namang lahat ng iyon kapag nasimulan ko nang angkinin ang katawan niya.
Sa isiping inaangkin ko na siya at biglang nabuhay ang aking p*********i. Matagal-tagal na ring naipon ang pananabik ko at tila hindi na ito makapaghintay na lumabas. Kung babae lamang si Sachi ay siguradong mabubuntis siya pagkatapos ko sa kanya mamayang gabi. O sabihin na nating mamayang madaling-araw dahil titiyakin ko na hindi lang isang beses ang gagawin kong pag-angkin sa kanya.
Itinabi ko muna ang singing at saka ko binuksan ang laptop ko. Ilang click at commands ang ginawa ko bago bumungad sa akin ang camera. Ilang sandali pa ay nakita ko na ang isang taong kamukhang-kamukha ko. Para lang akong nagsalamin dahil pati ang bigote ko at balbas ay kuhang-kuha niya.
"Anong maibabalita mo sa akin?" Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa sa aking pagtatanong.
"Labinlimang milyong dolyar ang pumasok sa iyong account dahil sa isang business deal na naisara ko kahapon, boss."
Napangiti ako. 15 Million Dollars. Not bad. Magaling at madiskarte talaga ang nakuha kong puppet ko.
"Magaling. Ano pa?"
"Nagpunta rito ang iyong ama, boss. Pinipilit niya akong umuwi sa Japan dahil sabik na sabik na raw ang inyong ina na makita kayo."
Nawala ang ngiti ko. Mukhang napapadalas ang pagdalaw ni Papa sa aking bahay. May nahahalata ba ito sa taong nagkakausap kaya pinipilit niya itong pauwiin sa Japan?
"Mabuti at hindi ka napilit. Tingin mo ba ay nahahalata niyang peke ka?"
"Maingat ako, boss ngunit iba pa rin ang lukso ng dugo. Malulusutan ko ang lahat ngunit hindi ang bagay na iyon. Iyon ang hindi ko kayang gawing peke."
Napatango ako sa sinabi ng lalaki.
Nag-isip ako nang malalim. Kailangan kong pakalmahin si Papa pati na rin ang aking ina. Ngunit hindi dapat malaman ni Sachi na aalis ako at uuwi sa Japan. Tiyak na ipagpipilitan niyang sumama siya.
Matagal akong nag-isip kung ano ang mga hakbang na kinakailangan kong gawin bago natuon muli ang atensiyon ko sa aking kausap.
If my father cannot recognize this person as a stranger, tiyak na ganon din si Sachi. Magaling sa pagpapanggap ang lalaki, I would give him that kaya nga malaki rin ang pinapasahod ko sa kanya.
"Maghanda ka. Anytime ay pwede tayong magpalit. May mga aasikasuhin lang ako at kailangang ayusin bago kita ipakuha riyan."
"Ahh, boss. Mag-iisang taon na rin kasi..." panimula ng lalaki ngunit alam ko na agad ang sasabihin niya.
"Naiinip ka na samantalang sobra-sobra pa ang ibinibigay ko para sa pangangailangan mo? Wala ka ring mairereklamo sa pinapasahod ko sa'yo."
Napayuko ang lalaki ngunit hindi pa siya tapos. Muli siyang tumingin sa akin.
"Boss, gusto ko nang bumalik sa dating buhay ko."
Napahinga ako nang malalim. Kung magkasama lang kami ngayon ay baka binaril ko na siya. Ngunit hindi. Hindi ko pala muna siya pwedeng ipagalaw. Kailangan ko pa siya.
Tumango-tango ako para ipakitang naiintindihan ko siya.
"Huwag kang mag-alala. Sandali na lang at matatapos na ang trabaho mo sa akin. Bago kita paalisin ay ibabalik ko ang dating mukha mo. Makababalik ka na sa dating buhay mo na may baon pang malaking halaga."
Nakita kong binalot ng kasiyahan ang mukha ng lalaki.
"Maraming salamat po, boss. Salamat po," paulit-ulit niyang pagpapasalamat sa akin.
"Sige na. Balitaan mo ako kung may emergency situation diyan."
"Opo, boss."
Iyon lang at pinatay ko na ang tawag. Tumayo na ako at umalis sa opisina. Dumiretso ako sa aking kuwarto upang makapagpahinga. Marami akong gagawin mamaya.
Maraming-marami.