Kaagad akong humiwalay kay Sachi. Napamura ako nang makitang lalong namula ang mapula na niyang mga labi. "Damn!" Nagdikit ang mga kilay niya nang marinig niya ang pagmumura ko. "What's wrong? Bakit nagmura ka?" Fúcking shít. Bakit pati ang boses niya ay parang boses ng anghel? "Ahh, minura ko ang sarili ko dahil... Dahil matutumba ka na nga pero hinalikan pa kita," pagpapalusot ko habang itinatayo siya. Natawa naman siya na muli kong ikinatitig sa kanya. Napamura ulit ako at sa pagkakataong ito ay sa isipan ko na lang. Kaya naman pala adik na adik si Judas dito dahil pati pagtawa nito ay nakaka-in love. Teka. Carem, preno muna. Bakit ka na naman napunta sa in love, in love na iyan? Hindi ba at hindi ka naniniwala roon? "Sino ba ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito?" Nagd