"Welcome back, Sir Judas!" Tumango ako sa isa sa mga tauhan ng totoong Judas na sumalubong sa akin pagkababang-pagkababa ko sa helicopter. Inabot niya ang bag na dala ko upang siya na ang bumuhat dito. Ayoko pa sanang ibigay iyon ngunit inilagay ko sa isipan ko na ako na si Judas ngayon at marami akong utusan. "Ilagay mo iyan sa guest room na katabi ng master's bedroom at huwag mong papakialaman," bilin ko sa lalaki. "Po?" nagtataka niyang tanong. "Alam mong ayokong napapakialaman ng kahit na sino ang mga personal kong gamit. At kung tungkol sa pagpapalagay ko nito sa ibang kuwarto, marami akong mga gagawin at ayokong maabala ko ang asawa ko habang nagtatrabaho ako," seryoso kong sagot. "At bakit ba kailangan mo pang magtanong? Sundin mo na lang ang utos ko kung ayaw mong nakaluh