Chapter 14: Carem

1748 Words

Maingat akong lumingon kay Sachi. Ang totoo niyan ay kanina ko pa siya pinapakiramdaman. Kanina ko pa siya lihim na lihim na sinusulyapan. At ngayon nga ay pikit na ang kanyang mga mata. Mahimbing na siyang natutulog. Bahagya ko siyang inayos upang mabuhat ko siya at mailagay sa kama. Hindi man lang siya nagising hanggang sa maihiga ko na siya roon. Inayos ko muna ang puwesto niya at saka ko siya kinumutan. Pinagbigyan ko na rin ang sarili ko at hinagkan siya sa kanyang noo. Sa mga labi niya sana ako hahalik pero nakonsensya ako. Nagtungo ako sa TV at pinatay iyon. Pagkatapos ay tumingin ako sa relo ko. Alas nuebe i medya na pala ng gabi. Tiyak na kanina pa naha-high blood si Judas. Siguradong isang beses na niya akong tinawagan na syempre Hindi ko nasagot dahil iniwan ko ang phone ko sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD