Episode 3

1261 Words
TUMINGIN ako sa orasan, isang oras at ilang minuto nalang bago ako mag-out. Mag-aalas kwatro na at five o' clock naman ng umaga darating ang kapalitan ko ng duty. Ganitong oras ay iilan lamang ang mga pumapasok na customer. Ngayong oras ay halos nasa tatlong katao pa lamang ang nasa loob ng dining. Ito na ang normal na bilang ng customers sa madaling araw. Umupo ako sa stool na hinatak ko papunta sa counter. Sinimulan ko nang bilangin ang pera ko sa kaha at itabi ang fund na iiwan ko para sa next crew na papasok ng five o’ clock. Nasakasalukuyang pagbibilang ako nang tumunog ang maliit na bell na nakasabit sa may pintuan, tumutunog ito sa tuwing may papasok na customer sa pintuan. “Good morning Ma’am,” bati ko sa babaeng pumasok. Nakasuot ito ng isang itim na hoodie jacket, puting skinny jeans at puti rin na sneakers. Dire-diretso itong naglakad at naghanap ng bakanteng mauupuan. Umupo ito sa dulong bahagi ng dining kung saan madalas ding nakapwesto ang regular customer namin na si Ma'am Eunice. Tumingin ako sa labas. Madilim pa ang paligid ngunit napansin kong bahagyang basa ang ilang bahagi ng kalsada maging ang salamin na pader ng aming shop. Mukhang umuulan sa labas. Lumabas ako ng counter upang ayusin ang doormat sa may pintuan. Pinagbuksan ko ng pinto ang tatlong customer na magkakasabay na lumabas, hindi na ako nagulat pa dahil magkakasama rin naman itong pumasok kanina. Dala ang ballpen at papel ay lumapit na ako sa nag-iisang customer sa dulong bahagi ng dining upang kunin ang order nito. “Magandang umaga, Ma'am. May I take your order?” bungad na bati ko habang inihanda na ang hawak na ballpen at papel. Tinanggal nito ang suot na hood sa ulo at humarap sa akin. Bahagyang naniningkit ang mga mata nito, mapula ang mga labi maging ang pisngi dahil sa tisay na kulay nito. “Good morning, one doppio expresso please,” tugon nito at ngumiti. Nahigit ko ang sariling hininga dahil sa ginawa niyang pagngiti. “Okay ka lang?” Kaagad akong tumango. “Pasensiya na wala kaming doppio expresso, nasa menu board ang available na inumin at makakakain.” Yumuko ako at tumalikod. Malalim akong bumuntong hininga. “Ang ibig kong sabihin ay double expresso.” Humarap akong muli sa kaniya nang marinig ko ang sunod niyang sinabi. Nakaramdam ako ng kung ano sa dibdib nang makitang hanggang ngayon ay nakangiti pa rin ang kaniyang labi. “Double ang ibig sabihin ng ‘doppio’,” ani nito at naglaho ang ngiti sa labi. Naging seryoso ang mukha nito habang nakatitig sa akin. Tumikhim na lamang ako at tumango, isinulat ko sa sticky notes na hawak ang orded nito bago magtungo sa loob ng kusina upang ibigay ang sticky notes sa kitchen na siyang gagawa ng order. Wala naman nang sunod na customer ang pumasok kaya naman bumalik na lamang ako sa pagbibilang ng pera sa kaha. “Double expresso out,” sigaw ni Jerico na siyang naka-duty sa kitchen at gumagawa ng mga order. Mapapadalas na siya at si Leo ang makakasama ko sa night shift. Nagsimula nanaman kasi ngayong araw na mailagay ako night shift dahil iilan lang kaming lalaki na crew ng shop. Napagdesisyunan ng aming mga managers na ilagay sa duty ng gabi ang mga lalaki at sa umaga naman ang mga babae. “Ken, i-serve mo na.” “Ah, oo,” maiksi kong sagot at kinuha ang papercup ng double expresso at ipinatong sa isang tray. Muli ay lumabas ako ng counter upang ihatid ang order ng nag-iisa naming customer ngayong oras na ito. Ito ang unang pagkakataon na nakaramdama ako ng kung anong pagkailang sa isang bagong customer. Maganda ito at palangiti ngunit sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay nakaramdaman ako ng awkwardness nang maglaho ang ngiti sa labi nito at maiwan ang seryosong mga mata ng babae. Weird! Inilapag ko ang order nito sa lamesa at mabilis na yumuko. “Orders completed, Ma'am.” Ngumiti itong muli at nagpangalumbaba sa lamesa. Nahawi ng kaniyang mga mata ang suot kong nameplate. Napalunok ako ng sariling laway at naiilang na tinakpan ang suot kong nameplate. “Maraming salamat Ken,” banggit niya sa pangalan ko nang mabasa ito. Tumango ako at nag-iwas ng tingin. “Hi Ken, you want to go for a ride? Jump in,” wika nito habang natatawa na siyang hindi ko naiintindihan kung bakit. Napakamot ako sa batok ko at dalawang beses na napabuntong hininga. “I’m a barbie girl, in a barbie world...” Nang kumanta siya sa mahinang boses habang inaayos ang inumin ay doon ko lang naintindihan ang mga pinagsasasabi niya. She's singing Barbie Girl’s song by Aqua. Isa sa paboritong kanta ni Kate na lagi kong naririnig sa bahay. Narinig kong muli ang mahina niyang pagtawa. “Mauna na po ako.” Makailang ulit na akong bumuntong hininga. Bumalik ako sa counter at tuluyang binilang ang laman ng kaha. Nang tumunog muli ang bell sa may pintuan ay napatingin ako doon, nakita kong kumaway si Emilie sa akin. Isa siya sa katrabaho ko at siya ang papalit sa akin sa kaha. Tumango ako at bumalik sa pagbibilang ulit. Inantay kong mag-ala singko ng umaga at tuluyang pumasok si Emilie sa counter bago ako tuluyang umalis sa pwesto. Nagtungo ako sa crew room at nagbihis. Sinaglit ko lamang ang pagpapalit ng damit matapos ay dumiretso na ako papalabas ng shop. Hindi ko na hinintay pa si Jerico dahil siguradong may daraanan pa ito bago umuwi, at isa pang dahilan ay hindi kami pareho ng ruta pauwi. Napahinto ako sa labas ng pintuan ng coffee shop nang mapansin kong malalaki na ang patak ng ulan na bumubuhos sa kalsada. Nasa likurang bahagi pa ng parking ang motor ko kaya naman siguradong mababasa ako kung tatakbuhin ko ang papunta doon at aayusin ang kapote ko. Siguro ay patitilain ko na lamang muna ang ulan. Umusog ako sa gilid nang bumukas ang pintuan ngunit hindi ko na tinignan pa kung sino ang lumabas. Pinag-ekis ko ang braso ko sa dibdib nang maramdaman kong malamig ang simoy ng hangin kahit na nakasuot na ako ng isang leather jacket. “Wala ka bang payong?” Hindi ko na nakuha pang lingunin ang nagsalita. Iisa palang naman ang customer namin mula kanina, isa pa ay makailang ulit ko nang narinig ang boses niya kanina pa lamang. I even heard her sang. “Wala ho,” maiksi kong tugon at nanatiling nakatingin sa malayo. Katulad ng nararamdaman ko kanina habang kausap siya ay ganoon ulit ang naramdaman ko. Magkahalong awkwardness at difficulties ang nararamdaman ko, datapwa't hindi ito ang unang pagkakataon na kinausap ako ng isang customer. Hindi ko maintindihan, pero lubha siyang kakaiba. “Tag-ulan ang pinakaayaw kong panahon. Bukod sa basa at malungkot ang paligid, nalulungkot din ako,” seryoso ito habang binabanggit ang mga salitang iyon at nakasuot ang dalawang palad sa magkabilang bulsa ng jacket. Tumingin ako sa kaniya at tumitig sa naniningkit niyang mga mata. Tumikhim ako at pinigilang matawa nang malapad siyang ngumiti. Isinuot niya sa ulo niya ang hood ng suot na jacket. Bumalik sa seryoso ang mukha nito. “Paalam Ken.” Iwinagayway pa niya ang kaniyang palad bago patakbong sumugod sa ulan suot ang makapal na hoodie jacket nito. “Masiyado siyang malalim,” bulong ko sa sarili ko at napailing na lamang. Nag-angat ako ng tingin sa langit, napakalakas pa rin ng ulan. Papasok na lang muna ako sa loob. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD