“BAKIT NAMAN biglaan, Ken?” Pinanood ni Thoie ang lalaki sa ginagawa nitong palilinis ng sasakyan sa garahe. Ito ang gagamitin nila bukas. Naisip niyang mamaya na lamang mag-aayos ng kaniyang gamit datapwat bukas sila nang madaling araw aalis. “May problem aba, Ken?” Nag-aalala siya paa rito, kilala niya ang lalaki. Hindi ito pabigla-bigla kung magdesisyon, kaya naman talagang naninibago siya ngayon. Ibinaba nito ang sponge na hawak sa isang baldeng puno ng bula. Humarap ito sa kaniya. Ang mga mat anito ay mayroong nais sabihin na hindi niya mawari. “Marami lang akong iniisip ngayon, pakiramdam ko kailangan kong magpahinga.” Malalim itong bumuntong hininga at bumalik sa ginagawa. Ang bawat pagbuntong hininga nito ay kaniyang nasasaksihan, kanina niya pa ito pinanonood. Tiyak ngang may ma